Totoo nga pala talaga ang kasabihan ng mga matatanda na hindi lahat ng bagay ay makukuha mo. Naalala ko pa noon nung bata ako na kapag mayroon akong gustong gusto na laruan ay si Itay ang magpupursigi upang makuha at maibigay niya ito sa akin, kaya lagi akong napapagalitan kay Inay noon na kapag may gusto daw ako ay kailangan ko muna itong paghirapan bago makuha. As I grow, naiintidahan ko ang pinupunto ni Inay. Siguro kung pwede 'ko lang na sabihin kay Marcus na gusto ko siya ay sinabi ko na para tuluyan na siyang maging akin but I know that the feeling is not mutual. I knew from the very beginning that the relationship that we have is just platonic love.
It's hard. Sobrang hirap pala na makita na ang taong gusto mo ay hindi mo makuha ng ganun kadali kahit na lagi mo lang siyang nakakasama at nakakausap. When you are taking your first step to get him yet he is giving you ten reasons to stop.
I keep on reminding myself na lilipas 'din itong nararamdaman ko balang araw, na mapapagod 'din ang puso ko kakaasa na mapapansin niya ako bilang isang babae at hindi na best friend niya lang but in real life ay hindi pala ganun iyon kadali dahil sa bawat araw na dumadaan ay mas lumalala pa ang nararamdaman ko para sakanya. It is like a disease that is incurable. I like Jacques Marcus King and I hate the fact that I can't help myself to like him more.
"Hoy!" Biglang bulong ni Sienna sa tenga ko.
"H-huh?" I spaced out.
Siena just crossed her arms at pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay.
"I-I'm sorry. May iniisip lang ako." Pagdadahilan ko at pilit na inaaral ang mga notes ko sa English lit.
Nandito kami ngayon ni Siena sa may library ng SCU upang mag aral ng mga notes, tatlong linggo na 'rin ang lumipas nang mag umpisa ang klase. Hininhintay kasi namin si Sab. Ngayon na kasi ang registration para sa music club dahil nag announce ito noong unang unang linggo ng klase na postponed muna ang registration sa mga gustong sumali dahil may inaayos pa daw ang mga seniors.
Ang una 'ko talagang tinext upang magpasama ay si Marcus upang siya na lang ang makasama ko para puntahan ang building ng mga senior dahil nangako naman ito na sasamahan niya ako kapag registration day na, ang kaso ay hindi naman ito nag re-reply sa mga texts ko, kaya nang makita ko si Siena ay sakanya na lang ako nagpa sama and we ended up texting Sab too.
Madaling makagaanan ng loob si Siena dahil likas na ang pagiging mabait niya though may pagka mainitin nga lang ang ulo pero okay 'lang naman sa akin iyon dahil masaya naman siyang kasama.
"Kanina pa ako nagtatanong sa'yo kung ano ang ginawa mo kahapon, babae." Masungit niyang sabi but I know better.
"Kinakabahan 'lang talaga ako sa registration mamaya sa music club." Pag amin ko at napabuntong hininga.
"Totoo? Baka naman iniisip mo na sana si Marcus ang kasama mo ngayon? Oh well, babae your best friend has just ditched you." Prangkang tugon niya. Nawalan ako ng imik.
Siena is right. Mahigit sampung beses ko atang pinaalala kay Marcus na siya ang gusto 'kong makasama kapag magpapa register ako last week. Dahil ayon sa mga seniors ay kailangan mo munang magpakita ng talent sa music bago ka mapabilang sa club na iyon.
"Baka busy 'lang talaga si Marcus ngayon lalo na at member na 'rin siya ng student council." Saad ko. I felt that I also convinced myself on what I've said.
"Busy? Eh nakita ko pa lang siya kanina na nakikipaghuratan kay Xander sa may quadrangle bago kita pinuntahan sa room niyo." Mahabang lintanya niya. Nakarinig kami ng isang suway mula sa librarian. Ang lakas kasi ng boses ni Siena eh, nag zipper close sign na 'lang kami sa isa't isa.
I frown. Hindi naman siguro makakalimutan ni Marcus ang promise niya last week na sasamahan niya ako para mag pa register. Marcus is a man of words at hindi pa siya tumalikod sa mga sa salita niya. Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi ni Siena at sakto nang patayo na kami ay siya naman ang dating ni Sab.
"Oh my gosh! Girlbs, I'm sorry. Am I late?" Tanong niya gamit ang maliit na boses habang may bitbit itong tatlong baso na sa tingin ko ay may lamang fruit juice.
"Hindi naman girl, sakto lang. Uy ano 'yan? Penge naman." Siena commented at iniabot naman agad ni Sab ang fruit juice kay Siena.
"Here. Gosh, ang daming tao sa may stalls. Nakakainis kasi si Marcus eh! He asked me to buy some drinks tapos ang dami pa and my god I can't believe that guy! Talagang inutusan niya pa ako para dalhin lang sa building ng mga seniors ang mga pinabili niyang mga juice. This one is for you from Marcus." Mahabang lintanya niya at abot ng juice.
Mabilis akong binalingan ni Siena at tinaasan ng kilay habang umiinom ng juice. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Sab. Baka may meeting 'lang sila or whatsoever.
"Hey, are you alright?" Biglang tanong ni Sab kaya agad akong napatingin sa gawi niya. I smiled. I should not be feeling this way, hindi ko naman boyfriend si Marcus para magdamdam ng sobra dahil sa hindi niya lang pagtupad sa pangako niya pero ano man lang ba 'yung simpleng text na hindi siya makakapunta or what, hindi ba niya alam na may naghihintay sa kanya. I sighed.
"Yes, I'm okay Sab." Saad ko sabay ngiti. "Baka kinakabahan lang ako sa performance ko mamaya." Agad na kumunot ang noo niya. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sakanya ang napagdesisyunan kong gawin sa music club mamaya.
"Ah.. kakanta kasi si Irene mamaya girl, parang audition sa music club ganern." Siena explained habang sinisimot ang juice niya.
"OMG!!! I am excited. Let's go, let's go for sure makukuha ka niyan. I have a good feeling, right Siena girl?." Natawa na lang ako sa pagiging energetic nang dalawang babae na nasa harap ko. Sana maambunan ako ng energy nila.
Nang makadating kami sa building ng mga senior ay mas lalo lang nadagdagan ang kaba ko nang makita 'kong ang daming nagkukumpulan sa may room ng music club. Shit, bakit ang daming estudyante? Lahat ba sila ay gustong makasali sa music club?
"Girl, ba't ang dami atang tao?" Bulong ni Siena na aligaga sa pagtingin sa may room ng music club.
"Girl, hindi ko 'din alam ba't ang daming tao, magkasama tayo remember?" I sarcastically said at pinaikutan ko siya ng mga mata. "Oh sayo na nga ito." Pagtatapos ko sabay abot ng juice ko sakanya, baka kasi mamaos pa ako mamaya. Nakakahiya naman.
"Bad trip ka girl?" Bulong niya at mabilis naman niya itong kinuha. Siena and her food. Napangiti na lang ako.
"Girls let's go!" Aya ni Sab. Gosh, mas excited pa ito sa akin.
Nang tuluyan kaming makapasok sa room ng music club ang una 'kong napansin ay ang mga iba't ibang uri ng instrumento na pwedeng gamitin ng mga nais na mapabilang sa music club. Sa gilid nito ay nandoon ang isang videoke sa mga nais kumanta ng solo, at iyon na lang siguro ang gagamitin ko. Napatingin ako sa gawi ng mga seniors kung saan may mga estudyanteng nagpupulong at biglang nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong nahawi sa gitna at lumabas ang isang Marcus King kasunod nito sila Xander at Landon.
What the hell is he doing here? Hindi ba dapat nasa senior building siya ngayon? Oh shoot. Bakit ba nakalimutan 'ko na ang music club ay parte 'rin ng senior building.
"Oh ba't nakasimangot ka?" Saad niya nang tuluyan na itong nakalapit sa gawi. Naririnig ko pa ang mga hagikgikan ng mga estudyante na nakikiusyoso.
"Okay ladies, for those who won't register. You can leave now, because the registration will begin shortly." Anunsyo ng isang babaeng hindi katabaan sa may lamesa nang pagdadausan ng registration. Actually nasa lima ang mga babaeng seniors na akala mo ay mga judges sa isang singing contest.
"Oh, akala ko ba hindi ka makakapunta? Eh bat nauna ka pa dito mahal na hari?" Balik na tanong ko. Sumilay ang munting ngiti niya dahil sa sinabi ko. Oh shit, stop smiling mahal na hari. You're putting my heart in danger.
"Wala akong sinabi na hindi ako pupunta, panget." He shrugged. Mula sa malayo ay nakikita 'kong parating na si Sab habang nakasimangot.
"Hey cous! Were those the refreshments you've asked me to buy earlier?! Damn, ang layo layo ng nilakad ko then ipapainom mo lang sakanila?!" She angrily said. Banaling na lang ni Marcus ang tingin niya sa ibang direksyon at napansin ko ang pamumula ng mga tenga niya.
"Huwag kana magalit, Sabrina. Pinabili niya yun para suhol daw sa mga judges para siguradong makakapasok itong si Irene." Landon said at nasa likod niya lamang si Xander. Narinig kong napatikhim si Siena sa may bandang likod at nag umpisa na naman sila sa pagbabangayan nila.
Mabilis 'kong tinaasan ng kilay si Marcus dahil sa nalaman ko. Now, give me a valid reason why I shouldn't like Jacques Marcus King?
"What?" He asked.
"Juice pa more." Inis ko sabay ngisi.
"Tss. Sige biro pa panget, kapag ikaw hindi natanggap baka mag iyak pa more ka na lang diyan." Nakasimangot niyang saad.
"The registration will begin in three minutes. For those who signed, you may now come here." Shit! Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, hindi ko pa pala naisulat ang pangalan ko 'roon sa listahan.
"Ayan panget, late pa more. Huwag ka ng mag alala naisulat ko na ang pangalan mo 'don. Saan kaba nanggaling?" Isyuso niya at binigay niya sa akin ang hawak niyang juice, mabilis 'ko naman itong hinawakan.
"Sa may library nag review." Saad ko at halos huminto ang paghinga ko sa biglaang pag lapit niya.
"B-bakit?" Agad kong tanong sabay atras.
"Don't move." He whispered. Hindi ko napigilan ang mapapikit nang bigla niyang itaas ang kamay niya.
Naramdaman 'kong inalis niya ang reading glasses na suot ko mabilis 'kong idinilat ang mga mata ko. "There, much better." Saad niya. I composed myself. Shit, what am I expecting? Really, Idahlia Renee?
Sinamaan 'ko lamang siya ng tingin upang itago ang pagkapahiya sa ginawa kong pag pikit.
"Galingan mo ah? Ang sabi ko ay manok kita. Huwag mo 'kong ipapahiya ahh panget?" He playfully said.
"Watch and learn." Buong tapang 'kong sabi at hinamon ang tingin na binibigay niya.
He chuckled at pagkatapos ay pinitik niya ang ilong ko ng mahina. Napahawak tuloy ako sa ilong ko dahil sa ginawa niya.
"Sabi mo eh. Doon lang kami, panget. Kapag kinakabahan ka tingin ka lang sa gwapo 'kong mukha." Pinaikutan ko lang siya ng mga mata bilang sagot at tumalikod na sila sa akin. Hindi 'ko tuluy maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya.
"Saya ka girl?" Biglang bulong ni Siena sa gilid. Shit, nasa likod ko lamang pala siya magmula kanina.
"Tss. Doon ka na nga!" Inis 'kong sabi at binigyan niya lamang ako ng isang mapanuksong ngisi.
"Watch and learn ek ek." Pang gagaya niya sa akin gamit ang mapang asar na boses.
"Che!" Pigil ngiting sabi ko at nakita ko na itong ngumiti ng tuluyan. She's really a beauty, mapang asar nga lang.
"Good luck, girl. Kaya mo yan." Sabay kindat nito sa akin at pumunta na ito kung nasaan sila Marcus at Sab.
Can somebody tell me please kung paano ang hindi umasa sa mga ipinapakita niyang gestures? Paano ko pipigilan ang sarili ko na hindi hangahan ang nag iisang lalaking nakapasok sa sistema ko ng walang kahirap hirap? I know, I know, na dapat una pa lang ay nilinaw ko na ang nararamdaman ko para sakanya pero ano ang magagawa 'ko kung una pa lang 'din ay nilinaw na niya na hanggang pang best friend niya lang ako at wala ng hihigit pa doon?.
Naalala ko ang sabi ni Itay noon kapag nakikita niya akong umiiyak pagka galing niya sa trabaho kasi hindi nabili ni Inay ang ang gusto kong laruan sa bayan kapag sinasamahan ko siyang mamili. My father once said 'Kung hindi mo makuha sa santong paspasan edi akitin mo ang nanay mo para bilhin niya ito para sayo.' kaya naman kinabukasan ay maaga akong nagising at inunahang maglinis ng bahay si Inay at laking tuwa ko noon, dahil kauwi ni Inay galing bayan ay kasama na 'rin niya ang minsang hiniling 'kong laruan.
Kung hindi ko madaan si Marcus sa maayos na salita edi daanin natin sa akit. Law of attraction.