Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 23 - CHAPTER 21: Cousins

Chapter 23 - CHAPTER 21: Cousins

"WHAT THE—"

"She's sleeping."

"I can't— the heck! It's real."

"Help me open the door."

"Kuya—"

"She doesn't know yet."

Sumasakit ang ulo ko at medyo umiikot ang paningin. Bahagya akong nagmulat ng mata dahil pakiramdam ko ay gumagalaw ang hinihigaan ko. Saka ko narealize ang matigas na brasong may buhat saakin.

Ang bango kaya naman sumubsob ako sa dibdib n'ya. Bahagya ko pa iyong sininghot hanggang sa makontento ako. Ang bango talaga. Eto yung amoy na hahanap-hanapin mo kahit saanman.

"Bango." Ungot ko habang nahihilo pa rin.

"Uh-huh?" I can sense humour in his voice. I don't know who's him tho. Hindi n'ya rin naman ako kilala kaya naman okay lang siguro. Pilit kong kinapa ang batok n'ya para yumakap pa pero muka n'ya yata ang nahawakan at ko. Nadanggil ko pa nga yata ang ilong kaya hinaplos ko na rin pati ang pisngi n'ya.

"Shh, continue sleeping." Buo ang boses n'ya pero malambot iyon.

"Ate Jaz—"

"Jester!" Hindi ko alam kung anong pinagtatalunan nila ng kausap n'ya pero naiirita ako kaya ininaba ko na ang kamay kong nakahawak sa pisngi n'ya at tinakpan ng kamay ang magkabila kong tenga.

Mukang naintindihan naman nila kaya biglang nanahimik ulit ang paligid.

Binitwan ako ng sinumang may hawak saakin at naramdaman ko ang malambot na kutson sa aking likuran. It feels comfortable. Pero ang hindi ko maintindihan, namimiss ko ang hinihigaan kong mga braso kanina. Kinumutan ako ng sinuman.

Kinapa ko ang unan, kinuha ito at niyakap ko nang mahigpit. May kamay na humaplos sa buhok ko, tila tinatanggal ang nakalaglag sa aking mukha. Bahagya akong ngumiti bago muling kinain ng antok.

Darkness swallowed me and when I opened my eyes again, I'm in front of a very huge building.

I don't know how but I know it's just a dream. Nakasuot ako ng long sleeves at pants, pang opisina. Hindi ganito ang nga isinusuot ko kaya naman nakakapagtaka. May suot akong sapatos na mataas ang takong, color black. Wala akong nararamdaman pero iniisip kong nasasaktan ako. Nakangiwi, nagsimula akong maglakad papasok saka tinanguan ang nakangiting guard na bumati rin sakin ng good morning.

Huminto ang mga paa kong meron nang sugat na makikita dahil sa mataas na sapatos.

Luminga-linga ako sa paligid, hindi sigurado kung anong hinahanap.

"Huy, good morning! Kamusta si Boss?" Blurred ang mukha ng babaeng nasa harap ko pero pakiramdam ko ay kilala ko s'ya.

"Iyon, masungit pa rin." Sagot ko, hindi ako ang kumokontrol sa katawan ko. Para akong robot na nakaprogram na ang gagawin at sasabihin.

"Ayos lang 'yan. Buti nga tumagal ka. Sige na! Andyan na s'ya!" Halos patakbo syang umalis, ako ay tiningnan ang lalaking kapapasok lang pero ang sikat ng araw sa likod nya ay masyadong maliwanag, dahilan para hindi ko makita ang muka nya.

"Hurry up!" Sigaw nya kaagad paglapit pa lang na siyang ikinagulat ko dahil kanina pa pala ako nakatitig sakanya.

Hindi ko alam kung gaano katagal pero naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang masilaw ako sa liwanag ng araw mula sa araw. Sinasara ko naman palagi 'yung kurtina rito, anong nangyari? Nakalimutan ko ba kagabi?

At ang panaginip kong weird. Naulit ulit.

"Mm, antok pa ako." Ungot ko bago tumayo at halos nakapikit pang sinarado ang bintana pero natigilan ako dahil iba ang pakiramdam ng panara doon. Usually, nilalapag ko 'yung window controller sa gilid ng bintana. Bakit wala?

Pinakamulat ko ang mata ko skaa bahagyang nag-panic. Saan kaya 'yon? Bakit ang dalas kong makalimot?

Napatigil ako nang makita ang kakaibang design sa kurtina. Luminga ako sa paligid. Lalo akong nagpanic nang kakaibang paligid ang sumalubong saakin.

Wala ang mga painting na nakasabit sa kwarto ko. Hindi black na with gold and red ang theme ng kwarto. Iba ang kulay st hitsura ng cabinet. Parang mas lumawak at— "where the heck am I?!"

"Oh, you're awake."

Napatalon ako sa boses sa likuran ko. Paglingon ay napanganga pa ako nang tumambad saakin ang hubad—oo hubad ang pang itaas na si Luck.

Humagod ang tingin ko sa itsura n'ya. Magulong buhok, perpektong jawline, green eyes, pointed nose, red kissable lips, topless, abs, green plain shorts.

"Will this make your morning better?"

Tiningnan ko ulit sya saka sumimangot. Ang tinutukoy n'ya palang mas magpapaganda raw ba ng araw ko ay ang katawan n'ya.

"Yay, maraming ganyan sa abroad." Agad kong sansala.

"Ah, on the tv and magazine?"

"Nope. Inperson. Meron pa nga nakabrief lang."

Nag iwas akong tingin. Totoo naman kasi, noong minsan ay niyaya ako ng isang kakilala ko sa fashion show ng beach wear.

"Ah, really?" Nang tingnan ko s'ya ay nagbibihis s'ya ng damit habang nakasimangot.

"Nasaan pala tayo?" Pagbabago ko ng usapan. Tiningnan ko ang paligid at hindi ko magawang mag freak out dahil s'ya naman pala ang kasama ko. May tiwala naman ako sa secretary ko na to. Masungit lang naman s'ya pero mapagkakatiwalaan naman.

"At my condo. Titingnan ko lang niluluto ko." Tumalikod s'ya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Binuksan n'ya ang pintuan saka nagsalita habang papalabas. "She saw men wearing briefs only?"

Naligo ako sa banyo sa loob ng room. Hindi naman na masakit ang ulo ko pero ang problema, wala akong maalala sa nangyari kagabi—oh heck! Pumunta nga pala kami kagabi sa party. Nawala sa isip ko, pero di bale na, wala naman siguro akong ginawang anuman. Isang normal na party lang naman yon.

Lumabas ako at naalalang wala rin akong masusuot. Mabuti nalang at sa cabinet ay may nakahanger na damit panlalaki. Sinuot ko ang kulay puti at binuksan ang di gamit na boxer saka isinuot ko rin.

Babayaran ko nalang to sakanya. The sizes of these shirts are kinda suspecting though. Kay Luck ba to? Bakit parang pakiramdam ko ay maliit to sa katawan n'ya?

Nag final inspection pa ako sa pagmumuka ko sa harap ng salamin bago dahan-dahang lumabas.

Nakita ko rin ang oras sa wall clock. 6:08 am.

Lilingon lingon pa ako sa paligid, naghahanap at nag hihintay ng babaeng biglang hahablot sa buhok ko. Pero imbes na yon, iba ang nakita ko at sumalubong saakin.

"Hi!" Nagtatakbo papalapit saakin ang isang gwapong lalaki, para bang excited na excited sa bagong laruan. Nakaupo lang s'ya kanina sa sofa pero para s'yang si Flash na ang bilis makalapit saakin.

"H-Hi?"

Nakangiti syang tumitig kaya nakaramdam agad ako ng pagkailang. "Mabuti naman at ayos ka."

"Yeah, medyo nalasing ako kagabi hehe, sorry sa abala." Tumango tango lang sya habang nakangiti. "Ah, anong name mo?"

Hindi ko alam kung imagination pero tingin ko ay biglang bumagsak ang balikat nya sa tanong ko. Nawala ang ngiti n'ya sa labi saka naglakad nang mabagal papunta sa sofa. "Come here." Umupo ako sa tabi n'ya. "I'm Jester."

"Nice to meet you!" Ako naman ang ngumiti nang todo sakanya. Nalungkot kasi ako sa makungkot n'yang expression. Nahahawa ako sa pinapakita n'ya dahil masyado s'yang transparent.

"Me too. Don't you remem—"

"Ano ka ni Adam?" Tanong ko ulit. Kapatid n'ya kaya ang isang to? Pero sabi n'ya, wala s'yang kapamilya.

"I am—"

"He's my cousin, Jester Bautista." Sabay kaming napatingin sa boses ni Luck, mukang galing pa syang kusina dahil meron s'yang hawak na sandok. "He's 26 years old and an engineer."

"Woah! Nice!"

"What's up motherfu— Kuya!" Napatingin kming lahat sa sumigaw mula sa pintuan. Nagpabalik balik ang tingin ko kay Jester at sa bagong dating. Dahil magkamukang magkamuka sila!

Nagtatakbo si Jester don sa lalaking bagong dating saka ito hinila. Kung mabilis ang paglapit n'ya nang makita n'ya ako kanina, mas mabilis s'ya ngayon. Hinila n'ya paalis yung lalaki na obviously e identical twin ni Jester nang mapatingin ito saakin.

Pumasok silang dalawa sa isa pang kwarto.

"Don't mind them. Come on, baka nagugutom ka na?" Yaya saakin ni Luck. Natuon sakanya ang atensyon ko.

"They're so cute." Puna ko.

"Yeah, yeah."

Pinaghain n'ya ako ng kanin at menudo saka sunny side up egg.

Nagsimula na akong kumain kasi gutom na talaga ako. S'ya naman ay meron na rin namang pagkain sa plato nya pero saakin s'ya nakatingin.

"Kumain kana jan." Sabi ko pagkalunok ng nginunguya ko at hindi sya tinitingnan. Kita ko lang sya sa peripheral vision ko.

"You don't... remember a thing?"

Sumubo ako ng itlog. "Ano 'yon?"

"Don't you really remember it?"

Napatigil ako sa pagkain nang hawakan nya ang baba ko at dahan-dahan akong iharap sakanya. Napatitig ako. Kunot na kunot ang noo nya saakin.

"Meron ba— may ginawa ba akong masama? Oh my God!" Bahagya akong napalayo at napatakip sa bibig kaya natanggal ang kamay nya. "Pinahiya ba kita? Nagwala ba ako ron?" Napahawak ako sa ulo ko at pilit inaalala kung anong nangyari.

"Not actually." Mabilis akong lumingon. "You just said that I'm so handsome and the most handsome man you ever saw." Saka s'ya nagpaalam na maliligo, ni hindi ginalaw ang pagkain na s'ya mismo ang nagluto.

Sinabi nya rin na ihahatid nya akong pauwi mamaya para makapagbihis dahil binanggit kong bilisan nya kasi papasok ako sa office. Nagbilin pang wag daw akong maghugas ng pinagkainan dahil yung mga pinsan nya raw ay adik sa paghuhugas ng pinggan.

Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang pagkain. Nawalan na rin ako ng gana. Nilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko at tinakpan ang mga natirang pagkain.

Sinabi ko ba talaga 'yon sakanya? Totoo naman na super gwapo nya kaso... yung sabihin 'yon sakanya nang harapan? It's a no!

Kinuha ko ang phone nang may maalala. Kaagad kong kinontact ang doctor ko sa ibang bansa.

"Hello, good evening, Dr. Philly?" Bati ko dahil gabi roon. Isa s'ya sa investor sa kumpanya namin at ang siyang psychologist na gumamot saakin.

"Oh, Ms. Enriquez. How are you? It's been months. Your still in the Philippines, right?"

"Yes, I am. I'm thinking of staying here for good."

"Nice! By the way, do you want something?"

"I just wanna ask you about something—" napatigil ako nang may umupo sa harap ko. Yung kambal na pinsan ni Luck. May dala silang plato at pagkain. Kumain sila sa harap ko.

Ngumiti ako nang konti dahil kakaiba yung tingin saakin ng dalawa. Tumango ako saka naglakad papasok sa isang pinto at luckily, ang bumungad saakin ay isang veranda.

"You still there?"

"Ah, yes. So about that something I wanna ask."

"Spill."

"I've been dreaming of this certain scenario wherein I'm waiting for someone in a huge building."

"And who do you think you're waiting?"

"I don't know. But what I am sure of is he's a man and the aura's intimidating."

"Okay. Is he familiar to you?"

"He feels... famili—"

Natigilan ulit ako nang makarinig ng kalabog sa tabi ko. Pagtingin ay nakita ko yung kambal na buhat ang isang maliit na mesa. Sa ibabaw ay naroon ang kinakain nila at siguro dahil sa pagbuhat nila kaya nalaglag yung baso mula roon.

"Masarap kumain dito sa veranda no?" Sabi ni Jester sa kakambal nya.

"Yeah! Look at the view! Wow!"

Tiningnan ko ang tinitingnan nila dahil muka silang namamangha pero wala akong gaanong makita kundi mga sasakyan.

"Ms. Enriquez?"

Binalik ko ang atensyon sa kausap ko sa cellphone. Naglakad din ako papasok dahil medyo sumasakit na sa balat ang sikat ng araw.

Kinwento ko kay Dr. Philly ang tungkol sa pamaginip ko. Sa loob ng buwan na to, kung hindi ako nagkakamali ay apat na beses ko nang napanaginipan ang senaryong iyon.

"Also... I always feels like something's already happened. Like for example, I'm doing something and then baam! I got De jä vú."

"Those are just normal things—"

"Am I still okay, Doc?" I asked in confusion. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa di mapaliwanag na mga pangyayari.

"Are you drinking your meds?"

"I already stopped that a month ago because you said I'm already fine and that wasn't necessary anymore, doc."

"I'll book a flight in the Philippines and I'll check you in person. For now, you should continue your meds again. That'll help avoid the hallucinations."

Nagpaalam na rin s'ya maya-maya.

Hallucinations? I don't think I'm just hallucinating. But he's a doctor, sa tingin ko ay alam nya na ang ginagawa nya tutal s'ya naman talaga ang nanggagamot saakin noon pa.

Nagmumuni-muni ako sa panaginip ko at sa mga sinabi ni Doc nang muling may mabasag sa likuran ko.

Paglingon ay yung dalawa ulit lalaki. Nagliligpit sila ng pinagkainan at nabasagan na naman sila ng baso.

Yung mesa na buhat nila kanina papuntang veranda ay nasa harap na ngayon ng sofa. Mukang dyan na sila kumain at kanina pa rin sila dyan, hindi ko lang napansin.

Nang makitang pinatay ko ang tawag ay nagtatakbo sila para ilagay sa lababo ang pinagkainan at nilinis ang nabasag bago nag-unahan sa paglapit saakin.

"How are you— I mean, what's your name?" Yung kamuka ni Jester. Sobrang magkamuka talaga tong dalawa liban nalang sa may nunal sa loob ng mata si Jester na napansin ko nung nakausap ko s'ya kanina.

"I'm Jessdre. Ikaw?"

"I'm Kesler. Upo tayo rito." Hindi ako nakatanggi pa dahil hinila nila akong dalawa paupo at pinaggitnaan doon.

"Kambal ko s'ya, Jess." Si Jester iyon.

Kaagad syang binatukan ng kakambal kaya natawa ako nang mahina. "Obvious ba? E muka tayong pinagbiyak na buko!"

"Buko? I prefer avocado. Muka tayong pinagbiyak na avocado." Nagniningning na naman ang mata nila nang ituon ang mata saakin. Nakakatuwa naman tong dalawang to. "Jess, papasok ba kayo today ni Kuya Luck?"

"Ah, oo. Kaso ang tagal nya. Ihahatid nya pa raw ako pauwi kasi magbibihis ako bago pumasok."

"Hayaan mo muna 'yon, nagpapapogi pa." Tumawa silang dalawa, nakitawa nalang ako. "Ngayon ko lang napansin, damit ko yan ah!" Pansin ni Jester sa suot ko.

Sabi na nga ba, parang medyo masikip to kay Luck. "The heck, sorry! Babayaran ko nalang kasi yung dress na suot ko—"

"Sinukahan mo." Pagtatapos ni Jester sa sinasabi ko.

Nasukahan ko? Omg oo nga pala, pagkagising ko ay white T-shirt din ang suot ko! Hindi yung dress na suot ko sa party.

"Paanong—"

"Binihisan ka ni Kuya—"

"What!?"

"Hindi, joke. Yung kapatid naming babae ang nagbihis sayo, don't worry." Nakahinga ako nang maluwag bigla. Parang gusto kong himatayin. "Tsaka no need to pay for that. Sayo na 'yan, okay lang naman."

"Sorry, nakaabala pa ako—"

"Hindi!" Halos mabingi ako sa sabay na sigaw ng kambal sa magkabilang tabi ko.

"I mean, no, hindi abala, hindi naman kami naabala. Especially me, wala naman akong ginagawa masyado."

"Oo, tsaka ako lalo e napadaan lang naman ako sa condo netong kapatid kong medyo lang pogi kumpara saakin. Ayos lang kahit andito ka palagi."

"Uy, thanks."

Sabay silang nag welcome bago may naalala.

"So, this is your condo?"

"I thought at first that it's Luck's."

"Si Kuya? Masyado syang—"

"Mahirap!" Pigil ni Kesler sa tuloy tuloy na pagsasalita ng kapatid. "Masyado kasi syang nagtitipid at hindi yon titira sa ganto. Etong kapatid ko, maswerte lang sa kumpanya nila kaya merong pa-condo sakanya."

Nagtitipid? Parang hindi naman. Hindi ko nalang sinabi ang iniisip ko. Mukang dadaldal pa sana yubg dalawa nang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas ang naka white polo and black slacks na si Luck. Nakasuot din s'ya ng eyeglasses.

"Let's go?" Aya nya at nanliit ako lalo nang tumabi sya saakin. Sobrang pogi! Sa gigil ay parang gusto kong kurutin ang pisngi nya pero  at the same time ay nagsusumigaw ang mula nya ng kaseryosohan. Parang sinasabi na "Noli me tangere" o *huwag mo akong salingin."

"Sasama kami!" Sabay na sigaw nina Jester at Kesler. Nagkatinginan nalang kami ni Luck at biglang may sumagi sa isip ko na hindi ko alam kung saan galing.

"Promise me that you'll remember me."