"I'VE BEEN LOOKING FOR YOU."
Hindi ako nakaimik. May kung ano na nakapagpatigil saakin na halos pati paghinga ko ay mapatigil rin.
Ramdam ko na ang pamumula ng buong muka ko. Alam kong nakaupo pa naman ako nang tuwid pero ang pakiramdam ko ay yumuyugyog ako.
Kung kanina ay hindi ko maialis ang tingin ko sa buwan at kalangitan, ngayon naman, kahit pa magibang anyo ang buwan ay hinding-hindi ko na muli itong lilingunin. Mas gusto ko ang nasa harap ko ngayon. Mas gusto kong tingnan ang katabi ko.
"Where have you been? Bakit umalis kana naman nang wala ako?"
"S-Sorry." Hindi maialis ang pagtitig ko sakanya na tila napansin n'ya na pero hindi n'ya ito pinuna man lang.
"What happened?"
"Ber— Mr. Villafranca saw me so... yeah."
"That fuck." Rinig kong bulong niya. Para akong nalilingaw sa hilo na dinagdagan pa ng hangin. "Bakit iniwan ka n'ya dito at bakit dito ka pumunta? This place isn't an exception. Kung p'wede kang mapahamak sa mga lugar na napuntahan or pinupuntahan mo, p'wede din dito."
"Hinanap kasi kita kanina."
"Bakit mag-isa ka. Where's that fucking Bernard?" Hindi nakalagpas ang halatang inis na iyon sa pandinig ko kanina pa.
"Manahimik ka nga d'yan. Parang meron kayong alitan noong past life n'yo kung sungitan mo eh." Puna ko kasi noong nakaraan pa s'ya ganyan kay Bernard na kahit yung tao e napansin 'yung trato n'ya. "You hate him, do you?"
"I don't hate him, okay? And I'm not against him about anything."
"Ah, so it's okay for you if I'll call him Bernard, right?"
"What? No!"
"Nirespeto ko lang ang pagtanggi mo non na gamitan ko sya ng first name basis kasi naiisip kong baka may problema kayo sa isa't-isa nang hindi ko nalalaman. Ngayon ikaw mismo nagsabi na wala naman pala kayong problema, then you can't stop me—"
"He doesn't like—"
"He suggested it! Isa pa, sinasama n'ya ako ron para kumain pero tumanggi ako kaya mag-isa ako ngayon dito."
"It's still his fault that you're alone."
"Of course not! Can't you understand? I just told him that I'll look for you—"
"Still, in the first place, it's his fault that he left you alone here. He fucking stole you from me then he just let you go that easily?"
"No, he didn't. Kusa akong sumama "
"He did!"
"No! 'Stole me from you?' e ikaw nga 'tong..." Hindi ko itinuloy. Napairap ako. "Hindi ko na alam kung anong pinag-uusapan natin at saan tumatakbo 'to. Nahihilo ako, manahimik kana, baka masipa kita."
At hindi bagay, masyado kang gwapo para sipain lang.
Tila napagod din s'yang makipagkulitan saakin kaya nanahimik rin s'ya.
"Marami kaming nakilalang —" natigil ako nang bigla akong mag-burp. Tumawa ako sa di malamang kadahilanan. "Shit."
"You're too drunk." Pansin niya na kakaiba na ata ang pananalita ko. "And why are you wearing that kind of dress? It's too cold." Inayos n'ya ang tux na siya palang nilagay n'ya sa balikat ko. "Why aren't you talking anymore? Is there anything wrong?"
Bumuntong-hininga lang ako. Ni ang kumurap ay hindi ko magawa. Umiikot ang paligid pero ang buong atensyon ko ay tutok pa rin sa magagandang berde niyang mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Sa buong mukha niya na nagsusumigaw ng kaperpektuhan.
"Damnit, what happened?"
"I just realized that I'm not alone anymore."
"And you don't need to be—"
"I'm not alone anymore now that you're here. But time will come that you need to go. Follow where your heart wants to go. Choose the girl you need to be with."
He didn't answer me. Alam ko, kahit ako naguguluhan sa takbo ng utak ko.
"If you're inlove with someone, what will you do?"
"I'll let her know. But before that, I'll make her feel what I feel so that she doesn't have second thoughts about it."
"Ah, so, we're kinda same. But what if... she's for someone else? If she's inlove with someone and that someone isn't you?"
"I'll fight for her. I won't easily give up."
"We're opposite in that thing. Bakit mo ipaglalaban ang taong iba ang gusto at malinaw na malinaw naman sa'yo? Hindi 'yon kahinaan. It's bravery. Admitting to yourself that you can't be the one for her. Accepting the rejection."
"Pero paano ko tatanggapin ang pagkatalo kung hindi ko pa nararanasang lumaban? Ipaglalaban ko s'ya hanggang kaya ko. Lalaban ako kahit pa maubos ako. At kapag nangyari 'yon, hindi n'ya pa rin ako gusto at iba pa rin ang tinitibok ng puso n'ya, that's the time I'll stop. Hindi kaduwagan lalo ang sumubok." Inayos n'ya ulit ang nakapatong sa balikat ko. "I'll accept the 'rejection' only — if only— I can't anymore."
"Hindi man kaduwagan ang paglaban, hindi rin naman kaduwagan ang pagsuko—"
"Listen. I get your point but think this way— paano kung mabuhay ka sa what if pagkatapos mong sumuko nang walang ginagawa? 'what if pinaglaban ko? 'what if I didn't just run away?' And many more 'what ifs' that'll hunt you more than your feelings. I don't like sleepless nights anymore because of that."
Natahimik ulit kaming dalawa. I get his point too pero ayokong tanggapin na mas duwag ang pamamaraan ko. Ang pag-iwas, paglimot at pagmu-move on mag-isa.
"You can leave me here." Mahina kong anas saka iniwas ang tingin ko. Pinagsalikop ko ang kamay ko at doon itinuon ang pansin. Tinitigan ko bawat parte ng kamay ko na para bang may kakaiba at espesyal roon.
"What?"
"You're still my secretary."
"I don't get it." Naaakit akong tingnan s'ya pero ayoko. Tama na siguro 'yung mga titig at nakaw kong sulyap kanina.
Hindi ko maintindihan. Kanina ay hinahanap ko s'ya nang hindi ko makita at ngayong nasa tabi ko na ay nananahimik na ako at ni ayaw na s'yang tingnan.
Hindi ko rin alam kung ang lamig ng gabi, liwanag ng buwan, ang nainom ko o ang simpleng dahilan na nandito s'ya ngayon sa harapan ko ang nagpaemosyonal saakin. Nangilid ang luha ko.
"Leave me here. Leave me." Mariin bawat katagang lumalabas saakin bago naglakas loob na tingnan s'ya ulit nang hindi nasasaktan pero habang naiisip ang lahat ay kumikirot lang ang dibdib ko. "Or just leave my life, please."
He's too attractive, awesome and great guy to resist. Sana, nung una palang na inakala n'ya akong ibang tao ay umiwas na ako. Nang panahon na nakita ko ulit s'ya, dapat ay hindi ko s'ya inalok ng trabaho at sana... nang mga panahon na kinuwento n'ya ang tungkol sa babaeng mahal n'ya at hinihintay n'ya hanggang ngayon ay hindi nalang ako nainggit. Nag-ooverthink. Naghangad na sana ako nalang 'yung gusto n'ya na kaya n'yang hintayin gaano man katagal.
Inggit lang naman siguro 'to. Masyado lang siguro akong nadala at na-curious sa pakiramdam na magkaroon ng special someone tulad n'ya. Kaso, anuman ang idahilan ko sa sarili ko ngayon, hindi ko maitanggi na gusto ko s'ya. Gustong-gusto ko s'ya.
"Hey, wait!" Nataranta s'ya nang maaninag ang pagtulo ng luha ko.
"Ilang linggo palang nang magkakilala tayo pero gusto ko nang umalis ka sa buhay ko." Bahagya nang tumaas ang boses ko.
Duwag ako dahil unang beses ko tong naramdaman pero gusto ko na agad mawala. Well, sa pagkakaalam ko dahil nawalan nga ako ng memorya at wala din naman nabanggit sila dad na nagmahal na ako dati or nagka-boyfriend. Nakakatakot kasi hindi pamilyar saakin ang ganito at mas lalong nakakatakot dahil aware akong meron s'yang iba.
Pilit n'ya akong iniharap sakanya nang lingunin ko ang buwan. Kaya pala mas dumilim, nilamon na ng ulap ang buwan na kanina ay napakaliwanag pa.
"Look at me and tell me everything. 'Wag ganito. Don't you like me as your secretary? May kasalanan akong—"
"I don't just like you as my secretary and that's the problem, Luck."
"You mean..." Natigilan s'ya at sandali akong lumingon bakas na mukha na hindi alam ang gagawin o sasabihin man lang. Lalo kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Oo na! Siguro masyado na akong naghahangad. Hindi ko naman ginusto pero sorry, ginawa ko naman lahat para pigilan eh."
"You don't need to—"
"You don't need to think about this too much. I just like you and that's it. Hindi naman ako ang unang taong nagkagusto sa'yo di ba?" I added humour on my voice. "You're too handsome, imposible na ako palang ang umaamin." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
For God's sake, Jessdre, you're not a kid anymore. You're not a highschool student who's confessing your feelings to your crush. You're too old for that and in this age, liking is too normal.
"Do you like me? Really?"
"Umiwas ako, okay? Sinubukan ko ring makipaglapit sa ibang lalaki dahil naisip kong baka kaya ganto e dahil lagi kitang nakakasama."
"What?"
"Guess what? Iba ang kasama ko pero hinahanap kita. Hinahanap ko ang cold expressions mo sa iba at pagngiti mo na saakin mo lang ginagawa. May one month na ba mula nung nagtrabaho ka sa kumpanya? Sa pagkakaalala ko ay wala pa. Pero bakit ganito katindi?"
"Jess, I—"
"May ginawa ka ba? Sinasadya mo ba 'to o masyado akong marupok?"
"So you like me?" Ulit n'ya na naman. Hindi ko napigilan na mag-init ang ulo ko. Tatayo pa sana ako pero hinila n'ya ulit ako paupo. Lalo akong nahilo.
Pumikit ako nang mariin nang merong nagflash sa utak ko na kung ano at napahawak ako sa sentido.
"Hey, are you still okay?"
"I feel like... we were lovers in our past lives."
"What?"
"It's weird that I can't even remember my childhood but your presence feels too familiar." I whispered, not even sure if he heard it.
Nanahimik ako sa pagbabakasakaling mababawasan ang pag-ikot ng paligid at huminga na rin ako ulit nang malalim para kumalma.
Hindi pa rin ako makatingin. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa kamay. Nang magsalita ay mahinahon na ulit ako.
"Leave me here in the cold and leave my life too." Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko kanina. "Keep waiting for that girl, Mr. Bernales. Because I'm starting to like you and it's fast. Too fast that I'm not even sure if it's just 'Like' or what—"
"I don't need to." Nataranta ako nang bigla n'ya akong hinila palapit sakanya.
"H-Hoy Mr. Berna—"
Pakiramdam ko ay may sumabog na fireworks nang maramdamang naglapat ang aming labi, naramdaman ko rin ang bahagyang pagliwanag ng paligid dahil sa muling paglabas ng buwan.
Inangkin n'ya ang mga labi ko. He kissed me hard yet became soft afterwards. Like I'm vulnerable and can easily break. Natulala lang ako sandali pero maya-maya ay kusang gumalaw ang mga labi ko, ginagaya ang galaw ng sakanya habang nakapikit ang mata.
Nang maghiwalay kami ay pinaglapat n'ya ang aming mga noo.
"No. I'm not gonna asked you why'd you kissed me." Bulong ko.
"Good."
Muli n'yang pinaglapat ang aming mga labi at naramdaman kong bahagya syang ngumiti.
Nang maghiwalay kami, matagal n'ya akong tinitigan. Lalo akong nangatal.
"I—It's too cold." Reklamo ko ulit, hindi alam ang eksaktong sasabihin at niyakap n'ya ako nang mahigpit.
Pinapaasa n'ya na naman ba ako o ako lang ang umasa at tinugon n'ya lang ang 'panlalandi' ko? Eto na naman ba 'yung hahalikan n'ya ako at pagkatapos ay pipilitin n'ya akong tanungin s'ya? Kakalimutan na naman ba ulit namin 'to? Iisipin n'ya bang ang kapal ng mukha ko dahil iniisip ko ngayon na kakalimutan n'ya ang mahal n'ya para saakin?
Hindi ko na alam pa.
The silence between us isn't awkward. This is the silence of peacefulness. Kung p'wede lang ay wala nang magsalita. Kahit dito nalang kami habang-buhay kaysa may lumabas pa sa mga labi n'ya na makakasakit saakin. Kung mangyari 'yon ay hindi ko na alam pa ang gagawin.
"I don't need to leave, I'm willing to stay with you in the cold. Kaya kong gawin lahat ng gusto mo. Wag mo lang akong ipagtabuyan paalis dahil hindi ko magagawa 'yan kahit hilingin mo pa. Stay here beside me. And Jessdre Enriquez?"
"Hmm?"
"You should listen to me. You're not the first woman who confessed her feelings on me."
I knew it. Maybe they're beautiful too. Just look how good-looking this creature is infront of me. Sa gwapo neto, maglalakas-loob ka lang talaga mag-confess kung maganda ka, liban kung sobrang confident ko. In my case, masydo akong lasing at makapal ang mukha.
"But... don't you feel it? Haven't you saw it?"
"What?"
"That among any others right there, you're the most important woman for me and your feelings is what I treasure the most."
"Why?"
Huminga s'ya nang malalim, 'yung muka n'ya ay parang sinasabi na ang tagal kong maka-gets e obvious naman. Hindi sa pag-a-assume pero meron na akong naiisip kung anong ibig nyang sabihin. Pero gusto kong sakanya mismo manggaling 'yon. Mahirap na, baka mali pagkakaintindi ko.
"Isn't obvious? Really?"
"What!?" Naiirita nang tanong ko.
"I'll answer it. But first, do me a favor."
"What favor?"
"We were not lovers in our past lives but you need to remember me."
"Nalasing yata ako lalo. Teka, ano?" Binigyan ko s'ya ng lasing na tawa pero seryoso lang ang mukha n'ya.
"Promise me that you'll remember me."
"Bakit nga? Alalahanin ka? Gago ka ba? May super powers ka ba tapos buburahin mo ang memory ko about sa'yo pero gusto mong maalala pa rin kita? Ha? Ang gulo." Yung naiisip ko tuloy ay yung nabasa ko noon na fantasy book.
"Just promise me you'll remember me."
Seryosong seryoso pa rin s'ya kaya napipilitan akong tumango. "O-Okay. Promise."
"Good then."
"Oh, ano ngayon yung sinabi mo kanina? Anong hindi ba obvious na sinasabi mo?"
Tumaas ang kilay ko dahil nanlalabo lalo ang paningin ko. Nagburp ulit ako dahil sukang-suka na ang pakiramdam ko.
"That... I like you more."
Hindi nagregister ang sinabi n'ya sa utak ko.
Hindi ko na kinaya, inilabas na ng sikmura ko ang alak at mga kinain ko. Ang masama pa, sinukahan ko si Luck, ang magandang red dress ko at ang napakabagay sakanyang suot n'ya.
Damn. Sayang naman.
Saka ako nawalan ng malay.