Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 24 - CHAPTER 22: Sis

Chapter 24 - CHAPTER 22: Sis

"CAN WE GO INSIDE?" nag-puppy eyes pa si Jester saakin. Hindi man nagsasalita ang kapatid, halatang gusto rin nitong pumasok.

"Yeah, of course!" Kaagad nagtatakbo ang dalawa palabas sa kotse habang si Luck ay tila ama ng mga ito na problemado sa makukulit na mga anak.

I miss kuya and dad, medyo madalang ko na ulit silang makasama lalo na nang lumala ang ubo ni dad noong nakaraang araw at nagpabalik na ito sa hospital. Si Kuya Sandro, as usual is still roaming around the country.

"What do you all want to drink?" Sinalubong kami ng mga katulong at pinaupo ko sila sa sala. "Tell her what you want." Tukoy ko sa isa sa mga katulong. "Magbibihis lang ako. Late na rin ako eh, sorry."

Mabuti nga at wala akong nakaschedule na meeting nang maaga talaga. Ang first meeting ko for today is at 10 am, a meeting with the company investors.

"Pwede ba akong maglibot?" Nagtaas pa ng kamay si Kesler na parang nagrerecitation sa school.

Weird na nakakatuwa ang pagiging bibo ng mga pinsan ni Luck pero okay lang naman. Um-oo ako saka unakyat sa kwarto ko.

Naligo na naman ako, hindi pa nga tuyo masyado yung buhok ko kaya naman nagpalit nalang ako matapos ng konting linis ng katawan.

Nagmamadali akong nagpahid ng light make up, ni hindi nakapagblower ng buhok dahil sa pagmamadali. Pagkalabas ay may matigas na bagay na tumama sa ulo ko.

"Ouch!"

"Shit! Sorry, Jess!"

Hinimas ko ang noo ko saka tumingin kay Kuya Sandro. Nakasuot nya ng black shirt na merong ilang dumi at pants. Nakasabit pa ang malaking camera sa leeg nya at muka syang pagod.

Nakihimas sya sa noo ko na akala mo e malapit na akong mamatay sa nagawa nya.

"Bakit marumi ka?"

Hindi nya pinansin ang tanong ko. Seryoso nyang hinihimas ang noo ko at sinisilip-silip pa, animo may tren na lalabas anumang oras.

Hinawi ko ang kamay nya saka inulit ang tanong ko. Niyakap nya kaagad ako na parang nanghihina.

"Umakyat ng bundok at doon nagpicture."

Tumatawa akong lumayo nang bahagya. "Bro, kakabihis ko lang. Madudumihan ako!" Doon nya lang tila napansin iyon. "Yeah, yeah, totoo ito. Late ako today sa office."

Kasi, kilala nya ako na gusto kong pumapasok nang maaga. Ngumiti syang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Bagay."

"Syempre!" Kaso nang may maalala ay napasulyap ako sa ibaba. "Hindi ka ba sa sala dumaan?"

"Nope. Sa likod. Then umakyat ako sa emergency stair sa garden kaya dito ako napaderetso."

No wonder hindi sila nagkita ni Luck.

"Aalis na ba tayo?" Mabilis pa sa alas cuatro na napalingon si Kuya Sandro, si Kesler ay nasa likod nya na pala. Ni hindi ko napansin.

Nagtatanong ang mga tingin saakin ni Kuya. "He's—"

"A new employee, sir." Mabilis na sansala nito. Nagtataka naman akong napatingin.

"What are you doing here then?"

"Ah, nakisabay?" Patanong na sagot nya.

Napaface palm ako. Bakit kasi hindi nya nalang sabihin, e wala naman sa hulog yung palusot nya.

"Aalis na ba tayo? Tara— oops!"

Napafacepalm ulit ako dahil dumating naman ang kakambal nyang si Jester.

"And... who's this?" Nalilitong tanong na naman ni Kuya saakin at kay Kesler.

"My... twin?" Si Kesler ulit.

"Sige na, Kuya. Aalis na kami super late na ako eh. Pahinga ka ah?"

Para hindi na sya makapagtanong sa mga weird na nilalang sa bahay ay hinigit ko na ang dalawa paalis. Tingin palang ni Kuya, mukang maraming uusisain. Late na nga ako eh.

Sinenyasan ko ang dalawa na umalis na kami.

"Sis!" Sigaw ulit ni Kuya, kumaway na ako habang nakatalikod sakanya.

"Ang laki naman pala netong bahay na  'to!" Lilinga-linga pa yung dalawa habang pababa kaming hagdan.

"Oo, kaso parang malungkot."

At last, may nakapansin din. Totoo naman kasi, malungkot naman talaga tong bahay dahil halos wala laging tao at sobrang tahimik. Lalo ngayon.

"Mukang haunted nga." Kinalbit pa ako ni Kesler nang bahagya. "Sorry kanina ah? Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag na nakigala lang kami rito kaya ang sabi ko empleyado ako sa—"

"Ayos lang 'yon."

Hindi pa kami nakakarating sa sala ay  sinalubong na kami ni Luck.

"Sorry, kuya, natagalan kami. Dumating kasi ang bro ni Jess." Ewan kung imagination ko or talagang kakaiba ang pagkakabanggit ni Jester sa 'bro.'

"Oo kuys kaya medyo napachika kami sa bro nya." Ganon din naman ang banggit ni Kesler. Isa pang napansin ko, ang laki ng boses ng isang to pero ang choice of words nya ay kakaiba.

Chika pa more.

Tumango-tango si Luck na parang manager ng isang kumpanya na nakikipag-meeting sa ibang staff saka nagyayang umalis na kami.

//

"BRO, ANONG GAGAWIN MO MAMAYA?" magkausap yung kambal sa likod ng sasakyan at hindi ko na alam pa kung sinasadya nilang sabihin lagi ang bro at sis o ano ba.

Baka naman sa religion nila?

Meron kasing ibang religion na tawag nila sa ibang tao ay bro or sis. Nagfocus nalang ako sa tinatype ko sa cellphone ko. Nag-iisip akong pangalan ng characters ko. Kahit busy ay nakakapagsulat naman ako pero madalang lang. As of now, 5 chapters palang ang naisusulat ko.

"Ewan, bro. Mag-aapply siguro ako. Alam mo naman na umalis na ako sa bangko na pinagtatrabahuhan ko last week pa."

"Hindi nabanggit saakin yan nila sis. Bakit umalis ka?"

"Lason mga tao ron, bro!"

"Yung customers ba? Mahirap talagang makipag-interact masyado lalo sa mayayaman—"

"Hindi lang naman iyon, bro. Nag-aaway-away kasi sila lagi para pag-agawan ako. Alam mo naman na ayaw ko nang ganon." Humalakhak pa si Kesler.

"Tumigil kana jan, nagkakalokohan na tayo rito." Nanahimik sandali ang dalawa pero maya-maya ay pareho na namang maingay dahil sa paglalaro ng online game.

"Bro! Bobo mo, lumaban ka, puro ka tago!"

"Teka pri— este bro, medyo lag e!"

Nang magsawa ang mga ito ng dalawang game ay nagkanyanan na manood ang mga ito ng funny videos. Paano ko nalaman? Walang naghe-headset sa kanila at tawa nang tawa ang mga ito.

Minsan-minsan ay natatawa rin ako, binitawan ko ang cellphone ko at nagfocus sa mga kasama ko.

Ngayon, naintindihan ko na ang sinasabi sa nabasa kong libro noon. Sabi kasi roon, ang teknolohiya lalo na ang cellphone ay nilikha para mapadali ang komunikasyon. Para magkaroon tayo ng koneksyon sa mga taong malalapit saatin.

Pero kapag hindi tama ang gamit, ang nangyayari ay ang cellphone ang dahilan sa pagkasira natin ng koneksyon sa iba.

Ginamit mo para makipagconnect sa mga nasa malalayo tapos nawawala na ang focus mo sa mga kasama mo. Habang kaming tatlo ay busy sa pag-i-entertain ng mga sarili namin sa iba't-ibang paraan, si Luck naman ay tahimik na nagmamaneho para saamin. Medyo nakakaguilty.

"Bakit hindi ka kumain ng breakfast?" Baling ko kay Luck. Naramdaman ko ang pagtahimik bigla ng paligid. Nang lingunin ko, binaba ng dalawa ang phone nila at nakatutok ang atensyon nila saamin.

"Hindi ako mahilig magbreakfast. Sinisikmura ako."

Pinarada nya ang sasakyan, nasa parking lot na pala kami. Kaagad syang bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Nakasunod naman ang tingin ko sakanya.

"Pwede naman kaming pumasok dyan di ba?"

"Oo, para makapasyal lang."

"You two, don't you have anything to do today?" Kaagad na saway ni Luck sa dalawa.

"Ah, oo nga pala, meron—"

"Come on, you can go inside." Binalingan ko si Luck dahil parang pinagsasabihan nya sa tingin ang dalawa. "They're cute and harmless. Medyo busy lang kami sa loob pero pwedeng-pwede kayo ron."

Humiyaw sa galak ang dalawa at magkakasabay na nga kaming pumasok. Medyo binagalan ni Luck ang paglalakad para siguro kausapin ang dalawa kaya naman nauuna ako. Nang pasakay sa elevator ay magkasabay na naman kaming dalawa at yung kambal e nagpaiwan sa ground floor.

"Thank you sa pagpapapasok sa kanila."

"Wala 'yon. Mababait naman 'yang mga pinsan mo." Naalala ko lahat ng mga usapan nila at namin kanina, they're fun to be with!

"Oo, medyo may kakulitan lang pero mababait talaga sila. Ang totoo ay hindi naman sila ganyan sa lahat ng tao. It's just that... they like you so much." Nakaramdam ako ng ibang kasiyahan kasi matapos ang napakaraming taong nakilala ko sa ibang bansa na iniiwasan ako dahil weird daw ako just because I'm clueless about myself, ngayon naman ay may mga natutuwa saakin.

"I like them too. And they're... kinda familiar to me."

Lumabas na akong elevator at nang lingunin si Luck ay nakita kong nakatulala pa sya. Muntik pa ulit sumara ang elevator bago sya makalabas.

Mabilis akong naglakad at binuksan ang pinto ng office ko.

"What do you mean familiar?" Nabitin ako sa pagpasok saka sya nilingon. Nasa pinakalikod ko na sya. Napaisip ako sa tanong nya.

"Ang totoo, hindi ko gaanong napansin noong una kaso dumulas lang bigla yon sa isip ko. Ngayong tinanong mo, napaisip ako na... parang oo nga, familiar sila." Mataman lang syang nakikinig saakin. "Baka mali lang ako or maybe nakita ko na sila mula nang pagbalik ko rito sa Pilipinas. I don't know." Hindi sya umimik hanggang sa nakapasok na ako.

Binunot ko ang gamot sa handbag ko at kumuha ng isa. Ito yung gamot na iniinom ko dati pa na binigay ni Dr. Philly. Uminom ako ng isa at pnagpahinga sandali. Bawal kasi iyong itake nalang basta kaya hindi ko nainom doon sa loob ng sasakyan. Sa bahay naman ay nagmamadali ako kaya dinala ko nalang.

After 20 minutes ay sinimulan ko nang basahin at pirmahan ang ilang papeles sa ibabaw ng mesa ko.

Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng antok. Mukang tama lang naman ang naitulog ko. Hindi rin naman ako matakaw sa tulog at usually, kapag nakapaligo na ako ay hindi ako inaantok lalo kapag umaga na.

Sa pagkakaalala ko ay hindi naman nakakaantok ang gamot ko. Matagal ko iyong iniinom noon kaya naman sigurado ako roon. Kaibang may nararamdaman din akong sakit ng ulo at sa sobrang antok ay parang hinihila ako ng dilim.

Hindi ko man ginusto ay napadukdok ako sa mesa. Nawalan ng lakas ang katawan kong gumalaw. Kusa ring sumara ang talukap ng mga mata ko. Pero bago makatulog, narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto, marahan ang yabag ng mga paang tila papalapit sa kinaroroonan ko.

Narinig ko ang nag-uusap bago ako tangayin ng kawalan.

"This is for her."

"Yeah, I want her back too."

MADILIM. Wala akong makita pero naririnig ko ang mga boses sa paligid. Pinilit kong magmulat ng mga mata at nang magawa ko ay malabo ang mga nakikita ko.

"Dad, stop this nonsense!"

"God! Anak! Thank goodness, can you hear me?" May bulto ng taong nakatayo sa harapan ko, pamilyar ang boses nya saakin.

Kumurap-kurap ako at bahagyang luminaw ang paningin ko. Luminga ako sa paligid. Puti.

"Jess, anak, can you see me? How do you feel?" Muli kong tiningnan ang nagsasalita sa harap ko.

Dad.

Nung lumingon ako sa gilid nya, nakita ko si Kuya Sandro na nakaupo sa couch na naroroon at nakatingin ang galit nyang mga mata kay dad bago bumaling saakin, nawalan ng emosyon ang mukha nya sa hindi malamang dahilan.

Wait, what's happening? Bakit hindi ako makagalaw? Where am I?

The smell is familiar. The feeling and the scene. Napatingin ako sa bintana at nakita na nag-i-snow sa labas.

I'm in the hospital, kuya Sandro's emotionless face and dad's excitement and happiness.

I'm now sure that this is part of my past. Hindi ko alam but my brain seems like replaying this scene in my dream. Eto ang panahon na kagigising ko lang matapos ang aksidente.

Napansin ko bigla na parang pinapanood ko lang ang sarili kong nakahiga sa puting kama, sa harap nina Kuya and dad, still clueless about what's happening and who I am.

Epekto man ng gamot o hindi, ngayon palang nangyari saakin ang bagay na 'to. This is not just a dream. This is part of my memory. Gantong-ganto ang mga scene noon lalo na nang tanungin ko kung sino sila at sino ako, a doctor arrived and tried to calm me by injecting something to me.

It's Dr. Philly.

"She has an amnesia. I'm still not sure if it's just temporary or not. The result of her CT scan and—"

"Ah, doc, can we talk about that outside?" Wala pa rin akong makita, nakapikit din ang katawan ko but I'm aware that 'I'm' still concious.

"Why don't you want to talk about it here? You don't want me to hear it or you don't want her to hear you?" Boses ni Kuya Sandro, still emotionless and it feels weird because  it's familiar.

Naaalala ko ang lahat mula pagkagising ko matapos ang aksidente. Maliban sa boses nya. Hindi ko napansin na ganito kawalang emosyon iyon noon.

Ang narinig ko ay pagsara nalang ng pinto at ang mahabang buntong hininga ng tanging taong kasama ko ngayon sa loob.

"Damnit!" Tila hindi rin sya nakatiis at balak sumunod sa mga lumabas dahil sa di malaman na kadahilanan. Rinig kong bumukas ang pinto pero bago sumara ay narinig kong bumuntong hininga na naman sya. "I'm so sorry. I really am."

Hindi ko alam kung gaano na akong katagal nakapikit. Basta tahimik ang lahat, wala akong marinig na kahit ano. Walang babalang naramdaman ko nalang na mahuhulog ako sa malalim na bangin. Naisipa ko ang paa ko saka napaupo nang tuwid.

Glass wall, painting, table, folders. I'm still in the office. Pagtingin sa orasan, nakita kong 9:50 am na.

"Shit! Bakit nakatulog ako!" Naalala ko ang meeting with the investors, ni hindi ko pa nasasabi kay Luck na gumawa ng powerpoint dahil nawala sa isip ko. Naayos ko naman na ang mga ilalagay pero wala akong naihandang kahit ano.

Malaki ang posibilidad na nagawan nya na ng powerpoint kasi nabanggit ko na rin naman sakanya yon at alam nya na talaga, kaso, hindi ko napag-aaralan kung anumang nilagay nya (if meron nga, finger-cross) doon.

Tiningnan ko ang muka ko sa salamin. Akmang tatayo na ako nang may kumatok sa pinto.

"Come in!" Natatarantang sabi ko. Patayo na ako nang pumasok si Luck.

"Here." May inilapag sya sa mesa at nakahinga ako nang maluwag nung nakita ko iyon. "This is the power point presentation I readied."

Kukunin ko sana iyon para isalpak sa laptop ko nang takpan nya iyon ng kamay nya.

"You're not okay." Nakatitig sya saakin habang sinasabi iyon at tila ba siguradong-sigurado sya.

Yes, I'm not okay dahil wala akong anumang alam sa ipepresent ko. This is all my fault, I know. Medyo nahihilo rin ako kanina pa. But how did he know? Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"I'm fine, Luck."

"They just want to know if what's happening on the company during your time as a CEO."

"Yep, but this meeting is still important. I need to prove something to them."

"You already proved it!" He insisted, pinakita nya ulit ang flash drive na nasa kamay nya. "I'm just showing this to you. Hindi naman kailangan na ikaw ang magpresent neto specially now that you're not okay."

"I said I'm fine!" Hinuli ko ang kamay nya para kuhanin ang flash drive pero mabilis nya itong iniiwas. "So you'll do it for me? You're going to present the—"

"No. You know I'm not good at talking." Nag-iwas sya nang tingin, hindi ko maintindihan. "But I know someone who can do it for you."

Iminuwestra ny a ang pinto na parang anumang oras e may mahikerong lalabas doon habang tumatumbling para pahangain ako.

Pero hindi man mahikero o tulad ng inaasahan, ang iniluwa ng pinto ay labis pa ring nagpagulat saakin. It's Kesler and he's wearing a fucking tuxedo. Woah!

Nang nakita ko sya noong una kanina, akala ko bagay lang talaga sakanya— sa kanila ng kambal nya

ang shirts kaya sobrang ganda nilang magdala. But looking at him now, wow! Just wow!

Kaso, dapat ba akong magulat? Hello, mga pinsan to ni Luck!

Kasunod ni Kesler ang kambal nyang suot pa rin ang suot nya kanina. Ngiting-ngiti sila ngayon, pero 'yung ngiti na mukang professional. Hindi na 'yung mukang makulit.

"So... you mean... your cousin will present my supposed to be presentation? Why?"

"Bored sa buhay yan." Jester shrugged.

"Medyo. Though, I'll only do it if you'll hire me." Tumingin ako sa orasan, 9:57, wow, may choice ba ako?

"I don't have enough time but... don't get me wrong, huh? Can you really do it? I mean, I am not really prepared, I haven't even saw the power point so I can just move the meeting."

"Then they'll say that you don't have a word, you lack at time management and you suck at professionalism." As much as I want to disagree, I know to myself that it's kinda true. "Pwede rin nilang ibato sayo na you are not responsible enough and not yet ready to be the company's CEO."

"Don't worry, magaling 'yan si Kesler sa mga presentation. Pinag-aralan nya na rin kani-kanina yang presentation nung nakita namin si Kuya L-Luck na ginagawa yan. Magtiwala kalang, Jess." Sabat ni Jester. I don't have a choice too. This is what I get for being too forgetful.

Ibinigay ni Luck ang ipepresent nito. Tumango ako sakanya kaya nagmamadali na syang umalis. Hindi naman ako sigurado ipapahamak ng mga to.

Nanlalatang napaupo ako sa swivel chair ko. Tiningnan ako ng dalawa.

"Wag ka nang mag-alala, dating budol-budol yong si Kesler. Kaya nyang makisalamuha at magaling magsalita 'yon." Pagbibiro nya and that actually put a little smile on my lips. Super halata pa rin siguro talaga sa muka ko ang pag-aalala.

Medyo disappointed lang talaga ako kahit alam ko sa sarili kong ginawa at ginagawa ko lahat ng makakaya ko lalo para dito sa company.

Lagi kong ginagawa ang best ko pero nararamdaman ko na noon pa man na sobrang ayokong maka-disappoint. Wala akong maalalang pangyayari sa nakalipas na dalawang taon na meron akong tao na sobrang na disappoint. Kaso, lagi kong naiisip na talagang: HINDI KO KAYANG MAKADISAPPOINT AT LALO NA ANG MADISAPPOINT SA SARILI KO.

Ang gulo pero akala mo ba pamilyar yung sakit na dulot non sakin. Being disappointed.

Magsasalita sana ako nang bumukas nang walang pasabi ang pintuan, sumilip ang hinihingal pang si Kesler, kumindat pa ito saamin saka tumingin lang saakin nang seryoso.

"Don't worry, I can do it. Trust me, sis."