Unang araw ng klase ngayon bilang isang first year college student kaya naman maaga akong nagising upang hindi ako mahuli. Lubos akong nagpapasalamat sa may taas dahil isa ako sa mga pinalad na makakuha ng scholarship sa St. Clare University, maraming mga katulad kong nangangarap na makapag aral sa isa sa mga tanyag na paaralan sa buong Pilipinas, ngunit sa isang daang nag apply, halos sampu lang ang nakapasa dahil sadyang mataas ang standards ang hinahanap nila sa isang estudyante bago makapasok. Grabe ang saya ko noon dahil isa ako sa mga mapalad na nakakuha ng scholar.
Nagtatrabaho bilang family driver si Itay ng Pamilyang King ang may ari ng University na papasukan ko at ang inay naman ay maybahay dahil bukod sa akin ay may dalawa pa akong nakakabatang kapatid na kailangan alagaan. Ayon kay Itay, kailanman daw ay hindi niya naramdaman na isang trabahador ang turing sakanya ng mag asawang King kundi parang isang malapit na kaibigan.
Masasabi kong hindi kami mahirap at hindi 'rin mayaman, sakto lang at masaya ang pamumuhay namin basta wala lamang daw ang magkakasakit ang isa sa amin na laging paalala ni Inay. Kapag day off ni Itay at wala kaming klase ni Rochelle ay tumutulong kami sa pagluluto ng meryenda para sa mga construction workers, na nagtatrabaho malapit sa amin. Ang isa sa mga bina balik balikan nilang meryenda ay ang suman ni Inay. Extra income 'din daw ito.
Isang katok mula sa pintuan ng kwarto ang nag pa gising sa akin sa pag mumuni, hindi ko alam at nakaugalian ko na ang mag isip isip sa may harap ng salamin sa kwarto ko sa tuwing nag aayos bago umalis. Isang itim na T-shirt ang napag desisyunan kong isuot dahil wala pa akong uniform dahil ipinatahi pa lang ito ni inay sa bayan, pagkatapos ay pinaresan ko lamang ito ng maong pants.
"Anak, tapos ka na ba? Nakahanda na ang almusal sa lamesa." Masiglang sabi ni itay sa may pinto.
Paniguradong mas excited pa ito kaysa sa akin. Hindi ko siya masisi, dahil kahit ako ay nasasabik na 'ring pumasok pero aaminin kong mas lamang pa 'rin ang kabang nararamdaman ko. Mabilis 'kong ipinilig ang ulo ko upang kahit papaano ay mawaglit ito sa isip ko.
First day ngayon kaya kailangan kong maging masigla!
"Opo itay, tapos na!" Abot taingang ngiting sabi ko pagkatapos ay kinuha ko na ang aking itim na salamin sa mata at isinuot.
Pagkalabas ko ay nakita kong nandoon na ang aking mga kapatid sa lamesa at kumakain. Si inay naman ay sinusubuan si bunso habang si itay naman ay pinapagpagan ang converse kong ilang taon ko na atang gamit, pero okay lang dahil maayos pa naman ito.
"Good morning itay, inay!" Masigla kong sabi sabay upo sa tabi ni Rochelle na sumunod sa akin, ginulo ko lang ang bangs nitong iilan. Ang cute kasi ng bangs niya, halos mabilang ko na ang mga buhok niya sa daliri. Wala na naman siguro ito magawa kagabi at napag tripan niya itong gupitin.
"Ih... Ate wag mo guluhin, ilang oras ko kayang inayos 'to." Nakalabing sabi niya at inayos ang ginulo kong bangs. Napangisi lamang ako.
"Asus, may isa ka na namang dalaga inay! May crush na si Rochelle!"
"Hindi pa ako dalaga ate! Eleven years pa lang ako atsaka wala akong crush!"Nakita ko kung paano namula ang pisngi niya nang banggitin niya ang salitang crush, huli ka.
"Weh? Eh ano yung nakita ko sa may lamesa mo na R love A?" Naka taas ang mga kilay kong tanong sa kanya.
Nasa harap ko lamang siya kaya naman kitang kita ko ang paglaki ng mga mata niya sabay tingin kay inay na busy sa pagsubo ng pagkain sa bunso naming kapatid na si Ivy.
"Inay oh! Si ate tinitignan ang diary ko!" Nakalabing sumbong niya.
"Tama na nga 'iyan. Kumain na lamang kayo at mahuhuli na kayo sa klase" Malumanay niyang sabi sa amin.
"Pero Rochelle..."Pambibitin niya. Agad naman siyang hinarap ni Rochelle.
"Ano po iyon inay?" Nakadalawang kurap muna siya bago siya sinagot ni inay.
"Gwapo ba iyong crush mo?" Nakangising tanong ni inay at kamuntikan na niyang mailuwa ang gulay na kinakain niya nang tanungin siya ng nanay namin. Hindi ko tuloy maiwasan mapahagalpak ng tawa.
"Aba parang nagkakasiyahan ang mga mag iina ko ah."
Sabay kaming napalingon ni Rochelle nang narinig namin na pumasok si itay sa kusina. Dala dala nito ang sapatos ko na gagamitin para sa unang klase. Sinabi ko sakanila na si Rochelle na muna ang ibili nila ng bagong sapatos, dahil paniguradong maiinggit ito sa mga kaklase niyang may mga bagong gamit. Isa pa ay mukhang magagamit ko pa naman ito ng mga ilang buwan. Sapat na upang maka ipon ako upang makabili ng bago. Ayoko na kasing iasa sa kanila ang mga personal kong mga gami,t pwede ko naman iyon pag ipunan para mabili ang mga pangangailangan ko, alam kong may mga importante pang gastusin sila Inay lalo na sa bahay.
"Itay sila ate oh, wala naman akong crush eh..."Halos maiyak na si Rochelle nang tuksuhin siya ni Inay kanina.
Natawa na lamang si itay at umupo na sa lamesa upang kumain.
"Okay lang iyang crush crush na iyan, basta ba 'wag mong pababayaan ang pag aaral mo ah..." Sabay kindat niya kay Rochelle.
Ganitong klase ng tagpo ang hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit ano mang bagay.
Family is a treasure.
"Oh, ikaw naman dalian mo nang kumain at baka mahuli ka pa sa klase mo" Paalala niya sa akin.
Pagkadating namin ni Itay sa SCU ay mabilis ko siyang binalingan upang magpasalamat sa paghatid sa akin ngayong unang araw ng klase. Kailanman, ay hindi ako binigo ni itay sa mga pangako niya mapaliit man o malaking bagay man ito. Ipinangako kasi sa akin ni Itay noon na sa unang klase ko bilang isang kolehiyala ay ihahatid niya ako, tumanggi pa ako noon dahil nakakahiya kay Tito Miguel na amo niya kung mag hahalf day pa si Itay upang maihatid lamang ako, pero ang sabi niya ay ayos lang din daw dahil maging si Tito Miguel ay siya muna ang maghahatid sa nag iisa niyang anak ngayong unang araw ng pasukan.
"Maraming salamat, Itay." Sinserong sabi ko habang hawak ang bagpack ko.
"Wala iyon anak, basta pag igihan mo sa klase ha?" Paaala niya habang nakahawak pa rin sa manibela. Mabilis akong tumango at ngumiti.
"Opo naman, Itay. Anak mo kaya ako!" Buong determinadong sagot ko.
Sana lang talaga ay magawa kong makapagsalita ng may kumpyanse katulad ngayon sa mga magiging kaklase ko mamaya. Napapikit na naman akong muli nang kinakain na naman ako ng kaba pero hindi, kailangan kong lakasan ang loob ko dahil may naniniwala sa kakayahan ko.
"Oo na, ikaw na ang anak 'kong ubod ng talino, mag ingat ka pauwi mamaya." Isang tango lamang ang isinukli ko.
"Kayo din po itay, ingat po sa pag da-drive. Ipakamusta niyo lamang ho ako kay Tito Miguel mamaya" Ngumiti lamang si Itay at tumango, pagkatapos ay umandar na palayo ang sasakyan.
Nang makita ko ang kabuuan ng SCU ay mapahawak na lamang ako ng mahigpit sa bag ko dahil sa namumuong kaba sa kaloob looban ko. Totoo nga ang sinasabi ng mga mayayamang business men sa TV na napapanood namin ni Inay, hindi basta basta ang mga nakakapasok na estudyante dito. Sa uri ng mga galaw at pananamit nila ay mahahalata mo agad na parang hindi pa sila nakakaranas ng anumang kahirapan sa buhay.
Potik, parang gusto ko na lang umuwi at bawiin ang scholarship. Pwede naman siguro akong mag aral sa vocational school na malapit sa amin diba? Pero paano na ang pangarap ko? Paano na ang pangarap ng pamilya ko?
"Idalia Renee..." Isang baritonong boses ang nagpaangat sa ulo ko at mabilis 'kong sinundan ang boses na tumawag sa akin.
"Jackques Marcus.." Halos bulong kong bigkas.
"Didn't I say that I'll pick you up today?" He seriously asked then he walks toward me. Hindi ko mapigilang mapakunot ng kilay sa pagiging seryoso niya ngayon.
"I-I'm sorry, ipinangako kasi ni Itay na siya ang maghahatid sa akin ngayong unang araw ng klase." I explained. Kinailangan ko pang iangat ang ulo ko upang makita nang maayos yung mukha niya.
Ang kaninang nakakunot niyang mga kilay ay biglang tumuwid nang marinig niya ang paliwanag ko.
"Apology accepted. Have you already eaten your breakfast? Nag pa baon si mom ng meryenda natin for later. Let's go." He then placed his right arm on my shoulder.
The man is just wearing a simple white shirt, faded jeans and covered with demim jacket but still, he looks so expensive.
Yes, this man is Jacques Marcus Quiambao King.
The only son of Janeth and Miguel King.
The heir of JMKing Company.
My one and only best friend.
Ang akala niya ay sasabay ako sa paglalakad sakanya kaya naman mabilis siyang napaharap sa akin nang mapansin niyang hindi pa 'rin ako gumagalaw. Nakita ko kung paano dumaan ang pagtataka sa mukha niya base na 'rin sa pagkakunot ng noo niya. Kataka taka naman kasi ang ikinikilos niya ngayon.
"What?"
Tinaasan ko lamang siya ng kilay bilang sagot at doon nakita ko kung paano bumagsak ang balikat niya. Hindi mo ako malilinlang, Jackques Marcus.
"Urgh! Kainis ka naman Irene eh! Dapat sinakyan mo na lang sana ang pagiging mysterious in disguise ko ngayon." Maktol niya.
My ghad, anak mayaman ba talaga itong lalaking nasa harap ko ngayon?
"Ang trying hard mo mahal na hari." I simply said at inalis na ang braso niyang nakaakbay sa akin.
"Tss, eh bakit ikaw? Parang natural na sa iyo ang pagiging misteryosa?" Nakapamaywang niyang tanong.
"Syempre maganda ako eh." Naglakad na ako upang makaiwas sa kahihiyan na pinag gagawa ng mahal na hari na 'to. Pansin ko na kasi na pinag titinginan na kami ng mga estudyante.
"Luh. May maganda bang mali mali sa direksyon? Hoy panget, dito ang daan"
Surprisingly, the nervousness I had been feeling a while ago suddenly died because of his presence. Indeed, the King has arrived.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Suho as Marcus and Idahlia Renee/Irene as Irene.
Thank you! :>