WHAT THE HECK!
Yan na nga ba ang sinasabi ko! Kakaisip ng sinabi ni Boss kaninang madaling araw ay napanaginipan ko nga.
Pero wait kasi, baka mali lang ang rinig ko. Baka naman ang sinabi nya e... "Pangit mo." O kaya naman ay "lakong pake" at hindi DREAM OF ME. Imagine-in ko nalang, si Boss, magsasabi ng ganon? Si Boss? Seriously, Jaz? Baka antok lang ako kanina.
Speaking of panaginip, yon nga. Sa panaginip ko ay naglalakad kami ni Boss tapos nakatitig lang kami sa isa't-isa. Walang nagsasalita saamin, basta deretso lang kami. Ngiting ngiti pa nga raw ako. Sya naman ay hindi nakangiti pero maaliwalas naman ang mukha.
Kaso nagising agad ako kasi nga e na-alarm ako ng 6:00 am kasi kelangan ko pang pumasok. Bale 2 hours lang tulog ko. Gustuhin ko mang magdahilan kay Boss e naiisip ko palang ang pagod nya, parang gustong-gusto ko agad makarating sa opisina.
Wala akong pahinga kahit linggo dahil may pasok pero pwede naman daw ako mag day-off. Diko palang feel sa ngayon, mas gusto kong ipunin ang day off king sakali para isang bagsakan nalang kapag nag odd ako. Pwede naman daw e. Tapos double pay kapag linggo, tripple pay kapag holiday. Ganyan ka-workaholic si Boss. Tapos gusto nyang may kasamang mapagod hehe, biro lang. Mabait na naman sya sakin e. Feeling ko lang.
Ang kaso ay malas siguro talaga akong tao kahit wala naman kong balat sa pwet. Paano, kanina pa akong nag-aabang ng taxi dito pero wala pa rin. 20 minutes na ako. Naghintay na ako kahit pa jeepney o anumang pwedeng sakyan. Sa huli, wala akong pagpipilian kundi maglakad.
Malapit lang namn siguro kapag nilakad, no? Kasi kagabi, dinaanan namin ang building papunta rito sa bago kong apartment at inabot lang kami ng almost 20 minutes.
Kung pwede nga lang sigurong tumakbo ay ginawa ko na. Kaso, mataas ang takong netong sapatos ko na kinasanayan ko na ring suotin. Pawis na pawis na ako kahit mga limang minuto palang akong naglalakad at sumasakit na rin ang paa ko dahil nga sa heels.
Awa nang Diyos, may humintong sasakyan sa tabi ko.
"Nagkataxi ri—"
"Hey, Jaz!" Napalingon ako. Damn, hindi pala taxi kundi isang bonggang sport's car na color blue at bumaba agad si Bernard matapos itabi ang kotse nya sa gilid ng kalsada. "Anong ginagawa mo rito? Di ba sa kabilang way ang tinitirhan mo? Papasok ka ba?"
Ngumiti sya kaya lalong magningning ang asul nyang mga mata. Sumikat na rin ang araw kaya naman nang tumama iyon sa mukha nya ay lalong na-emphasize ang features ng kanyang muka. Pogi. Pero mas pogi pa rin si Bo— si J-Hope ng BTS.
"Oo, lumipat na kasi ako dahil may hindi magandang insidente noong nakaraan."
"Talaga? Ano naman?" Binuksan nya ang pinto ng sasakyan nya. "Pasok kana, mainit na e. Dito mo nalang sa loob kwento." Sumunod na ako. Mahapdi na ang paa ko. Malamang sa malamang, namamaltos na to sa ngayon.
Pagpasok ay pumasok na rin sya at agad pinaandar ang sasakyan. Kinwento ko naman sakanya ang nangyari noong nakaraan pagkauwi nya nang ihatid nya ako sa tinutuluyan ko. Kinwento ko yung may magnanakaw ngang nakapasok.
"What? Shit, sana pala ay hindi agad ako umuwi non." Nabakas sa boses nyang guilty sya. Sobrang napakabait naman ng taong to kahit minsan e wala na sa lugar. Malay nya ba naman na mangyayari yon? "Tapos, anong nangyari? Nasaktan ka ba?"
"Hindi naman. At duh, wag mong sabihing sinisisi mo sarili mo kasi umalis ka agad non? Wala namang may alam na magkakaganon pala. Hindi mo rin naman ako obligasyon."
Napasimangot sya sandali. Pero sandali lang yon kasi agad syang ngumiti. Parang nagpapacute lang. Pasalamat sya at bagay sakanya.
"Pero nandon ako e. Tsaka isa pa, itinuturing na kita bilang kaibigan. Hindi mo na ako kailangan pang obligahin kung kailangan mo ng tulong." Sincere na aniya. Lumuwag naman ang pakiramdam ko at parang nawala ang antok.
Natutuwa akong kaibigan ang turing nya saakin. Sana lang din ay mabalik na ang dating sila ni Boss. Gusto ko kasi yong makita. Sana malapit na. Or kahit ngayon pa. Deserve ni Bernard na mapatawad dahil mabuti syang tao at hindi lang sila magkaintindihan. Pero kailangan pa siguro ni Boss ng oras. Kasi hindi si Bernard ang hindi nya mapatawad. Malakas ang pakiramdam ko na ang hindi nya talaga mapatawad ay ang sarili nya.
"Alam mo, sana maging maayos na kayo." Wala sa sarili kong sabi. Ngumiti naman sya.
"Sana nga."
Nag change topic na kami at ang pinagkwentuhan namin ay ang daddy nyang nakakulong. Kahapon nya lang daw pinuntahan ang daddy nya sa kulungan mula nang makulong ito. Nakakalungkot din na nalaman nyang sa lahat ng mga kamag-anak nila, sya lang talaga ang dumalaw dito. Napatawad nya na raw ang dad nya at maayos na ulit sila.
Wala naman syang nabanggit sa lagay ng iba nyang kamag-anak lalo na ang mommy nya pero di na ako nagtanong. Sakto rin kasi na napansin kong nasa tapat na kami ng building. Niyaya ko pa si Bernard na pumasok pero sinabi nyang meron pa syang pupuntahan.
"Salamat ulit ah?"
"You're always welcome." Nagsalute pa sya bago umalis. Nakangiti naman akong pumasok sa building. Kahit parang puyat pa ay um-okay ako, kaso ay nang maalala ko ang tungkol sa emergency ay nawala ang ngiti ko.
Poker face akong naglakad. May ilang bumabati sakin at may nagbibiro pang para na raw akong yung sa expression ni Boss palagi. Nginingitian ko nalang. E sa problemado ako e.
Nakaabot na ako sa floor ko ay yung emergency pa rin ang iniisip ko. Kaso, bago ako lumiko sa pasilyo para puntahan ang office ko ay may narinig na akong pamilyar na boses na nagsasalita. May kausap itong hindi pamilyar saakin ang boses.
"Are you kidding me?" Mapang-uyam ang boses nito at halatang hindi makapaniwala. "My secretary? Sa lahat ba naman?" Napahinto ako at sumilip. Tama nga ako. Si Boss yon at may kasama syang isa pang lalaki, nakatagilid silang dalawa saakin ngayon.
Yung expression ng mukha ni Boss ay parang nang-aasar. Woah, ano naman to? May kaaway na naman sya?
"Oh, you can't fool me." Sagot ng lalaki sakanya. Mukha itong masama ang ugali. Sorry kung judgemental ah? Pero kasi yung itsura nya kahit nakatagilid pa ay yung mga hitsura ng mga kontrabida sa mga k-drama. Mukhang ganid na businessman ang dating dahil na rin sa ngisi nya.
"I don't need to fool you. Everyone knows that you're already an idiot." Sagot ni Boss at napatanga ako. Ganda ng rebut nya, napakatalino talaga ng isang to at palaging may sagot.
"You care for your secretary, Mr. Lacuezo."
Oh? Secretary daw ni Boss? Ako? Ako ang pinag-uusapan nila? Ako ang pinagchichismisan!?
"Sino namang nagsabi sayo nyan? Yung tauhan mong si Benito Ramos na magmamatyag na nga lang e obvious na obvious pa?"
Napatakip ang kamay ko sa bibig ko. Hindi lang dahil sa meron daw nagmamatyag sakanya o saamin kundi dahil sa pangalan ng nagmamatyag. Kung di ako nagkakamali, si Mang Ben yon! Yung tatanggalin na nga sana ni Boss pero binalik ko.
"Alam mo na pala." Yung lalaking kontrabida sa k drama.
"Dahil di naman ako kasing tanga nyo." Umismid pa si Boss.
"But that can't change the fact that you like your secretary."
Doon na ako halos mapasigaw ng Whaaaattttt?
"Ah, isa ka rin pala sa mga naniniwala sa kalokohan na yan." Walang emosyong ani Boss.
Napabuntong hininga ako. Oo nga naman. Wala naman talagang gusto saakin si Boss. At kalokohan naman siguro talagang isipin na magkakagusto sya saakin?
Tumawa ang lalaki. "Stop acting like—"
"I'm not. Why do I need to? It's the truth at kung di ka man maniwala ay mamatay kana kakaisip." Halatang iritado na si Boss. "Well, remember this, old man. In my whole life, I'm inlove with only one woman. The name? Vivien. Vivien Purzuelo. Not Jazlyn Bautista. But if you're still going to slap to my face that I like my secretary, then you can be on my shoes right now. Sino ang maiinlove o magkakagusto sa babaeng wala namang tinapos at tatanga-tanga? Tell me, kung ikaw ang nasa lagay ko, hindi mo ba gugustuhing maglaro muna lalo na at meron kang mukhang walang utak na sekretaryang pwede mong paglaruan?"
Natigilan ang kontrabida sa k drama pero mas natigilan ako. Pinilit kong iproseso sa utak ko ang lahat ng mga sinasabi ni Boss. Lahat tungkol saakin.
Gusto kong maiyak pero hindi ko alam, parang yung tutulo sana saaking luha e bumara lahat sa dibdib ko kaya sumikip iyon bigla.
"I like... playing with other people's feelings. You know me. Sayo na rin mismo nanggaling kanina, inlove na inlove ako kay Vivien. Tingin mo pagpapalit ko sya sa isang probinsyanang tulad ng sekretarya ko kung pwede ko naman syang paglaruan lang?"
Ayoko nang makinig pero nanatili ako sa kinatatayuan ako. Nagpipigil ng hininga at hindi ko namalayan na nahulog na pala ang bag ko. Napatingin silang dalawa sa gawi ko at nakita kong ngumisi ang kontrabida sa k drama samantalang walang nagbago sa mukha ni Boss. Para bang wala syang sinabing masasama na may kinalaman saakin na narinig ko.
Kaagad kong pinulot ang bag ko at ngumiti nang pilit. "G-Good morning sir!" Bati ko sa matanda. "Good morning, Boss. Ah, hehehe kakarating k-ko lang. S-sige po, dito nako." Paalam ko at nilampasan na sila para makapasok sa loob ng sarili kong office pero biglang nagsalita si Boss.
"Kahit anong kalokohan pa ang sabihin mo, wala kang mapapatunayan dahil wala naman talaga." Bahagyang bumagal ang paglalakad ko.
Hindi ko na dapat pinapakinggan e kasi habang may lumalabas sa bibig nya, para akong sinasaksak at paulit ulit na pinapatay. Bakit ba ganito kasakit?
Kaso, masokista yata ako e. Gusto kong masaktan. Gusto ko yung isahang sakit nalang kaya gusto ko pang makinig. Ayokong meron akong malakdawan. Hindi ako papayag na hindi ko maririnig lahat.
"I can't fall to her. See?" Bakas ang pagmamalaki sa boses ni Boss. "Para di naman gaanong mabasag ang ego mo, aaminin ko, noong una ay nakita ko sya bilang si Vivien. Pareho sila ng karamihan ng paniniwala pero narealize ko kaagad na sobrang layo nila kaya naman napagpasyahan ko nalang na paglaruan sya tutal bored naman ako."
Tangina. Yan na ba lahat yon Boss? Wag kanang mahiya, sagarin mo na.
"I must admit, she's someone fun to play. Nagmumukha palang syang tanga sa harap ko e naeentertain na ako. Paano pa kaya sa mga panahong mukhang paniwang-paniwala sya sa lahat ng pinapakita ko?"
Doon na nagsimulang humakbang ang paa ko papasok at agad sinarado ang pinto. Kaagad nagsituluan ang luha ko. Hindi na to joke. Hindi na to scripted. Totoo na, sinabi nya lahat yon sa mukha ko.
Akala ko kilala ko na sya pero lahat pala ay pakitang tao lang? Paano nya nagawa yon? Napakagaling nya naman palang artista kung ganon?
Nanghihina man ay inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa isang plastic na nakita ko roon. Konti lang naman ang gamit ko rito. Ilang notebook lang at picture frame ng pamilya ko.
Sa palagay ko ay kahit sino namang nasa lagay ko e ganto ang gagawin. Hindi ako umiiyak nang malakas pero parang sasabog na ako. Diko nga alam kung bakit di ako ngumangawa e, noon naman samin, kapag nasasaktan ako mula nung bata pa ako, ang lakas kong umiyak.
Totoo nga siguro yung sinasabi nila na ang pinakatahimik na pag-iyak ang may pinakamasakit na dahilan. Dagdag sakit pa yung hindi mo maisigaw kung gaano kasakit.
Tangina ni Boss— ni Adam! Shuta sya! Siraulo! Manloloko! Napakagaling magpanggap. All these times, naglalaro lang sya? Lahat ng pagpapahirap nya saakin? Laro sakanya? Lahat ng pinakita nya, parte ng laro nya? Tangina nya pala e. Di nya deserve maging kaibigan si Bernard.
Napakahusay. Bigyan ng jacket yan o kahit pa best actor award. Akala ko nong nasa resort kami ay pang best actress na yung ganap ko nong nagpanggap kaming nagsasagutan, pero sya pala e ibang level ang acting skills. Bravo!
Lahat ng mga iniisip ko sakanyang maganda e gumuho. Pero alam kong hindi ko dapat ibunton sakanya lahat ng sisi. Umasa ako na totoo syang tao. Hindi maganda ang ipinapakita nya sakin mula una palang pero ginagawan ko ng dahilan bakit ganto sya, bat ganon sya. Bwisit na buhay to.
Jaz, isa kang tanga. Isa kang napakalaking tanga.
Ang masakit pa rito, parang ako pa ang may ginawang hindi maganda sakanya kasi sinasabi ng tingin nya kaninang wala nga syang pake anumang reaksyon ko.
Nang maiayos ko ang lahat ay sumilip ako. Wala na ang lalaki sa hallway. Nakatalikod na kay Boss at paalis na. Si Boss naman ay wala pa ring emosyon na pumasok naman sa office nya. Pakyu kang green eyes ka!
Pakyu ka rin, self! Bakit sa lahat ng lalaki e sya pa!?
Bakit sakanya pa ako nainlove?
///
NAGMAMADALI AKONG LUMABAS SA BUILDING.
Para pa akong donya dahil sa pagkakataas ng noo ko. Hindi ko ipapakitang talo ako. Hindi ako. Dahil hindi mo naman alam na minahal na kita sa maikling panahon.
Lahat ng bumabati saakin ay tinatanguan ko lang kanina. Ngayong nandito na ako sa labas, pakiramdam ko ay malaya na ako. Malaya mula sakanya. Pero hindi pa malaya sa sakit at sa nararamdaman ko.
Bwisit na utak to. Bwisit na puso to.
"Jaz!" Shit, eto na ang demonyo! Nagmadali ako sa paglalakad nang marinig akong boses ni Boss sa likod ko. Rinig ko ang pagtakbo nya kaya walang pagdadalawang-isip na tumawid ako.
Pero huli na nang makita ang dumadaang sasakyan. Agad iyong tumama sa katawan ko. Naramdaman ko ang sakit pero maya-maya lang ay namanhid na ang buo kong katawan. Naramdaman ko na may tumulo sa bibig ko. Siguro ay dugo. Tumingin ako sa langit dahil bumagsak akong nakahiga. Wala akong maramdamang init kahit nakikita ko ang direktang tama ng sikat ng araw sa balat ko.
Marami akong naririnig na ingay. Unti-unting lumabo ang paningin ko hanggang sa nakapikit na ako.
Biglang nagflashback saakin ang mga panahong kasama ko ang pamilya ko sa probinsya. Masaya kami kahit mahirap. Masaya ako kahit walang boyfriend. Ang tanging pinoproblema lang namin ay ang mga nangungutang sa tindahan na kapag sinisingil ay mas galit pa.
Hinihiling kong bumalik sa oras na yon. Na hindi ko pa kilala si Adam. Kaso, kahit fake pala lahat ng pinakita nya, para saakin ay totoo yon kaya naman totoo rin ang naging saya ko sa mga munting bagay na may kinalaman sakanya.
Pinansin nya ako at kinausap sa una naming pagkikita. Pinayagan nya akong sumakay sa elevator na sya lang dapat ang gumamit kahit pa sinungitan nya ako noong una. Kinuha nya akong secretary. Tapos doon na nagsimulang lumago ang paghangang nararamdaman ko lang noon sa berde nyang mga mata.
Masyado siguro akong nag expect. Tong galit na to ay parang galit lang din ni Boss kay Bernard. Yung tipong mas lamang yung sa sarili mo. Nanggigil lang ako kanina na hindi sya nagpadalos-dalos na sabihin yon nang harapan. Nainis lang ako kasi naloko ako.
Parang nag-i-slow motion ang naririnig ko hanggang medyo napadilat ulit ako nang wala na akong marinig at ang bumungad saakin ay ang berdeng mga mata ng lalaking kinamumuhian ko ngayon pero dahilan kung bakit mas kinamumuhian ko ang sarili ko.
Sorry, ma, pa, mga kapatid ko, nagkamali ako. Pero pasensya na rin dahil masaya na ako kung mawawala man ako ngayon dahil sya ang huli kong makikita.
Bumubuka ang bibig nya at parang tinatawag ako pero wala talaga akong marinig gaano. Pinilit kong ngumiti sakanya kasabay na rin ng pagpikit nang tuluyan ng mga mata ko at pag-itim ng lahat.