Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 18 - CHAPTER 16: Respect

Chapter 18 - CHAPTER 16: Respect

HINDI KO ALAM KUNG MATUTUWA PA BA AKO!

6 am pumasok akong kumpanya at nakasabay ko si Luck sa harap palang ng building. Okay naman sana kasi ang pogi nya sa umaga at mabango pa. Nakabusiness suit pa rin sya pero this time ay kulay grey na hindi tulad ng mga nakaraan na color black. Nakabagsak ang medyo may kahabaan miyang bangs sa bandang mata n'ya at meron syang suot na salamin. Di lang ako sure kung merong grado yon o pamporma lang.

Para syang anime character dahila ng cute n'ya— no, scratch it. He looks like a nerd god. Paano n'ya nagagawa ang ganito? Being cute and hot at the same time? God, this man will be the death of me. Ang gwapo!

Ang saya sana makakita ng ganito no? Instant inspiration bago ang nakakaboring na maghapon sa pagtatrabaho. Binati pa nga ako ng goodmorning at ako lang ang nginitian mula pagkapasok namin. Ang kaso—

"Good morning sir!" Yumuko ang isang empleyado sakanya pero ako ay ni hindi tinapunan ng tingin o ngiti man lang. Aba't—

"Goodmorning sir!" Bati sakanya ng dalawang babae na mukhang empleyada rin.

"Good day sir!" Yung receptionist. Kahit alin sa mga ito ay wala syang nginitian pabalik, binati or kahit tiningnan man lang. Saakin lang sya nakatingin kahit wala naman syang sinasabi.

Sumakay kaming elevator at may mga nakasabay na empleyado pero gaya ng mga nauna, etchapwera lang ako at sya ang binabati.

Nung nasa 9th floor na kami, ang floor ng magiging office ko as an acting CEO ay meron din doong empleyada na humarap saamin.

"Good day sir!" Bat nya kay Luck at kuntodo pacute pa sya saka ako hinarap sa matatalim nysng mata. "Miss, bawal sumama ang secretary sa loob ng office."

Put— okay, that's enough. Sawa na ako. Hindi ahas ah? Kundi nagsasawa. Ano ba naman tong mga empleyado na to? Napakaewan.

Napapikit ako nang mariin, sinubukang huminga nang malalim bago sarkastikong ngumiti.  "I'm Jessdre Enriquez." Bigla siyang namutla matapos koh magpakilala. Dumiretso ako sa pintuan na may nakalagay na CEO's room. Ngayon ay nakasunod rin saakin si Luck.

Pero pagbukas ng pinto, hindi ko inaasahang makikita si Kuya Sandro. Nakaupo sya sa swivel chair at nasa harap ang table. Kaagad n'ya akong nginitian pagkapasok ko palang na para bang inasahan n'ya na ako.

"Good morning! Since it's your first day of work as an acting CEO, I would like to—" Kita ko ang gulat sa mukha niya nang tumuon ang paningin n'ya sa likuran ko. May kasama nga pala ako. "Jess..." Naguguluhang tawag n'ya saakin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang masama niyang titig sa lalaki sa aking gilid.

"He's Luck Bernales. Sya yung kausap ko sa labas ng hospital last friday? Why? You know him?" Naglakad ako nang bahagya para mapagitnaan sila saka sila tiningnan liwasan.

Poker face lang si Luck na nakatingin kay Kuya. Walang kahit anong emosyon at ayaw ko mang aminin pero.

Nakakatakot sya!

Para bang ilang sandali nalang e makikigera na. Pero uulitin ko. Walang emosyon ang mukha nya. Ganon kaintimidating ang dating n'ya. Sa kabilang banda, parang tinuklaw ng ahas ang muka ni kuya. Akala mo nakakita ng multo. I can also see visible sweat on his forehead. Nakita ko ang takot sa mga mata nya pero ganunpaman ay gumalaw naman nang bahagya ang kanyang panga.

Ano bang nangyayari? "K-Kuya.. Luck? Do you... know each other?" At kung magkakilala man, magkaaway ba kayo?

"I thought I know him."

"He looks familiar."

Sabay na sabi ng dalawa saakin pero lalo akong naguluhan.

"Kahawig n'ya kasi yung kaklase ko noong college na nakaaway ko. But his name is not... Luck Bernales." Ani kuya saakin.

"Kamukha n'ya naman yung binangasan ko nung college. But he's not an Enriquez." Si Luck.

"O...kay?" Nao-awkward-an na sagot ko. "So, kuya, why are you here?"

Bumalik ang mapang-inis na ngisi sa mukha ni Kuya at biglang parang kami nalamg ulit dalawa sa kwarto na ito. "Moral support, syempre kelangang makita mo gwapo kong mukha para inspired ka." He jokingly said. I know it's just a joke, ofcourse, he's not boastful about his looks. Pumapayag na nga syang lait-laitin ko e.

"Yuck." Umirap pa ako sa hangin. "Kung gusto mong mainspire ako today, umalis ka kasi nakakawalang-gana." Tumawa pa ako pero nakangiti lang sya saakin. Parang nalimutang may kasama ako. "By the way, nasaan na ang magiging secretary ko? Si Mrs. Gerez?"

"Nagleave sya nung friday pa raw. Buntis nga kasi sya so..."

"Hala! Paano na— oh!" Napangiti ako ulit nang may marealize. Binalingan ko si Luck na nakasunod pa rin ang tingin saakin. "Well, meron ngang trabaho for you."

"Jess—"

"Why kuya? Looks like he'll fit as a secretary. See? Tindig palang n'ya.. He's smart at matiyagang naghahanap ng trabaho. He's fluent in English. Alam mo bang sa restaurant, hospital at maaaring kung saan-saan pa syang nag-apply? It means determinado sya." Mahabang sambit ko. Totoo naman kasi. Kahit pa ba nababadtrip ako kanina dahil ako ang pinagkakamalang sekretarya n'ya, hindi naman maikakaila na mukha syang ismarte.

Bumuntong-hininga s'ya, tila sumusuko. "Wala naman akong balak sawayin ka sa bagay na 'yan. But..." lumapit s'ya saakin at halos bumulong na. "Do you think you can trust him?"

"Of—"

"If there's only one person she can trust right now, it's me. Don't worry, Sandro ENRIQUEZ." Narinig pa rin pala s'ya nito. Hindi ko alam kung saan galing ang namumuong tensyon sa pagitan nila o kung guni-guni ko nga lang ba ang pagkakabigkas ni Luck sa apelido namin.

"See you at home." Ani nalang ni Kuya saka dumiretso na sa pinto.

"So... you'll be my secretary? Don't worry, magtetraining ka pa naman pero kapag hindi ka fit sa trabaho, pwede kitang ilipat—"

"That'll be a perfect position for me." Pigil ni Luck saka ngumiti.

"Okay! Mamaya e magkakaroon ng meeting, ipapakilala kasi ako sa kanila ni dad via videocall kasi bawal pa syang bumiyahe masyado." Nakuwi na kasi si dad sa mansyon at bawal syang matagtag kaya hindi s'ya nakapunta dito sa company.

"Sure."

"He'll introduce me as the acting CEO then ikaw naman, magsisimula ang training mo bukas na bukas rin. Puro introductions kasi sa araw na 'to and merong magtu-tour saatin dito sa loob ng Company. Hindi rin kasi ako familiar dito."

"Okay."

Napahinto ako saka tinitigan ang muka nyang malawak ang pagkakangiti. Iniinis nya ba ako? Bakit ngiting-ngiti sya? Pasimple ko tuloy hinawakan ang muka ko dahil baka merong dumi iyon. Wala naman akong makapa na kakaiba.

Tsaka bakit puro agree s'ya? Wala man lang ibang nirereact. Ah, sabagay, tahimik nga pala s'ya.

"Pinagtitripan mo ba ako?" Nakasimangot nang puna ko nung 'di s'ya tumitinag at nakangiti pa rin.

"Does it feels like a De ja vu?"

De ja vu... yung pakiramdam na nangyari na ang isang bagay dahil sobrang pamilyar ng pangyayari.

Maraming beses nang naramdaman ko ang De jä vù pero ang isang to ay hindi naman. Wala akong maalalang pangyayari na tulad nito kaya naman umiling ako matapos mag-isip sandali.

Pansin ko ang pagtatangis ng kanyang bagang. "Wait, may pupuntahan ako sandali. I'll be back before 8."

Deretso syang umalis. Hindi ko maintindihan kung galit ba sya pero bat sya magagalit? Ang gulo talaga. Sa panahon ngayon, mas may mood swing pa ang mga lalaki, sa totoo lang.

Nilibot ko nalang ang tingin ko sa paligid. Masaya rin pala lalo na nang makita ko kanina si dad na nakangiti at halatang masaya talaga. Lumabas ako saktong nakasalubong ko si Mr. Alfred Roñel, 'yung isang manager na pinakausap ni dad saakin nung Saturday via call. S'ya ang pinakabatang manager dito at s'ya rin ang naatasan ni dad na maglibot saakin sa company. Kung tama ang pagkakaalala ko sa sabi ni dad ay 30 years old palang s'ya.

Maputi syang lalaki, matangkad na parang naglalaro sa 6 flat or 6'1 ang height. Malapat ang balikat nya kahit medyo muka syang payat. Singkit ang kanyang mata, meron yatang lahi.

"Ms. Enriquez, I'm Alfred Roñel, yung nakausap nyo sa phone nung Sat. Your dad told me to tour you around." Nakangiti sya, magaan ang mukha at halatang masayahin.

"I remember you. Umalis ang secretary ko sandali kaya ako nalang munang mag-isa." Nakakagaan naman ng pakiramdam ang ganitong mga kaharap. Mukhang seryoso sa buhay pero hindi naman mukhang stressed. Siguradong sya ang isa sa mga inspiration ng kababaihan sa company kasi ang gwapo n'ya.

"It's my pleasure," bahagya pa syang yumukod.

Natatawa ako na ewan. "Please don't be too formal."

"Sure."

Nagsimula kaming maglakad. Bawat nakakasalubong naming employee na bumabati sakanya ay pinapakilala n'ya ako. Nakita ko pa ang ilang empleyado na kung tratuhin ako kanina ay parang hangin.

Pinapaliwanag n'ya rin saakin ang ilang mga bagay sa company tulad ng elevator na para lamang sa mga VIP, pati security system e sinabi n'ya na rin pero hindi ako gaanong makapagfocus. Palinga-linga ako sa paligid, nagbabakasakali na makikita si Luck dahil 10 minutes na before 8 am.

Bumalik na kaya s'ya don sa room kanina tapos hinahanap n'ya kaya ako kasi nalaman nyang wala ako ron? Meron pa namang meeting maya-maya. Akala ko ba babalik na s'ya? Nagkasalisi lang ba kami?

"Sorry but— p'wede bang s-sa rooftop tayo? Gusto ko lang makita ang view roon." Sabi ko dahilan para mapatigil s'ya sa sinasabi about sa magiging agenda ng meeting mamaya. "Medyo kelangan ko ata ng sariwang hangin." May katotohanan naman iyon. Halos maoverwhelm na ako sa lahat, I need a break kahit mga 5 minutes lang.

Ngumiti sya saka sinamahan akong pumasok sa elevator. Pinindot nya ang RT, paglabas ay itinuro n'ya saakin ang maikling hagdan, 'pagtapos daw roon at rooftop na. Siguro ay naiintindihan nyang kailangan ko munang mapag-isa kaya nagpaalam s'yang aayusin ang conference room.

Malaking responsibilidad ang nakaatang saakin. Hindi ako natatakot. Inihanda ko na ang sarili ko nang mag-aral ako ng business sa ibang bansa. Business world is a tough world, I'm aware of it.  Kaya medyo nakakadisappoint ang sarili ko kanina na imbes isipin ko ang mangyayari sa meeting ay mas inabala ko pa ang paghahanap sa magiging sekretarya ko.

Kasama naman kasi s'ya sa meeting mamaya, may kinalaman s'ya. Pagtatanggol ng isang bahagi ng utak ko. Pinagkibit balikat ko na iyon. Normal lang naman kasing hanapin mo ang secretary mo, 'di ba?

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Akala ko ay makakalanghap na ako ng masarap na hangin pero ang sumalubong saakin ay ang pagtumba bigla ni Kuya Sandro matapos s'yang sapakin... Luck!

Sisigaw na sana ako pero narinig ko ang malakas na tawa ni Kuya Sandro. "Bernales, huh?" Sarkastikong aniya.

Bahagya akong napaatras, sinarado nang konti ang pintuan saka sumilip. Anong nagyayari sa dalawa? Curious ako dahil sa tinginan nila kanina kaya naman hinayaan ko ang sarili kong makinig at manood.

Galit ang mga mata ni Luck. Bahagya din nanginginig ang kamao n'ya. Nilapitan n'ya si Kuya na ngayon ay nakatayo na saka n'ya ito kinwelyuhan. "I know her. I fucking know her!"

"I know! Obviously, I know too!"

"Why are you doing this to me, huh? Hindi sila iisa, kailan ka magigising d'yan‽" Sigaw ni Luck na sa sobrang lakas ay napapitlag pa ako.

"Do you think I did it?" Tumawa ulit si kuya. Nababaliw na yata sila. "You know how much I love my sister. I saw what happened with my own two eyes. Alam ko ang totoo, hindi ko kailanman iisipin na iisa sila." Weird. Natouch naman ako sa sinabi ni kuya na mahal n'ya raw ako na kapatid nya. Pero sino ba ang pinag-uusapan nilang iisa?

"I wanna punch you more. I wanna kill you. I want to kill both of you. Sumira kayo ng mga buhay, this is not you! This is not fucking you!" Itinulak ni Luck si Kuya, medyo napaatras ito. "I'll tell her everything."

Hindi ko alam ang iisipin lalo nang lumuhod si kuya kay Luck at yumuko. Nakita ko rin ang bahagyang pagyugyog ng balikat n'ya. "Please... not now..." Nagmamakaawa ang boses nito, tumalikod si Luck.

Luminga ako sa paligid, iniisip na baka naman umaacting lang ang dalawa. Baka merong camera? Mag-aartista yarn? Kaso, walang sinuman maliban saaming tatlo.

Humarap ulit si Luck pero pag-ikot n'ya ay nagtama ang mata namin.  Kumabog ang puso ko sa kaba habang s'ya naman ay hindi inaalis ang paningin saakin. Napansin ata ni Kuya na natigilan ang kaharap, sinundan n'ya nag tinitingnan nito at kita ko ang gulat din sakanya. Dagli s'yang tumayo saka patakbong lumapit saakin habang pasimpleng pinupunasan ang mukha.

"J-Jess..."

Pinilit kong gawing masaya ang mukha ko para magkunwaring wala akong narinig. Ngumiti ako nang malawak. "Nandito lang pala kayo! Akala ko kuya umalis kana eh! Ang taas pala nitong rooftop, muntik na akong maligaw."

"Nagkita kami rito sa taas." Bungad ni Luck saakin. Tumango lang ako.

"Shit, tingnan mo! Nadapa ako kanina, sakit ng tuhod ko!" Bahagyang pinagpagan ni kuya ang pantalon n'ya bandang tuhod n'ya na medyo nadumihan sa pagkakaluhod kanina.

'Di ko tuloy sure kung engot ba talaga s'ya e, napakawalang kwenta kasi ng palusot n'ya.

Nagpanggap nalang akong naniniwala. Sabay-sabay na kaming sumakay sa elevator, lumabas kami ni Luck sa 9th floor kung saan naroon din ang conference room pero si kuya ay aalis na raw kaya naiwan sya sa elevator para bumaba.

"Bye! See you later!" Masigla na naman ang boses ni Kuya, ako ang nahihirapan para sakanya kaso ano nga kaya ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa?

Tahimik kaming naglakad ni Luck papunta sa pagmi-meeting-an. Naramdaman kong huminto s'ya, tumigil din ako para lingunin s'ya.

"We were on the same university. By the way, is he kind to you?"

"He's superb!" Kaagad kong sagot para marealize n'ya ang totoo. Sabi ko nga, madalas ma-misunderstood si Kuya. Baka meron silang past issue at labas na ako ron. Gayunpaman, gusto kong malaman n'ya na mabuting tao si Kuya. Kung anuman ang issue nila, sana maayos nila. Kung anuman ang tila inihihingi ng tawad ni Kuya, sana magkaintindihan sila. "He's my hero, my idol, my bestfriend, sometimes my foe, my mentor, my buddy..." Tumigil ako. "He's not just kind. He's also caring. Madalas lang s'yang ma-misunderstood because he acts cold most of the time."

"Sinabi mo na rin yan sa'kin." Nangunot ang noo ko. Meron akong sinabi? Wala akong maalala. "Nevermind. It's good to know he's kind at you." Naglakad na ulit s'ya, ako ang nakasunod. "He's... kneeling earlier for helping someone ruining lives years ago."

"You're kidding, he's not like that!" Awat ko pero ni hindi n'ya ako nilingon. Magsasalita pa sana ako pero sumagi sa utak ko ang sinabi ni kuya nung nakaraan. He almost killed the girl he loves, not just once.

"He's begging for my forgiveness."

"He admits that he's wrong, kaunti nalang ang makakasalamuha mong luluhod para humingi ng tawad." Bulong ko pero 'yung alam kong maririnig n'ya.

"I respect him for that. Nilunok nya talaga ang pride nya para lumuhod sa harapan ko." Pagak s'yang tumawa, parang nalasahan ko ang pait mula roon. "Naglakas loob talaga s'ya na magmakaawa kahit alam nyang hindi ko s'ya mapapatawad."

"May I know why?"

Huminto s'ya. Halos marinig ko ang tibok ng puso ko nang lumapit sya, halos maglapat ang muka namin nang bumulong s'ya saakin.

"First, I can't forgive him because I'm still hurt."

What?

"Hindi ko s'ya mapapatawad dahil hindi naman ako ang direktang ginawan nila nang masama."

Then, who?

"Paano magpatawad kung ang ipinagmamakaawa n'ya saakin ay pagtakpan ang kasalanan nila?"

Kuya Sandro did that?

"I can't just forgive him for ruining the life of the girl I love the most."

Tumayo s'ya nang tuwid. Deretso lang ang tingin at pakiramdam ko ay tumatagos iyon hanggang kaluluwa ko.

"T-The girl you love the most? Inlove kayo sa iisang babae?" Wala sa sariling tanong ko, hindi ko narealize na lumabas iyon sa bibig ko.

Naguguluhan, naglakad ako para makapunta na sa pupuntahan namin habang marami pa rin ang gumugulo sa isip ko. Nakakastress silang dalawa!

Kaso, sa pagkakataong 'to ay halstang s'ya naman ang labis na natigilan at nashock. Nung lumingon kasi ako ay tulala pa rin s'ya. Medyo malayo na ang pagitan namin nang tila natauhan sya dahil narinig ko s'yang tila frustrated at nanggigigil na bumulong nang may kalakasan.

"He's also inlove with— fuck it! Damn Sandro!"