Chereads / Twilight Promises / Chapter 3 - 2

Chapter 3 - 2

Nakasunod lang ako kay Marcus habang papasok nang SCU. Hindi maikakaila na sikat ang mahal na hari sa school nila. Sabagay, magmula kinder ay dito na ito nag aral at isa pa ay anak ito ng may ari. Maraming nakahilerang mga lamesa ngayong araw ng klase, wari mo'y nanghihikayat na sumali sa ibat ibang klase ng organisasyon.

Napailing na lang ako nang makita ko kung paano batiin ni Marcus ang mga estudyanteng nagpapapansin sakanya na parang isa itong senador na nangangampanya. Nagpaalam ito sa akin na may babatiin lang daw siya saglit na senior, mabilis naman akong tumango. Ilang hakbang lang naman ang layo nila mula sa akin. Habang naghihintay ay inilibot ko ang paningin ko upang makapili na ng magandang organization.

Saan kaya maganda sumali?

Sa drama club? Pass, paniguradong doon sasali ang mahal na hari.

Sport club? Nah, I prefer reading than playing any sports.

Music club? Not bad.

Abala ako sa paghahanap kung saan ang stall ng Music club nang biglang may sumigaw sa pangalan ko kung saan. Agad ko naman nakita ang taong tumawag sa pangalan ko and at such a young age ay taglay na niya ang pagiging sopistikada. Ngumiti ako ng matamis nang makita ko ang maganda niyang mukha at daglian niyang hinawakan ang dalawa kong mga kamay.

"OMG, I thought my cousin was just bluffing when he said that you got accepted here. Gosh, I'm so so so happy!" Then she hugged me and I can't help but to giggled.

There is an exemption in everything. Tulad ng babaeng nasa harap ko ngayon. She's damn rich, pero magmula nang makilala ko siya last summer nang minsan siyang isinama ng pinsan niyang si Marcus sa bahay upang bumisita, ay hindi ko pa siya nakitang nagyabang dahil mayaman siya unlike ng mga nakikita namin sa palabas ni Inay.

"Ako din masaya kasi may kakilala na agad ako dito sa napakalaking school niyo" Nakangiting sabi ko.

Stock holder din kasi ang pamilya niya dito tulad nang sabi ni Marcus, agad na lumawak pa lalo ang ngiti niya at tuluyan na itong kumapit sa braso ko. Sabrina is such a sweet girl kaya hindi na 'rin ako nagtaka sa pagiging protective ng pinsan niya sa kanya pero madalas ay laging bully ito kay Marcus.

"Oh c'mon I'll tour you so that you'll be more familiar here." Yaya niya sa akin, mabilis naman akong lumingon sa gawi ni Marcus upang mag paalam pero abala pa 'rin siyang nakikipag usap sa mga estudyante sa may drama club.

"Wait Sabrina, magpapaalam muna tayo kay Marcus para alam niya kung nasaan tayo."

"Okay!" "But hey, diba I told you na Sab na lang ang I call mo sa akin, we're friends na right?" Naka labing sambit niya.

Natawa na lang ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa 'rin ako makapaniwala na gusto niya ako kaibiganin. Alanganin akong tumango bago sumagot. "Okay S-sab. Let's go?" nahihiyang sabi ko gamit ang maliit na boses.

"Gosh, you're really adorable kapag you're shy." natawa na lang kaming dalawa habang papalapit kami sa puwesto ni Marcus dahil sa kumento niya.

"Hey, cous. Akin na muna si Irene ah? I'll just tour her here in the campus." Medyo may kalakasang sabi ni Sabrina kaya naman napatingin 'din sa amin ang mga kausap ni Marcus.

Isa sa mga ayokong nararamdaman ay ang pagtuonan ako ng pansin ng ibang tao. I prefer feel like they don't know that I exist.

Ramdam ko ang tingin ng mga estudyante sa amin, unang una ay bago ang mukha ko sa school na 'to. Pangalawa, tiyak na mukha akong batang dugyot dahil sa ayos ko ngayon kumpara kay Sab na well dressed. Mas komportable kasi ako kapag ganito ang suot ko.

Napayuko ako dahil hindi ko talaga kinakaya ang mga tingin ng mga estudyante sa amin, buti pa itong katabi ko ay halata mo na sanay na siyang makihalubilo sa mga maraming tao. Narinig ko na nag paalam na si Marcus sa mga kausap niya at mabilis naman siyang lumapit sa puwesto namin.

"It's fine, Sab. I'll take her around baka kung saan mo pa siya dalhin." Prangkang sabi ni Marcus sa pinsan niya. Nang tignan ko si Sab ay nakanganga ito sa sinabi ng isa.

"What? You're so judger, cous! Lagi mo na lang nakakasama si Irene. This time she's with me." Final na sabi ni Sab.

Naglipat lipat lang ang tingin ko sakanila at naghihintay kung kanino ako sasama. Okay, lang naman kahit sino sa kanila ang makasama ko sa paglibot sa campus. Kaya lang baka mahuli na ako sa first subject ko kung patuloy pa 'rin silang magtatalo kung sino ang makakasama ko.

"What?! Hindi ako judger. Nag sasabi lang ako ng totoo. Nako, huwag kang sasama diyan, Irene. Yung last na student na inilibot niya ay isang araw na nawala." Mahabang sabi ni Marcus pagkatapos ay kinuha na niya ang bag ko.

Sabrina just rolled her eyes. "But I did not mislead her. Siya ang nang iwan sa akin!" Pagsuko niya.

"Anong iwan iwan? Walang iwanan dito. All for juan, juan for all tayo diba, Pre?" Gulat akong napatingin sa mga bagong dating nang magsalita ang isa sakanila.

"Shut up!" Marcus and Sabrina said in unison.

"Parang gago naman pre eh, nakakahiya ka talagang kasama." Sabat nung isang kasama nung unang nagsalita.

Wait? They look familiar.

"Ouch pati ba naman ikaw, Xander baby ay ikinahihiya mo ang humor ko?" Tuluyan nang naagaw ng mga bagong dating ang pansin ko pati ang mag pinsan.

"Shut up, Landon. Puro ka kalokohan" Humarap iyong Xander sa akin at ngumiti.

"Hi, I'm Xander Keller, freshman." pagkatapos ay iniabot niya ang kamay niya tanda ng pagpapakilala. Mabilis ko naman itong inabot at nagpakilala na 'rin.

"Nice to meet you." Nahihiya kong sabi.

"Hi, pretty lady. I'm Landon Yosef Chua but you can call me baby. I don't mind" Sabay kindat niya.

"Moron. You're scaring her." Kumento ni Marcus at napansin kong nasa tabi ko na siya.

Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kakulitan ng mga kaibigan ni Marcus, natatandaan ko na sila Xander and Landon. Sila yung mga bisita nila Marcus nang minsan niya akong isinama sa bahay nila pero mabilis lang iyon dahil nagpahatid 'din ako pauwi noon dahil kinailangan ko tulungan si Inay sa mga gawaing bahay kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkaharap kami.

In the end ay napag desisyunan nilang silang lahat na ang mag tour sa akin ngayon habang naghihintay ng oras para sa first subject namin. Nasa unahan ang tatlong magkakaibigan at puro boses ni Marcus and Landon ang naririnig namin habang naglalakad kami.

"Here this is the cafeteria of the school. There are many kinds of food that you can buy but I'm sure you will like them all." Hyper na sabi ni Sab.

Mabilis ko naman itong tinignan, nang makita ko ito ay hindi ko maiwasang mapapikit nang makita ko kung gaano kalaki ang cafeteria na sinasabi ni Sab. Tiyak na butas ang bulsa ko kapag bumili ako dito, siguro ay magpapaluto na lang ako ng baon kay Inay para makatipid na 'rin.

"Ang laki." Hindi ko maiwasang mag kumento dahil sa cafeteria ay sadyang malaki ito kumpara sa normal na cafeteria ng ibang schools.

"Yes, tito said na wala daw dapat dahilan upang magutom ang mga students kaya pinalakihan niya ang cafeteria, beside that ay may mga ilang stalls pa ng mga refresher and finger food that students can easily access kapag nagmamadali sila." Dagdag niya.

Tango lang ang isinukli ko at narinig ko na ang halakhakan ng tatlong lalake sa harap namin. Hindi ko maiwasan na mangunot ang kilay dahil napansin kong silang apat ay nakasuot ng jacket and sweat shirt. Ang init kaya sa pinas kaya nag tshirt ako para presko, well maaga pa naman at maraming mga puno ang nakapaligid sa campus kaya presko sa pakiramdam pero paano mamaya kapag tumindi ang init diba?

Unang nagpaalam sila Xander and Landon para pumasok na sa kani kanilang classrooms. Habang si Sab naman ay nagpaalam na dahil may dadaanan pa 'raw siya sa faculty room.

"Hey, nakapili ka na ba ng club na sasalihan?" Tanong ni Marcus at umupo kami sa bench sa may lilim ng puno upang magpahinga saglit, may twenty minutes pa naman bago mag ang first subject ko. Tumango ako bilang sagot.

"Oo, gusto ko sumali sa music club. Ikaw ba mahal na hari?" I Aasked at nilabas ang mineral water na nasa bag ko, nakakauhaw ang paglibot sa napakalaking school na 'to.

"Drama club, siya nga pala kilala ko ang president ng music club, gusto mo iparegister na kita?" Pinunasan ko muna ang gilid ng labi ko pagkatapos ay umiling.

"Hindi na siguro baka ako na lang nakakahiya sa president ng drama club." Tumango lang siya bilang sagot at inagaw sa kamay ko ang bote ng mineral.

Nanlaki ang mga mata ko nang deretsahan niya itong ininom pagkatapos ay ibinato ang bote sa basura na akala mo ay nag shoot ng bola sa ring.

"Hey, Irene. Na tuod ka na diyan." Pansin niya.

"Inubos mo ang tubig ko." Sabi ko gamit ang maliit na boses.

"Oo. Nakakauhaw kasi ang kakulitan ni Landon." Simpleng sabi niya at inayos niya ang sintas ng sapatos nito.

"P-pero first day ngayon." Umpirma ko at sabay pa kami napatingin sa isa't isa. Nanlaki agad ang mga mata niya sa sinabi ko at nagpakawala ng isang malutong na mura.

"Let's go. Ihatid muna kita sa classroom niyo pagkatapos ay ihahatid ko ang inumin mo." He suggested.

"Huwag na kaya ko naman, baka mahuli kapa sa klase mo. Sisihin mo pa ako." Sambit ko pero iling lang ang isinukli niya.

"No, it's fine. Wala ako doon mamaya kung sakaling sumumpong ang nerbyos mo." He's right.

Sometimes I hate myself especially on days like this.

Nakadating naman kaagad kami ni Marcus sa classroom ko at ingay ng mga kaklase ko ang naririnig ko. Bakit ba kasi lumaki akong mahiyain? Nakakainis.

"Pasok ka na. Don't worry babalik agad ako para may iinumin ka kapag kinakabahan ka." He assured pagkatapos ay ngumiti ito.

"Thank you, sige pasok na ako. Yung tubig ko ah, mahal na hari! Pepektusan talaga kita kapag hindi mo hinatid 'yun." Dagdag ko at natawa lamang siya sa sinabi ko.

Talagang makakatikim siya ng mag asawang hampas kapag wala akong tubig na iinumin mamaya. Mabilis itong naglakad upang umalis na.

Pagkapasok ko ay ang lamig galing sa aircon ang bumati sa akin dahil wala namang nakapansin sa pagdating ko, doon ako nakahinga ng maluwag kaya mabilis akong namili ng bakanteng upuan at napili ko ay ang malapit sa bintana upang hindi masyadong takaw sa pansin. Ito ba 'yung dahilan kung bakit halos lahat ng mga estudyante ay naka jacket, kaya pala sila Marcus at Sab pati na 'rin sina Xander at Landon ay balot na balot. Ang yaman naman pala sa aircon ng SCU.

Nang mapatingin ako sa gawi ng pintuan ay nakita ko na si Marcus na kumakaway kaya naman patakbo ko itong pinuntahan.

"Here, I bought you two."

"Salamat, mahal na hari. Pasok kana baka ma late ka pa." Imporma ko at tumango lamang siya bilang sagot kaya tumalikod na ako.

"Hey, wait."

Nang humarap ako ulit sakanya ay mabilis niyang hinubad ang suot niyang jacket at ipinatong niya ito sa balikat ko.

"It's cold inside and put your hair down." Nagtaka ako sinabi niya at bago pa man ako makasagot ay mabilis na niyang inalis ang tali sa buhok ko at inayos ito. Ano ba ang trip nang mahal na hari na 'to. Maputi naman ang leeg ko ah, minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang trip ng lalaki na 'to.

"Thank you sa jacket, balik ko mamaya." Sabi ko at nalanghap ko pa ang natural na amoy ni Marcus na kumapit na sa jacket niya.

"Okay. Text kita mamaya ka ut. Huwag mo ubusin ang amoy niyan ah." Sabay ngisi niya at lumakad na palayo.

Ano daw? Ang kapal talaga ng mahal na hari na 'yun. Hindi ko naman inaamoy ang jacket niya ah, aksidente ko lang naman na nalanghap. Assuming talaga. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Pero kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko kahit papaano dahil pakiramdam ko ay nasa tabi ko lamang ang presensya ni Marcus dahil sa jacket niya. Minsan talaga kahit loko loko 'yun ay may pakinabang naman pala.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Xiumin as Xander

Lay as Landon

Sabrina as Seolhyun

Thank you! =>