Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 15 - CHAPTER 13: It's You

Chapter 15 - CHAPTER 13: It's You

"GOOD AFTERNOON, SIR!" nakangiting bungad saakin ni Mang Ben.

"Good afternoon." Bahagya din akong ngumiti sakanya bago muling paandarin ang sasakyan papasok sa gate.

Sinalubong nya kaagad ako pagbaba ko palang at tinulungan sa maletang buhat ko.

"Ako na dyan, sir. Mukhang napagod po kayo sa byahe nyo ah?"

"Oho nga e. Tapos na ba ang klase ni Trina?" Tanong ko sa kanya ukol sa anak ko. Tumango agad sya at sabay na kaming pumasok sa malaking mansyon.

"Daddy!" Pagbukas palang ng pintuan ay sinalubong na ako ng yakap ng limang taong gulang kong anak. Lumuhod ako para gantihan sya nang yakap pero kaagad nya akong pinupog ng halik. "I miss you dad!" Kinurot ko ang mataba nitong pisngi saka ngumiti. "How are you?"

"I'm fine, baby. I miss you too. How about you? How are you? Are you listening to your teacher Lily?"

"Yes, ofcourse. You told me that you'll come home soon if I'm going to listen to her. But dad... I did something—"

"Pinagtripan mo na naman sya?" Nangunot ang noo ko at inakay sya paupo sa sofa.

"Uhm, just some pranks dad," then she giggled cutely. Sumandal ako sa sofa at tinanggal ang necktie saka ang coat na suot ko. Kagagaling ko lang sa one week business meeting ko sa London kaya naman pakiramdam ko ay na-drain ang utak ko.

Tumabi saakin si Trina at niyakap ako. Ginamit ko rin ang isang kamay ko para yakapin sya habang nakapikit. Mabigat ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Ilang taon na rin kasi nang magpunta ako sa ibang bansa, nabaguhan yata ang katawan ko sa lamig doon.

Hindi na nagulit pa si Trina. Siguro ay naramdaman nya na medyo mabigat na ang paghinga ko pero alam ko pa ang nangyayari sa paligid ko. Hindi ako aware kung gaano ako katagal nakapikit pero naramdaman ko nang umalis sa tabi ko si Trina matapos ulit akong halikan sa pisngi. Pagkatapos ay para na akong idinuduyan.

Pakiramdam ko ay makakatulog palang ako nang maramdaman kong may yumuyugyog saakin nang bahagya.

"Adam..." Napatingin ako sa nagmamay-ari ng malamyos na tinig na iyon. Nangunot muna ang noo ko dahil di ko makita nang maayos ang paligid. Nakapatay ang ilaw dito sa sala. Mayroon lang konting liwanag na nagmumula sa lampshade na nakapatong malapit sa TV, sa harap ng sofa.

Medyo nagulat pa ko dahil nakahiga na ako. Nakaidlip na pala talaga ako. Kanina lang ay Mas sumama pa ang pakiramdam ko. Meron din akong kumot na nakapatong saakin.

"Hey, Adam, it's nice to see you again. Nadatnan na kitang tulog, tinanong kita kay Trina at sinabing kakatulog mo nga lang kaya pinuntahan na kita," it's Lily Domine, Trina's personal piano teacher. Trina loves music so much kaya nang hilingin nyang mag-aral ng piano ay hindi ako nagdalawang-isip na sumang-ayon.

"Good eve," pormal kong bati at umayos ng upo. Naghikab pa ako nang bahagya pero natigil nang bigla nya akong hawakan sa braso. Umupo sya sa sofa at niyakap ang kanan kong braso saka inihilig ang ulo sa balikat ko.

Nakapag-adjust na rin ang paningin ko kaya naman kitang-kita ko ang suot nyang damit, a red daring dress. I think it's too short for her but ofcourse I know she doesn't need my opinion. It's her dress, her body, her rule. Iniiwas ko nang bahagya ang paningin ko pero hinaplos nya sng muka ko na tila pilit pinapatingin sa dibdib nya na ngayon ay halos nakalitaw dahil sa suot nya

I blinked twice and singhed in annoyance. Well, I'm now at my limit. I'm not the same Adam 2 years ago but it's still me. I look at her flatly bago tumayo nang mabilis. Bumaha ang liwanag sa buong sala at tumatakbong lumapit saakin si Trina, kasunod nito si Bernard.

"Dad!"

"Dude, buti gising kana? Kumain kami ni—" halatang natigilan ito nang makita si Lily na nakaupo sa sofa habang nakangiti at ako naman ay nagpipigil sa galit. Agad syang lumapit sa babae at hinila ito nang marahan. "I'm sorry miss pero kung gusto mong umuwi nang maayos, pwede kanang umalis ngayon."

"What? Hey, wait sino ka ba—"

"I'm Bernard, okay na nakuha mo na pangalan ko. Are you happy now?"

"What!?"

"Umalis kana kako daming sinabi ikaw na nga nililigtas sa hagupit ng bagyo. Kapag ako na-banned dito sa bahay nila Adam, ikaw sisisihin ko."

Napatingin nang tila di makapaniwala si Lily saakin at kay Bernard. Ako naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa habang hawak ko sa kamay si Trina na nakatulala sa dalawang nagtatalo sa harap namin.

"Mister, ikaw ang umalis. I'm Lily's personal Music teacher—"

"But I'm Adam's bestfriend!" Taas noong pagmamalaki ni Bernard. "At inaanak ko tong si Trina.

"Uulitin ko." Tumayo na ang babae at hinarap si Bernard. Iniliyad pa nito lalo ang dibdib. "I'm Lily's teacher—"

"And that's giving you the courage to seduce me huh?" I coldly asked her. "If that's the case, then you're fired." Saka ako tumalikod at hawak kamay kami ng anak ko na dimiretso sa kusina.

Wala syang sinabing anuman pero ang lawak ng ngiti nya. I don't want her growing up like a spoiled brat kid kaya naman hindi ko ibinibigay nalang basta-basta lahat ng naisin ni Trina. Noong nakaraan nya pa sinasabi na gusto nya ng bagong teacher. But because I can't see any reason to do that ay hindi ko tinanggal si Ms. Domine.

But now, I think it's the perfect decision to do. It's okay telling to someone about how you feel about them. It's okay showing how you feel. But it's not okay to seduce someone who doesn't want to be seduced. Lalo na kung sinasabing tumigil na.

At gagamitin nya pa ang 'personal teacher card' para manatili sa bahay na ito at akitin ako? L. O. L. Not acceptable at all.

Umupo si Trina sa upuan at ako naman ay dumiretso sa ref. Trina loves drinking milk after eating. Pero timpla ko lang ang iniinom nya. Kahit ang mga ready to drink ay ayaw nya. Kaya naman madalang akong pumunta sa malayong lugar.

"Dad, naisip ko, ayoko na po ng milk."

Napataas ang kilay ko at napatigil mula sa paghahalo ng tinitimpla kong gatas. "What do you mean?" That was shocking. I know her too much and it's weird knowing that there's some changes on her in one week that I'm away.

First, I know she loves wearing blue dresses. But today, she's wearing a pink dress. Ayaw nyang nag-iipit ng buhok pero naka-braid ngayon ang blonde at kulot-kulot nyang buhok, may ribbon pang nakadesign. Then this, she doesn't like milk anymore? What the heck happened in one—

"Ang kulit ng babae na yon, bud." Pumasok sa kusina si Bernard na nakagusamot ang mukha.

I knew it.

"Anong mga sinabi mo kay Trina?"

"Ha? W-wala." Ngumiti sya nang matamis saakin. "Ngayon nga lang ako nagpunta dito ulit mula nang umalis ka. Medyo naging busy rin kasi ako hehe."

"Bernard."

"Ngayon nga lang, di ba baby Trina—"

"No po. Di ba po araw-araw po kaying nandito. Sabi nyo po big girl na ako kaya wag na ko mag milk. Mag-liquor na ako?"

Tingnan ko si Bernard na nanlalaki ang mata ngayon pero hindi dahil sa gulat, kundi harap-harapan nyang pinanlalakihan ng mata si Trina. Sumesenyas-senyas pa sya nang kung anu-ano na di ko maintindihan.

Napapikit ako at napahilamos sa mukha. "Stop teaching my daughter things like—"

Natigil ako nang magtawanan ang dalawa. I'm really confuse. What's happening? Ano na naman tinatawa-tawa ng dalwa na to.

"Joke lang po, dad!" Sigaw agad ni Trina.

"Biro lang," ani Bernard at tawa na naman sila nang tawa. "Trina, sabi ng daddy mo mas malawak na pasensya nya pero tingnan mo naman, mukang magiging tsunami na agad." Oh, okay, I now understand. So they're just really testing my patient.

Well, 2 years ago, I was the kind of man who'll fire anyone in the company because they're smiling. Yep, sounds funny but that's true. I don't like seeing anyone smile, I also hate stupid people. Isa lang namang tao ang kahit ilang beses nang ngumiti saakin ay hindi ko pa rin maalis. Jazlyn.

It's been 2 years, masasabi kong mas kaya ko nang magtimpi ngayon. Madali pa rin akong magalit pero nagkaroon na ako ng pasensya kahit paano.

I'm still improving my patience pero dumarating ang pagkakataon na talagang hindi mo mapipigilan.

Kinuha ni Trina ang gatas saka ito ininom. Tiningnan ko ulit nang masama si Bernard. "Banned ka dito. 1 week kang bawal pumunta." But because he's childish, he just stick his tongue out.

Yep, Bernard and I are in good terms since that accident happened 2 years ago.

"What the fuck are you doing? Do you think it can help? May magagawa ba yan para maibalik si Jazlyn?"

"Pero hindi ko gaanong mararamdaman." Sabi ko sabay lagok sa bote. I don't know too why he's here. We're not even friends anymore. "What are you doing here?"

"Wala na si Jazlyn." Dire-diretso nyang sabi at parang gusto ko agad syang sapakin kundi lang di na ako makaalis sa pagkakaupo dahil sa hilo.  "Ano, hindi ka ba nasaktan? Kung hindi kana nasasaktan dahil sa alak, aba, mag-iinom na rin ako."

Sumandal ako sa sofa dito sa sala at tiningnan ang mga nakakalat na bote. Marami na pala at makalat na rito sa mansion.

"Fuck you."

Umupo sya sa sahig at tumabi saakin. Inalog nya ang isang bote ng beer sa gilid at nang malamang may laman ay nilagok nya rin iyon. "We became... friends. To tell you frankly, I have a huge crush on her."

Sinulyapan ko sya nang bahagya at nakita kong nakangiti rin sya. Fuck this man.

"Do you fucking want me to crash your face?" Pikong tanong ko.

"Let's look for her. Together. Hindi rin ako naniniwalang isa sya sa mga unidentified bodies doon sa sumabog na hospital."

Matapos sumabog ng hospital ay mayroon nakitang tatlong bangkay ng mga babae. Hindi na makilala ang mga ito dahil pagkatapos ng pagsabog ay nagkaroon pa ng malaking sunog, dalawang linggo na rin ang nakakalipas.

Walang nag-claim sa tatlong patay na babae pero ang isa roon ay may suot na kwintas na tulad ng kwintas ni Jazlyn. Hindi na pina-test pa, pina-cremate agad ang bangkay dahil masyadong nasaktan ang pamilya nya. Gustong-gusto kong ipa-test dahil umaasa akong hindi sya yon pero masyado kong nirerespeto ang desisyon ng pamilya ni Jazlyn.

May napansin kasi akong kakaiba sa bangkay pero hindi ako sigurado kaya ayokong paasahin ang pamilya ni Jazlyn.

Nagkasama kami nang ilang linggo at araw-araw iyon. Alam ko ang bawat bahagi ng muka nya. Kahit takpan ang mukha nya o masunog man, familiar pa rin dahil bawat kurba doon ay kabisado ko. I can't feel any familiarity with the dead body. Nag-iinom ako hindi dahil 'nagluluksa' ako kundi dahil nababaliw na ako kung saan ko sya hahanapin.

"Alam mo, akala ko huling pangyayaring di ko matatanggap na yung pagkawala ni Vien. Malay ko bang may kasunod pa."

"Fuck you, don't tell me you're inlove with Jazlyn too?"

"Like how much you're inlove with her? Nope. Sabi ko nga crush ko sya. Nagustuhan ko sya dahil kahanga-hanga sya pero habang iniisip kita, yung nararamdaman ko sakanya, naging parang kapatid nalang no'n. Dahil don, mahirap din para saakin na tanggapin lahat. She's too young, too kind and pure. She can't just disappear like that. Kaya naman gagawin ko ang lahat para tulungan ka. Alam kong pasimple mong pinapahanap si Jazlyn at pinapaimbestigahan ang nangyari sa hospital."

Dahil hindi ako naniniwalang NPA ang gagawa nang bagay na iyon. Alam kong mayroon lamang nagturo na ang NPAs ang gumawa at inako ng NPA para marami pang mas matakot sa kanila. Sa dalawang linggo ay napatunayan ko na ngang imlosibleng sila ang may gawa noon pero hindi ko pa alam kung sino. At kapag nalaman ko ay dudurugin ko sya. Tulad ng nararamdaman kong pagkadurog ngayon.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may maalala. "Why are you here again? At paano ka nakapasok? Sinong nagpapasok sayo?"

"Sus para ka namang bago nang bago saakin. Walang nagpapasok saakin dahil hindi naman ako nagdoorbell. Nilagay ko lang ang passcode then, bang! Nandito na ako sa loob."

"Paano mo nalaman ang passcode?"

"Nasaan nga pala mga katulong mo dito? Bat walang nagliligpit ng kalat? Pati ikaw paligpit kana, pakaat-kalat ka rito e," tumwa sya nang nakakaloko pagkatapos pero tumitig lang ako. "Okay, okay. Paano ko nalaman ang code? You changed a lot pero may natitira pa sa bestfriend kong si Adam noon. You love 12, 16 and 18 at noon pa, ganyan lagi password mo sa cellphone o anuman."

Damn. I almost forgot about that.

Wala naman ang mga katulong dahil sinabi kong wag muna silang magpapakita saakin, hangga't nandito ako sa sala ay gusto kong ako lang muna dito. Gusto kong mag isa kahit sa ganto man lang. Siguro ay nasa maid's quarters na ang mga yon sa ngayon.

"And for the nth time, why are you fucking here?" Ulit ko sa tanong ko kanina pa na hindi nya sinasagot.

Gumuhit ang malungkot na ngiti mula sa labi ni Bernard at pansin na pansin ko iyon dahil nga tinitingnan ko sya nang masama.

"I'm not your friend anymore? But for me, you're still my bestfriend, my bud, my bro, and I'm here for you. I'm always here, anumang mangyari. Kahit ilang beses mo akong itaboy. Anndito ako."

Namuo ang luha sa mata ko. Damn, why am I being too emotional? Kumural kurap ako at nagtagumpay akong pigilang tumulo ang mga iyon.

"Stop it." Pigil ko pero tinapik nya ang balikat ko.

"Sorry for being cheesy but that's the truth. Nang magdesisyon akong maging kaibigan ka ay nagdesisyon na rin akong kasama ka sa mga pinakaimportanteng tao na gagawin ko ang lahat nang kaya ko. Nang magdesisyon akong hindi aminin kay Vien ang nararamdaman ko ay nangako ako non sa sarili ko na gagawin ang bagay na ikasasaya mo. Sounds corny bud but that's true."

That's it. Hindi pagkakonsensya ang naramdaman ko nang sabihin nya yon dahil wala sa tono nya ang panunumbat. Bagkus, nakaramdam ako ng proudness. Na ang taong ito ay naging kaibigan ko matagal nang panahon ang nakakalipas. Dahil sa sinabi nya, nakayanan ko nang patawarin ang sarili ko at iyon ang dahilan bat naging okay ulit kami.

2 years ago, nang matapos ang pag-uusap namin ni Bernard ay naisipan kong gumawa ng bagay magdadala saakin sa mas lalo pang katinuan. Tumulong ako sa mga bagay ampunan, doon ko nakilala si Trina. Ang pangalan nya talaga ay Beverly. She was abused by her own family. Half Filipino, half American sya. Nakita ko sakanya ang sarili ko, nilalayo ang loob sa iba dahil sa traumang natamo at ayaw nya rin sa mga taong ngumingiti.

Inampon ko sya at pinagamot, she's not just physically but also emotionally and mentally abused. She was just almost 3 years old that time. Masyado pa syang bata kaya naman nang makalipas ang ilang buwan ay umayos na ang lagay nya at nalimutan nya na rin ang nakaraan nya. Sa pagkakaalam n'ya ay ako talaga ang ama nya and that's okay with me.

And till now, we're looking for Jazlyn. May mga pagkakataon na nawawalan ako ng pag-asa pero hindi ko naisipan minsan man na sumuko. Mapapatunayan ko na hindi si Jazlyn ang inilibing namin ng pamilya nya. Hindi lang dahil sa hindi ko matanggap kundi sigurado akong kilalang-kilala ko sya.

///

"THANK YOU SO MUCH, SIR." Kinamayan ko si Mr. Francisco at ngumiti ako nang bahagya sakanya.

Inayos ko ang gamit ko para makalabas na sa restaurant na iyon nang mapatingin ako sa katabing mesa. May kauupo lang roon na babae. My heart throbbed like crazy while looking at her face. Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ang panlalamig na aking pawis na bigla nalang tumulo.

I feel like the world just stopped. Halos hindi ko kayang mag-isip ng anuman. Totoo ngang kapag nasa sitwasyon ka na mismo ay hindi mo na alam pa.

Wala sa sarili akong tumayo, halos kelangan ko pang kumalit muna sa mesa para umalslay dahil sa lanlalambot ng tuhod kl at hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako habang nakatitig.

"Please give me—"

Napatigil sya nang makita ako at malaman na hindi ako isang waiter base sa suot ko.

Wala akong kakurap kurap na nakatingin habang sya ay nangunot na ang noo. "Excuse me? How may I help you? Why are you looking at me? Do you need anything?" She smiles a bit.

Fuck. I know that voice, that used to yell at me and tell me how bitter I am. I know that smile, that used to calm me when I'm angry or frustrated. I know that expressive eyes, that nose, specially that lips. Every part of her face is not just familiar but I'm 100% it's her.

"J-Jaz..." Halos mabulunan ako habang binabanggit ang pangalan nya.

Hinila ko ang kamay nya at niyakap sya nang mahigpit. Ramdam ko ang gulat sakanya maging ang pagkabigla. Pero waa akong pakelam sa paligid o anuman. Kahit pa para akong tanga na ngiting-ngiti habang yakap sya.

Nanginginig pa ang mga kamay ko na lalo syang hinila palapit saakin.

"Y-You're alive. I knew it. You're back."