Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 17 - CHAPTER 15: Siblings

Chapter 17 - CHAPTER 15: Siblings

"YAN NA NGA E!" Pinipigil ni dad ang pagtawa habang ako naman ay umiiyak. Nakakainis kasi. Bakit ngayon ko lang nalaman na meron syang stage 2 lung cancer? Kaya pala kapag magkausap kami sa cellphone ay parang hinihingal sya at minsan naman ay may ubo. Nararamdaman ko rin na medyo dumidistansya sya saakin kaninang umaga.

"Hindi nyo sinabi kasi... iiyak ako? Dad kung mas huli ko pang nalaman to, baka hindi lang pag-iyak ang gagawin ko. Nakakainis naman e!" Ang sama sama ng tingin ko kay dad at lumipat naman iyon kay Kuya Sandro na nandito rin sa kwarto.

Nakatalikod sya saamin at nakatingin sa labas ng bintana.

"I'm okay, hija, don't worry too much."

Pinunasan ko ang mga luha ko na siyang ikinatawa muli ni dad. Para akong bata na nadaya sa laro. Pero ang nakakainis din, hindi din alam ni Kuya Sandro. Mula non ay pilit pinapaintindi saakin ni dad na sya ang may kasalanan kugn bat distant sakanya si Kuya pero ganon ba kalala ang nagawa n'ya para di man lang pansinin ni Kuya kung sakali ang lagay ni dad? Or may napapansin nga kaya sya?

Gusto kong manisi at mainis pero hindi ko alam kung kanino at kung para saan pa nga. Si dad kasi, sinasabing alagaan ang sarili lalo't habang wala pa ako non. Hindi nya kasalanan magkasakit pero dahil siraulo ako, sisisihin ko na rin sya.

"At ang kuya mo... hindi ko rin sinabi at pinahalata sakanya talaga kaya naman wag ka nang magalit sakanya."

Mukang napansin nya rin pala ang pailalim kong tingin.

Kaso, napatigil ako nang bahagyang tumagikod si Kuya Sandro at nakita ko ang side profile nya. Napakaamo ng mukha n'ya, bagay lang sa ugali n'ya. Mabait sya at ang mga tunay na nakakakilala sakanya ang nakakaalam dahil tahimik naman syang tao.

Ang dami na tuloy lalo ngayon ang ikinakaguilt ko. Una, hindi ko nalaman ang nangyari kay dad samantalang sya, kahit yung hindi ko pagtulog ng maayos dahil sumasakit ang mga sugat ko e inaalala nya. Tapos, naisip ko ngayon ngayon lang na nakakainis sya kasi di nya sinabi na meron syang sakit. Idagdag mo pa yung sinisi ko rin si Kuya Sandro. Si Kuya na palaging nandyan para saakin.

"Please, dad, ngayon po makinig na po kayo para pwede na kayong operahan."

"Pero hija, ang kumpanya-"

"Don't worry, I'll take care of it." Putol ko pero agad nanlaki ang mga mata ko matapos marealize ang sinabi ko. Ang kaso ay hindi ko na mabawi iyon dahil napakalawak na ng ngiti nya at nagsabing magpapahinga na.

Alam ko naman na anumang mangyari, dapat pa rin akong tumulong sa kumpanya. Naintindihan ko ang pag-aalala ni dad dahil nga naman pinaghirapan nila iyon ni mommy na itayo. Hindi sya papayag na mapabayaan iyon.

Mukang anumang mangyari ay mapapaaga talaga ang pagtatrabaho ko sa kumpanya.

Napapasimangot akong naglakad palabas. Nakita ko na nakatalikod si Kuya Sandro na naglalakad dahan-dahan.

Kilalang kilala ko ang bulto nya. Naglalaro sa 6 flat to 6'1 ang height nya, katamtaman ang pangangatawan, maputi at maganda ang tindig.

Tahimik akong tumakbo at kaagad syang niyakap. Naramdaman kong bahagya syang natigilan pero hindi sya tumigil sa paglalakad ng unti-unti.

"Kuyaaaaa, sorry." Binitiwan ko sya at inangkla ang braso ko sa braso nya. "Sobrang naguilty naman ako. Naisip kong sisihin ka pero bumaliktad din ako agad."

"What do you mean? Sinisisi mo na ngayon ang sarili mo?"

"Oo, kung hindi san ako naaksidente non, edi sana hindi ko kailangang magpagamot sa ibang bansa tapos baka maalagaan natin si dad. Nirespeto mo ang pagkahilig ko sa pagsusulat. Ako, alam kong photography ang first love mo kaso ay naisip kong mas inuuna mo pa yon kesa tulungan si dad. Sinisi kita pero mas malala pa ako." Malungkot kong sabi. Babatukan nya sana ako pero tinigil nya rin ang kamay nyang nasa ere tapos ay hindi na itinuloy.

"Okay lang saakin na sisihin mo ako, basta ikagagaan ng pakiramdam mo. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo sa bagay na hindi naman pwedeng iwasang mangyari."

"Nakakainis ka. Sobrang bait mo kaya mas lalo tuloy akong nagiguilty. Kahit minsan naman sumbatan mo ako."

Totoo naman kasi. Sya ang tipong mananahimik kahit sisihin pa ata ng buong mundo. Hindi sya magpapaliwanag kahit pa wala syang ginagawang masama. Bakit ba ganyan sya katahimik at ka-cold? Madalas syang pagkamalang masungit at heartless pero wala syang itinama sa tingin sakanya ng iba. Ako na nga yung naiinis minsan.

Nabigla ako nang mabitawan ng nurse na kasalubong namin ang plato na hawak n'ya. Nabangga kasi sya ng batang tumatakbo dito sa hallway.

Napabitiw ako at natigilan nang maramdamang kumirot ang ulo ko.

"Are you okay?" Napansin nya yata na may masama akong nararamdaman, pero hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa basag na plato sa sahig.

Medyo nakakapagtaka. Alam ko naman na meron akong permanent amnesia pero kadalasan ay hindi maiwasang maramdaman ko na ang mga narinig, sinabi or nangyayari saakin ay nangyari na rin noon.

Tulad noong nasa ibang bansa ako at nabasag ang tasa, pakiramdam ko ay ilang beses ko nang nakitang nabasag ang tasa na iyon. Nang masagutan rin ako non, akala mo ay may narinig akong nagsabi ng: clean your wounds. Ang nakakapagtaka, boses ng lalaki ang narinig ko pero babae kaming lahat roon. Para bang ang boses na yon ay galing pa sa kailaliman ng isip ko.

Imagination or hallucinations, hindi ako sigurado kung ano.

"Jessdre." Tinapik ni Kuya Sandro ang balikat ko at napatingin ako agad sakanya. "Why- ahm, are you hungry?"

"Ah, medyo." Hindi pa nga pala ako kumakain kasi don sa resto kanina ay hindi naman ako nakaorder man lang. "Libre mo ko?"

"Tsk, sis, sabi mo nakakaramdam ka ng guilt di ba? Why not pawiin yan sa pamamagitan ng panlilibre saakin ng masarap na lunch?"

In-snob ko sya pero kasabay ko pa rin syang naglakad. Pumunta kami sa restaurant katabi ng hospital. Nagkwento na rin ako ng kung anu-ano. Nagkwento sya ng tungkol sa mga lugar na balak nyang puntahan sa Pilipinas para kumuha ng mga larawan. Pumunta na sya sa iba't-ibang bansa pero ngayon naman daw ay sa Philippine sceneries sya magpo-focus.

Napunta ang usapan sa pagsusulat ko.

"Gusto ko ng story na medyo ordinaryo lang pero may kakaibang plot para boom!"

"Merong amnesia ang babae. Merong pamilyang nag-ampon sakanya nang mawalan sya ng ala-ala at nagkita ulit sila ng ex nya na syang anak ng umampon sakanya. The girl can't remember him but he can still remember her. Nasaktan sya noon ng babae kasi akala nya ay niloko sya. Pero habang tumatagal ay nalaman nya rin na palabas lang pala lahat ng magulang ng babae kaya sila naghiwalay. Magkaaway kasi ang pamilya nila-"

"Alam mo, ang ganda ng ganyan pero naisip ko na yan. Dahil doon, chineck ko kung merong ganyang plot at marami na ang nakita ko."

"As in?"

Tumango-tango ako. "Kumbaga cliche na yan sa kanila. Yun na nga ang isa lang nakakastress e. Kung paano ka gagawa ng story na bago sa readers."

"Why not... The guy fell inlove with his sister and he knows she's adopted?" Suggest niya ulit.

"Cliche na rin yan. Meron na rin akong nabasang tulad nyan." Kanina pa ako tumigil kakaisip at si Kuya naman ay ganoon din. Parang mas naistress na sya ngayon kaysa saakin.

"Okay pa naman sana yon."

"Oo. But speaking of that plot, in my own opinion, that's kinda impossible to happen in real life. Kasi imagine-in mo, lumaking magkapatid tapos malaman lang na adopted ang isa ay magkakainlove-an na?"

"Wala namang imposible sa pag-ibig, di ba?"

"Sus, kung makapagsalita ka akala mo may love life ka e." Biro ko. "Sige, isipin mo, kunwari adopted ka, hindi rin naman imposible. Kasi ang ganda ng lahi natin e. Ang gwapo ni dad tas sa pictures ni mom, kitang kita na super ganda nya. Maganda rin ako pero ikaw..." Tiningnan ko sya at sinamaan nya ako ng tingin. "Tapos, nainlove ka saakin dahil nga maganda ako, duh. Then one day, doon ko lang nalaman na adopted ka. Tingin mo, maiinlove ako sa'yo?"

"Iba-iba naman ang tingin ng tao at kung minsan, kapag dumating na sa'yo, doon mo lang malalamn kung oo o hindi."

"Sabagay. Though right now, that's what I think. Sa paniniwala ko sa mga oras na to, dahil namulat ako sa kaalaman na magkapatid tayo, anumang mangyari, magkapatid pa rin tayo. That'll never change."

Natahimik sya at ako naman ay patuloy lang na dumaldal.

///

UMAYOS na rin ang pakiramdam ko kahit papaano. Un-okay lalo ang mood ko nang pag-uwi ko kaninang umaga sa bahay ay may ipinadala saakin mula sa hindi ko kakilala.

Yung katulong nalang ang nag-abot saakin at nang buksan ko ay nakita ko ang laptop ko roon! Meron ding sticky note na nakadikit sa harapan na may nakasulat na:

I THINK YOU FORGOT THIS BECAUSE OF ME. I'M SO SORRY AGAIN.

-LAL

Yung lalaking pinagkamalan akong ibang tao siguro ang nagpadala nito. Pero sandali, paano nya nalaman ang address ko?

Agad kong binuksan ang laptop, in-enter ang password para tingnan kung andon lahat ng sinusulat ko. Pero napasampal ako sa sarili kong noo nang may marealize.

Madalas akong makalimot sa passwords kaya ang password ko ay ABCD tapos ay letters from 1-6. Hindi imposible na mahulaan ang password ko. Isa pa, ang nakalagay sa monitor ng laptop ko ay:

IF YOU EVER SAW THIS LAPTOP, PLEASE GIVE IT BACK TO ME, IT'S VERY IMPORTANT. I'LL JUST GIVE YOU A REWARD.

Then nakalagay na rin sa monitor ang contact details ko maging ang address.

Ganon kasi talaga ako. Kahit alam kong sa maraming pagkakataon ay imposible, hindi ako magsasawang umasa na makakakilala ako ng taong ibabalik saakin ito. Tama lang ang pagtitiwala ko na marami pa ring mabubuting loob at matatapat na tao. Heto nga, bumalik saakin ang laptop ko.

Narinig ko na rin kasi mula sa doktor pagbalik namin na malaki ang chance gumaling si dad basta sundin nya ang mga sinasabi ng doktor. Ang kaso, dapat pa rin syang manatili sa hospital o kaya naman ay sa bahay na lamang magpalakas muna, kukuha nalang ng private nurse at palaging magpapacheck up.

Dahil di naman talaga gusto ni ang hospital ay pinili nya ang second choice. Bukas daw ay pwede na syang iuwi muna saamin. Nagpaalam akong bibili ng aking maiinom. Naiwan si kuya sa room ni dad.

Nag-aalala ako sa kanilang dalawa lalo at malapit kailangan ko ng pumasok sa company sa Monday. Sana anumang di nila pagkakasundo ay maisaayos nila. Mapatawad sana ni Kuya si dad sa anumang kasalanan nito.

"Ops, sorry." Tiningnan ko ang lalaking nakahawak sa braso ko na siyang dahilan kung bat ako nangudngod. Nanlaki ang mata ko.

"Hey!" Sya yung lalaki kahapin sa restaurant! Wala sa sarili akong natulala habang nakatitig sa nakakalunod nyang mata.

Umayos ako ng tayo. Tinignan nya lang ako na para bang inaasahan nyang ako ang makakasalubong nya. Hindi sya mukang nagulat.

"Ikaw ang nagpadala non-" napatigil ako sa awkward na pagngiti at pagsasalita nang sa wakas ay ngumiti sya sakin.

"How are you?"

"I'm... fine." Makapag tanong naman e akala mo close kami, joke. Pero seriously speaking, hindi naman talaga kami close. Hindi naman masama ang mangamusta pero kung makspagtanong din kasi sya ay parang ilang taon kaming di nagkita samantalang kahapon ko lang sya nakilala.

"What are you doing here?" Ako lang ba? O bakit parang sobrang feeling close nya talaga?

"My dad's here. Lumabas lang ako sa room nya kasi bibili ako ng maiinom." Nagsimula na syang maglakad at napasunod naman ako. "You?"

"Nag-aapply." Simple na sagot nya.

Hindi na ako nagsalita hanggang mskarating kami sa cafeteria nitong hospital. Bumili sya ng softdrinks matapos akong tanungin kung anong iinumin ko at tinanong ako kung meron akong gustong meryenda.

Ang totoo ay gutom na ako pero hindi nya ako pinagbayad sa softdrinks e tapos itatanong nya gusto kong kainin? Nakakahiya kaya, sya gagastos samantalang nag-apply palang naman sya ng trabaho.

Nakasunod pa rin ako sakanya hanggang gilid ng hospital. Umupo sya sa isang upuan na naroroon.

"Ano nga pala ang inaapply-an mo?"

"I'm applying for any position."

Yan na naman. Lalo tuloy akong nao-awkward-an s paisa-isang sagot nya na yan. Nakatingin sya sa malayo kaya naman napagaya din ako sakanya nang merong ideyang pumasok sa isip ko.

"Sa Monday! Pumunta ka sa EnriFirm. Alam mo ba yon?" Tumango sya pero hindi pa rin saakin nakatingin. "Basta magpunta ka roon tapos ay titingin ako ng available position for you."

Nagpakilala syang Luck Bernales at bale tinanong ko sya ng ilang bagay, parang pinaka interview na rin. Single daw sya, nakapag-college pero hindi graduate. Matapat namna syang tao at mukang mabait, medyo may pagkamasungit lang kaya ayos lang rin.

Itatanong ko na rin sana kung wala ba syang girlfriend pero nakakahiya

Tsaka isinasama ba talaga yon sa mga tanong sa interview? Mag-iisip pa sana ako ng sasabihin nang may tumawag saknaya kaya nagpaalam sya at nagmamadaling umalis.

Papasok sa hospital ay nakita ko sa Kuya Sandro na nakatayo sa entrance. "Kuya! What are you doing here?"

"Hinihintay ka. Sino yung kausap mo kanina?" Nakita nya pala yon? Nangunot ang noo ko na mukang napansin nya. "Pupuntahan sana kita kanina kaso nakita kong meron kang kausap na lalaki. Diko naman napansin kung sino dahil nakatalikod na nung matingnan ko. Nahaharangan mo, lapad mo kasi."

Nakakainsulto na to ah! Una sa lahat, hindi naman ako malapad no. Adik talaga!

"Isang kakilala lang." Meron akong naalala kaya naeexcite ko syang hinila pabalik sa kwarto ni dad.

Sa Monday ko pa rin malalaman kung anong trabaho ang ipapasok ko sakanya. Medyo imposible pero paano nga kaya kung nagkataon na walang bakante? Papayag kaya siyang kung sakali ay maging janitor? Well, kung kailangang kailangan nya talaga ay siguradong tatanggapin nya nga kahit janitor. Wala namang masama sa pagiging janitor.

Agad akong napangiwi nang maalala ang suot nya mula nung una kaming magkita at kanina. Parang modelo sya ng business suit, ah? Aplikante pero ganon talaga kagaling magdala ng suot. Kung pagtatabihin kami baka akalain na alalay pa ako non eh!

Inimagine ko pa sya na nagma-mop ng floor habang nakabusiness suit. Weird. Pero mas weird ako kasi napapangiti akong mag-isa. Buti nalang si Kuya Sandro di ako napapansin dahil diretso lang sa dinadaanan namin ang tingin n'ya.

Pero sandali... Luck Bernales? E ano yung LAL na nakalagay sa dulo ng letter na idinikit nya sa laptop? Sinabi nyang sya nga ang nagpadala non. Kaya ang akala ko e initials nya.

Ay, ewan.

"Tapos kana bang makipagwrestling sa utak mo?" Napapiksi ako nang marinig na nagsalita si Kuya Sandro. Tumingin ako sa paligid. Nasa rooftop na kami ng hospital!

"Hala, anong ginagawa natin dito?"

"Ngayon kalang nagreact e kanina pa tayo dito nakatayo." Nagulat ako lalo. Ganon ba kalutang ang isip ko para di mapansin yon?

"Hehe, may iniisip lang." Halos patalin akong naupo sa tabi nya. May medyo sira na kasing upuan doon. Medyo umuga yon nang umupo ako kaya bigla syang napamura at tumayo.

Tawang tawa ako na nakaturo pa sa nanlalaki nyang mga mata.

"What the hell!" Tumigil ako sa pagtawa saka ngumuso. Napikon ba sya? Hindi ko naman alam na maiinis sya. Sabagay, baka nga naman malaglag sya pero ang OA nya naman.

"Sorry na-"

"Bakit bigla kang umuupo‽" Kita sa muka nya ang inis. Napapano na naman to? Nireregla na naman. "Paano kung bigla kang nalaglag tapos nasaktan ka!"

Doon tuluyang nabura ang munting ngisi ko. Ako pala ang iniisip nya. "Grabe ka naman. Ang baba netong upuan, oh! Kung bumigay man to habang nakaupo tayong dalawa, imposible pa nga na mapilayan tayo!"

Pero hindi nabawasan man lang ang irita sa mukha nya. Ano ba talagang nangyayari?

Napatanga ako nang lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ang paa ko. Doon ako napatingin, merong maliit na gasgas sa bandang gilid ng binti ko. Meron palang nakausling pako sa upuan.

"Tsk! Napakalikot kasi eh!" Tiningnan nya ako ng masama. "Wag kang aalis dyan!" Bilin nya bago nagtatakbo paalis.

Hindi ko alam bat ganto ang reaksyon nya. Sabagay, may times talaga na exaggerated si Kuya.

Hindi nagtagal ang paghihintay ko dahil humihingal syang bumalik. May dala syang hydrogen peroxide, povidone, bulak at band aid. Lumuhod ulit agad sya sa harap ko. Nilagyan nya ng hydrogen peroxide ang konting sugat habang hinihipan n'ya pa iyon nang bahagya.

"Wala kang kaingat-ingat." Patuloy sya sa pagbubunganga. "Napakakalawang ng pako. Kapag hindi kaagad nilinisan e baka matetano ka."

Napangiti ako. He's really capable of looking cold while being sweet. Ewan kung ako lang pero hindi bat parang nakakaturn on ang lalaking sa'yo lang ipapakita or halos ikaw lang ang nakakakita ng best side nya?

You know, when he looks too intimidating but he's really caring. Isang taong hindi nagpapanggap na mabait lang. Madalas pa nga sinong hinuhusgahan nila e sila pa ang the best kapag nakilala nang lubusan. Kaya naman sobrang totoo lang ng kasabihang "don't judge the book by it's cover."

"Bakit nakangiti ka nang ganyan? Para kang shunga." Napansin kong tapos na pala sya. Nakatayo na sya sa harapan ko.

"Naisip ko lang na ang swerte ng babaeng mamahalin mo."

Nag-iwas sya nang tingin. Sus parang biglang nahiya dahil pinuri. "I don't think so."

"Seryoso ako. Sana makahanap ako nang tulad mo, no? You're my ideal type, you should be proud kahit ang pangit mo!" Panlalait ko. "Wait, meron ka bang babaeng ngugustuhan? Kung meron, ipakilala mo saakin, kailangan kong malaman kung paano ka magkagusto." Yeah, that's a good idea.

Cold pa rin kaya si Kuya kahit sa babaeng gusto nya? Or sweet? Maybe both? Sinusungitan nya rin kaya ang babae o korni sya dito? Waahh! I'm so curious!

"Yeah." Tila wala sa sariling sagot nya. "Meron na akong nagugustuhan." Tumingin sya nang deretso saakin. "But it's too impossible to even have a single chance."

"Bakit naman? The best ka kaya!"

"I did something terrible to her. I know she'll despise me once she learned about the truth."

Nakaramdam ako nang kaba pero hindi ko alam para saan. Dahil hindi ko inaasahan na meron syang magagawan nang napakasamang bagay ayon nga sakanya o dahil nararamdaman ko na sobrang nahihirapan at nasasaktan nga sya?

Bakit kasi in-open ko pa ang gantong topic e!

Malungkot syang ngumiti saakin.

"Ano bang... ginawa mo? Hindi naman... siguro ganoon kalala kaya mapapatawad ka pa n'ya."

Tumawa sya nang mahina pero sarkastiko. "You don't really understand." Himinga sya nang malalim at lalo akong pinakatitigan. "I almost killed her not just once but twice and I ruined her life. Kung ikaw sya... mapapatawad mo pa ba ako... Jess?"