Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 16 - CHAPTER 14: Back

Chapter 16 - CHAPTER 14: Back

"WELCOME HOME, DARLING," niyakap ko agad si Dad nang napakahigpit. Kinuha ng driver ang maleta ko. "I miss you, anak."

"I miss you too, dad, so much. It's good to be back here in the Philippines."

"Good afternoons Ms. Enriquez. Welcome na din po!" Anang kasama ni dad na naghila ng maleta ko. Mukang driver sya pero hindi ko kilala. Nasa early forties siguro ang edad. Kaagad akong ngumiti.

Akbay ako ni dad habang naglalakad. Nagkukwento ako sakanya ng mga ginawa ko sa pananatili kong mag-isa sa U.S para mag-aral pa ng tungkol sa business gaya na rin ng hiling niya. I don't like talking with him about age. Palagi niyang sinasabi na matanda na siya at malapit nang mawala sa mundo kaya kailangan ko nang malaman ang mga pasikut-sikot sa business world.

I love my dad so much. Siya ang kasama ko sa mga panahon na halos ako mismo ay halos isuko na ang sarili ko. Sya ang nanatili kahit pa nasasaktan ko sya sa mga panahon na hindi ko sya maalala.

Nabangga ako 2 years ago habang nagdadrive mula sa isang party na dinaluhan ko. Malala ang naging lagay ko at na-coma pa ako ng 2 weeks. Paggising ko, panibagong problema na naman dahil walang kasiguraduhan kung makakalakad pa ako kahit maoperahan ang paa ko na syang napuruhan sa aksidente. Bukod doon, wala akong maalala at ayon sa doktor ay nagkaroon na ako ng permanent amnesia at hindi na maibabalik pa ang mga ala-ala ko.

That was another problem again hanggang sa hindi ko na kinaya at nadepress na ako . But that was 2 years ago. I'm now happy and lucky to be with dad again.

"How's life being alone?"

"I'm happy dad because I've learned lots of things." That's true dahil hindi naman ako literal na nag-iisa. May dalawang katulong akong kasama sa mansyon namin sa U.S at may nagtuturo saakin ng about sa business.

Hindi lang tungkol sa pagpapatakbo ng kumpanya ang natutunan ko kundi pagluluto na rin dahil nangingielam ako tuwing nagkuluto ang maids sa mansyon.

"Well, that's great, hija. You really love being independent." Nakangiting aniya kaya napangiti din ako saka napaisip.

Noon kaya bago ako maaksidente, ganto rin ba ako? Memorya nga lang ba ang nawala saakin? Noon, naiisip kong hindi ako makakapag-adjust gaano man karagyal ang abutin pero sa tulong naman ng aking pamilya ay nakaya ko ang lahat.

Nakakalungkot nga pero ayos na siguro yon. It's all God's will.

Agad kaming sumakay ng sasakyan nang makarating roon. Pagod ako sa byahe pero diko mapigilan ang mapangiti pa rin.

Marami akong binabalak sa pagbablik ko rito sa Pilipinas. Naisip kong tumulong sa business ng pamilya pero parang mas gusto kong magsulat.

Sa taong pamamalagi ko sa America, nagustuhan ko na ang pagsusulat ng mga nobela. Dalawang sinulat ko ang napublish. Parehong fantasy ang genre pero sa ibang bansa yon. Sa ngayon, gusto kong magsulat ng Tagalog novel para maiba. Gusto ko rin namang magtry ng ibang genre kahit na nakilala ako ng marami sa pagsusulat ng fantasy. (Though di naman talaga ako kilala personally. Itinago ko ang identity ko at kilala lang ako sa tawag na Writer SakuraDaisuki101.)

Hindi na ako gaanong kinausap ni dad. Kahit pagdating sa bahay ay niyaya nya na kaagad akong magdinner kahit kaka-six pm palang para daw agad akong makapagpahinha. Pumayag naman ako. Hindi ko rin kasi talaga naenjoy ang kinain ko sa eroplano.

Nagsabi si dad na may aayusin lang sa library na nagsisilbi na rin niyang office. "Dad, please lang po, wag kayong magpupuyat at pagkatapos nyo pong gumamit ng—"

"Kahit anong gadget, tuwing fifteen minutes ay ipahinga ko ang mata ko?" Tumawa si dad nang makitang gulat ako. "Anak, kahit sa telepono e ganyang ganyan din mga sinasabi mo."

Ngumiti nalang ako at bahagyang napatawa. Niyakap ko sya bago sya umalis.

Dahil hindi pa naman talaga ako tumira dito at wala akong memorya, sinabi saakin ng nakasalubong kong katulong kung saan ang kwarto ko. Sa second floor daw, left wing, yung dulong kwarto. Aakyat na sana ako pero nakasalubong kong pababa nang hagdan ang kuya ko.

"Kuya Sandro!" Halos talunin ko sya para lang mayakap nang mahigpit.

"Sis!" Gumanti sya nang yakap saakin. "Kailan ka pa dumating? Di man lang nabanggit ni Dad na darating ka. That old man..."

I hushed him. He's my only brother, Kuya Sandro. 2 years ang gap namin. Namatay si mom dahil sa sakit noong mga bata palang daw kami. Si Kuya Sandro ang matatawag na 'black sheep' ng pamilya. Pasaway, matigas ang ulo, hindi nakikinig at laging kaaway ni dad. Pero super duper solid nyang maging kapatid.

"Kakarating rating ko lang. Kakakain ko lang din hehe. Ikaw, kumain kana ba, Kuya?"

Sumimangot sya. "Maka-kuya, 2 years lang naman gap natin." Ganyan sya lagi. Akala mo naiinis kapag tinatawag na kuya. Kesyo dalawang taon lang naman daw tanda nya bakit kailangan pa ng kuya.

"Duh, because you're my brother! Tsaka may manners kasi ako no! E ikaw siraulo ka e!" Babatukan nya sana ako pero mas nauna kong mapitik ang noo nya. Kaagad syang nagreklamo. Napatawa naman ako. "By the way, kumain kana nga ba?"

"Hindi, sa labas nalang ako kakain. Sige na, matulog kana. Konting eyebags pa, magdadalawang-isip na talaga ako kung magkapatid ba talaga tayo or anak ka nung Panda sa Zoo na nakita ko nung nakaraan."

"Heh! Muka mo!" Ang galing talagang mang-asar ng isabg yon.

Well, paano ba naman kasi akong hindi magkakanda eyebags e nag-iisip pa nga akk ng plot ng story. Gusto ko munang ipahinga ang isip ko pero paano ba? Naninibago ako sa naiisip kong genre but at the same time, gusto kong ichallege mismo ang sarili ko.

Gusto ko ng plot na medyo makatotohanan. Pero kapag ganon, cliche karamihan ng naiisip ko. Though naisip kong okay yung medyo cliche nga pero may pasabog para masasabi ko pa rin na unique sya.

Hanggang makarating sa kwarto ay nag-iisip ako pero biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Kuya Sandro kanina.

"Konting eyebags nalang, magdadalawang-isip na talaga akong magkapatid tayo."

Alam ko naman na biro lang yon eh. Kaso may kakaibang impact saakin. Madalas naman kaming magbiruan. Noong nasa ibang bansa ako, palaging magkausap kami sa Skype or nagp-facetime kami. Hindi na bago ang mga ganyan nyang pananalita.

Mga limang beses na ring dumalaw si Kuya Sandro habang nasa America ako. Nakilala nya ang ilang mga taong maituturing kong kaibigan doon. Lahat sila ay nagsasabing wala silang makitang pagkakatulad namin mula itsura hanggang pag-uugali. Minsan naiisip kong baka noong baby ako ay naipagpalit lang ako tapos malalaman kong anak pala talaga ako ng Mafia Boss. De joke, masyado na akong masobrahan sa pagbabasa ng kung anu-ano.

Non ay hilig ko lang basahin ay fantasy stories pero nang maisip kong pag-uwi ko rito ay magsusulat ako ng Romance, naisip kong magbasa ng romance at medyo nag-adik ako ron.

Kung anu-ano na tuloy naiisip ko.

///

MAAGA palang ay nagpaalam na akong mamamasyal ng konti. Naghahanap ako ng inspirations kahit man lang sa lugar, mga nakikita kong tao or pagkain. Hindi naman ako sobrang lalayo.

Pumasok si dad sa office at pinaalalahanan akong kailangan ko na talagang pumasok sa kumpanya sa lalong madaling panahon. Dapat imbes na ako muna, si Kuya Sandro ay inaaya nya rin. Lagot saakin ang lalaking yon. Nasaan na nga kaya sya? Naglalagalag siguro kasama ang mga kaibigan nya.

Umupo ako sa bench ng isang pinakamalapit na park. Malilom don dahil sa malaking puno sa gilid. May mga bata rin na naglalaro sa paligid kasi may playground na rin dito.

Napabaling ang tingin ko sa nakalatag na mat kung saan meron mag-bebe na mukang nagpipicnic. Mukang masayang masaya ang dalawa at akala mo e silang dalawa lang ang nasa paligid.

Sa di kalayuan ay may mga teenager na lalaki, siguro nasa edad kinse hanggang disi-sais, nagpapatugtog sila sa pamamagitan ng nasa tabi nilang speaker. Narinig ko bigla ang pinakapaborito kong kantang Tagalog, yung 'walang ganon.' Hindi ko maiwasang isipina ng lyrics non. Akala mo bitter pero kung iisiping mabuti, may point nga naman ang kanta.

"Gusto mo ba ng pag-ibig na malinis

At walang bahid ng dumi

Yung ikaw ang nauna at

Walang susunod pa kung maaari

At ang istorya nyo ay para bang nilikha

Ng isang magaling na manunulat

Na nagpakilig sa lahat

Kaya bumenta ang kanyang mga aklat"

Imposible.

"Walang Ganon, Oo Walang Ganon

Walang Ganon, Woohoo Wala

Walang Ganon"

Tho may point nga naman ang kanta pero hindi rin naman palaging tama iyon.

"Gusto mo ba ng pag-ibig na panatag

Walang pag aalinlangan

Na kahit ika'y wala yung

Alam mong di gagawa ng kalokohan

At parang drama sa isang sikat na istasyon

Na inaabangan ng buong nayon

Sa ganda ng takbo ng kwento niyo

Sugatang puso nila ay nahihilom

Walang Ganon, Oo Walang Ganon

Walang Ganon, Woohoo Wala

Walang Ganon"

Tama, ang mga istoryang ganong kaganda ay kadalasang nasa libro lamang, pelikula o sa imahinasyon natin.

"Walang Ganon, Oo Walang Ganon

Walang Ganon, Woohoo Wala

Walang Ganon

Gusto mo ba ng pag-ibig na makulay

Kasing liwanag ng araw

Na kahit wala kang pera

Sa ibang yaman hindi siya pasisilaw"

Pero hindi naman lahat ng babae ay ganoon ang hinahangad. Tulad ko. Kung ako ang papipiliin, hindi ako magnanais ng isang prinsipeng nakasakay sa puting kabayo at mahusay makipaglaban.

"At tulad ng lumang eksena sa pelikula

Ililigtas mo ang bihag na dalaga

Sa ending ang mga pulis ay darating

At sa iyo siya'y sasama

Walang Ganon, Oo Walang Ganon

Walang Ganon, Woohoo Wala

Walang Ganon

Walang Ganon, Oo Walang Ganon

Walang Ganon, Woohoo Wala

Walang Ganon

Mas gugustuhin ko nang magkaroon ng isang taong hindi man mala-prinsipe, walang kabayo't patalim ay handa pa rin akong iligtas.

Wait. Parang pamilyar yung linyahan ko ah?

Weird ko na talaga lalo.

Bumalik ako sa bahay para kunin ang laptop. Parang nasa mood akong magsulat ngayon. Kaso, saan nga ba magandang  magsulat? Tipong meron akong makikitang inspiring at couples nang kiligin naman ako kahit sa love life man lang ng iba.

Bar? Hindi, flirty marami, lalo naman siguro sa Club. Isa pa, club umagang-umaga? Ano namang kaadikan to. Nakakangilo namang tumambay sa socmed dahil karamihan naman sa magkakarelasyon don e sa socmed lang sweet at masaya. Kumbaga nagpe-flex lang pero sa personal e iba naman talaga ang takbo ng relasyon. Dagdag mo pa yung mga proud pang sabihin na trial card nila ang isa't-isa.

Aha! Sa resto!

Naglinis ako ng katawan dahil naligo na naman ako kanina. Nagbihis din ako ng simpleng dress saka nagpahatid sa pinakamalapit na restaurant. Walang ibang tao sa bahay bukod sa mga katulong kaya paniguradong mamamatay ako sa boredom doon.

Sa labas palang e nakikita ko na ang mga tao sa loob dahil salamin ang harapan. Merong magkakarelasyon na mukang nagdedate, di alintana kahit pa magtatanghali na. Pagpasok e meron ding mga estudyante bandang sulok na mukang may ginagawang project or anuman. Merong mga libro sa table nila at kanya-kanyang laptop, nag-uusap-usap din sila at pare-parehong seryoso.

Sinasama ko nga sana si kuya g driver para  kumain din sya pero tumanggi sya at sinabing nagbilin si dad na puntahan sya kapag naihatid na ako. Meron daw kasing lakad ito.

Umupo ako sa bandang gilid din kung saan wala akong gaanong mga nakapwesto. Inilapag ko ang laptop sa mesa saka nagtype ng password at tiningnan kung ano mang nakalagay na roon sa isususlat ko.

'Plot:' ganyan palang ang nakatype dahil wala pa nga akong naisusulat na kahit ano.  Tinaas ko ang isa kong kamay para tawagin ang waiter habang nakatutok pa rin ang buong atensyon ko sa monitor ng laptop. Nang maramdaman ko ang tumigil na presensya sa gilid ko ay agad akong tumingin.

"Please give me—"

Napatigil ako nang mapansing hindi sya ang waiter. Yung suot nya kasi ay business suit. Ang ganda pa ng tindig. Nahiya pa nga ako dahil kahit modelo ay papasa sya.

Nakatitig lang sya saakin kaya medyo nailang ako. "Excuse me? How may I help you? Why are you looking at me? Do you need anything?" I forced myself to smile a bit.

Kita kong para na syang tuod ngayon. Nakatingin na rin ang ilang mga tao saamin. Una dahil nakakaagaw pansin naman kasi talaga ang mukha at tindig nya at pangalaw ay dahil sa expression na pinapakita nya. Daig nya pa ang nakakita ng multo o nanalo sa lotto.

"J-Jaz..."

Hinila nya ako, napatayo ako at nabigla nang ikulong nya ako sa mga braso nya. Ang higpit ng yakap nya at amoy na amoy ko ang pabango nya. Amoy sosyal. Amoy mamahalin. Habang tumatagal ay lalong humihigpit ang yakap nya. Natauhan lang ako sa pag-amoy nang makita kong meron nang ilang pumapalakpak. Aba, akala pa ata nila jowa ko tong lalaki na to!

"Y-You're alive. I knew it. You're back."  Aniya pa pero bigla ko syang tinulak.

Malamang buhay ako, nahahawakan at nayakap nya pa nga em I'm alive and kicking here. Obviously at mukang chinachansingan ako ng isang to. It's either he's a perv, nagkamali lang ng akala o nababaliw na sya. Like, duh, sino ba sya?

Malakas sya kaya ni hindi sya napabitaw saakin.

"Sandali, mister! I don't know you!" Pinilit kong makawala hanggang sa hayaan nya na nga ako. Umatras ako mula sakanya.

Doon sya parang tinuklaw ng ahas. Pinilit nyang hawakan sana ang kamay ko pero lumayo lalo ako. Nasaamin na talga ang atensyon ng lahat.

"Ate, wag nang pakipot! Makipagbati kana kay Kuya pogi!" Sumigaw ang isang estudyante na nag-aaral lang kanina mula sa gilid. Hindi ko sya pinansin.

Lumapit saamin ang isang waiter na nakayuko pa. "I'm sorry, ma'am, sir, please wag po kayong mag-away dito." Sya kasi ng malapit saamin kaya malamang e narinig nya ang usapan namin. Hindi tulad ng medyo malalayo saamin na iba na ang iniisip. Para sa kanila ay isa itong sweet at nakakasanaol moment ng magjowang may LQ.

"Damn, I can even buy this—" natigilan sya at matapos ay hinila ako palabas. Nagpapalag naman ako ang kaso ay wala akong magawa or baka di lang talaga sapat ang lakas ng pagpalag ko. Deep inside of me, I wanna know why he's doing this. Kung nagloloko lang ba sya or kakilala ko nga sya bago ako magka-amnesia.

Binitawan nya na rin naman ako nang nasa labas na kami, sa ilalim ng isang puno sa harap.

Napatitig ako sa berde nyang—wait, wtf! Bakit hindi ko agad napansin ang kulay ng mga mata n'ya. Kulay green!

Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng green eyes pero ito na yata ang green eyes na may pinakabagay na mukha. Halos perpekto na ito, doon palang sa makapal na kilay at mahahabang pilik e solve na. Ang tangos ng ilong at napakaganda ng panga.

Bahagyang nakaawang ang labi nya na akala mo e shock pa rin hanggang ngayon.

"Don't you... really know me?" Napatingin ulit ako sa magandang pares ng mga mata n'ya at ako naman ang napanganga nang makitang nagtutubig na ito na akala mo ay ilang sandali nalang, tutulo na ang luha mula dito.

"I'm sorry," I felt guilty kahit wala naman akong ginagawa. "Do I... know you? Naaksidente kasi ako two years ago kaya naman nagkaroon ako ng permanent amnesia."

"Permanent amnesia..." Pag-uulit niya. Ilang beses syang kumurap at ngumiti saakin nang bahagya. "Sorry, akala ko ay ikaw ang kakilala ko. I think I'm wrong."

Bahagya din akong ngumiti. "No, it's okay." Nakaramdam ako ng bahagyang panghihinayang dahil mali lang pala siya sa hindi ko malamang dahilan. Tingin ko ay naiinggit lang ako kaya nanghinayang na rin. Akala ko pa naman ay kakilala ko sya noon kaya ganon nalang ang reaksyon nya kanina.

Matutuwa na sana ako at maooverwhelm. Imagine, merong taong mangiyak-ngiyak matapos makita ka ulit? But, oh well, medyo madrama na ata ako don.

Magsasalita pa sana ako nang tumunog bigla ang cellphone ko. "Excuse me." Tumango sya pero nakatitig pa rin saakin. Pumunta ako sa bahagyang gilid nya at sinagot ang tawag ni Kuya Sandro. "Hello, kuya?"

"Jess where are you?"

"Nasa... resto lang sa malapit. Why?"

"Dad's in the hospital." Binalot ako nang pag-aalala sa sinabi nya kaya naman hindi ko na napakinggan pa ang ilan nya pang sinabi. Nagmamadali akong pumara ng taxi saka nagpahatid sa hospital na sinabi n'ya saakin.

Gulong-gulo ang utak ko nagmamadaling naglakad sa hallway ng hospital. Pero bahagya akong napahinto nang may maalala. Hindi na rin ako nakapagpaalam don sa lalaki kanina. Pero okay lang naman siguro yon. Medyo rude, but it's an emergency. Isa pa, he's a stranger. Hindi na naman kailangan pa ng paalaman.

Bumalik sa isip ko ang nangyari at ang pagtitig ko sa mga mata nya. His green eyes is full of emotions that I can't read.

Tila ba isa syang emotionless na tao at sa wakas ay nagkaroon ng emosyon kaya naman nagkahalo-halo iyon.

Pero nung inaakala nya talaga na ako ang taong inaakala nya, hindi ko makakalimutang nabasa ko sa mga mata nya ang takot, sakit, galit. Also, the tender stare he gave to me earlier almost melt me.

Para akong nakakita ng fictional character na nag-exist.

"Green eyes..." Hindi ko namamalayang bigkas ko. "Blue eyes..." Napatigil ako. Saan galing yon?

Nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad hanggang sa may pumasok sa isip ko.

"Vien..."