Maraming mga studyante ang naunang nag perform bago ako, hindi pala biro ang ganitong pakiramdam lalo na at hindi naman ako sanay na humarap sa maraming mga tao. Nakaka intimidate ang mga ibinibigay na performance ng mga gustong mapasali sa music club. Lahat sila ay halata mo na pinaghandaan nila ang araw na ito pero bago 'yun ay may narinig muna akong sinabi ng isang estudyante na tiyak daw na makakapasok agad ako kahit hindi na daw ako mag perform dahil sa ginawa ni Marcus kanina.
Like hello? Eh hindi ko nga alam na nandito ang mahal na hari, nang tignan ko ang nagsabi 'nun ay mabilis niya lang ako pinaikutan ng mga mata. Ts, hindi ko kailangan ng kahit anong suhol para makasali ako sa music club. Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ng kapwa ko freshman marahil tulad ko ay kinakabahan 'din siya ngayon.
Second to the last ako sa mag pe-perform at ramdam na ramdam ko na ang butil butil na pawis sa noo ko. Bali ang pwesto ng mga magpe-perform eh nasa harap mismo ng classroom at nakaharap sa akin ang mga seniors na parang mga judges, at nasa likod naman ang mga ibang estudyante na nais manood kasama na sila Marcus 'doon.
Nang matapos na ang freshman na kasunod ako ay mabilis akong napapikit dahil sa nerbyos. Lord, hindi ko muna kailangan ng nerbyos ngayon, kailangan ko ng maraming lakas ng loob. I need this performance. Kailangan 'kong mapahanga ang mahal na hari, kailangan 'kong makita niya na hindi 'lang ako pang best friend lang. I can be his girl and in order for him to see that, kailangan 'kong pumasok sa mundo niya.
Saktong pag dilat ng mga mata 'ko ay nakatingin na sa akin si Marcus mula sa kumpol ng mga estudyante at seryoso niya akong tinitignan gamit ang seryoso niyang mga mata. I know that after this performance something will definitely change and that is my first step. I need to break this curse chain. The best friend chain.
Marcus mouthed something and I easily got what he said. Fighting, he said, yes I will fight my feelings for you, mahal na hari. Mabilis lang akong tumango bilang sagot at handa na para sa performance ko.
"Next, Idahlia Renee Torres Bernado." Anunsyo ng isang babaeng senior base na 'rin sa suot nitong ID na itim at blue naman sa amin bilang freshmen.
Huminga muna ako ng malalim at binalingan ang mga kaibigan ko. Sab cheered loudly kaya sinita siya ng mga senior. I smiled. Habang si Siena naman ay tinaasan lang ako ng kilay at kumindat, grabe talaga 'tong babae na 'to ramdam na ramdam ko ang pagiging supportive niya. Habang sila Lander at Xander naman ay abala sa pakikipag kwentuhan sa mga ibang estudyante.
Pinili 'kong hindi tignan si Marcus at lumapit na ako sa videoke upang i-insert ang kantang napili ko. I've practiced this song many times these past few weeks. Siena knows kung kanino ko idine-dedicate ang kantang ito, nagulat pa nga ako na alam na niya agad ang pag hanga ko kay Marcus dahil wala pa naman ako sinasabi sakanya kahit ano at sinabi niya lang na masyado daw akong halata sa feelings ko at bulag 'lang daw ang hindi makakita. I wonder if Marcus notices my feelings as well.
Kung ang iba nga ay nakikita, paano pa kaya siya? Or baka naman he just chooses to ignore it?
Nang magsimula na ang kanta ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin na mas lalo pang nakadagdag sa nerbyos ko. Lord, huwag lang po ako mapahiya ngayon ipinapangako 'kong hindi ko na aasarin si Rochelle at nang queue ko na para sambitin ang unang stanza ay mabilis na hinanap ng mga mata ko ang rason kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.
Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon pero alam 'kong mas lamang ang nararamdaman kong paghanga para 'kay Marcus. I stare at him like he is my source of strength and I was taken back because of the intensity of his gaze.
~I'd never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
'Til you opened the door
And there's so much more
I'd never seen it before
I was trying to fly, but I couldn't find wings
But you came along and you changed everything~
Napapikit ako ng maalala ko ang araw na nasaktan ako dahil sa sinabi ni Marcus. Yung araw na umiyak ako dahil hindi ko lang nakuha ang gusto 'kong laruan. We were in high school back then at isa ang pamilya namin sa naimbitahan sa napakalaking mansion nila Marcus dahil kaarawan ng kanyang daddy na si Tito Miguel. He was dashing with his black tuxedo na animoy lumabas ito galing sa isang manga at nagkatawang tao, upang nakawin lang ang mga puso ng mga kakabaihan.
He is damn gorgeous and he knows it but he is too humble to brag it, and that is one of his traits that I love about him.
~You lift my feet off the ground, spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
Am lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier ~
I chose to wear my one and only dress that my Itay bought for me. I even put a slight make up to make my look presentable for the guests but in the end they've just ruined because of my tears.
"Hi, ninong." Masiglang bati ni Marcus sa bisita ng kanyang daddy. Hindi ko ba alam kay Marcus, pati ako ay hinila niya para batiin ang mga bisita nila.
"Marcus!" His ninong exclaimed. Nagkamay muna ang dalawa bago ako binalingan ng tingin ng ninong niya. He's kinda scary.
"How have you been, ninong?"
"I'm good, iho. What about you?" His ninong smiled warmly. Okay, I take it back. He's not that scary naman pala kaya tuluyan na akong napangiti.
"I'm great! Thank you nga po pala sa pagdalo sa munting salo salo ni daddy." Marcus politely said while his ninong gazed at me, kaya hindi ko maiwasang mailang.
"Walang anuman. Salamat 'din sa paanyaya. Aba'y binata ka na pala Iho. Girlfriend mo na ba itong magandang binibini na nasa tabi mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng ninong niya. Marcus chuckled and he looks straight into my eyes.
What?
Mabilis na umiling si Marcus at natawa dahil sa tanong ng ninong niya sakanya. Animoy nakarinig ito ng isang nakakatawang biro. I look away at mabilis kong binasa ang mga labi ko para itago ang hiyang nararamdaman ko.
Bakit ba ako nasaktan dahil sa itinanggi ako ni Marcus na girlfriend niya samantalang yun naman ang katotohanan. Oh, kasi umasa ako na mas higit pa 'roon ang pwedeng mamagitan sa amin ni Marcus?
"No, ninong. Ito nga po pala si Irene kababata ko at nag iisang best friend ko dito, para ko na siyang nakakabatang kapatid. Hindi ko ho siya girlfriend." He proudly introduced me to his ninong while he was smiling.
Please, stop. You're not my brother. Ako lang ang panganay ni Itay.
Then he pat my head like I have done something good.
~I watched from a distance as you
Made life your own
Every sky was your own kind of blue and I wanted to know
How that would feel and you made it so real
You showed me something that I couldn't see
You opened my eyes and you made me believe
You lift my feet off the ground, spin me around~
Nang idilat ko ang mga mata 'ko ay nakita 'kong wala ng emosyon ang mga mata ni Marcus hindi katulad kanina. Pinagpatuloy ko ang aking kanta. Bawat letra at bawat salita ay sana nakuha niya ang nais 'kong iparating.
~You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling...~
Pagkatapos 'kong kumanta ay kinailangan 'ko pang tumikhin upang kunin ang pansin ng mga seniors na 'tila na estatwa.
"Hmm. H-hello?" Tanong ko gamit ang maliit na boses.
Ngayon 'ko lang na realized ang pinag gagawa ko kanina. Shocks, may papikit pikit pa ako at nang balingan ko ng tingin ang mga kaibigan ko ay halos nanlalaki ang mga mata nila. Maliban kay Siena na naka ngisi sa akin, madalas kasi siyang bumisita sa bahay dahil nasa kabilang kanto 'lang ang bahay nila at siya madalas ang kasama 'kong nag pa-practice sa kwarto ko.
"That was... great." Kumento ng isa sa mga seniors.
"You're in!" Anunsyo nung medyo blonde ang buhok sabay ngiti sa akin. Agad naman akong nagpasalamat at patakbong lumakad sa lugar nila Sab.
"Yes!" Landon shouted.
Marcus automatically open his arms to embrace me. Siguradong namumula ang mukha ko na parang kamatis dahil sa hiya. Hindi ako makapaniwala na nakuha ako at mas lalong hindi ako makapaniwala na kaya 'kong ihayag ang nararamdaman ko kay mahal na hari sa ganoon na paraan. Dahil sa hiya ay isinubsob 'ko ang mukha ko sa dibdib ni Marcus. He just chuckled.
"Ang galing mo panget." Bulong niya. Para sayo 'yun.
"Nakakahiya." Sagot ko.
"Wala 'kang dapat ikahiya. Mahihiya si Taylor Swift sa ganda ng boses mo kanina. Mana ka talaga sa akin, panget." He teased at napatawa na lang ako.
Marcus and his words.
"Wala 'bang pakain diyarn?" Biglang singit ni Siena. Natawa na lang kami ni Marcus.
Bandang huli ay napag desisyunan namin na kumain sa pinaka malapit na fast food chain sa SCU dahil pa gabi na 'rin at siguradong naghihintay na sila Inay sa bahay. Sumabay ako kay Marcus habang si Siena naman ay napilitang sumakay sa ducati ni Xander at si Sab ay ganun dahil parehas na naka ducati ang dalawa.
Dapat sa amin sana sila sasabay kaso ang sabi ni Marcus ay puno ng gamit ang back seat niya kaya halos ngumawa ang dalawa. Natawa na 'lang ako sa sinapit nila, paniguradong puro bangayan na naman ang mangyayari sa kanila.
Nang makadating kami sa loob ng fast food chain ay agad na naghanap ng pwesto sila Sab kaya naman kami na ni Marcus ang pumunta sa counter para mag order ng pagkain. Akmang kukunin 'ko na ang wallet 'ko upang magbayad ay mabilis akong sinita ni Marcus.
"Ako na magbabayad."
"Edi don't." I snorted out and he just glared at me.
Pagkatapos naming kumain ay naunang nagpaalam si Sab dahil may kailangan pa 'raw itong bilhin sa mall kaya nag pa sundo na ito sa driver niya habang si Siena naman ay nauna 'rin dahil tinawagan na siya ng ate niya, habang sina Lander at Xander ay bumalik sa campus dahil may nakalimutan daw na paper works kaya naman kami na 'lang ni Marcus ang naiwan.
Nag presinta ito na ihahatid niya 'raw ako sa bahay. Pumayag na ako dahil nakakapagod 'din ang buong maghapon. Nang makadating kami sa bahay ay nadatnan ko si Itay na nag aabang sa may bandang terrace habang nagkakape. Mabilis kaming nag mano tanda ng pag galang.
"Magandang gabi iho, buti napadaan ka?" Bati ni Itay sabay tayo.
"Hinatid ko lang po si Irene tito kumain kasi kami sa labas kasama nila Xander at Sabrina kanina." He said habang nakalagay ang kamay niya sa harap. Para tuloy ang kaharap niya ang presidente ng Pilipinas.
"Ganun ba, sakto nag hahanda na ng hapunan ang tiya mo. Dito ka na mag hapunan." Suhuwestiyon ni Itay.
Napakamot lamang ng batok si Marcus dahil sa sinabi ni Itay.
"Naku tito gustuhin ko man kaso maaga ako pinapauwi ni Mommy ngayon." Nahihiyang imporma ni Marcus
"Ganoon ba, osya marami pa naman ang susunod. Mag iingat ka na lang magmaneho at pagabi na. Irene, anak ihatid mo na itong si Marcus. Mag iingat ka ah iho." Tumango lang ako bilang sagot.
"Opo tito, salamat sa pa dinner." Natatawang sabi ni Marcus. Nauna na akong naglakad dahil susunod naman ito panigurado.
Nang makalabas kami ay humarap ito sa akin, ngumiti muna ako bago nagsalita.
"Bakit mahal na hari?" Tanong ko.
Bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero mabilis niya 'rin itong isinara. I frown.
"Nevermind. Una na ako panget." Paalam niya. Ang akala 'ko naman ay may sasabihin pa ito.
"Sige salamat nga pala sa araw na 'to." Sabi ko habang nakangiti and he stared me for a minute.
"Don't..." He said out of nowhere.
"H-huh?"
"Don't smile like that in front of other men except me." He commanded at mabilis itong sumakay sa sasakyan niya pagkatapos at pinaharurot ito ng mabilis.
What did he say?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you =>