Chereads / Twilight Promises / Chapter 7 - 6

Chapter 7 - 6

Habang tumatakbo ay dala dala ko ang mga paper works na ginawa ko kagabi dahil ngayon na ang submission ayon kay Sir. Baltazar. Halos hingalin na ako sa pagod kakatakbo huwag 'lang akong ma late ngayon dahil may pagka masungit pa naman ang professor ko, nakakahiya 'kung mapapagalitan ako sa harap ng klase.

Hindi ko maiwasan ang mapaikot ng mga mata dahil anong oras na 'rin ako nakatulog kagabi para matapos lang ang research ko, pasalamat na lang talaga ako at naisipan akong gisingin ni Inay kanina at syempre nakarinig muna ako ng sermon na kesyo baka ma late daw ako ngayon. Oh well, mother knows best talaga. Natapos ko na 'rin ang unang taon sa kolehiyo at nasa pangalawang taon na ako, dalawang taon na lang ay matutupad na ang pangarap namin ni Itay. Yes!

Saktong pagliko ko mula sa pasilyo ay nakita ko na lamang ang sarili ko na nakasalampak sa sahig dahil sa nakabungguan ko. Nakanganga ko na lamang tinignan ang mga pinagpuyatan 'kong activity habang nahuhulog ang mga papel sa sahig dahil nabitawan ko ang mga ito.

"Shit. I'm so sorry, miss. Are you okay?" Agad na tanong ng nakabungguan ko. Mabilis 'kong pinulot ang mga papers na na sahig. Daglian 'kong sinipat ang orasan ko. Shocks, Kailangan 'ko nang magmadali dahil late na ako!

"Okay 'lang sige. Mauuna na ako." Dahil sa pagmamadali ay hindi 'ko na nabigyan ng pansin ang taong nakabungguan ko at mabilis na naglakad pagkakuha ko ng mga papel.

"Miss wait!" Sigaw ng lalake. Winagayway 'ko lang ang kamay ko tanda ng pamamaalam. Wala na akong oras makipag chismisan!

Pagkadating 'ko sa pintuan ng room 'ko ay huminga muna ako ng malalim dahil naririnig 'ko na ang discussion ni Sir. Baltazar. Napakagat tuloy ako sa labi dahil sa kaba paniguradong mapapagalitan ako nito. Nang handa na akong pihitin ang pinto ay may biglang nagsalita sa likod ko na siyang nagpagulat sa akin.

"Miss hindi ka pa ba papasok?" Tanong niya at ganun na lang ang gulat ko na ang lalakeng nakabungguan ko ay ang lalakeng nasa tabi 'ko ngayon base na 'rin sa boses niya.

"P-pasok na." Saad ko at ito na ang kusang nagbukas ng pinto. Napapikit na lang ako sa kaba dahil nang bumukas ang pinto ay katahimikan ang sumalubong sa amin.

"Bakit ngayon lang kayo?" Masungit na tanong ni Sir. Baltazar. Mabilis akong binalingan ng lalakeng nasa tabi ko. Kumurap kurap ako ng wala akong mahanap na sagot.

"A-ah ano kasi S-sir." Putol putol na sabi ko. Shocks, nakakahiya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung hindi ko lamang nakabangga itong lalaki na 'to eh di sana ay hindi ako male-late. Mabilis 'kong tinignan ng masama ang lalaking nasa tabi 'ko nang marinig 'ko itong natawa. May gana pa siyang tumawa ngayon!?

Tumikhim muna ito bago sumagot kaya nabaling sakanya ang tingin ni Sir. "I'm sorry Sir if we are late. I got lost and the lady beside me guided me going here. Hindi na ho mauulit." He politely said. Did he jus lie just to save my ass?

"Who are you?" Mr. Baltazar asked.

"I'm Trevor Yves Gonzaga one of your irregular students." Pagpapakilala niya. Tumango si Sir at pinapasok na kami. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Ang akala ko ay may sasabihin pa siya.

"Miss dito na 'lang tayo." Prisinta niya at nakita 'kong itong dalawang bakante na lang sa may bandang likod ang pwede naming upuan.

"O-okay. Thank you." I politely said. Mukha naman siyang harmless.

"Anong pangalan mo miss?" Bulong niya nang makaupo kami. Napatingin tuloy ako sakanya at mabilis naman niya akong nginitian. He caught my attention because of his monolid eyes.

Natawa tuloy ako dahil ang angas ng dating niya pero ang cute naman tignan ng mga mata niya. Naka rugged look kasi ito. He's wearing a black leather jacket and there's a white shirt underneath. He's manly.

"Pinagtatawanan mo bo ako miss?" Naka kunot niyang tanong. Binalingan 'ko muna nang tingin Sir. Baltazar bago sumagot. Okay, safe. Magtatanong na 'lang siguro ako kay Emery mamaya dahil wala na akong maintindihan sa pinag aaralan nila dahil sa pagiging late 'ko ngayon at sa kadaldalan ng lalaking nasa tabi ko. Mabilis naman akong sinilip ni Emery dahil nasa harapan ito at nginitian. I smiled back.

"Hindi." Sabay iling 'ko. "Ako nga pala si Ire- Idahlia Renee." Pakilala ko gamit ang buo 'kong pangalan.

"Nice name." Bulong niya at hindi 'ko na lang siya pinansin at nakinig na sa aralin.

"You have until 3PM today to submit your research. The class representative will collect them and give it to me. That's all. Class dismissed." Anunsyo niya at doon lang kami nakahinga ng maluwag, hindi lang kasi ako ang natatakot sakanya kundi ang buong klase namin.

Nalaman 'kong dalawang subjects ko pala magiging kaklase si Trevor dahil pagdating ng 11am class ay pumasok ulit ito sa room namin at naging magkatabi kami ulit. Nang matapos ang morning class ay mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase 'ko kaya inayos 'ko na 'din ang gamit ko.

Agad na kumunot ang noo 'ko nang mapansin 'kong hindi gumagalaw ang katabi ko kaya pasimple 'ko siyang tinignan pero mabilis 'ko din ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata 'ko nang nakita 'kong nakatingin na pala ito sa akin.

Nang sipatin 'ko ulit siya ay nakita 'kong nakangisi na ito. What the hell? Para kaming tanga dito.

"Is there something funny?" I abruptly asked. Hindi 'ko maiwasang mapasimangot dahil sa klase ng tawa niya. Parang tunog na nang aasar kasi ito.

"Woah, chill Dahlia. I'm harmless." Sabi niya habang nakataas pa ang dalawa niyang mga kamay.

"Tss." Yun lang ang sinagot ko at mabilis nang tumalikod sa kanya. Nakakagutom ang pagtakbo 'ko kanina kaya pupunta na ako sa cafeteria.

Ako lang mag isa dahil nag text sila Sab and Siena na may group lunch sila ng mga kaklase nila ngayon habang si Marcus ay hindi ko alam 'kung saan nagsusuot dahil hindi man siya nag rereply sa mga texts ko. Kainis, wala tuloy akong kasabay kumain.

"Hey wait!" Habol niya pero hindi ko siya pinansin at nag tuloy tuloy 'lang ang lakad 'ko.

"Ang sungit mo naman. May itatanong lang ako." Pagpapatuloy niya kaya napahinto na ako dahil sa kumento niya. Okay, wala naman siyang kinalaman sa pagiging bad trip 'ko ngayon dahil 'lang sa hindi ako nirereplyan ni Marcus kahit sampung beses 'ko na siyang tinext. Wala naman akong rason para idamay siya diba!? Ugh. I hate you sometimes mahal na hari.

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya at ngumiti.

"I'm sorry it's just that I was having a bad day." Pag amin ko gamit ang maliit na boses. Tulad nga ng sabi ko at sabi niya ay mukha naman siyang hindi gagawa ng masama.

"It's okay. You're pretty when you smile."

"Are you hitting on me?" I asked. Ngumisi siya.

"Papa landi ka 'ba?" Bawi niya gamit ang seryosong boses at mabilis akong nasuka sa sinabi niya.

"Eww." Kumento ko at nagsimula na ulit maglakad habang nakasunod siya sa likod ko.

"Huh? Ganda ka gorl?" Natawa ako sa sinabi niya kaya siya 'rin ay natawa na lang.

"Of course." Ganting sabi ko. "Tell me you're pretty without telling me you're pretty." Biglang sabi niya kaya naman napatingin ako sa gawi niya at sumagot. "How?"

"Just be Idahlia Renee." He answered. Kaya hindi 'ko mapigilang mapahagalpak ng tawa.

"Grabe. Ang dami mong alam." Kumento ko at nagkwentuhan na 'lang kami papunta sa cafeteria at napag desisyunan niyang kumain na 'rin. Mabilis 'lang kaming nakahanap ng mauupuan ang kaso ay halos pang dalawan na lang ang natira dahil may mga nakaupo na sa ibang upuan bali ang nasa tabi ng lane namin ay ang pang tatluhan na lamesa na puno na 'rin.

Sabay na kaming pumila para bumili ng pagkain, mabilis 'lang naman kami nakabili dahil halos lahat ay kumakain na. Sayang nga 'lang ay hindi matitikman ni Trevor ang lutong pagkain ni nanay dahil hindi na ako nakapag baon dahil sa pagmamadali 'ko kanina.

"So... What are you taking?" Tanong niya habang gumagawa siya ng sawsawan gamit ang calamansi at toyo. Porkchop kasi ang napili niyang ulam habang ako naman ay lenggua.

"College of education major in English. Ikaw?" Pagkatapos ay sumubo na. "Law." He simply said. Tumango lang ako at nagtanong muli.

"Bakit law?" Biglang tanong ko. Hindi naman ako chismosa niyan eh no?

Hindi nakaligtas sa mga mata 'ko kung paano huminto ang mga kamay niya sa pagsubo dahil sa tanong 'ko.

"Trip 'ko eh." Sagot niya 'lang at nagkibit balikat na 'lang ako sa sinabi niya. Kahit may pagka chismosa ako ay marunong naman akong makiramdam 'kung hanggang saan lang dapat ang pagiging chismosa ko.

Nagkwentuhan na 'lang kami ng mga bagay bagay sa SCU at napag alaman 'kong nag shift pala siya ng course dahil ang una niyang kinuha ay HRM. I wonder what made him change his course. Tinignan 'ko muna siya at nakita 'kong maaliwalas na ang kanyang mukha.

"Buti dito mo naisipang lumipat ng school?" Chismis 'ko ulit. Shocks, sorry, nahahawa na ata ako kay Sab.

He frown.

"Alam mo sa isang maganda napaka chismosa mo." Kumento niya habang natatawa. Tsk, akala 'ko ay makakalusot.

Sasagot na sana ako nang nakita 'kong papasok sila Marcus habang nasa likod niya sila Lander. Nakita 'ko pa kung paano bumati si Lander sa mga estudyanteng bumabati sakanila habang si Xander ay naka poker face lang, medyo nasasanay na 'rin ako sa pagiging masungit ni Xander habang si Marcus ay ngumingiti 'rin pero parang medyo naka kunot ang kanyang mga kilay.

"Hoy! Natulala ka na diyan." Biglang sita ni Trevor kaya napatingin ako sakanya. " Ano ba 'yung tinitignan mo?" Usyuso niya.

"Wala. Kumain ka na lang. Isa ka 'rin palang chismosa eh." Saad 'ko at tumingin sa gawi nila Marcus ulit habang umiinom.

Bigla akong nasamid dahil sa iniinom ko dahil nakatingin na pala si Marcus sa bandang gawi namin at alam 'kong sa akin siya nakatingin dahil nang mapatingin ako sakanya ay biglang tumaas ang isa niyang kilay. What the hell? Anong inaarte arte niya diyan eh siya itong hindi nag rereply sa mga texts ko, mabilis ko siyang pinaikutan ng mga mata at halos matawa ako dahil sa pagka gulat niya dahil sa ginawa ko.

Tatawa na sana ako nang maramdaman 'kong may humagod bigla sa likod ko at nakita 'kong si Trevor pala iyon.

"Ayos 'ka lang ba Dahlia? Bigla ka kasing nasamid." Saad niya at tumango lang ako sa sinabi niya.

"Oo ayos lang ako. May nakita 'lang kasi akong nakakatawa." Saad 'ko at pasimpleng tinignan uli ang lugar nila Marcus at sabay na kumunot ang mga kilay 'ko nang makita 'kong wala na si Marcus sa pwesto niya. Saan nagpunta 'yon?

"Sure ka?" Trevor asked. Nakita 'ko kung paano dumaan saglit ang pag aalala sa mga mata niya nang tignan 'ko siya.

"O-oo it's no big deal. Ayos na talaga ako." Pag a-assure ko at doon lang siya nakahinga nang maluwag dahil sa biglang pagbagsak ng mga balikat niya na parang nakarinig ito ng isang magandang balita.

"The lady just confirmed that she's okay. Pwede mo na sigurong alisin ang kamay mo sa likod niya." King interrupted.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trevor as Hwang In Yeop

Thank you! =>