ADAM'S POV.
I'm in a hurry. It's already 8 in the morning. Everyone greeted me while bowing their heads but I noticed someone who's smiling from ear to ear.
"You!" I shouted at her. She looks shocked. "You're fired."
Damn. I hurriedly walked in the elevator and clicked the button 7. I'm going to my office. The damn traffic is really pain in the ass.
Pero bago tuluyang sumarado ang pinto ng elevator ay may sumigaw. "Wait po!" A girl shouted but I didn't even use a single muscle to stop the elevator but she's fast. Napigilan nya bago pa iyon tuluyang sumarado. Hindi ako nag aksaya ng pamahong tingnan sya pero kumukulo ang dugo ko dahil sa katangahan nya. Hindi na sya marunong magbasa? May nakapaskil sa labas.
Sino naman ang babaeng to para sumakay sa elevator na to? Isa na namang tatanga-tangang tao. Hindi nya ba alam na ako lang na CEO ang pwedeng sumakay dito? Hinarang ko ang kamay ko bago ba sumara ulit ang pinto.
"Excuse me, mejo nagmamadali po kasi—"
"Get out." Malamig ang boses na sabi ko bago palang sya nilingon. Sinalubong ako agad ng mukhang mataray pero natural na makapal nyang kilay, mapungay na itimang mga mata, katamtamang tangos ng ilong at pink na labi na agad umawang matapos tumingin saakin.
"Pwede bang... lahian mo ako?" Bulong hya na siya namang ikinakunot ng noo ko. Baliw ba ang babaeng to? Tama ba ang sinabi nya or tama ba ang pagkakarinig ko? "I mean, will you marry m—"
"Hindi mo ba ako narinig? I said get out." Lalo syang natulala nang inulit ko ang sinabi ko. Seriously, ano bang nakakagulat sa sinabi ko? Ah, dahil sa nagtagalog ako? Marami rin naman talagang nagugulat kapag first time nakalamang nagtatagalog ako nang tuwid dahil berde ang mga mata ko.
"H-Ha?"
"You can't hear me? Are you deaf or just plain stupid? Give me your name." Binitiwan ko na ang pinto dahil mukhang wala akong mapapala dahil wala syang balak unalis.
"Jazlyn."
"Are you an employee here?" Umiling sya, I stared at her flatly. "Why are you here then?"
"M-Mag... A-apply?" Patanong nyang sabi. "Teka. May pimple ka ba?" Aniya at hinawakan ang pisngi ko.
May kung anong ala-ala ang pumasok sa isip ko. It's me and Vien. We're happy. Together.
"May tigyawat ka ba? Sandali." Hinawakan nya ang pisngi ko at sinuri ang mukha ko.
"Yes. Here." Turo ko sa noo ko. Lumapit sya lalo at kinuha ko yong pagkakataon para halikan sya sa labi nang mabilis.
"Hoy!" Bigla nya akong hinampas. "Adik ka talaga, Luck!"
"Oo nga. Sabi ko naman di ba? Adik ako. Sayo." Aniko at tumawa na naman sya habang sinasabi gaano ako ka-corny.
Pabigla kong tinanggal ang kamay ko nya dahil sa pumasok sa isip ko. Damn it.
Mabuti nalang at tumigil ang elevator at nakita kong nandito na ako sa floor ng office ko. I don't wanna see this girl again. Most of all, I don't wanna be near her. She looks harmless but my mind screams danger on her.
Iniwan ko na sya at naglakad na pero nangunot ang noo ko nang maramdamang sinusundan nya ako. Huminto ako sa paglalakad at bahagyang dumampi sa likod ko ang katawan nya. Shit.
"What the fuck are you doing?" I looked at her once again. Kapareho nya lang ng ginawa si Vien. Damn, self, pull yourself together.
"Gusto ko lang kasing m-magtanong..." Nakasimangot nang bahagya na sabi nya saka bahagyang tumalim ang mga mata saakin. "Alam mo, maganda kahit sa lalaki ang ngumingiti. Nakakaattract yan ng good vibes." Then she smiled.
Again, another memory flashed.
"Naiinis na ako kay mom. Palaging kinokontra ako sa mga desisyon ko. She became like that after dad left her for another woman."
Yumuko ako nang bahagya para halikan sya sa buhok nang bigla nya akong yakapin nang napakahigpit.
"She's your mom. She only wants the best for you. Isa pa, she's expecting you to follow her every command kasi di ba yung dad mo bukod sa hindi na nga nakikinig sakanya e iniwan pa sya."
"Pero hindi naman yata tama na saakin nya ibaling ang frustrations nya."
Niluwagan nya ang yakap saakin saka ako bahagyang tiningala. "Alam mo, maganda kahit sa lalaki ang ngumingiti. Nakakaattract yan ng good vibes. Kaya smile na." Napangiti ako nang malawak nang halikan nya ako sa pisngi.
Fuck. Why does she needs to talk like her? Like my Vien? I'm missing her even more.
I made my mind. I need this crazy woman to make me sane. To keep me intact. Only Vien can do that pero dahil kapareho nya namang magsalita si Vien ay baka ganon din ang maging epekto saakin.
Because it's already 10 years but my memories from that night is still clear.
Me trusting Bernard and planning everything with him. Me and her, running away from everyone. Them raping her infront of me. Them burying me and being on a comatose state for a year. And ofcourse... me almost dying after knowing Vien died.
I hate myself. I hate myself for convincing her to run away with me. Kung hindi ko naisip yon, malamang buhay pa sya sa ngayon. Wala na akong pinansin pa sa ibang pangyayari matapos makulong ng mastermind ng lahat— Bernard's dad.
"From now on, you'll be my secretary and you'll regret saying the exact words she used to say before."
///
"Mr. CEO. Yun pong meeting—" napahinto ako nang tumigil sya sa pagsasaita at narinig kong napaigik sya sa sakit. "Ouch shit."
So my secretary can really cuss huh?
Bahagya ko syang nilingon at nakitang napaupo na sya sa sahig. Pinilit ko ang sarili kong magpatuloy pero naging dahan-dahan ang paglalakad ko hanggang tuluyan akong huminto.
"Faster, Ms. Secretary. Go to your office now and cancel all of my meetings today. I'm gonna study a proposal." Saka ako nagpatuloy na hanggang makarating sa opisina ko.
Umupo ako at tumingin sa kisame. Ofcourse, I have no proposal to study. Well, maybe yes, I have but I'm done studying all of them. I just want her to just sit in her office because of her foot. Kapag nakipagmeeting ako ay kung saan-saan pa kaming pupunta dahil marami akong nakasched na meetings sa iba't-ibang lugar.
Tinambakan ko sya ng mga pag-aaralan at mga basic na gagawin tulad ng paggawa ng emails at kung anu-ano pa. Napansin ko kasi sakanya na kapag wala syang gaanong ginagawa ay tayo sya nang tayo at kung saan-saan nagpupunta. Pero hindi naman yon nakakaapekto sa trabaho nya.
But her foot... Don't get me wrong, okay? I'm not just thinking of her foot. I'm not concern. I'm thinking of the inconveniences it can cause kapag di gumaling agad ang paa nya na malamang e namamaga na ngayon.
"Mr. CEO." Napaangat agad ako ng tingin sa makulit kong sekretarya. "Eto na po lahat ng—"
"Who told you to come here?" Naiiritang sabi ko habang pinapanood ang paika-ika nyang paglalakad palapit saakin. Inilapag na ang makapal na folder sa mesa ko. "What's this?"
"Pinapabigay po ni Mr. Caballero." Pakiramdam ko ay nag-init lalo ang ulo ko nang marinig yon. "Ibigay ko daw sainyo, Mr. CEO. ASAP. As in now na. Importanteng-importante—"
"Sit down there. Make an email for Zapphira Company for their upcoming annual party. Sabihin mong hindi ako makakarating." Turo ko sa upuan at sa harap non ay mesa na merong nakalapag na laptop. Kulay ube na ang paa nya at baka lalo pang lumala kapag naglakad sya pabalik mg office nya— nope. I'm doing this because I want to see how she works. Baka kung anong kapalpakan ang gawin nya. Mabuti nang nakabantay ako.
But as days passes by, I realized my mistake. No she's not like Vien. May sinabi lang sya non na kapareho ng sinabi no Vien pero sobrang layo nila sa isa't-isa.
And what am I thinking when I hired her as my secretary? To keep me sane? Damn, she's doing the opposite. She's giving me headaches, she talks back. She's so clumsy most of the time. But she's also strong.
Like right now, because of too much panic, she kicked my balls. Halos mamilipit ako sa sakit pero ilang beses akong nagmura. Nilapitan nya ako para siguro tulungang tumayo pero nauna na ako at bahagyang lumapit. I gave her death glares.
"Sorry Mr. CEO, hindi ko—"
"Putangina. Kapag ako, nahirapang magkaanak, ikaw gagamitin ko at hindi kita titigilan hanggat hindi ka nabubuntis."
///
I'm pissed. Those greedy investors are too much. But I'm not a businessman for nothing.
Nakaupo ako sa harap ng mesa ko habang nag-iisip paano sila pababagsakin nang biglang bumukas ang pintuan. Sino naman kaya yon? Sinabi ko kay Jaz na walang papapasukin—
Napamaang ako nang makita si Bernard. My bestfriend. Ex bestfriend. The man I trusted the most.
Nagtama ang mata namin at hindi ko alam paano magreact pero wala akong makapang galit. Panghihinayang? Oo. Hindi lang para sa nasayang naming pagkakaibigan kundi dahil sa panghihinayang kung bakit dinamay ko sya noon. Siguro naipit lang sya. Bata pa rin sya non. Nang mga panahong yon, naghahanap lang ako ng dapat sisihin pero hindi dapat sya yon e. Kasi tatay nya ang kalaban ko.
"Get out. Mamaya tayo mag-usap." Sabi ko kay Jaz at natutok ang mga mata ko kay Bernard.
"Can I sit here?" Aniya pero tumingin lamg ako. Ngumiti sya nang matamis tulad ng palahi nyang ibinibigay na ngiti noon pa man. "It's nice to see you again."
"Not nice for me." Kunwa'y walang gana kong sagot. Nagpipindot din ako sa laptop ko kahit wala naman akong particular na ginagawa. Ang totoo ay nakatutok ang buong atensyon ko sakanya.
Hindi ako galit sakanya dahil sa nangyari. Pero di ibig sabihin ay hindi ako nagtatampo.
"Adam, it's been years." Aniya at doon ako tumingin nang deretso. "10 years to be exact." Napaisip ako at napatulala sandali. "Are you now ready to hear my side?"
Hindi lingid sa kaalaman kong matagal na nya akong gustong kausapin kaya naman umiiwas ako. Sinabi nya noon na magpapaliwanag sya hindi para pagtakpan ang anumang 'kasalanan' nya kundi para alam ko ang kabuuan ng lahat.
Honestly, I wanna hear his side. His version of the story. But I'm not yet ready. I know I'm being unfair to him. Siguro matagal nang nakapasan sakanya ang bigat ng loob o anumang dinadala nya rin noon pa man.
Iyon ang nakakatakot. Ang malaman ang mga pasanin nya sa mga nagdaang taon na sa huli ay hindi ako makakatiis makipasan. Ganon kasi kami noon pa man pagdating sa nga kinakaharap naming problema.
Inulit ko ang mga sumbat na sinabi ko ten years ago sakanya at tinapos ko sa: "I'm not yet ready to listen and forgive." Bulong ko pero dahil tahimik naman ay mukhang narinig nya kasi bumakas ang panghihinayang sa mukha nya pero tumango-tango rin naman kapagkuwan.
Yes, I'm not yet ready to forgive myself.
Uwian. Paglabas ko ng office ay nakasabay ko pa sya habang pauwi na rin. "Pumasok ka bukas, 4 am." Nang-iinis na sabi ko.
May ugali ako mula pa noon na kapag napipikon, kelangang may pikunin din ako.
"4 am!? Ako ba magbubukas ng building, boss?" Sigaw nya naman kaagad.
Sanay na sanay talaga ang babaeng to na hindi lang basta sagutin, kundi sigawan pa ako.
"Oo."
"Anong kalokoha—"
"Baka akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo? Sa nakalipas na dalawang linggo na naging secretary kita, lahat ng tinatanggal ko sa trabaho ay palihim mong ibinabalik." Dagdag ko para marealize nya na hindi nya dapat ako sigawan o kahit sagutin. Ako ang Boss nya at hindi nya rin dapat binabaliktad ang mga utos ko.
But ofcourse, I'm not that heartless. Hindi ako tanga para magtanggal ng empleyado dahil lang sa palagi silang nakangiti. Ang totoo ay may ilang mga loyal na tauhan ako sa bawat department na syang kumikilatis sa bawat empleyado. Tinatanggal ko sila sa dalwang dahilan: Wala silang maidulot na maganda sa kumpanya o kaya naman ay mga spy lang sila, padala ng ibang kumpanya.
Sadyang hinihintay ko lang talaga na ngumiti sila saakin para kunwari ay yon ang dahilan bakit ko sila tinatanggal. Ayokong malaman ng mga kalaban na alam kong may mga spy sila.
Tulad nalang ng guard nung nakaraan na kung tawagin nila ay Mang Ben. Nalaman kong ang anak nya ay may sakit at inoperahan, ang gumastos ng lahat ay si Rodel Enriquez na siyang isa sa mga mahigpit kong kakumpetensya. Alam ko rin na bilang kapalit ng mga tinulong ni Enriquez sa kanila ay pumayag syang mag-spy dito sa kumpanya ko.
Pero nang tanggalin ko sya, ibinalik naman sya ng sekretarya ko kaya naman maghahanap na naman ako ng dahilan ngayon para tanggalin sya na hindi nalalaman nila Enriquez.
"Alam nyo na po pala, hehe." Nakapeace pa sya habang tumatawa nang mahina. "Yun lang naman pong tinanggal nyo dahil sa hindi makatarungang dahilan ang—"
"And who do you think you are to decide?"
Nang tumunog na ang elevator ay nagtatakbo sya halos palabas at palayo saakin pero hindi ako paoyag na basta nalang sya makalusot ng ganon.
"Jazlyn Bautista!"
Napahinto sya bago humarap ulit saakin. "Sorry na boss!"
"You really like pissing me off huh?" Naglakod ako papalapit. "Anong gusto mo? Pahirapan pa kita para sumunod ka sa mga gusto ko?"
Nakita ko ang pag-irap nya. She gritted her teeth tapos ay ilang beses huminga ng malalim.
"Haha," nagulat naman ako nang peke syang tumawa. "Ang funny mo naman. Bakit hindi ka pa kunin ni satanas para may clown sya sa impyerno?" What the hell did she just say!? "Wala kang kwenta! Bukod sa napakagwapo mong muka, wala kanang ibang maipagmamalaki saakin. Akala mo kagalang-galang at kahanga-hanga kana porket kaya mong alisan ng trabaho kahit sino dito o kaya ay pahirapan ako? Huh! Muka mo!"
Ilang beses nya pang hinabol ang hininga nya. Hindi naman ako nakaimik. Mukhang pikon na pikon na talaga sya saakin at mukha nya palang ay sinasabi nang matagal na syang nagtitimpi tapos ngayon naman e sumabog na sya.
"Una sa lahat, hindi ko naman matandaan anong kasalanan ko sayo no! Adik ka ba o may sapak ka talaga? Hindi na ako magtataka kung bakit single ka dahil walang makakatagal sa'yo."
She hits bull's eye. Lalo akong natigilan at napatulala sakanya. Wala akong balak magsalita o magreact pero kusang nagdilim ang paningin ko at nagtangis ang bagang habang iniisip gaano katotoo ang mga sinasabi nya. Ganon ba talaga ako?
"Okay lang kung cold ka at hindi ka ngumingiti, naiintindihan kong sadyang may mga ganong tao. Ayos lang kahit marami kang utos dahil I believe, trabaho ko naman talaga na sundin ang utos mo. Pero hindi ka sa bato. Higit ka sa yelo. Alam mo kung ano ka? Wala kang puso! At wala na rin akong pake kahit tanggalin moko. Now na. I'm so done with you. Pakyu!"
With that, she left.
That night, I drowned myself in alcohol. Nagpakalasing ako sa Strive bar. Noong una-una sy kasama ko sina Heider at Gerame pero meron daw silang aasikasuhin kaya naman naiwan ako sa mesa at nagkaroon ako ng pagkakataong lalong magpakalunod sa alak.
Noon, kapag nag-iinom ako ay palagi akong sinasaway ni Vien at nagsasabi ng masasamang epekto ng alak sa katawan ng tao. Pinilit ko syang imagine-in na kasama ko at nakaupo sa harapan ko.
Pero imbes na si Vien ay si Jaz ang nakita ko. Ang napakaingay at baliw kong secretary na kung sigawan ako e parang sya ang Boss. Sa imagination ko, sinasabihan nya akong uminom pa lalo dahil gusto ko na rin daw naman mamatay. Binubungangaan nya ako at sinasabihan gaano sya magiging masaya kasi sobrang sama ng ugali ko.
Natawa ako pero kasabay non ay nawala ang imahinasyon ko. Hindi ko alam pero nanghinayang ako bigla. Lasing na talaga ako.
Nakatulog ako sa Bar at nagising sa hindi pamilyar na higaan. Matigas at masikip. Kahit masakit ang ulo ko ay tumayo ko. Nakahiga pala ako sa sahig na may latag. Merong kama sa bandang gilid at nakita ko ang natutulog kong sekretarya. So, I'm in her apartment huh? This is where she live?
Ang magkapatid na Strive na yon. Ano na naman kayang binabalak nila samantalang ilang beses na naman akong natulog sa second floor ng bar kung saan may ilang kwarto roon pero hinayaan talaga nila ako kay Jaz.
But the fact that we just quarrel yesterday though she still let me sleep here is a big thing for me. Sinundo nya pa nga ako sa Bar ayon sa pagkakaalala ko.
Masikip lang ang place pero malinis naman. Walang gaanong gamit at maayos na nakalagay bawal kagamitan. Sandali ko pa syang tiningnan dahil... hindi ko alam.
Mukha syang tahimik na tao kapag tulog na ganto. Kabaligtaran naman kapag gising sya. Napakaingay. She looks so peaceful while sleeping. Hindi mukhang bungangera.
Umalis ako sa apartment nya at umuwi na sa bahay na ipinagawa ko noon pa. Naligo ako at nagpalit ng damit pero nang nagbibihis na ako ay may napansin ako sa harap ng salamin. May pasa ako sa mata.
Nag-away ba kami mi Germs o Heider? May nakaaway ba ako sa Bar? May sinalihan ba akong gulo?
Fuck, wala akong matanda— oh, yeah, I remembered. Sinapak lang naman ako ng magaling kong sekretarya. Hindi ko na gaanong maalala ang nga nangyari pero sa ala-ala ko ay bigla nya nalang akong sinapak matapos akong may sabihing kung ano na hindi ko na rin maalala.
That girl is really something.
Nang pumasok sya kinabukasan ay nagreresign na. Mabuti nalang talaga at may pinapirma ako noon sakanyang kontrata na hindi sya pwedeng umalis hanggat hindi ko sya tinatanggal. But we change positions. I became her secretary and she became my annoying 'Boss' na ang totoo ay wala naman talagang ginawa nang araw na yon kundi tambakan ako nang trabaho, magbasag ng tasa dahil sa hindi ko makuhang panlasa nya sa kape at kung anu-ano pa.
Nagpapanggap syang may ginagawa kapag titingin ako and she looks cute that way. Wait, what? Did I just said that she's cute? Oh, no, no.
Napahilot ako sa sentido ko habang nagtatype ng email. Mukhang gumaganti ang isang to pero talaga bang ganito karami ang mga itinatambak ko sakan— and damn I'm tired dahil pabalik-balik din ako maya't-maya.
Nagawa nya pa ngang makipag tawagan at makipag videocall habang nagtatrabaho ako sa harapan nya. Nakikipag-videocall ba ako non?
"Wag ka naman masyadong magpapagod dyan ah? Baka naman ini-stress mo masyado sarili mo sa pag-iipon?" Looks like it's her mother. "O kaya e baka nagpapasaway ka sa boss mo? Nasa opisina mo ba ikaw?"
"Hindi po, sa opisina po ng boss ko."
"Anong ginagawa mo dyan anak?" Your daughter is pain in the— "Di ba sabi mo ayaw ng boss mong may ibang tao dyan dahil kamo e masama ang ugali?"
Ano daw? Tama naman siguro ako ng rinig dahil malinaw ang pagkakasabi. Sinabi nya talaga sa mama nyang— but, oh well, I don't really care.
I did everything that I need to do and went home.
Mag-isa lang ako sa malaking mansyon na to, liban syempre sa maids. Mom already went to America with her new husband. Yes, nag-asawa pa sya matapos ng nangyari saakin. Okay na naman sila ni dad kasi nga pareho na silang may ibang pamilya. Wala na rin sa mga kamag-anak ko ang bahagi ng pulitika. Oh, well, meron pa pala. Pero mga malalayong kamag-anak na ang mga yon.
No, this ain't home at all. I'm alone, not literally but that's what I feel. Uminom ako ng konti para makatulog na dahil na rin sa pagod maghapon and ofcourse, I can't stop thinking about my hard headed secretary. She's something. I don't know what's that 'something' but I feel like it's not good for me.
Nagising ako bandang 1 am dahil sa tunog ng cellphone ko. It's Heider. Agad kong sinagot yon dahil kilala ko na sya. Sa sobrang kulit nya ay hindi nya rin namn ako patatahimikin.
"What?" Iritableng sagot ko. Tumawa siya. Bilang lang talaga ang mga taong walang pakelam sa kung anuman ang mood ko at kabilang na siya doon at ang kapatid nyang isa pang abnormal.
"Good morning to you too, Bro!" At kailan ko pa sya naging bro? Ah, yeah, we're classmates since Highschool. "May chismis lang ako sa—"
"I'm not interested—"
Natahimik sya at maya-maya ay namatay ang tawag. Matutulog na sana ulit ako nang tumunog ang cellphone ko. Pagbukas ay may ipinadala syang picture. Malamang sa bar ito dahil medyo madilim at kita ko pa ang blue and red na kulay. Sa picture, kitang kita ko ang isang lalaking inaalalayan ng isang babae. Nangunot ang noo ko hanggang mabasa ko ang sinend nya ring message.
"Your secretary + Your bestfriend. I'm a shipper. Jazlyn + Bernard = BerLyn."
Inihagis ko ang cellphone ko sa mesa at sinubukan uling matulog. I don't care. Really.
Kinaumagahan ay 2 hours lang ang tulog ko. Mahirap lang talaga kapag nauudlot ang tulog ko e, nahihirapan ulit akong matulog. Yeah, that's it. It's natural.
9 am syang pumasok pero hindi ako nagsasalita. Iniisip ko kung paano sila nagkakilala ni Bernard o naging close dahil nagawa nya pa talagang sunduin sa Bar. Ilang beses ko syang napapansing pasulyap-sulyap saakin nang utusan ko sya sa loob ng office ko. Gusto ko na sanang magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko.
Bakit mga ba ako magtatanong?
Kulang ako sa tulog kaya dapat ako tong lutang pero sa sobrang lutang nya ay nadali nya ang folders sa mesa ko at maging ang kape. Kaagad nya naman iyong pinulot at napansin ko kaagad ang pagdurugo ng daliri nya na parang hindi nya rin napansin.
"You." Pwede bang mag-ingat ka? Look at your finger, it's bleeding! Can't you feel it? Ano bang nangyayari sa'yo? Maa lutang kapa saakin— sa totoo lang, ang dami kong gustong sabihin, but I chose not to say anything. Kaagad syang humingi ng depensa at ibawas ko nalang daw sa sahod nya ang pagkabasag ng tasa. Akala yata ay iyon ang dahilan ng inis ko.
I'm mad because of a fucking mug? What the hell!?
Hinawakan ko ang kamay nyang may bubog at pati ako ay nagulat sa ginawa ko. Kinuha ko ang first aid kit sa cabinet. "Let's clean your wou—" What? The heck, bakit kailangang tulungan ko pa syang maglinis ng sugat nya? Kasalanan nya yan! "Clean it yourself and use this." Sabi ko sabay abot ng first kit.
She thanked me but she left me again thinking when she said that she's sorry about everything.
///
I FINALLY FACE HER.
"Are you okay?" Niyakap nya ako ng mahigpit at kita kong nginig na nginig sya sa takot marahil. Naabutan ko lang naman syang muntik ng gahasain ng kung sinumang lalaki na to. Nagngitngit ako sa galit. I wanna punch the bastard that he'll die. "It's okay now. I'm here. I'm here." Niyakap ko sya nang mas mahigpit. Ramdam ko ang lalong pagbangon ng galit saakin. "No one can hurt you again." Hinahagod ko ang likod nya upang pakalmahin ko. "He can't hurt you again, stop crying." Alo ko, naramdaman kong bahagya syang kumalma kaya nahulog na naman ako sa mas malalim na pag-iisip.
What am I doing here in the first place? I don't care about anyone anymore, right? Kahit ang mga dati kong kaibigan ay kinalimutan ko na pero bakit naiwan nya lang ang iba nyang gamit na pwede ko namang ibigay bukas e pinag-effort-an ko pang isoli ngayon mismo?
And it's not part of my job. Oo, given nang tinulungan ko sya kasi kailangan nya talaga ng tulong ngayon. Pero dapat, sa ngayon ay hinahayaan ko na sya dahil tumawag na rin naman ako sa mga pulis. Why am I hugging her?
A realization hit me. Damn. I'm in trouble.
"I'm here now." No way, I'm inlove with only one woman! It's Vien! Yeah, that's it. Magulo lang ang utak ko. "He can't hurt you again, Vien. I won't let him hurt you. I'll fight for you, he can't hurt you."
///
I. DON'T. FUCKING. CARE.
This man, named Jimin seems like flirting with my secretary but who cares? Definitely not me.
"You know what, my first bias is Park Jimin." She said while there's a big smile on her face.
What did she just say? Her bias is Jimi— oh, the K-pop. Narinig ko kanina pa na pinag-uusapan yon sa kotse noong papunta palang kami rito sa Funtabelle. That k-pop group named BTS, I guess?
"Oh, what made you like Jimin?"
What? Napataas ang kilay ko. Parang ang pangit lang sa pandinig ng tanong ng pinsan netong si Jimin.
"Jimin is not just handsome. Sobrang ganda talaga ng boses nya. Ang cute cute tapos kapag nakikita ko sya feeling ko sobrang fluffy nya!" Ni hindi nya man lang ako nililingon. What's wrong with her? Ako itong nasa harapan nya. "Kaso, sandali lang yon. Mga 2 months gustong-gusto ko si Jimin, tas nakita ko na ang love of my life— sa katauhan ni Jung Hoseok also known as J-Hope. How about you? Sinong bias mo sa EXO?"
"Ako? Si D. O. Mula una. He's also an actor. Minsan lang ako manood ng K-drama na impluwensya rin ng kapatid ko, napapanood ko sya."
They're really both into k-pop, huh? Kaya ba hindi nya ako pinapansin dahil ni wala akong alam kahit ano sa mga yon?
After eating, I received a text. Mula sa isa sa mga tauhan ko. Kung ang mga kaaway ay may spy, ako rin naman, marami nga actually.
Si Jazlyn daw ang target ngayon nila Enriquez. Balak daw nilang gamitin ang secretary ko laban saakin.
Kaagad ko iyong sinabi kay Jaz sa pamamagitan ng text at sinabihan ko rin syang gawin ang plano namin mamaya kapag nasa harap na namin ang syang sumusubaybay saamin.
Pumayag sya kaagad at ako naman ay wala na namang magawa kaya naisipan kong isearch sa YouTube ang pinag-uusapan nila kanina.
Search: EXO
Results:
EXO- The Eve official MV
EXO forever
EXO funny moments
EXO moments that it hurts to watch
At kung anu-ano pang mv, reactions, moments, dance practice ang nakita at pinanood ko ang iba. Sinunod ko naman ay ang sinasabi ni Jaz na BTS.
Results:
Dynamite official MV
BTS triggering Jimin because of his height
BTS on MAMA2015
BTS on Grammy's Award
Nanood din ako ron ng binanggit nyang Jimin. I agree. This man has an angelic voice. Actually maganda naman ang boses nilang lahat pero dito sa Jimin ay napakasoft. Then that J-Hope? He's cheerful and really talented.
Hindi na ako magtataka kung bakit kahit yung Jimin na yon e gusto ang K-pop. They're not just pretty men. They're also talented people. Actually, I'm into 80's, 90's and One Direction songs but I won't mind adding K-pop songs on my playlist.
When night comes, I found Jazlyn with a motherfucker. Balak pa syang gawan ng masama at nakita ko naman ang lalaking kanina pang nakasunod ang tingin saamin. Sya siguro ang sumusubaybay saamin. I smirked.
The show began.
"Boss naman! Why are you always like this? So unpredictable. Alam ko naman. Tanggap ko nang secretary mo ako at hanggang doon lang ang relationship na meron tayong dalawa kaya pwede ba, Boss? Tigilan mo ang pagiging over protective." Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako nagsalita. Hindi ito ang usapan namin na sasabihin nya. "I may sound like a bitch but stop this. One second napakasungit mo, tapos maya-maya bigla kana lang magiging daig pa ang jowa na galit na galit. Nag-aalala ka sa secretary mo, okay. Tanggap ko rin. Mali yung ginawa ng lalaki at naiinis ako, seryoso. I'm so thankful for saving me, ayoko rin sa lahat e nababastos. But acting like a jealous boyfriend?"
Ganto ba ang naiisip nya? Bakit parang feeling ko, totoo na? Am I really? I mean— acting like a jealous boyfriend?
"What the hell are you talking about?"
"Gusto mo pa rin akong manatili sa tabi mo para gantihan ako dahil lang sa may sinabi akong madalas din sabihin ng ex mo noon?" Lalo akong natigilan. "Sige, kung bitter ka pa, kahit mahirap, pipilitin kong intindihin. Kaso, hindi mo ba napapansin kung paano ka kumilos? H-hindi ganyan kumilos ang isang Boss sakanyang sekretarya."
"I'm not." Matigas kong sabi. "Hindi kita ganoon—"
"So, you're not aware? Let me tell you this then." Umatras sya kahit susuray-siray. "Boss, stop giving false signals. It's not funny anymore. Kung ito ang paraan mo para parusahan ako, please mag-isip ka nang iba kasi mukha kang shunga."
I don't deserve you. I'm a broken man. I can't love you or anyone.
"So you misunderstood my actions, huh? Let me clear you everything. The only relationship we have is Boss and secretary." Sa halip ay sabi ko. "Mali na ba ngayon ang ipagtanggol ang secretary mula sa kung sinumang lalaki na bumabastos dito? You think you're that special, huh? Well, kung nalagay man sa ganon ang secretary ko, kahit hindi pa ikaw yon, ganon pa rin ang gagawin ko."
"And Ms. Secretary, I don't have any special feelings for you. I'm inlove. It was Vien and will always be Vien. Sa tingin mo bababa ako para lang magustuhan ang katulad mo? Ipagpapalit ko ang nga taon dahil lang sa ilang linggo? It's too funny." Tumawa ako nang mahina. More on, laughing at myself.
"Enough."
"No, kailangan mong makinig para naman hindi ka nag-iisip ng iba."
"Alam ko na naman yan. Noong una palang nang tawagin moko sa ibang pangalan." Aniya at nagflashback bigla sa utak ko nang malasing ako. I saw her but I keep on telling myself that it's Vien. "It hurts knowing that the one you love can't love you back but you know what hurts the most? It's competing with someone you know you can't win. You'll never win. At iyon ang iniiwasan kong laban."
Nang umalis sya ay kaagad akong umalis na rin at dumiretso sa tinutuluyan ko. Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko. Nagulat pa ako nang maramdamang may tumulong luha sa mga mata ko.
I cried. I fucking cried again. It's just an act. It's supposed to be an act pero nasasaktan ang puso ko para sakanya. I'm doomed.
"I'm sorry Vien. And thank you."
"Sa tingin mo, kapag nawala ako— kung sakali man na mawala ako or magkahiwalay tayo at hindi na ulit magkita, magkakagusto ka sa iba? Or... Gaano ka katagal mag-move on?"
"Anong klaseng tanong yan?" Naiiratang sambit ko. "Hindi tayo magkakahiwalay okay? At hinding-hindi ako magkakagusto sa iba."
Vien.... I did. I think I just did.
I'm inlove with Jaz.
///
Nagpasama ako sa isa sa mga tauhan ng resort na pinagbilinan din ni Mr. Jimin Fuentebella na sundin anumang utos ko. Pumunta kaming grocery store at namili ng para sa pamilya nya.
Kung tama ako ng tanda, halos dalawang buwan na rin ang nakakalipas na hindi sya umuuwi. Inaya ko sya at hindi ko sinabi na sa kanila kami pupunta para na rin surpresahin sya at ganon na nga ang nangyari.
Hindi ko na rin naman nakita pa ulit ang lalaking sumusubaybay saamin.
"Sandali lang, hijo. Parang aambon, sisilong ko lang ang sinampay ko." Paalam ng mama ni Jaz na nalaman kong may breast cancer pala. Nagpaalam din ang ama nya na isisilong naman ang mga gamit na nasa labas. Nagluluto si Jaz samantalang ang mga kapatid nya ay busy sa pagkalkal ng groceries.
Tumayo ako at naglakad-lakad, linagmamasdan ang mga nakadisplay na picture nila hanggang sa makarating akong kusina at marinig ang boses nya.
"Ano pa ate? Ano pang ugali nya?" Tanong ng kapatid nya. Tumayo ako sa harap ng pinto at bahagyang sumandal roon.
"Hm, mabait din sya. Napatingin saakin ang kapatid nya at tinanguan ko lang ito. Sya naman ay nanlaki ang mata. "Madalas na ang ugali nya e pang-mental. Alam mo yon? Parang yung mga bagay na gusto nya e hindi pangkaraniwan. Pumasok ka ng ganto kaaga, umuwi ka ng ganto ka-late, mag-heels ka nang mataas at habulin moko kapag nauuna akong maglakad kasi dapat sabay tayo. Itatapon ko ang tasa ng kape kapag hindi ko nagustuhan ang timpla mo. Tatambakan kita ng trabaho at magtataka ako kung bakit hindi ka pa tapos—"
"Ate—"
"Hindi lang yon." Hindi sya nagpapigil sa kapatid nya. "Kapag mag-iinom ako, sunduin moko pero wag kang umasang magpapasalamat ako. Papayag akong ikaw ang maging CEO basta wag kalang magreresign dahil diko kayang walang pagbalingan ng ka-bitter-an ko."
Shit, hindi ba ako nagpasalamat non? Bakit hindi ko maalala?
"Ate Jaz—"
Magsasalita na sana ako pero napigilan akonng muli nyang pagsasalita. "Pero kahit na ganon, sya ang tipo na... kahit hindi ka pa akma sa trabaho, wala man sayo ang requirements na hinahanap ng kumpanya, okay lang. Na-late ka? Hindi ako magagalit kasi alam kong may iba kang pinagdadaanan." At higit sa lahat, ayokong malaman mong alam ko ang dahilan ng pagkapuyat mo. "Kahit pinahirapan moko sa pagiging secretary e hindi ko isusumbat yon dahil usapan naman natin. Ibibigay ko sa'yo ang tamang sweldo. Hindi kita ngingitian o pakikitaan na okay ka sakin pero magagalit ako kapag nasugatan ka." Ang dami nya naman palang napapansin saakin. "Hindi ako prinsipe na nakasakay sa puting kabayo pero kung nasa panganib ka, well kahit masama naman ang ugali ko e hanggat kaya ko, tutulungan kita. Susungitan kita araw-araw. Tipong kapag hindi na ako nagsungit sayo minsan e magtataka kana. Hindi kita papayagan na umuwi sainyo kasi sasamahan pa kita, with matching groceries—"
"Ate, y-yung boss mo."
"Anong nangyari kay Boss—" humarap sya saakin at nagtama ang mga mata namin. Bakas sa mukha nya ang hiya."Boss!"
I didn't know that someone will see me that way. Everyone knows how rude, disrespectful and bad person I am because that's how they see me. But her... she can see my bad side yet she also knows my other side that even me isn't aware.
And yes... She's my talkative secretary who always wants to make my blood boils. She's too noisy to the point that I just want to put a masking tape on her mouth. But she speaks the truth. She's honest and real. In all, she's doing everything for the people she cares and love.
And I hope... I'll be one of them. Is it too much to ask?
Napauwi rin kami dahil nga sa sinabi ng isa kong tauhan na nasunog ang ilang bahagi ng HR department at nakita na nila ang may sala.
Inihatid ko si Jaz sa apartment na pag-aari ng kumpanya at kahit madaling araw ay pumunta ako sa kumpanya. Naapula naman daw kaagad ang apoy at nakita ko ang lalaking gumawa non. Si Mang Ben, yung security guard. Itinali sya ng mga tauhan ko sa upuan. Nandon sila sa rooftop ng building at napaamin ko si Mang Ben na si Enriquez nga ang may gawa non. Inutusan daw sya para sunugin ang building pero hindi nya raw kayang ganon ang gawin lalo na't may tiwala si Jazlyn na siyang una at kaisa-isang taong nagpakita ng kabutihan sakanya sa kumpanya.
Napangiti ako ng tago dahil doon. I don't know, I just smiled.
Nakita daw ni Mang Ben na may ilang tao malapit sa HR Department kaya iyon ang bahaging sinunog nya. Mapapahamak rin naman sya kay Enriquez kung di sya susunod. Nagpahuli na rin sya saamin para marealize daw ni Enriquez na hindi na sya pwedeng maging spy kasi nabuking na sya. Marahil hindi nya kilala si Enriquez. Kapag naisip non na wala na syang gamot dito, baka ipapatay pa sya sa huli.
Napagdesisyunan kong patakasin sya at binilinang wag sabihin kay Enriquez na nalaman ko nang spy sya nito. Sinabi ko rin sakanya na mag-empake dahil poprotektahan at tutulungan ko sya pati ang kanyang pamilya.
Wala akong tulog magdamag sa pag-iisip pa ng dapat gawin. Masyado akong nakampante. Hindi pa rin talaga sumusuko si Enriquez ayon kay Mang Ben— naiisip pa rin nitong gamitin si Jaz saakin.
Tinext ko sya kinaumagahan na wag pumasok sa opisina dahil aalis ako para sa out of town business kahit ang totoo ay ayoko lang muna syang umalis sa apartment, malakas ang security ron at siguradong ligtas sya. Kaysa kapag nandito sya sa tabi ko.
I badly wanna see her at namiss ko kaagad ang mala-shotgun nyang bibig kahit kaninang madaling araw lang ay magkasama pa kami.
Umaga palang ay hindi ko inaasahan ang bwisitang darating. Pabalik palang ako sa office ko matapos bilinan ang iba kong tauhan na bantayan si Jaz.
Sinalubong ako ni Enriquez na kaagad ipinagtangis ng bagang ko.
Damn you, old man! Because of you, I won't be able to see my secretary today!
Ilang beses nya akong pinagbantaan at sinabihan ng kung anu-ano pero wala akong pakelam until masama na sa usapan si Jaz.
Mukhang mula una palang ay nakasubaybay na sya. Pinilit kong itanggi ang mga yon pero nag-isip ako kung paano hindi magtunog defensive. Pwede ko rin naman syang hindi na sagutin pero mas magiging mapanganib yon kay Jaz and I can't let anything bad happen to her.
"You care for your secretary, Mr. Lacuezo." Oh, can I just shoot him now?
"Sino namang nagsabi sayo nyan? Yung tauhan mong si Benito Ramos na magmamatyag na nga lang e obvious na obvious pa?" Ngayon e alam nya nang alam ko pero wala na naman sila Mang Ben at pamilya nya kaya ayos lang.
"Alam mo na pala."
"Dahil di naman ako kasing tanga nyo." Umismid ako kahit ang gustong gusto kong gawin ay pasabugin na ang bungo nya ngayundin.
"But that can't change the fact that you like your secretary."
Ganon ba talaga ako ka-obvious? Mukhang siguro na sya sa sinasabi nya. Fuck. Bakit ako kelan ko lang narealize pero sya e parang matagal na?
"Ah, isa ka rin pala sa mga naniniwala sa kalokohan na yan." Hinding-hindi ko aaminin sa'yo yan. Hindi kita bibigyan ng dahilan para saktan at idamay sya.
Tumawa sya, my jaw clenched. "Stop acting like—"
"I'm not. Why do I need to? It's the truth at kung di ka man maniwala ay mamatay kana kakaisip." Iritado nang sabi ko. "Well, remember this, old man. In my whole life, I'm inlove with only one woman. The name? Vivien. Vivien Purzuelo. Not Jazlyn Bautista. But if you're still going to slap to my face that I like my secretary, then you can be on my shoes right now. Sino ang maiinlove o magkakagusto sa babaeng wala namang tinapos at tatanga-tanga? Tell me, kung ikaw ang nasa lagay ko, hindi mo ba gugustuhing maglaro muna lalo na at meron kang mukhang walang utak na sekretaryang pwede mong paglaruan?" Lie. I know the truth. I already know what I feel.
I like Jaz. Scratch it— I love her. I can say no but I can't fool myself.
Inis na inis ako sa oras na to. Dahil sakanya ay kailangan kong sabihin ang masasamang salita na yon kay Jaz kahit wala pa sya dito.
Nakita kong natigilan na sya. Mukhang gumagana na ang sinasabi ko.
"I like... playing with other people's feelings. You know me. Sayo na rin mismo nanggaling kanina, inlove na inlove ako kay Vivien. Tingin mo pagpapalit ko sya sa isang probinsyanang tulad ng sekretarya ko kung pwede ko naman syang paglaruan lang?"
Parang gusto kong pagsisihan ang lahat namg makita si Jaz. Namutla ako at parang nakakita ng multo.
"G-Good morning sir!" Hey! Don't greet this fucker! "Good morning, Boss. Ah, hehehe kakarating k-ko lang. S-sige po, dito nako."
Nilampasan nya kami para pumunta sa office nya. But hey, didn't she saw my message? Kaya ba sya nandito? Damn it.
Ngumisi ang matanda saakin saka tumingin sa nakatalikod na si Jaz. Parang sinasabing ngayon ko sabihin sa harap nya ang sinasabi ko.
I won't give you any satisfaction, oldy.
"Kahit anong kalokohan pa ang sabihin mo, wala kang mapapatunayan dahil wala naman talaga."
I'm sorry, Jaz. But this is the only way.
"I can't fall to her. See?" I tried to sound sarcastic. "Para di naman gaanong mabasag ang ego mo, aaminin ko, noong una ay nakita ko sya bilang si Vivien. Pareho sila ng karamihan ng paniniwala pero narealize ko kaagad na sobrang layo nila kaya naman napagpasyahan ko nalang na paglaruan sya tutal bored naman ako."
Jaz, sana marealize mo kung bakit ko to sinabi. Kung sakaling may gusto ka man saakin o wala, I know this'll hurt you.
"I must admit, she's someone fun to play. Nagmumukha palang syang tanga sa harap ko e naeentertain na ako. Paano pa kaya sa mga panahong mukhang paniwang-paniwala sya sa lahat ng pinapakita ko?"
Pag-alis ni Enriquez ay pumasok ako sa opisina ko. Napahilot ako sa sentido ko at ilang beses nagmura habang nag-iisip pa. Paano ba ako makakapag-isip ng tama e ni wala pa akong tulog at kain.
Maya-maya ay naisipan kong lumabas at kausapin si Jaz pero nakita ko syang sumakay na sa elevator. Hindi ko yon naabutan. May dala syang plastic at tulala, mukhang aalis na sya.
Ginamit ko ang employee's elevator at sa baba ko na sya naabutan. Binalak kong magpaliwanag kaya naman hinabol ko sya but she got hit by a car.
Kaaagad akong tumakbo at tumawag sa ambulansya habang hawak ang kamay nya. Gulong-gulo ang isip ko kahit nang makarating na kami sa hospital. Grabe ang pag-aalala ko at wala sa sarili akong nagpalakad-lakad sa hallway habang gunagamot sya ng mga doktor. Umabot na ng gabi at kinailangan nya na ring operahan. Dumating si Bernard at kahit ayoko, niyaya nya ako sa cafeteria ng hospital. Iniwan nya ang lalaki nyang tauhan para syang magbalita saamin kapag lumabas na ang mga doktor.
Pero wala akong balak magtagal. Ayoko nang mag-isip at gumawa ng iba. Gusto ko lang talagang bantayan si Jaz. Ako ang dahilan. Enriquez triggered me to say those things. I said those to protect her per bandang huli ay ako ang dahilan bakit nasa alanganin sya ngayon.
Hindi ko alam pero alam ni Bernard na hindi pa ako kumakain dahil sinabi nyang pinapabayaan ko ang sarili ko. Pero wag daw akong kumain nang marami dahil hindi pa raw ako nag-aagahan.
Kahit ayoko e wala akong nagawa kasi mukhang seryoso syang susubuan nya ako kung hindi ako kakain. Seriously, this guy!
Pero napatigil ang pagsubo ko ng pagkain nang maramdaman ko ang pahagyang pagyanig. Iisipin ko na sanang lumindol, kaso ay nakarinig din ako nang malakas na sound.
Dali-dali akong tumakbo palabas sa kainan na yon at napaluhod ako sa kalsada nang makita ang napakalaking apoy mula sa ikatlong gusali ng hospital.
"May sumabog na bomba."
"Diyos ko! Bakit naman?"
"Mula sa third floor ata yung bomba e kasi kanina pa ako nakatingin don tapos biglang yon na."
Umikot ang paligid ko at tila nawalan ng kulay ang lahat. Bakit sa tuwing magmamahal nalang ako ay kailangang palaging magkaganto? Am I cursed or what? I'm so unlucky, why am I even named Lucky in the first place?
Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Bernard nang tumabi sakin. Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa syang nagsalita.
"Damn, Jazlyn is on 3rd floor's operating room!"
Kitang-kita ko ngayon ang pinakatinutupok ng apoy.
Yeah, and seems like it's operating room where that bomb exploded.