Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 20 - CHAPTER 18: Weirded out

Chapter 20 - CHAPTER 18: Weirded out

Hindi ako makatingin nang deretso matapos ang halik na namagitan saamin. Hindi nga ako sigurado ung anong magiging reaksyon.

Paano mag react kapag bigla kang hinalikan ng isnag gwapong green eyes na lalaki? Na secretary mo. Na hindi mo gaanong kilala.

Tama naman talaga sigurong ma-weirduhan. Sabagay, una palang weird na talaga s'ya maging pagkakakilala ko sakanya. Kaso, porket ba weird s'ya, dapat may weird din s'yang gawin gaya nang paghalik sakin? Nakakaloka.

S'ya man ay hindi na ako kinausap matapos yon. Ang hirap isipin kugn tulad ko e nag-ooverthink din ba s'ya. Unfair naman kung hindi dahil halos mabaliw na ako dito.

Tiningnan ko s'ya, nakaupo pa rin s'ya at kung paano ang posisyon n'ya nang tingnan ko s'ya almost 30 minutes ago ay ganon pa rin ang posisyon n'ya. Meron s'yang hawak na folder at binabasa n'ya iyon habang serysong seryoso ang mukha.

Sa harap kasi ng office ko ay nandoon ang table n'ya. Nakasarado ang office ko pero nakikita ko pa rin s'ya dahil salamin lamang naman ang pagitan. 'Yun lang, hindi n'ya ako nakikita kasi tinted.

Hindi ko masisisi ang mga empleyado nang s'ya ang pagkamalang boss kasi 'yung napapanood kong mga CEO sa kumpanya, awrang-awra n'ya talaga!

Napapitlag ako nang itaas n'ya ang paningin at saktong tumama ang mata saakin. Nakatitig s'ya.

Yumuko ako at nagkunwaring nagbabasa pero bigla kong narealize na tinted nga pala kaya imposible naman na nakikita n'ya ako. Malamang e nagkataon lang.

Ibinalik ko sakanya ang paningin ko. Napakagwapo talaga ng lalaking to. Bagay na bagay ang business suit. Matalino rin at mukang responsable. May tama nga lang at bigla biglang nanghahalik nang walang dahilan.

Sa gantong pagkakataon, ang lakas nang loob kong tumitig pero sa harap n'ya e halos hindi akk makatingin. Merong kung ano sa loob ko na parang nanghihina at naiilang kaya hindi ako makatingin nang deretso.

Ilang sandali pa s'yang tulala saka ngumiti sa kawalan at napailing-iling. It's official. Wala na talaga s'ya sa sarili n'ya. Humarap sya ngayon sa laptop at nagpipindot habang nakangiti pa rin at pabulong-bulong.

Tumayo ako at naglakad papunta sa malapit sa salamin para basahin ang buka nang labi n'ya. Isa pa, pagkakataon ko na rin tong mamitang nakangiti s'ya nang malalitan. Lagi naman s'yang nakangiti saakin, well, hindi lagi pero madalas din naman. Kaso kapag nakikita ko s'yang nakangiti e parang bago ako nang bago. Para bang first time kong makita 'yon.

Sa pagbuka nang labi n'ya, parang iisa lang ang sinasabi n'ya nang paulit-ulit habang bahagya pa rin nakangiti.

Nagtatakbo ako sa mesa at kinuha 'yung parang remote na maliit kung san ko s'ya makakausap. Bumalik ulit ako sa harap ng salamin.

Tumikhim muna ako saka pinindot ko iyon at tiningnan ang magiging reaksyon nya. Mabilis pa sa alaskwatrong pinindot n'ya 'yung parang intercom sa harap n'ya.

"Gawan mo ng report ang mga napag-usapan namin kanina ni Mr. Villafranca dahil—"

"It's done. Dadalhin ko na ba?" Seryosong-seryoso ang muka at boses n'ya. Bwiset na 'to. Nung tulala at parang may kung anong iniisip, pangiti-ngiti pa tapos saakin parang naging bato.

"Sige, dalhin mo na." Pinindot ko ang end bago nagtatakbo sa mesa ko. Umupo ako nang maayos saka dinampot ang unang folder na nakita ko. Nabuklat ko na iyon bago n'ya mabuksan ang pintuan. Saved.

Lumapit s'ya saakin saka inilapag ang folder sa harap ko. Hindi s'ya makatingin nang deretso habang ako naman ay pinagmamasdan bawat kilos n'ya. "Do you need anything more than that?"

Explanation. I need explanation. Nag-isip ako sandali. " I want coffee, make me a delicious coffee."

"Sure." Tumalima s'ya at pumasok sa kusina netong office ko. Ang ganda nga dito at sobrang lawak, as in. May kusina, merong dressing room, may kwarto rin kung saan p'wede kang matulog. Tiningnan ko na 'yon kanin at mukhang pinaayos na rin iyon ni dad. Halatang binago ang pintura. I can imagine dad sitting in the swivel chairand planning about everything I like the most.

Halatang-halata na kilala n'ya ako. Merong mga nakasabit ng paintings na mga halaman. Merong mga libro sa bookshelf sa gilid, hindi lang about sa business ang mga naroon, meron ding romance novels dahil nga sa hilig ko 'yon.

I miss dad. Hindi s'ya gaanong nagpapalit sakanya dahil sinabi gn doktor na maaaring makahawa ang sakit n'ya.

"Here." Hindi ko napansin na nandito na ulit si Luck sa harapan ko.

Kinuha ko ang kape at tinikman. Masarap s'ya. Tumikhim ako dahil nakatunganga pa rin s'ya sa harapan ko. "You can go back—"

"I'm waiting for you to ask me." Muntik na akong mapaso sa kape nang nakitang nakatingin s'ya nang deretso. "Why don't you ask me?"

"Ah, so what do you think about the meeting? Will it—"

"Not about that."

"Saan naman?" Curious ako? Saan naman? Mas alam n'ya pa kaysa saakin? Chill lang naman ako dito ngayon mula kanina at iniisip ko kung anong kakainin namin sa dinner sa bahay kasi 2 hours nalang, 5 pm na.

"Aren't you curious?"

"Saan nga?"

"I kissed you."

Natameme ako. Gusto n'ya bang itanong ko sakanya? Bakit hindi n'ya nalang sabihin?

"Don't you wanna know why I did that? Not curious at all?"

"I am but that's not a big deal. Mas marami akong kailangang isipin kesa roon. It feels weird thinking you kissed me, we don't even know each other that much and one more thing is you're my employee." Pag-amin ko na medyo kinakabahan. I'm not used to situations like this.

"I'm just waiting for you to ask me. I can explain it—"

"If you want to tell me, go. If not, okay. That's not my first kiss anyway. I've kissed a lot of men already." Pagsusinungaling ko. Baka kasi isipin n'ya na gusto kong maghabol dahil lang sa halik na 'yon. Dzuh.

"Okay. I'll be outside." Hindi nya ako hinintay makapagsalita at bumalik sa pwesto n'ya kanina. Tinutok n'ya ulit ang atensyon sa pagbabasa sa mga folders na nasa harap n'ya. Nakahinga ako nang maluwag.

Ang totoo mamamatay na ako katatanong sa isip bakit n'ya 'yon ginawa. Natatakot akong magtanong kasi obviously, wala namang mabigat na dahilan para gawin n'ya 'yon.

Dumukdok ako habang nakatingin pa rin sakanya. There's no way he'll like me. Bukod sa physical features n'ya na kahit super models e kayang makuha, hindi naman talaga kami magkakilala. Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko pero simple lang ang hitsura ko.

Katamtamang katawan, katamtamang mata at tangos ng ilong, merong katangkaran, maputi. Hanggang doon lang. Ayoko mang makaramdam ng insecurities ay madalas kong maramdaman 'yon. Ang nag-iisang maipagmamalaki ko lang sa sarili ko ay malakas ako dahil pinili kong lumaban sa tulong na rin ng pamilya ko.

"LET'S GO HOME. Maaga tayo bukas dahil sobrang busy na talaga." Salubong ko sakanya nang tingnan n'ya ako paglabas palang ng pinto ng office. Nakakaramdam na rin ako ng gutom. "Bye."

Niligpit n'ya ang mga gamit sa mesa at halos tumakbo papalapit saakin. Sabay kaming naglakad palabas ng building. "I'll drive you home." Tatanggi sana ako pero nakaalis na s'ya kaagad. Maya-maya ay huminto ang kotse na sinakyan namin kanina.

Lumabas s'ya siguro para buksan sana ang pinto pero sinenyasan ko s'ya na tumigil. Ako na ang nagbukas ng pinto at hinintay syang pumasok kaso sandali pa s'yang tumunganga sa labas. "Tara!" Doon palang sya tumalima. "Ituturo ko nalang sa'yo 'yung daan."

"Okay."

Pinilit kong tumawa. "Secretary na, driver pa. Naks naman."

"Kaya double payment din sana." Seryoso ang boses na sagot n'ya, 'di ko tuloy alam kung biro 'yon dahil nakikisakay s'ya or seryoso nga. Pero ayos lang kasi totoo naman na babayaran ko s'ya nang sobra sa pagiging sekretarya n'ya. Dadagdagan ko sahod n'ya kung sakali. Iyon ay kung tatagal kaming magkasama.

"Sure."

"That's.." Huminga s'ya nang malalim. "That's just a joke."

Tumango ako saka tumahimik na. Iniisip ko kasi talaga 'yung kakainin ko pag-uwi. Hindi rin p'wedeng sumabay saamin si dad. Nandoon din siguro si kuya sa bahay kasi wala naman akong alam na lakad n'ya.

Kay dad 'di n'ya sinasabi kung may pupuntahan s'ya, ako ina-update n'ya palagi e.

"What are you thinking?"

Natigilan ako at nabura sa imahinasyon ko ang masarap na dinuguan sa harapan ko. "Ha?"

"C'mon, talk to me."

"Wala naman akong sasabihin."

"Talk to me about anything or better if you wanna ask questions."

"Wala rin naman akong itatanong."

Napasigaw ako nang iliko n'ya ang kotse saka ihinto iyon. Pagtingin ko, ayos na ayos ang pagkakapark n'ya. Pagagalitan ko sana s'ya pero nakita kong nasa labas kami ng sasakyan.

"You should tell me if you're hungry." Mapapa-huh na naman sana ako nang  biglang kumulo ang t'yan ko.

"Ah— kape lang almusal ko hehe."

Iminuwestra n'ya ang restaurant sa harap namin saka kinuha ang kamay ko at sinama ako sa loob.

"What do you want to eat?" Tanong n'ya nang makitang papalapit ang isang waiter.

"Ano kasi... Ayokong kumakain sa restaurants." Nag-isip ako ng paraan para hindi s'ya magalit sa pagtanggi ko.

Pero totoo naman kasi na hindi ako mahilig kumain sa mga restaurant na puro pormal. Sanay ako kasi madalas kapag merong business party noong nasa abroad pa ako sy dumadalo ako. Hindi ko lang talaga kinahiligan.

"Where do you wanna eat, then?" Mabilis n'yang sinenyasan ang waiter na tumigil ito at hinawakan n'ya ulit ang kamay ko palabas.

"Kahit saan basta wag lang sa ganto."

Nagdrive ulit s'ya at napangiti ako nang malawak nang mapansin na magda-drive thru s'ya sa Mcdo. "Good eve, ma'am, sir, what's your order?" Sabi ng boses babae pero hindi ko s'ya nakikita.

Nailang pa ako kasi lumapit ako nang konti roon sa parang speaker at halos magkalapat na ang muka namin ni Luck.

"I want... Chicken w/rice 'yung set D. 2 order." Alanganin kong tiningnan ang katabi ko kasi hindi ko narealize na iniorder ko sya samantalang hindi ako sure kung gusto n'ya rin 'yung pinili kong pagkain. Ngumiti naman s'ya saakin kaya natuliro na naman ako. "And please add... One smile— I mean add 2 Coke floats."

"Okay ma'am, I'll reapeat it one more time. You ordered 2 chicken with rice set D and 2 Coke floats. Is there anything you wanna add, ma'am?"

"Wala na."

"Okay, that's four hundred sixty pesos, ma'am. Do you wanna pay via cash, card or online payment?"

"Cash." Bumukas ang maliit na butas roon. Huhugot sana ako ng wallet sa bag pero agad naibigay ng katabi ko ang one thousand pesos. S'ya na rin ang nagpasok no'n sa bayaran saka may resibong lumabas. Kinuha n'ya 'yon at napaayos na ako ng upo.

Nagdrive s'ya saka ulit tumigil sa haral ng bintana bago kinuha ang order sa dalawang lalaki roon. "Thank you, ma'am, sir!"

"Do you want to stop somewhere?"

"Hindi na."

"How can you eat that?" Nag-isip ako. Nakakahiya na kasi.

"Dito nalang—" napatingin ako sa inorder ko. E s'ya, paano s'ya kakain? "D'yan nalang pala." Turo ko sa parang part na madadaanan namin. Meron doong benches at mga puno. Meron ding ilang nag-i-stargaze kasi nga gabi na. May mga nagdedate at pamilyang nagpipicnic.

Eto 'yung pinuntahan ko noong nakaraan, medyo malapit na kami sa bahay.

S'ya pa rin ang nagbibitbit ng pagkain, nakasunod naman ako. Tumigil s'ya sa dalawang magkaharap na upuan at may maliit na mesa sa harapan.

Dinukot ko ang five hundred pesos at inabot kaagad sakanya. "What's that?"

"Bayad ko sa—"

"No need."

"Anong no need?" Kinuha ko ang kamay n'ya at inilagay iyon. "Kaya ka nga nagtatrabaho eh. Mahalaga ang five hundred pesos no, para 'yan sa pamilya mo— 'yang pagtatrabaho kaya dapat nagtitilid ka.

"I don't have family." Hinintay kong sabihin n'ya na joke lang pero nakatitig lang s'ya saakin.

"Pero love ones, girlfriend, asawa—" single nga pala 'to, nakalagay sa resume. "Kinakasama, pinsan, tita, tito, lolo, kapitbahay—"

"Okay. Let's eat." Tinanggap nya rin ang pera, daming kaartehan.

Masaya akong kumain habang pinapanood kung gaano s'ya ka-class sumubo. 'Yung totoo, muka s'yang mayaman talaga or kaya n'ya lang talagang dalhin ang sarili n'ya?

"Alam mo, wala na akong maalala pero kapag kumakain ako ng fastfood chain foods, pakiramdam ko madalas ko 'tong ginagawa noong bago pa ako maaksidente." Pagkukwento ko nang tanungin n'ya ako kung bakit parang ang saya ko sa kinakain ko. "

"Permanent amnesia but you..." Hindi n'ya na itinuloy ang sinasabi. Kumain nalang kaming dalawa.

ONE week being his boss and it's okay. He's more than okay as a secretary. Lahat ng business deals na nahawakan namin ay naiclose namin nang maayos at dahil na rin iyon sa tulong n'ya. Hindi na ganoon ka big deal ang kiss nang nakaraang linggo dahil sobrang busy at ako naman ay nagpanggap na wala na iyon. Ganoon rin s'ya dahil mula nang sabihin n'yang tanungin ko sakanya ang dahilan bakit n'ya ako hinalikan at hindi ko ginawa, hindi n'ya na ulit nabanggit iyon.

Hindi lang tinanong talagang hindi na sasabihin eh.

Ang kaso, napansin ko na maya't-maya ay mayroong tumatawag sakanya sa araw-araw. Noong u a ay lumalayo pa s'ya pero siguro ay napagod na rin s'ya kasi paulit-ulit nga, kahit sa harap ko ay sinasagkt n'ya na.

Tumunog ang cellphone n'ya habang inaabot saakin ang folders na hiningi ko. "Excuse me," aniya at tumango ako. Sinagot n'ya ang tawag. "Okay." Iyon lang at pinatay n'ya na.

Iyon ang panglimang tawag na natanggap n'ya ngayong araw at alas nueve palang ng umaga.

Lahat ng sagot n'yang naririnig ko ay "okay," "go," "troubleshoot," at kung anu-anong maiikling salita.

"Do you have a personal problem? You can take a leave hanggang maiayos mo." Hindi lang ata pang-sampung beses kong sinuggest iyon simula nakaraang linggo pero tumatanggi s'ya at dinadahilan na one week palang s'ya at mag-li-leave na kaagad.

"I don't need that."

"Then if not a leave, what do you need then?" Tumitig lang s'ya. "Don't misunderstood me, okay? You're doing a great job. But these past few days, you're spacing out. Palagi ka rin nakakareceive ng tawag about sa kubg anumang problema 'yon. It's okay. Hindi naman kita tatanggalin. I can manage myself alone. Kapag may hindi ako alam at kailangan ng tulong, hihingi lang ako ng tulong kay Mr. Roniel. He's good too and we're pretty close, you know—"

"No damn way!" Napaiksi ako hindi lang dahil sa lakas ng boses n'ya at galit n'yang hitsura kundi maging sa paraan n'ya ng pagkakabigkas. Mariin at dahan-dahan. "I'm sorry." Aniya maya-maya. "Ayokong magleave, medyo nagkaroon lang ng problema pero sinosolusyunan naman na namin kaya hindi ko na kailangang umalis dito. Kahit panandalian pa. There's no way I'm leaving you here."

Doon na napuno ng katanungan ang isip ko lalo. "Alam mo, weird lahat sa'yo mula simula na napagkamalan mo akong ibang tao tapos nagkataon na kakilala ka ni Kuya. You're familiar to me but I don't know why and how. Alam kong never pa kitang nakita. Tapos 'yung mga sinasabi mo pa at tono mo ng pagsasalita. 'Yung totoo, do I know you before my accident?"

Lumapit s'ya at itinukod ang dalawang kamay sa mesa ko. "Yes? No?"

"Bakit hindi mo nalang kasi sagutin!"

Nakakainis at nakakafrustrate na 'yung ganito. Malaki ang posibilidad na magkakilala nga siguro kami noon.

"Sabihin mo na kasi! Yang tingin mo, yang sinasabi mo, lahat weird!"

"Kahit ako nawi-weirduhan n nga sa sarili ko kaya hindi na nakakapagtaka pa 'yan."

Iniwas ko ang tingin ko pero hinaplos n'ya ang pisngi ko at pilit hinuli ang mga mata ko. Wala tuloy akong magawa kung hindi tingnan din s'ya.

"I waited for someone. Naghintay ako kahit imposible para sa iba at kahit ako sa sarili ko, alam kong walang kasiguraduhan. Ganyan ako ka-weird. Tipong kahit nakita ko na s'ya, kailangan ko pa ring mainstay. Do you believe me? I'm too fucking weird to the point that I'm still in love with the girl who doesn't even know my name."