Party
"I WAITED for someone."
He waited for someone but still kissed me? Hindi na naman ako tuloy makamove on. Ginawa pa akong trip trip, gano'n? 'Yun ba ang papel ko sa mundo? Bwiset.
Sa sobrang letse ko ay hindi ko na s'ya kinausap liban kung tungkol sa business. Sabagay, una palang naman talaga, dapat business is business. Kailangan na manatiling employee-employer ang turingan namin.
"Ma'am, hindi n'yo na po yata nakakasabay si Mr. Sugi." Anang isang empleyada na si Maricris, lagi n'ya akong kinukwentuhan kaya nakapalagayan ko na rin s'ya nang loob.
Ang tinatawag n'yang Sugi ay walang iba kungdi ang sekretarya ko. Sunget daw tapos pogi kaya naging Sugi. Ang totoo, nang marinig ko 'yon sa kanila last week ay natawa ako pero bagay na bagay kay Luck.
"Nagkakataon lang siguro."
"Noong unang linggo ma'am halos hindi kayo mapaghiwalay tapos ngayon—"
"Nagkataon 'yon ngayon na may ginagawa s'ya palagi at kapag nakikita ko naman s'ya ay may personal na bagay akong kailangan na gawin."
"Sus ma'am, may LQ lang ata kayo eh—"
"Hoy wag ka nga!"
"Ship ko kayo ma'am pero mas ship ko s'ya sa sarili ko."
"Talande! Bagay kami ni Sir tingnan mo, blue mata ko, sakanya green. Omerged!" Kilig na kilig na umirit pa ang katabi ni Maricris na si Karen. Blue eyes kasi half Russian.
"Manahinik kayo ah, may asawa na 'yon." Palusot ko na ipinanlaki ng mga mata n'ya.
"Seryoso ma'am!?" Sigaw niyang tanong.
"Oo kaya tigilan mo na 'yon kasi parang tigre asawa non. Nabalitaan ko nakaraan, 'yung huling babaeng lalapit-lapit don, sinugod ng asawa n'ya, nasa hospital pa ngayon ang kawawang babae."
"Totoo nga ma'am?" Nagsilapitan din ang ibang kasamahan nila na kanina ay busy sa pagkain at pagkukwentuhan ng ibang bagay. Nakasabay ko kasi silang magkape.
"Naks, chismis yan ah, ma'am!"
"Oo nga! Balita ko nabasag daw bungo ng babae tapos inoperahan kasi bali-bali rin daw yung tadyang. Higit isang buwan na pero nakaconfine pa rin."
"Creepy naman no'n!"
"Hinampas daw ng baseball bat e."
"What the..."
"Oo, sinaksak rin saka binugbog."
"Grabe naman. Hindi dapat ganon, msasakal nyan si Mr. Sugi, hindi dapat! Ipaglalaban ko s'ya!" Si Karen pa rin. Ayaw sumuko ng loka.
"Kahit mabalian ka ng tadyang at mabasagan ng bungo?" Si Miyuki, baklang katrabaho nila.
"W-Wag naman, pasimpleng laban lang. Egul ako, wala akong baseball bat."
Tawa kami ng tawa sa sinabi n'yang iyon.
"Wala e, selosa e." Tiningnan ko ang orasan. 8 pm, 20 minutes pa bago matapos ang overtime break.
Simangot ako nang makita mula sa entrance netong cafeteria ang papalapit. "Sige guys, bye bye—"
"Hi." Walang emosyong bati saaming lahat ni Luck. Pero saakin s'ya nakatitig. Patayo na sana ako kaso mabilis maglakad e, hindi ko napansin parang halos tumakbo pa.
Alanganing ngumiti ang mga kasama ko sa mesa saka isa isang nagpaalam na aalis na tila takot na takot. Pero si Karen ay pasimpleng ngumiti at kumurot kay Luck saka humagikgik na umalis.
Inilapag n'ya kaagad ang isang invitation card bago umupo. Halata naman kasi may nakasulat agad sa labas na: You are invited!
Black ang card na kulay silver ang mga nakasulat. Ang ganda, halatang bongga anuman iyon. Pero bago ko makuha ay hinigit n'ya iyon palayo saamin.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Bakit na naman?"
"Palagi mo akong pinapadala sa warehouse sa car company n'yo."
"'Di ba sabi ko sa'yo icheck mo don kasi iyon naman ang susunod na aasikasuhin ko—"
"Ginawa ko na. Araw-araw, chineck ko na tatlong araw na ang nakakalipas at naipadala ko na rin sa'yo ang report about doon. Tapos ipinwesto mo naman ako sa storage room."
Pansin ko ang butil ng pawis sa noo n'ya na tumutulo hanggang sa ilong. Naka white T-shirt s'ya at nadumihan na rin iyon kasi nga pinapacheck ko naman sakanya ang storage room na pang-apat na araw n'ya nang ginagawa ngayon.
"Because you need to—"
"I'm your secretary. I must be always beside you." Giit n'ya at hindi na napansin nang kunin ko ang invitation card sa kamay n'ya. "Hindi na ako aalis ngayon—"
"Parang sumusobra kana ah? Ikaw na magpapasya? Ikaw na boss dito? Parang hindi ako boss mo ah."
"I never treated you as my boss. We never treated each other as boss-secretary too. Ngayon mo lang ba narealize?" Umirap ako kasi may point. Binasa ko nalang ang invitation card kasi naiinis na rin ako sa bigla n'yang pagngisi.
"Ano 'to?"
Ang nakalagay lang kasi sa card nang buklatin ko ay ang pangalan ko, time at date. Birthday-an ba 'to? Kasal o ano? Bakit walang nakasulat? Bongga ng card tapos shunga gumawa.
"Business party."
"Come again?"
"That's a limited invitation to a business party for tomorrow. Darating ang naglalakihang business people not just in our country."
"Wow!" Halos mapapalakpak ako sa saya at excitement.
"Yes, wow!" Tumaas pa ang kanang kilay n'ya na parang nagyayabang at hinihintay na purihin ko s'ya. "Your secretary is great, right?"
"Hindi rin."
"I am. May kakilala akong secretary ng isang company owner na mas matapang pa sa boss."
"Oh? Hinahayaan n'ya na gano'n secretary n'ya? Yaman n'ya tapos secretary walang GMRC?"
"Uh-huh."
"Babae ba 'yon? I mean 'yung secretary?"
"Yep. She is. Madalas sagut-sagutin ng secretary 'yung boss n'ya. Harap-harapan n'ya pang pinagsasabihan. Naalala ko minsan nakita ko sinapak pa ng secretary ang boss n'ya nung malasing ito."
"Baka naman inlove 'yung boss?"
Tumingin s'ya sandali sa itaas na tila nag-iisip.
"Yes, obviously. He is. Too inlove."
"Naks! Kamusta na sila ngayon?"
"They are... They are m-married now."
"Ang galing naman! Sweet ah? "
Hindi s'ya umimik kaya ako na ang bumasag sa katahimikan. Tumikhim ako para kunin ang atensyon n'ya dahil mukhang naglalakbay na naman ang utak n'ya.
Agad s'yang lumingon. "You need to wear formal dress and you also need an escort."
"Hm, ano kayang klaseng dress..." Pagkausap ko sa sarili ko. Marami naman akong simple dress sa bahay pero bongga 'yung party e. 'Yung mga sinusuot ko pa naman na dress sa business parties na ina-attend-an ko sa ibang bansa ay naiwan ko roon.
"You don't need to be too beautiful."
"Anong you don't need to be beautiful ka d'yan? Dapat makuha ko ang atensyon nila."
"Using your looks is okay but you must consider showing them that you're smart and can handle them."
"Pero kelangan ko pa rin makuha atensyon. Manahimik ka muna d'yan, mag-iisip ako."
Sumunod naman s'ya. Kumuha s'ya ng tissue sa mesa at pinunasan ang pawis n'ya sa mukha pati sa leeg. Buti naman kasi nakakadistract lalo na ang pinupuntahan ng pawis n'ya sa leeg— okay, okay, enough.
"Bibili ako!" Tila ako magdedeklara ng gyera kung sabihin ko 'yon. "Samahan mo 'ko. You're my secretary sabi mo st dapat kasama kita. Sige, sumama ka!"
Akala ko ay tatanggi s'ya kasi nga ayaw na ayaw ng mga lalaki na sumama sa mga babaeng mamili lalo na sa usapan ng isusuot kasi maarte ang mga babae at matagal pumili ng susuotin. Pero isang mabilis na 'Sure' ang sagot n'ya. Depunggal.
UMILING SYA KAAGAD. Hindi yata ako ang babae dito dahil s'ya ang matagal at maarte sa pagpili. Hindi ko na maalala kung ilang damit na ang isinukat ko na hinindian at inilingan n'ya.
Yung backless kanina na black, okay na. Nakangiti s'ya nang makita n'ya akong suot 'yon pero nung umikot na ako ay tumanggi s'ya. "Hindi bagay. Next!"
Ayos naman 'yung blue dress na mahaba tapos may slit sa kanang binti na kita hanggang legs ko pero paglabas ko palang sa fitting room ay itinaboy n'ya na kaagad ako. "Ang pangit naman n'yan."
Pinaka paborito ko ang red dress kanina na mababa ang neckline. Kaso, pagkakita ay pinapili n'ya ulit ako nang iba. "Yan na yata ang pinakapangit na nakita ko."
Bwisit. "Nangigigil ako sa'yo ah, pagod na pagod na ako kakasukat."
"Wala namang magaganda dito, sa iba nalang—"
"Shut up!" Pigil ko kasi papalapit na ang sale's lady saamin.
"Meron na po ba kayong napili, ma'am?"
"Ah... 'y-yung..." Ano bang magandang nakita ko kanina? Tipong mukang okay naman nung tumingin ako sa salamin? Hindi ako makapagpasya. Wala ring kwenta tong sekretarya ko sa ganto eh. "Ang ganda ng black, blue and red kaninang sinukat ko miss, pakibalot nalang 'yon."
Itinuro ko isa-isa ang tatlong dress na isinukat ko nga kanina. Mamimili nalang ako sa bahay. Kay Kuya Sandro ko nalang siguro ipapakita kung anong bagay saakin.
"We can go to other stores—"
"Heh! Tama na 'yan." Alas diez na rin kasi nang gabi. Buti nalang 24 hours ang tindahan na ito ng mga eleganteng formal wear. "Bat sinama ko to? Walang alam sa fashion."
"Stubborn."
Ako pa talaga ang makulit. Dahil business party yon, syempre s'ya dapat ang escort ko. Dapat ng sinusuportahan n'ya ako at inaayos n'ya mga deissyon n'ya sa buhay para hindi s'ya mapahiya sa kasama n'ya.
Ngunguto-nguto s'ya sa tabi ko lalo nang ibigay saakin ang pinamili at agad kong binayaran.
"
Kulit, sabing pangit mga 'yon." Nagdadrive na ay bubulong-bulong pa rin s'ya. Maya't-maya n'yang sinusulyapan 'yung mga damit na nasa paper bag.
"Can't move on, dude?" Kulit din ng isang 'to talaga. Uulit-ulitin pa ba? Tinigilan ko na nga s'ya dahil parang ayaw n'ya talaga lahat 'yon para saakin.
Pero sino sya para magpasya para sa susuotin ko? Ako ksya ang boss. Ako rin ang magsusuot.
Tumigil na s'ya at kita kong nasa labas na kami ng bahay. Sa mismong harap kasi nakapasok na rin pala kami ng gate. Noong unang beses n'ya akong hinatid dito ay dito n'ya rin diniretso ang sasakyan, medyo malayo pa kasi amg lalakarin ko kung sakali kung sa gate ako bababa.
Tsaka 24 hours naman na may guard na magbubukas.
"Don't wear those—"
"Bumaba ka, halika, magkape ka nga muna at nang kabahan ka naman sa paulit-ulit na 'yan."
Umirap s'ya saka ako tinulungan ibaba ang mga binili ko sa harap ng pinto. Oa neto e tatlong dress lang namsn 'yon, parang hindi ko mabubuhat.
"I'm leaving. Susunduin kita bukas. 6 pm."
"Huwag na! Papahatid nalang ako kay Kuya Sandro sa office. Doon tayo magkita."
"Okay." Pumasok s'ya sa kotse n'ya at hinintay ko 'yon umalis pero binaba n'ya muna ang salamin ng sasakyan bago ngumiti sa wakas. May tama.
"Goodnight. I'm excited to see you to— the party."
Pumasok kaagad ako nang makaalis sya. Agad naman akong sinalubong ni kuya sa sala palang.
"Your secretary?" Tumango ako saka ipinakita ang mga hawak ko.
"Punta akong business party tom. Tingnan mo anong bagay."
Excited akong pumasok sa kwarto ko at sumunod s'ya. Umupo s'ya sa kama habang ako naman ay nagpunta sa dressing room ko. Una kong sinuot ay 'yung mababa ang neckline. Tuwang-tuwa kong inikot ang sarili ko. Ganda ko kaya!
Kaso, tulad ng reaction ni Luck ang reaction ni Kuya. Umiling s'ya nang maraming ulit. "J-Jess, I think you should try the other dresses." Alanganin pa s'yang ngumiti.
Um-okay ako saka nagsukat. Gaya ng nangyarj kanina, wala ring pumasa sa panlasa n'ya. Pangit ba talaga or iba ang taste ng mga lalaki pagdating sa pananamit? Dapat siguro sa babae akl magpatulong.
"Itatanong ko nalang kay Jea kung may alam pa s'ya. Magpahinga ka na. Gabi pa naman 'yan, di ba?" Pang-aalo n'ya, napansin ata na matamlay ako.
Na-excite pa naman ako. Magaganda naman talaga 'yung mga dress. Sigurk tama sila, hindi lang talaga bagay saakin. Hirap maghanap ng babagay sakin, letse.
Natulog ako ng may sama nang loob pero kaagad nabago iyon nang alas syete palang ng umaga, mayroong dumating na package saakin mula kay Mr. Bernard Ranzen Villafranca. Isang malaking box iyon na may note sa labas: This is what a beautiful girl like you should wear. See you at the party!
Wala si Kuya Sandro kasi may pupuntahan raw kaya pinaakyat ko kay Manang iyon sa kwarto ko. Nang makaalis s'ya ay malawak ang ngiti kong binuksan ang box. Napakathoughtful naman ni Mr. Villafranca.
Napanganga ako nang makita ang laman noon. Merong red stilleto na bumungad saakin at red dress na matingkad ang kulay.
Itinaas ko iyon at humarap sa malaking salamin at inilapat sa katawan ko. What the! This is perfect!
"WHY ARE YOU WEARING THAT?" Halatang kanina pa bothered si Luck sa suot kong tux tapos halatang naka red dress naman ako sa loob kasi mahaba ang dress.
"Ah, malamig kasi, mamaya ko nalang tatanggalin to."
Sa opisina palang ay tila s'ya natuliro nang makita ako. Ewan kung bakit, siguro dahil nakakahiya akong kasama. Nagpa-light make up lang ako sa salon kanina saka ko pinaresan ng matte lipstick na super red din ang kulay saka na ako nagpahatid sa driver namin papuntang company. Pagkababa ko pa nga lang e nakita ko na si Luck na naghihintay.
Kung red ang theme ko ngayon, s'ya naman ay black. Palagi naman s'yang nakablack tux noong una ko s'yang makita pero ngayon e extra pogi s'ya kasi bago ang hairstyle n'ya. Hindi mukang stressed ngayon ang buhok n'ya. Higit sa lahat, sobrang bango n'ya tonight. Mabango naman s'ya noon pa, pero extra ang amoy n'ya ngayon. Tipong parang iniligo ang pabango pero hindi masakit sa pang-amoy.
"You didn't wear those dresses we bought last night, right?" Naniniguradong aniya. Ayaw n'ya talaga 'yung mga 'yon?
"Oo!" Umirap ako nang makitang doon lang s'ya ngumiti nang sobra. Gano'n kapangit? Seryoso?
"We're here." Anunsyo n'ya. Bumaba s'ya kaagad at inalalayan akong makababa rin.
Napatanga ako dahil hindi lang ito talagang basta party. Nasa harap kami ng isang 5 star hotel na sobrang kilala dahil talagang super high class. Madalas ko 'tong mabasa at mapanood kahit saan kasi nga sikat. Sabagay, business people around the world daw ang dadalo dito.
"Mr. Lac—" Mayroong palapit saaming tatlong matatandang lalaki pagbaba palang sa kotse pero agad iyong nilapitan ni Luck.
Sumenyas s'ya saakin ng 'Wait' saka hinarap ang mga ito. Nakahinga ako nang maluwag. Buti naman kasi tatanggalin ko na tong doble ko. Nilagay ko iyon sa inupuan ko kanina.
"No, thanks." Rinig ko ang walang emosyong boses ni Luck habang nakatalikod saakin.
"Hey!" Mahinang bati saakin ni Mr. Villafranca na nasa tabi ko na pala. "I see. You really wear it." Pansin n'ya sa suot ko.
By the way ang gwapo n'ya rin sobra sa suot n'yang maroon suit.
"Yes. Thank you so much, Mr. Villa—"
"Kapag tayong dalawa lang, you can just call me Bernard, okay?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Basta tayong dalawa lang. 'Wag sa harap ng secretary mo. Epal pa naman 'yan." Bulong n'ya saka kami tumawang dalawa nang mahina. "Come."
Hindi na ako nakatanggi nang higitin n'ya ako papasok. Ang nagawa ko nalang ay lingunin si Luck na seryoso pa ring nakikipag-usap, medyo nakatagilid s'ya mula saamin at gusto kong umirit sa kilig dahil ang hot n'ya. Damn, I'm simping.
Sa entrance palang ay nilapitan na kami ng iba't-ibang businessmen. Lahat ay pinupuri ako at kung gaano daw kabagay saakin ang suot ko. Nakahawak ako sa braso ni Bernard dahil na rin sa kaba kaya hindi maiwasang may magtanong kung boyfriend ko s'ya o asawa.
"You're really beautiful Ms. Enriquez, you see, you got the attention of everyone here!" Ani Mr. Zenith, isang Russian at 34 years old palang. Kasama n'ya ang ilan pang businessmen na mga kaibigan at halos kaedaran n'ya rin.
Inabutan n'ya kami ng drinks na agad naming tinanggap ni Bernard. Sumipsip ako nang bahagya sa glass bago s'ya hinarap.
"Thank you so much, Mr. Zenith. You look good too." Totoong puri ko kasi nga totoo naman na ang gwapo n'ya, tipong lilingunin mo talaga kapag nakasalubong mo. Palangiti rin at halatang magaling mambola.
"I'm not fishing for compliments but... really? You think I look good?"
"It's true, Miss. enriquez. You look stunning." Yung kasama nila. "Makanda ka."
Ano raw?
"Dude, it's 'maganda'" Nagulat ako bigla dahil nakakatuwang kahit medyo may accent ang tagalog nya ay may alam pala syang tagalog word!
Parang batang nanggigilalas na tiningnan ko sila.
"You know that word?"
"Yes. It means beautiful, right?"
"Yes it is!"
"We've been learning Tagalog since yesterday because we think your language is interesting."
"What words you know already?"
"Me, I just know that, makanda— mag—maganda ka. I was sleeping yesterday while they're listening to google translate. I just happened to hear that "maganda ka" when I just woke up."
"How about you Mr. Zaak Zenith?"
Tinuro nya ang dalawa pa n'yang kasama bukod sa lalaking 'maganda ka' lang ang alam sa tagalog.
"Yes, at first we were just listening to google for translation but the cleaner arrived and we asked him to teach us. We've learned so much!"
Tuwang-tuwa na naman ako. Hindi, parang proud moment ko kasi kapag may nagkukwento na interested sila sa Piliinas at lalo sa wika natin.
"Gago ka." Sabad nung isang business na kaibiagan nila. "He said that it means 'how are you."
"What?" Nagpigil ako nang tawa pero etong si Bernard ay biglang humagalpak ng tawa. Confuse naman yung mga kaharap namin kaya para di makabastos, sinabi ko sa kanila ang tunay ns meaning ng salita.
"He tricked us!" Tawa sila nang tawa kaya napapatingin lalo ang mga tao saamin. "That's why the old lady slaps me earlier." Si Mr. Zenith. "I just wanna greet her so I said: gago ka?"
"What!?" Mamatay-matay kaming lahat.
Sinabi rin nila ang iba pang mga tinuro sa kanila para daw maclarify kung lahat nga ba e puro kalokohan.
"He said that 'burikat ako' means 'I'm handsome."
"Mr. Zenith, that's not—"
"Yes, that's true. That means you're handsome." Pigil ni Bernard sa pagtanggi na gagawin ko.
Nang tingnan ko nang masama ay kumindat lang s'ya saakin. Hindi ko alam ang eksaktong ibig sabihin non pero sa pagkakaalam ko e hindi magandang salita 'yon.
"Oh, okay. You, miss Enriquez, do you believe that burikat ako?"
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. I cannot.
"Yes, ofcourse, she do know. Actually, everyone knows that."
Nagkalokohan pa kami at nag-excuse si Bernard saka ako niyaya na iba naman ang kausapin.
"Damn Zaak. Napakababaero. 'Wag mong papatulan 'yon ah." Mariing bulong ni Bernard paglagpas namin.
Plastic ng isang 'to, ngiting-ngiti sa harapan nila tapos pagtalikod bwisit na agad. Pero naiintindihan ko s'ya, kasi business party nga ito. Pasimple n'yang niloloko sila Mr. Zenith about sa translate-translate.
"Hindi no. Hindi ko s'ya type, halatang hindi loyal."
"Dahil maingay? So kapag tahimik, 'yun ang loyal?"
"Hindi, sadyang iba dating n'ya. Halata lang na mahilig magpainlove at mangghost. Basta. T'saka hindi na ganon ang type ko. Gusto ko 'yung mukang masungit at badtrip lagi pero mabait naman talaga."
Pumasok sa isip ko si Luck kanina. Grr, sobrang pogi!
"Hulaan ko ang type mo? 'Yung tipong mukang disaster ang dala pero may kabutihan naman pala. Mukang mysterious at may tama, magulo na OA pero iniintindi ka? Magsusungit sa iba at ngingiti kapag kayo nalang dalawa?"
"Hala, paano mo nalaman?" Hindi s'ya sinagot ang tanong ko, ngumiti lang s'ya nang makahulugan.
Nilapitan pa kami ng ibang mga tao at nagpapakilala saka pahapyaw na ibinibida ang aming businesses. Marami akong nakilala, hindi ko na nga matandaan. Pero lahat iyon ay nag-iwan ng business cards.
"Kakain lang ako, what do you want to eat?" Aniya nang makaupo na kami.
"Wala. Sige lang, hahanapin ko nalang si Luck." Kumuha s'ya ng pagkain, ako naman ay tumayo at kung saan-saan naglakad. Medyo hilo na rin kasi kapag may dumaraan na nagseserve ng alak ay kumukuha ako dahil sa kaba. Kaba dahil sa uri ng tingin nila saakin.
Ang totoo ay hindi ako sure nung una kung kaya kong dalhin tong dress, pero dahil lahat naman ay pinuri ako, mukang ayos naman pala talaga.
Maraming tao at halos lahat ay napapatingin saakin kapag daraan ako. Malapit na talaga akong maniwala na bagay na bagay saakin 'tong dress na bigay ni Bernard.
Lalo na akong nahilo sa pagpapaikot ng mata pero hindi ko pa rin makita ang hi hinahanap ko.
Sa paglalakad ay nakapunta ako sa harap ng isang pinto, parang emergency exit pero wala namang nakalagay. Pagdaan ko roon ay dinala ako sa tila hardin. Lumakas agad ang ihip ng hangin at ito ang sumalubong saakin. Napayakap ako sa sarili ko sa sobrang lamig. Paanong hindi, isang red sleeveless dress ang suot ko na mababa ang neckline, may mataas na slit sa kanang binti at backless ang suot ko ngayon. Nakaayos din paitaas ang buhok ko habang meron doong sadyang inilaglag na ilang hibla.
Umupo ako sa isang parang bench park don at tinitigan ang napakagandang buwan na halos takpan na ng ulap.
"Lamiiigg." Reklamo ko pero nag-eenjoy ako sa pagtitig sa buwan kaya hindi ako makaalis.
Busy ako sa ginagawa nang may maglapat sa katawan ko ng kung ano na dahilan bat natigilan ako sa pangangaligkig sa ginaw.
Medyo madilim pero sa liwanag ng buwan ay pilit kong tiningnan sino ang bigla ring tumabi saakin.
"So you're here." Anang baritonong boses sa likuran ko.