"SHE CAN DO IT. I KNOW. I TRUST HER."
Ngumiti ako nang malawak matapos marinig ang sinabi ni dad sa kabilang linya. Kumbaga ay ka-video call namin s'ya ngayon habang nakakabit iyon sa isang projector.
Ramdam ko ang saya at pressure sa sagot na iyon ni dad mula sa tanong ng isang stockholder. Alam ko ang pinupunto nila. Bago lang ako rito at hindi makakasiguro ang mga ito na magagawa kong pamunuan ang isang napakalaking kumpanya.
Natahimik ang lahat, papalit-palit ang tingin saakin at kay dad. Itinaas ko ang noo ko. Sapat na ang paniniwala at tiwala ni dad saakin para tumaas ang confidence ko. The fact na ipinagkatiwala n'ya ang pinakamamahal nyang kumpanya saakin, alam kong may nakita s'yang potential.
Pasimple kong nilibot ang tingin sa loob netong conference room. Paano kasi, si Luck ay naandito lang kanina sa tabi ko nung konti palang ang tao. Pero habang nalilibang ako sa pagpapakilala ng bawat pumapasok sa kwarto na 'to ay hindi ko napapansin ang presensya n'ya hanggang sa marealize ko nalang na wala na s'ya.
Nasaan na ba 'yon?
Tapos na rin akong mag-speech pero hindi pa rin s'ya nagpapakita. Hanggang sa natapos na nga ang lahat at isa-isa nang nagsiuwian ang mga tao. Si Mr. Alfred Roñel nalang ang kasama ko sa loob nang unti-unti kong pakawalan ang buntong hininga at parang nauupos na napaupo sa isa sa mga upuan.
"Are you okay?" Buti naman at sinunod n'ya ako na kapag kami nalang ay 'wag na s'yang maging pormal. Nakakaloka kasi na kailangan kong mabuhay sa gantong mundo, puno ng kapormalan at walang kahit isa man lang na makakausap ko in informal way.
"Yeah. Medyo kinabahan lang." Pag-amin ko, pero konti lang naman. More on looking forward ako sa mga susunod na mangyayari at magagawa ko sa kumpanya.
Hinawakan n'ya ako sa balikat para siguro pakalmahin na tulad ng gawain ng isang kaibigan nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang pawis na pawis kong secretary-to-be.
"Where have you been?" Iniiwas ko ang tingin ko saka natulala sa mesa. Naguluhan na naman ako kasi naalala ko na naman ang usapan namin kanina lang. Gusto ko munang isantabi 'yon pero hindi ko magawa.
Kung p'wede lang kaagad kalimutan. Bakit ba naman kasi napakachismosa ko rin e. P'wede naman na umalis nalang ako kanina at hindi na nakiusyoso pa.
Eh, nagbabangasan don sa taas, paano ko hindi papansinin?
Magkakilala sila dati, okay. Pero bakit sila nag-aaway ngayon? Sino ang hindi iisa na sinasabi nila? Paanong nainlove sila sa iisang babe? Paano nagawa ni Kuya na dalawang beses pagtangkaang patayin ang babaeng mahal n'ya? Sino ang tinutukoy ni Luck na tinulungan lang ni Kuya? Bakit gusto ni Kuya na pagtakpan 'sila' ni Luck?
Higit sa lahat— sino ang babae? Buhay pa ba s'ya? Sabi lang naman kasi ni Kuya, pinagtangkaan nyang patayin. Sa paraan ng pagsasalita ni Luck at pag-uusap nila, para bang sinira ni Kuya ang buhay ng babaeng 'yon. Nasaan na s'ya ngayon kung ganon? Paanong nasira ba?
"Stop it. You're making her uncomfortable." Mariing ani Luck. Nang tingnan ko s'ya, ang sama na ng tingin n'ya kay Alfred na hanggang ngayon ay nakapatong pa rin pala ang kamay sa balikat ko.
Doon ko lang napansin na tulala ako habang tila napakasama ng tingin ko sa mesa. Kaya rin siguro naisip n'yang 'yung kamay ni Alfred ang dahilan. Hindi n'ya alam e 'yung issue nila ang problema ko. Pinroblema ko pa tuloy.
Inalis ng lalaki ang kamay saka nagsorry saakin.
"It's okay—"
"It's not okay. Especially that you're almost late to your first meeting today."
"What? May meeting ako?"
"Kaya nawala ako kanina, kinuha ko ang mga schedule na hindi natuloy ng... dad mo. You're supposed to meet the CEO of Le Veioumux at 11."
Nakakahanga naman pala sya. Tumingin ako sa relo kong suot habang nararamdaman pa rin ang paghanga ko nang bigla akong mapamulagat. "10:55! 5 minutes nalang!"
"Hurry up. I've heard the CEO of that company hates latecomers." Aniya pa bago kami halos manakbo paalis.
Late na kami ng 2 minutes nang makalabas sa ground floor ng kumpanya. Pinasakay ako ni Luck sa isang napakagarang gray na kotse, hindi ko alam kung kanino dahil kaninang umaga ay inihatid lang naman ako ng family driver namin. Siguro ay company car 'to. Ang bongga, infairness pero mas bongga ako dahil napagtuunan ko pa talaga nang pansin 'yung kotse kahit natotorete na ako.
"Hindi ba pwedeng icancel muna ang meeting? Ni wala akong kaalam-alam sa CEO at company nila. Kahit pangalan hindi ko alam."
"You don't need to worry too much. This is just a formality. You can't cancel it dahil madalang lang silang tumanggal ng mga paanyaya. 4 years na mula nang magset ng appointment ang company n'yo sa Le Veioumux at ngayon lang napaunlakan so I suggest to not cancel it."
Ganoon sila talaga? 4 years tapos ngayon lang natuloy. Jusme, hindi talaga pwedeng icancel ito!
Si Luck na rin ang nagpaliwanag saakin ng mga dapat kong malaman like the Le Veioumux's CEO isn't at the country right now kaya ang haharap lang saamin ay ang acting CEO nito ngayon. Kumbaga ay kakumpetensya namin ang kumpanya na 'yon no'n lalo na dahil hindi nga kinonsider ng CEO ang hiling dati ni dad na makipag-partner.
"The acting CEO'S name is Mr. Bernard Ranzen Villafranca. He doesn't like first name basis so you must only call him Mr. Villafranca. We're not also sure about him if they're going to be an enemy or ally so be careful. Nalaman ko rin na hindi mo s'ya dapat basta-basta nalang lapitan. Don't be fooled."
Napakatami n'ya pang bilin. Akala mo magulang s'ya na binibilinan ang anak n'yang first time magka-camping. Akala mo rin e wala s'ya sa meeting samantalang magkasama naman kaming pumunta.
By 11:15 ay huminto ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant na hindi naman kalayuan sa company. Late na kami, grr.
Halos patakbo ulit ako nang pumunta roon habang cool lang naglalakad si Luck. "Hurry up!" Bahagya kong sigaw pero hindi n'ya ako pinansin. Naglakad pa rin s'ya nang kaswal. S'ya pa nman 'yung nagsabi na ayaw non nalelate ang kameeting. "Luck!"
He just tsked but follow me after. Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant. Sinundan ko siya habang papunta sa second floor at parang alam na alam kung saan talaga ang pupuntahan namin.
Huminto s'ya sa harap ng mesa. Merong lalaking nakaupo roon na may binabasang magazine about sa business. Natatakpan ang mukha n'ya kaya naman hindi ko iyon makita. Huminga ako nang malalim para pawiin ang bahagya kong paghahabol ng hininga.
Tumikhim ako dahilan para itigil n'ya ang pagbubuklat ng magazine. Ibinaba n'ya ang hawak saka tumingin saakin— tumitig saakin na parang ako lang ang tao. Nanlalaki bahagya ang mata n'ya. He looks so stunned.
"Mr. Villafranca?" Tanong ko habang nakatitig din sa bughaw niyang mga mata.
Sunod niyang tiningnan ang katabi ko, bahagya pa s'yang napangisi. Nang tingnan ko ang dahilan ng ngisi n'ya, ang galit na mukha ng secretary ko ang sumalubong saakin.
"I'm Jessdre Enriquez." Pagpapakilala ko. "This is my secretary, Luck Bernales. I would like to thank you for making this meeting possible."
Pinaupo n'ya kami. Kaharap ko s'ya at katabi ko si Luck na tila tinitingnan ang bawat galaw namin ni Mr. Villafranca. Nag-usap kaming tatlo about sa mga kumpanya na pinamamahalaan namin ngayon.
"It'll be our pleasure, Mr. Villafranca if—"
"You can just call me Bernard." Pigil niya saakin. Nangunot ang noo ko. Akala ko ba sabi ni Luck ayaw ni Mr. Villafranca ng first name basis? Nang makita n'ya ang pagtataka ko, umiling nalang s'ya. "Nevermind."
Nagpatuloy kami sa pagdidiscuss ng agenda ng isa't-isa. Hindi ko maiwasang mamangha. Kahit s'ya ang tipong isang tingin ay tila puro kalokohan ang naiisip, he's serious. Don't judge the book by it's cover talaga. Muka kasi s'yang maloko. 2 years lang din ata ang tanda n'ya saakin, gayunpaman, halatang sanay na sanay na s'ya sa loob ng business world.
"It's not impossible." Sagot niya nang sabihin kong muli na balak naming makipagpartner sa kanilang kumpanya. "We're also considering that but the CEO itself needs to look into this first. This isn't a simple transac after all." Naintindihan ko naman iyon.
Napakalaking bagay rin na ikonsidera nila ang bagay na makipag-partner saamin dahil sa pagkakaalam ko, ang Le Veioumux ay number one business company hindi lamang sa buong bansa kundi maging sa buong Asia.
"Thank you so much, Ms. Enriquez. It's fun talking to you. I'm looking forward meeting you some other time."
"Me too." Nagngitian kami.
"But your secretary looks so pissed. Why is that?" Mapaglaro ang tono n'ya. Nang tingnan ko ang kasama ko, tama nga siya. Kunot na kunot ang noo ni Luck pero nang tumingin s'ya saakin, he smiled genuinely.
"I'm sorry." Aniko at nag-aalalang binalingan si Luck. The must been something wrong. "Are you okay?"
Hindi s'ya nagsalita. Nagpaalam na ang aming ka-meeting at umalis na rin pero kaming dalawa ay nananatiling nakatayo roon.
"You okay?" Ulit ko.
Iniikot n'ya ang mga mata at tumingin sa malayo. "Let's go." Naglakad na s'ya at naiwan akong naguguluhan at nagugulat. Paanong nagagawa n'yang maging lalong hot habang nang-i-snob. T'saka bat nga ba s'ya nang-i-snob?
Bahagya akong tumakbo para humabol. "Mister! I think you forgot that you're just my secretary here. I'm the boss. You can't just turn—" tumigil s'ya kaya napasubsob ako sa likod n'ya.
Aray, sakit ng ilong ko.
Bahagya kong minasahe iyon at ilang parte ng aking mukha. "I didn't mean to." Parang batang napagalitan ang mukha n'ya ngayon. Batang napagalitan pero tila nagsasabi pa rin na gagawin n'ya pa rin ang ginawa n'ya. Sa paraan n'ya ng paghingi ng tawad, imbes na kaawaan ay gusto ko nalang yata na isisi sa sarili ko ang lahat.
Nakakaawa s'ya pero ang cute n'ya talaga. Ang hot. Ang— ang—
"Please don't fire me. Please, I— I can't. Please." Nakayuko lang s'ya.
"O-Okay lang, an-ano ba." Tumawa ako nang mahina para gumaan ang atmosphere pero lalo yatang bumigat iyon nang tugunin n'ya ako nang katahimikan at pagtitig sa aking mga mata.
"Don't come near him. Don't laugh to his jokes, if ever. Don't hug your brother, don't smile to your brother."
"Si Mr. Villafranca at si Kuya Sandro? Anong meron?"
"My patience is shorter than this, believe me, I'm doing everything so I won't scare you."
"I'm your secretary. Just your secretary, for you. But trust me, I treasure you more than that. I treasure you more than anything in this world." Gusto kong matouch pero hindi ba't mas tamang mawirduhan?
Hindi ako umimik hanggang sumakay kami ng sasakyan pabalik sa kumpanya. Walang imikan na talagang hindi ko kinasanayan.
Hindi naman ako ang tipong feeling close talaga, magaslaw at sobrang ingay pero pagdating kay kuya Sandro ay ganon ako. Oo nga, iba s'ya sa kapatid ko pero si Luck ay itinuturing ko nang malapit saakin. S'ya ang una kong pinagkatiwalaan pagbalik ko dito sa Pilipinas.
Sa madaling salita, halos kaibigan ko na s'ya. Para saakin. Ewan sakanya, magulo rin kasi utak ng isang to.
"Wala talaga akong maintindihan, Luck." Wala pa rin. "Luck! Luck Bernales! Huyyy!" Wala talaga.
"Hindi mo maiintindihan hangga't hindi mo ako tinatawag sa pangalan ko."
"Ano pa bang hindi?"
Humalukipkip nalang ako. Grabe na talaga ang mood swings ng mga lalaki ngayon, hindi ko kinakaya.
"Can I ask for a favor?" Tamo, nakuha pang humingi ng pabor matapos sungitan ang sarili n'yang boss!
"A-ano yon?"
Natigilan ako, tinitigan ko s'ya at itinigil n'ya ang sasakyan saka ako naman ng tinitigan. Hindi ko alam anong iniisip n'ya. Hininto ang sasakyan para makipagtitigan. Heto naman ako, parang namamagnet at hindi maialis ang tingin. Letse.
Iniwas ko ang tingin ko saka kumurap-kurap upang pawiin ang sobrang pagkailang. Pero sa kulit n'ya ay hinawakan n'ya ang baba ko at pinaharap akong pilit sakanya.
Inilapit nya ang muka nya saakin nang sobrang lapit tipong naaamoy ko na ang mainit at mabango n'yang hininga. Uminit ang paligid at ang naririnig ko lang ay tibok ng puso n'ya. Or saakin ba 'yon? Nakakabingi sa lakas.
Tumitibok pala nang ganito kalakas ang puso ng isang tao? Posible palang ganto nakakabingi ang lakas niyon?
"Don't like someone else until I figure out what happened. Please, I'm begging you."
Rinig kong bulong n'ya sa pagitan ng paghahabol ng hininga bago inangkin ang nakaawang kong labi.