"Okay, class. That's all for today. See you again tomorrow."
Mrs. Timbol said at nagsitayuan na ang mga kaklase ko pagkalabas ng teacher namin. Natapos na 'rin sa wakas ang morning class at lunch na. So far, ay maayos naman ang naging klase at inintroduce lang ng mga professors ang mga subjects na pag aaralan namin. Habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa bag a y may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Hi!" Masiglang bati ng isa sa mga kaklase kong babae. Ang babae ay may kulot na buhok at mga bilugang mata, maganda 'rin ang kanyang pananamit.
"H-hi?" Alanganing sabi ko. Napansin ko na siya kanina pa lang dahil lingon siya ng lingon sa gawi ko habang nag didiscuss ang mga teachers. Ang akala ko nga kanina ay isa siyang weirdo dahil kapag nahuhuli ko siyang nakatingin ay saka naman siya iiwas ng tingin.
"You're beautiful." Kinikilig pang sabi niya. H-ha?
"I-I-m not! I am Idahlia Renee." Pakilala ko baka kasi akala niya ay pangalan ko ay beautiful lol.
"No silly! I mean you are really beautiful kanina pa ako hindi makapag concentrate sa klase kasi gustong gusto kong makita ang mukha mo." Agad na nanlaki ang mga mata ko. Don't tell me she's a Lesbian?.
"Hey! No no.. I'm not what you think. I am not lesbian. It's just that nagagandahan lang talaga ako sayo. By the way I am Emery Dizon." Nakangiti niyang sabi at inilihad ang kamay.
Ngumiti muna ako bago nakipag kamay. Wala naman problema sa akin kung isa man siyang lesbian.
"Nice to meet you, Emery."
"Gosh! You're so gorgeous." Ulit niya at doon na ako tuluyang nahiya dahil kanina niya pa ako pinupuri.
"T-thank you." "No worries! I think I need to go na. My boyfriend is waiting for me. Tabi tayo bukas ah?" She suggested and I just smiled. I think I just made a friend today.
Nakangiti akong naglalakad palabas dahil may bago na naman akong kakilala dito sa SCU. Nang saktong pagkalabas ko sa may quadrangle ay siya namang tunog ng cellphone ko kaya mabilis ko itong tinignan kung sino ang nag text.
From: Mahal na hari
San ka? Dito us Cafeteria.
Oo nga pala sa cafeteria kami ngayon kaya naman mabilis akong nag reply.
To: Mahal na ma hari
Okay. Coming.
Habang papunta sa cafeteria ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang buong SCU dahil sa taglay na kalinisan nito, kung sino man ang naka assign sa pag me-maintain ng kalinisan dito ay saludo ako dahil kahit na napakalaki nito ay naaalagaan pa 'rin ito ng maayos. Nang makapasok ako sa loob ng cafeteria ay ang masarap na amoy ang sumalubong sa akin, amoy cinnamon.
Hindi naman ako nahirapan na makita ang puwesto nila Marcus dahil nasa entrance pa lang ako ay nakita ko na ang pagkaway ni Sab habang naka ngiti. Grabe, hindi ba nauubusan ng energy ang babaeng 'to? Natawa na lang ako sa kakulitan niya, bagay silang magsama ni Rochelle dahil parehong hyper.
"Give me your bag." Ani Marcus nang makalapit ako sa lamesa nila at mabilis ko naman itong binigay sakanya pagkatapos ay ipinanghila na niya ako ng upuan upang makaupo. Pang animan ang upuan at nasa may bandang dulo kami, tabi ng bintana kaya naman kitang kita ko ang tanawin mula sa labas.
"Ano ang gusto mong kainin?" Tanong ng mahal na hari. Napansin 'kong lahat sila ay mga wala pang pagkain. Nagkibit balikat na lang ako at sinabi kay Marcus ang sa akin.
"Meron ba silang apple pie dito?" Tanong ko kay Marcus.
"Ay wala man baby Irene eh, mamayang hapon pa ang dating ng mga pies." Biglang sambit ni Landon. Nagulat na lang ako nang may biglang nambato sakanya ng rolyo ng tissue sa mukha niya.
"Aray ko pota!"
"Quit calling her baby, dumbass." Marcus hissed.
"Yeah. Marcus right. You're too ugly to be her boyfriend." Kumento ni Sab at nginitian ito ng sarcastic.
"W-what!? Kung panget ako eh ano ka 'pa?" Banat naman ni Landon sakanya.
"Don't mind them. Ano ang sa iyo?." Bulong ni Marcus sa gilid ko.
"Katulad na lang din ang sayo." Tango lang ang sinagot niya at tumayo na sila ni Xander para bumili na ng pagkain.
"Hey you two. What do you want?" Xander asked at biglang huminto ang dalawa sa pagbabangayan. Pagkain lang pala ang magpapahinto sakanila. Hindi ko mapigilan ang mapangisi.
"Set A meal ang akin pre. Hingi ka ng extra chilli sauce kay Tita Lydia." Landon said at tango lang ang isinukli ni Xander.
"Demanding." Bulong naman ni Sab at sinamaan lang siya ng tingin ni Landon.
"What about you?"
"Beef steak ang akin and just apple juice. Thanks." Sab answered.
Habang naghihintay ng pagkain ay buong akala ko hihinto na ang dalawa sa pagbabangayan pero mas tumindi pa ang alitan nila kaya sumingit na ako at isa pa ay napapansin na kami ng mga katabing mga tables namin, nakakahiya naman baka nakakaistorbo na kami.
"A-ah guys kamusta classes niyo?" Singit ko.
"They're good naman so far. Ano nga pala ang kinukuha mong course?" Unang sumagot ay si Sab. Inirapan niya muna si Landon bago sumagot. Natawa na lang ako.
"College of education ang kinukuha ko major in English." I simply said.
"Wow. Teacher ka pala?" Landon asked kaya naptingin ako sakanya.
"Stupid hindi pa siya teacher. Stop being epal." Sab commented.
"Stupid ka 'rin. Niyo nga eh diba so it means kasama 'rin ako sa tinanong." Rebut naman ni Landon. Gosh, kailan ba titigil ang mga ito?.
Sasagot pa sana si Sab nang bigla kaming nakarinig ng isang mura mula sa harap. Agad naman kami napatayo nila Landon dahil kilala namin kung sino iyon, at tama nga ang hinala ko dahil si Xander iyon habang may kung anong dumi siya sa kanyang damit. Para itong natapunan ng kung anong pagkain.
"S-sorry. Hindi ko sinasadya." Mahinang usal nung babaeng may mahabang buhok habang may dumi rin ito sa kanyang damit. Parang minsan ko nang nakita ang mukha ng babaeng nasa harap ni Xander.
Wait? Siya yung minsang kumuha ng mga basura sa bahay nang saktong magtatapon pa ako ng basura noon. Nagulat pa ako dahil babae ang kumukuha ng mga basura dahil nakasanayan ko na si manong at madalas pa kaming magkuwentuhan noon dahil sadyang masiyahin si manong.
"Stupid! Get lost, you stink." Xander hissed at nakita ko pa 'kung paano tumilim ang tingin ng babae kay Xander.
"Wait, that girl is familiar. I think I already saw her somewhere." Napatingin pa ako kay Sab sa sinabi niya.
"Ako din nakita ko na siya before." Sambit ko at saglit muna kaming nagkatinginan ni Sab pagkatapos ay naglakad na papunta sa gawi nila Xander.
"H-hoy! Saan kayo pupunta?" Sigaw ni Landon.
"L doon ka kay Xander at kami na doon sa girl." Yun lamang ang sinagot ni Sab pagkatapos ay pumunta na kaming tatlo sa lugar nila.
Nang makadating kami sa gawi nila ay nakita namin ang kalat sa sahig at ang pagkain nung babae. Mabilis na hinubad ni Sab ang jacket niya at ipinatong ito sa babaeng medyo may pagka madungis, nabasa kasi ang bandang dibdib nito dahil sa juice pero wala naman itong kakaibang amoy na tulad ng sabi ni Landon. In fact, amoy watermelon pa ang buhok nito nang aksidente kong naamoy ang buhok nito nang alisin ko ang noodle ng spaghetti sa balikat nito.
Napansin kong nakakuha na agad si Marcus ng mop at abala na ito sa paglilinis sa sahig. Saan naman niya nakuha 'yon?
"Pre tara na, hayaan mo na." Aya ni Landon kay Xander at halata mo pa 'rin na badtrip si Xander base na 'rin sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa babae.
"Don't you dare show your face to me again." Yun lang ang sinabi ni Xander at umalis na ang mga ito na ito. Nakakatakot naman palang galitin si Xander.
"Xander hates germs. He's a neat freak." Sab just rolled her ey. Kaya naman pala. Pero sapat na bang dahilan 'yun upang masyado itong magalit sa babae?
"Hey. C'mon. We'll clean you up." Sab offered.
"H-huwag na nakakahiya at nakaka istorbo na ako sa lunch time niyo." Nahihiyang sabi nung babae.
"Hindi okay lang. Tara na baka mahuli ka pa sa klase mo." I suggested.
Nang lingunin ko si Marcus ay tapos na itong maglinis kaya naman tinawag ko na ito upang magpaalam na sasamahan namin na maglinis ang babae.
"Sige. Dadalhan na lang kita ng snacks sa room niyo mamaya." Saad niya at hinarap ang babae.
"I'm sorry for what happened. Especially on Xander's behaviour. Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko baka hindi lang maganda ang gising." Paumanhin ni Marcus.
"Okay lang. Aksidente naman ang nanyari." Saad nung babae.
Inakay na namin ni Sab sa rest room ang babae at itinext nito si Landon upang utusan na kunin ang extra niyang damit para makapag palit na ang babae.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko habang nagpupunas ito ng dumi sa mukha.
"Sienna. Sienna Madrid." Mahinang sabi nito.
"Ang ganda naman ng pangalan mo." Nakangiti 'kong tugon.
"Ikaw din sobrang ganda." Kumento niya habang nakangiti.
"I told you! She's gorgeous, right?" Sab asked. Bitbit na nito ang extrang damit at binigay kay Sienna.
"Banat ba iyan?" Tanong ko habang nakataas ang kilay at nagtawanan na lang kami.
Pagkatapos namin samahan si Sienna ay napagdesisyun ni Sab na bumili ng pagkain sa stall para mas mabilis dahil wala pang laman ang mga tiyan namin. Masyadong marami ang nangyari ngayong araw na ito pero may mga nakilala naman akong bagong mga kaibigan. Napag alaman 'kong nakatira si Sienna sa may banda sa amin at anak pala siya ni manong na laging kumukuha ng basura at siya 'rin iyong nakita ni Sab minsan, siya daw ang minsang naglilinis sa school dahil nagkasakit daw si manong noong panahon na 'yun dahil isang janitor si manong sa SCU.
Uwian na at nandito ako sa labas ng school habang hinihintay si Marcus dahil nag text ito na sabay kaming uuwi. Sila Sab at Sienna ang magkasama ngayon dahil isasauli nito ang damit na pinahiram sakanya. Habang naghihintay ay hindi ko maiwasan na hangahan si Sienna dahil sa pagiging responsable niyang anak, ang swerte ni manong dahil may isa siyang anak na katulad ni Sienna.
"Hoy panget. Kanina ka pa ba diyan?" Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang nakangiting mga mata ni Marcus. I looked away dahil may naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko nang pagmasdan ko ang nakangiting Marcus.
"H-hindi. Kadarating ko lang din." I said at pagkatapos ay tumabi na ito sa tabi ko.
"Sorry about a while ago. Hindi na kita napagdala ng snacks ang dami kasi pinagawa ni Sir. Martinez sa socsci." Nakakunot na sabi niya. Naka side ito sa akin kaya naman malaya 'kong napagmasdan ang mukha nito. Wala akong mabakasan na kahit anong imperfection sa mukha niya bukod sa peklat na pahabang maliit sa may kaliwang talukap niya sa mata.
Nakuha niya ito nang minsan kaming nagkulitan gamit ang lapis at hindi sinasadyang natusok ito sa mata niya. Bata pa kami noon, kaya naman sobra ang takot at iyak ko noon dahil ang akala ko ay mabubulag na siya, pero ang mahal na hari ay tumatawa pa habang ginagamot ni Inay at ayos lang daw dahil hindi naman daw malalim at nakikita pa 'rin daw niya ang panget 'kong mukha. Naibaling ko agad ang tingin ko nang bigla itong tumingin sa akin.
"Ano gusto mo ba?" Tanong niya.
"Huh?" Biglang sabi ko dahil hindi ko naintindihan ang nais niyang iparating.
"Panget diba ang sabi ko kapag magkasama tayo ay sa akin lang ang atensyon mo?" Paalala niya. Natawa ako, dahil kahit hindi niya ipaalala ay matagal na niyang nakuha ang atensyon ko.
"Sorry na." Mahinang usal ko habang nakangiti.
"Ang sabi ko pambawi ko sa hindi pagtupad sa sinabi ko kanina ay kakain tayo sa labas ngayon, my treat." Mabilis akong napatayo sa sinabi niya.
"Ang bagal mo naman mahal na hari ano pang inuupo upo mo diyan?" Kumento ko nang hindi pa siya tumatayo at nabigla ako nang humagalpak ito ng tawa.
"Walanghiya. Natawag pa akong mabagal. Let's go?" Natatawang tanong niya at mabilis naman akong tumango. Nakakagutom ang first day of class. Inakbayan na niya ako at naglakad na.
I wish we could stay like this but I know there's an end in everything.
I know he treats me as his one of his best of friends but I know deep inside of me I want more than that.
Ang sabi ko noon kapag mamimili ako ng magiging asawa ay ang gusto ko ay katulad ni Itay pero naglaho iyon nang makilala ko ng tuluyan si Marcus. I was once wished na sana si Marcus na lang ang itinadhana para sa akin, pero alam 'kong malabong mangyari iyon dahil una palang ang sabi niya ay may mga babaeng pang girlfriend at may babaeng pang best friend at malas na ako ang inilagay niya sa best friend zone and I hate that idea of his.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sienna as Seulgi
Thank you! =>