Tahimik na ako buong byahe matapos nang nangyari kanina. Matapos nyang magsalita sy pumikit uli sya kanina kaya naman siguro ay naalimupungatan lang sya non. Nung una ay magtutulog-tulugan lang sana ako pero nagising ako paglipas ng ilang oras at saktong papasok na kami sa may nakalagay na "WELCOME TO HERMOSA BATAAN."
Umayos ako nang upo at tiningnan ang katabi ko. Tulog. Hindi pa ba sya nagigising mula kaninang umaga?
Inalala ko ang sinabi ng nurse sa hospital. Binantayan raw ako ng asawa ko magdamag at hindi man lang ito nagpahinga kaya siguro puyat sya. But that doesn't make sense at all. Kasi sabi ni Boss, nang dalhin nya ako sa hospital ay umalis din sya kaagad. Was he lying earlier?
"Gising kana pala." Pansin ni Kuyang driver. "Nga pala, ako si Jimin. Tauhan ako sa Funtabelle at ako ang nautusang sunduin kayo."
Wow naman. Talagang pinsundo si Boss. Sabagay, bigatin yata to. Kaso kung tauhan sya, bago lang ba sya? Kilala ko ang mga tauhan sa resort bago ako umalis e, pero sya? Hindi pamilyar.
"Ganon ba? Omg! Parang yung sa BTS lang! Kilala mo ba yon? Yung isang Kpop band na sikat na sikat ngayon. Kapangalan mo!"
"Well, nope. Exo-L kasi ako. Kung Korean songs ang pag-uusapan, songs lang nila alam ko at sila lang kilala kong koreans."
Nako, fanboy din! Hindi talaga ako makapaniwala na nakakilala ako ng issng fanboy! As in yung matured na. Kahit pa Army ako at Exo-L sya, okay na rin, atleast sinabi nyang Exo lang talaga kilala nya, hindi nya sinabing Exo ang pinaka sa lahat. Para kasi saakin, may iba't-ibang galing talaga ang kpop bands. Merong pagkakataon na sila ang pinaka nag-eexcel at base rin yon sa mga nakikinig ng music nila.
"Paano ka nagsimulang maging Exo fan?" Curious na tanong ko, kasi hindi ako palaging nakakakilala ng tulad nya.
"Yung kapatid ko kasi e nagmu-multi fandom noon pa. So isang beses, narinig ko yung kanta ng EXO na The Eve at parang na-LSS na ako." Magana nyang sabi habang ako naman ay napakaattentive na nakikinig dito. "Mula noon, gusto ko na yung kanta na yon. Nung nalaman ng kapatid ko, nagkwento na sya nang nagkwento about sa EXO."
"Naks naman. Ang cute. Jimin pangalan mo tapos EXO-L ka! Well, oo nga pala, I'm Mr. Lacuezo's secretary. Army naman ako! Future wife ni JHope!" Pagkatapos ay kinikilig akong tumawa. "My name is Jaz—"
"Are you done reading these?" Napatalon ako nang konti nang marinig na magsalita ang katabi ko. Bahagya pa akong nauntog sa bubong ng sasakyan. Shitiii! "What? I'm asking you." Seryosong aniya nang mapansin yata na napairap na naman ako.
"Yes Boss." Totoo naman kasi. Pati nga blue print ng Resort e nabasa ko na. Though halos lahat naman ng information na nakalagay sa folder ay alam ko na. Taga malapit lang ako sa resort nakatira.
"What can you say about it?" Pormal niyang tanong.
"Maganda ang location ng Resort, Boss. Good thing na dito sa Bataan ito nakatayo. Hindi masyadong maraming kakumpetensya and as of now, Funtabelle Resort is well-known here in Bataan. Malinis dito sir at maraming pool kaya kahit taga malayo dinarayo to. Merong ding mga nagbabantay para siguruhin ang safety ng guests. Pwedeng mag-camping dito or mag-overnight sa pinaparentahan din nilang cottages." Tumango-tango si Boss at pansin ko, si Kuyang Driver ay tumatango-tango rin. "Actually, isa din sa sikat dito sa Resort ay ang night band at party na nagaganap dito tuwing 6 pm hanggang 4 am. They're inviting different artists para magperform. Marami rin ang nagse-celebrate dito ng iba't-ibang okasyon."
Tumango lang sya at hindi na nagreact pa. Ilang sandali pa, nanlaki ang mata ko nang makitang papasok na kami sa loob ng resort.
"We're here!" Bahagyang sigaw ko na sobrang saya.
"I can clearly see that." Halatang bored na sagot ng katabi ko. Napasimangot naman ako. Sa sarili ko sinasabi, hindi sakanya.
Paghinto ng sasakyan ay may nagbukas kaagad noon na isa sa nga tauhan ng resort. Lumabas si Boss. Binuksan ni Kuya driver ang pinto sa gilid ko kaya lumabas na rin ako. Tiningnan ko ang paligid. Almost 2 months palang akong nawawala pero may mga nakita na akong pagbabago.
"Sir Jimin!" Hiyaw ng tatlong mga tauhan na nakatayo sa gilid. Teka, sir?
Yumuko si Jimin samin. "Welcome, Mr. Lacuezo and Ms. Jazlyn Bautista to Funtabelle! My name is Jimin Funtabelle, the owner of this resort."
///
Nandito na ako sa isang cottage kung saan ako pinapatuloy ni Jimi— Mr. Funtabelle. Katabi lang ng cottage ni Sir. Grabe talaga yung gulat ko kanina nang malaman na sya ang owner. Tipong kanina pa ako kuyang driver nang kuyang driver sakanya tapos bandang huli e sya pala yung may-ari!
Pero kung nagulat ako, si Boss naman ay walang reaksyon kanina tungkol don. The heck, dapat di ba nabigla rin sya? O kaya naman ay nagsisi dahil kung anu-anong pagsusuplado ang kanina nya pang ginagawa kay Mr. Funtabelle mula palang sa Maynila.
Kaya nga pala kami nandito sa Bataan ay dahil sa ilang business meetings na dadaluhan dito ni Boss and he's thinking about investing here in Funtabelle Resort if ever. Actually, hindi lang dito sa Funtabelle kundi sa iba't ibang businesses pa. Alam mo naman ang mga mayayaman, palaging nag-iisip kung ano pang pwedeng gawin para lalong kumita at magsucceed.
May kumatok sa pinto kaya agad akong tumayo sa kama at binuksan iyon. Isa sa mga tauhan sa resort at sinabing pinapatawag kami ni Mr. Funtabelle dahil gusto nya kaming makasabay maglunch at para na rin makapag-usap nang pahapyaw about nga sa investment keme ni Boss.
Paglabas ko ay nakita ko si Boss na nasa labas. Nauuna saamin ang tauhan dito sa resort para sya ang mag-guide kung sana kami pupunta. Ngumiti ako kay Boss pero um-snob lang sya. Taray!
Nakarating kami sa harap ng isang parang kubo na open. May mahabang mesa at maraming pagkain. Naglaway ako nang makita ang iba't-ibang putahe. Mukhang masasarap. Grabe, nakakagutom na talaga. Pero hindi kaagad ako sumugod. Ngumiti muna ako bago bumati.
"Hi, Mr. Funtabe—"
"Mr. Funtabelle is my father, call me Jimin." Aniya. May kasama rin sya sa ibang mga mesa na mga lalaking mukhang kaedad nya rin. Tumayo sya at isa isang ipinakilala ang mga iyon. "By the way, these are my cousins and they're also investors here in Funtabelle. This is Reymark Fabian," turo nya sa lalaking naka-white suit, parang pandoctor. Ang gwapo ng isang to. Omg, doc, gamutin moko— "And he's a veterinarian." Oh, joke lang po. "This is Anthony, Reymark's brother. He's a chef." Yung lalaki naman na nakapolong blue ang tinuro nya. "This one's Erhyl Guevara, an architect. And here's his twin, Lehyr Guevara." Magkamuka nga ang dalawa. Mukhang pinagbiyak na bunga. "Cousins, this is Mr. Adam Lacuezo and his secretary Ms. Jazlyn Bautista." Isa-isa kaming nagkamayan.
Medyo nawala lang ang paghanga ko sa kagwapuhan ng mga to dahil seryosong-seryoso ang mga mukha at nakatitig sila saakin. Gusto kong sumimangot. I really hate cold guys. Char lang, gusto ko lang kasi ay yung green eyes tapos— uh, I mean— ugh, nevermind.
Matiwasay naman kaming kumain at paminsan-minsan ay nag-uusap about sa iba pang tungkol dito sa resort. Gayunpaman, ngiting-ngiti ako dahil hindi ako nagkamali, masasarap nga ang nakahanda. Daig ko pa ang nagpakasawa sa isang fiesta-han.
"Are you enjoying the food, Jaz?" Tanong ni Mr. Funta— I mean, ni Jimin. Yiiee HAHAHA naalala ko tuloy yung BTS!
"Oo, ang sasarap ng mga—"
"I think the foods aren't that good." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng katapat ko sa mesa. Ano bang sinasabi nitong si Boss? Sobrang sarap naman ah? "Like this one." Turo nya sa shanghai. "It lacks flavor though it's a bit salty."
Hindi ako makapaniwala sa lakas ng loob nyang sabihin ang mga iyon nang harap-harapan. Sabagay, he's Boss Adam. He have guts.
Apologetic na tumingin si Jimin. "I'm so sorry about that, Mr. Lacuezo. It's my fault for not asking about your food preferences. Naisip ko kasi kanina na baka pagod na kayo sa byahe kaya pagdating ay hindi ko na naisip pang itanong iyon. By the way, the Chef's not around that's why yung dalawang tauhan dito sa resort ang naghanda ng mga pagkain." Seryoso ba sya? Sya nga itong naging driver namin kanina tapos iisipin nya pang kami lang talaga ang napagod?
Nagpaalam na si Boss na mag-iikot ikot at sinamahan naman sya ng mga pinsan ni Jimin. Syempre pa, sumunod din naman kami. Sadyang medyo nagpahuli lang ako para humingi ng tawad kay Jimin.
"Sorry pala dahil nasungitan ka ni Boss ah?"
"It's okay. I understand. Masaya nga ako dahil sinabi nya ang iniisip nya tungkol sa pagkain. Ganon ang mga taong gusto ko, yung sinasabi nila ang mali sa isang bagay. Especially if it's about the investors. I like someone straight forward."
"Eh? Di ba dapat naiirita ka sa ganon? Sorry ah? Pero kung ako siguro yon e nainis na ako. Kasi pwede naman nyang sabihin yon sa mas maayos na paraan?" Though I doubt it. Baka naman iyon na ang pinakamaayos na paraan ni Boss? "If I'm you, I'll think that he hates me."
He chuckled a little. "Well, I believe that if someone really hates you, they won't show it to you. They'll do it secretly. I think he's just jealous."
"Bakit? Dahil ba halos ako na nakaubos ng shanghai?" Kunot noo kong tanong. Tumawa naman sya. "Dahil... ako din ang umubos ng sumpia?" Umiling ulit sya. "E ano?"
"Because he see me as his rival. To you, ofcourse."
Hindi ko gaanong nagets ang sinabi nya. No, it's more on, I don't want to believe it. He says Boss got jealous because he believes that Jimin is his rival on me? There's no way it's true. No, as in no. Hindi ko ma-imagine. At paano naman mangyayari iyon? E 10 years na nga at hello? Madalas pa akong mapagkamalang ang ex-girlfriend nya.
Ngumiti nalang ako. Ayokong magsabi ng weh? Kasi baka may sabihin na naman sya at mag-assume na ako. Ayoko rin tumanggi dahil ganon pa rin ang mangyayari.
3 pm nang malibot namin ang kabuuan ng resort habang nag-uusap at iniexplain din ni Jimin ang mga bagay-bagay sa resort. Kung ako siguro to, malamang sa malamang nag-invest na ako. Pero siguro ang mga businessmen talaga ay napakaraming mga ikino-consider.
Matapos ay sinabi nyang pwede na kaming magpahinga or magswimming kung gusto namin. Syempre, wala akong balak mag swimming no. Pero bago ako makapasok sa tinutuluyan kong cottage ay may inabot si Boss saakin na sobre. "Ano to Boss?"
Tiningnan nya ako na parang sinasabi na BAKIT HINDI MO NALANG TINGNAN? saka tumalikod. Pumasok kaagad ako sa loob. Pagbuklat ay nagulat ako nang makita ang lilibuhin. Binilang ko, 25 thousand! Hindi naman ako nangutang kay Boss ah? Tsaka bumali ba ako?
Lalabas na sana ako nang makareceive ng isang text message mula sakanya.
Bossabos masungit:
Remember nagsimula lang magtrabaho one week bago matapos ang buwan? Nagbibigay kami ng sahod kada kinsenas at katapusan. Yan ang sweldo mo for more than half of a month.
Ano? More than half a month na sahod ko lang to? E bakit sobrang laki naman? Am I fired?
To: Bossabos masungit
E bat po ang laki nito? Gosh, 25k para sa kalahating bwan na sweldo?
From: Bossabos masungit
Higit kalahating buwan.
Bakit, ayaw mo ba?
Kasama na dyan ang isang araw mong sahod for acting as the company CEO.
WOAH, AWESOME! Okay din naman pala na inisahan ko sya non. At 1 day lang ako non ah? Tapos ang laki ng dagdag sa sahod ko. Parang trip ko na yatang palaging maging CEO.
To: Bossabos masungit
Wala na pong bawian🙄
Thank you, Boss!
From: Bossabos masungit
Hindi ko pa nakaltas dyan ang 350
Ano naman kayang 350 yon?
Tinanong ko agad yon sakanya at sinabi nyang para yon sa tasa na nabasag ko kahapon. Grabe naman ang isang to, pati yon, kakaltasin, aanhin nya ba ang kayamanan nya?
To: Bossabos masungit
No way! Ang mahal mahal. Ibibili kita mamaya, boss. Tag 25 lang yon sa palengke, grabe ka naman.
Nakareceive ulit ako ng message at sinabi nyang wag daw akong lalabas ng resort. Ano na naman kayang trip nito at ayaw akong palabasin? Di bale, gusto ko pa namang umuwi sa bahay kahit sandali lang. Uuwi pa rin ako!
Balak kong mamili na muna ng grocery na iuuwi ko saamin. Sa ngayon, tatakas muna ako dito. Pero paano naman? Pagbukas ko palang e bumungad na ang mukha ni Boss saakin.
"Haven't I told you to stay?"
Tatanggi na sana ako pero halatang aalis talaga ako lalo na at dala ko ang maliit kong bag. Gusto kong makipag argumento pero napansin kong parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi sabi.
"A-Ano ba yon?" Bahagya na akong kinabahan. Parang may mali talaga e.
"Huwag kang pupunta ng mag-isa sa mga liblib na bahagi netong resort. As much as I want you to stay on your cottage, sa tigas ng ulo mo e alam kong hindi ka papayag. So you can get out of the cottage but not this resort. And just cooperate, no more questions." Tapos nagmamadali na syang umalis. No more questions daw so hindi na nga ako nakapagtanong pa kahit nangangati na ang dila kong mag-usisa.
Buti nalang at nakareceive ulit ako ng isa pang message sakanya. Pinag-isipan ko iyong mabuti bago nagreply agad.
Natulog nalang ako at nang magising ay 7 pm na pala. Hindi pa naman ako nagugutom kaya naisipan kong maglibot libot muna. Sa totoo lang, kahit gaano naman kalapit ang tinitirhan ko dito sa resort ay never pa akong naka attend ng night party dito. Sakto naman ang suot kong maikling shorts at blazer na kapwa red.
Nakarating nga ako sa bandang dulo o pinakasulok ng resort tapos ang daming tao. May bandang tumutugtog at masaya ang music. Parang nasa loob lang ng bar, maraming tao na may ibang mga lahi pa nga. May hawak na alak ang iba habang sumasayaw samantalang merong iba na naghahalikan na sa sulok sulok.
Na-stress ako sa mga nakikita ko kaya um-order ako ng alak. Meron dong bar counter din, doon ako humingi ng alak kasi sabi naman ni Jimin, lahat ng gagastusin namin ay libre na. Nasabihan na rin ang lahat ng mga tauhan, kasama rin daw ang alak don, pagkain, cottage at kung anu-ano.
"Kuya, penge ng kahit na ano jan."
"Gusto nyo po ng hard, ma'am?" Hard? Teka bakit parang tunog bastos? Joke, ang sama kong mag-isip, lol. Tumango ako at may agad syang iniabot. Nung ininom ko nang straight, mas lalo akong nastress dahil animo pinaso ang lalamunan ko sa soobrang init.
Yung saya nang tugtog e parang naghahalina kaya napaorder pa ako nang ilang beses hanggang mamalayan kong medyo umiikot na ang paningin ko.
Huminto ako at napiling magmasid nalang muna sa paligid. Ayokong as in sobrang malasing. Hindi ito ang first time, pero pangatlong beses ko palang mag-inom sa buong buhay ko.
Nililibot ko pa rin ang tingin ko nang manataan si Boss sa gitna ng napakaraming tao. Maraming babaeng humahawak sakanya pero halatang wala syang pake doon. Lilinga-linga sya na animong may hinahanap.
"Damn, babe, you're hot." Sabi ng lalaking kanina ko pa katabi dito. Sa sobrang hilo ko yata ay hindi ko namalayan na ang kamay nya ay nasa mga hita ko na. Nakapikit na ako sa hilo at antok. Tatabigin ko na sana ang kamay nya nang makarinig ako nang baritonong boses kaya animo'y nawala ang kalasingan ko.
"Keep your hands away. I might cut it."
Tapos, hindi ko na alam. Lasing na talaga ako, umiikot ang mundo at puno lalo nang ingay. Umangat ako at nagulat nang marealize na wala na ang ingay. Karga ako ni Boss in a bridal style!
"I-Ibaba moko, Boss." Hindi sya nagpapilit. Binaba ako sa mismong harap ng cottage ko.
"Sinabi ko naman sayo di ba? Wag kang pupunta sa—"
"Sabi mo, wag akong pupunta sa liblib na bahagi ng resort na mag-isa. Wala naman ako ron." Ugh, lasing na ako, ang galing ko na naman kasing magsasagot. Sabagay, lasing man ako o hindi, matalas na talaga ang dila ko noon pa man.
Nakahawak ako sa balikat nya at sya naman ay inaalalayan ako sa bewang.
"Yeah, right. But don't you think it's still unsafe going somewhere—"
"Boss naman!" I cut him off again. "Why are you always like this? So unpredictable. Alam ko naman. Tanggap ko nang secretary mo ako at hanggang doon lang ang relationship na meron tayong dalawa kaya pwede ba, Boss? Tigilan mo ang pagiging over protective." Napabuntong hininga ako. Tutal lasing naman ako, mas lalo akong walang preno. "I may sound like a bitch but stop this. One second napakasungit mo, tapos maya-maya bigla kana lang magiging daig pa ang jowa na galit na galit. Nag-aalala ka sa secretary mo, okay. Tanggap ko rin. Mali yung ginawa ng lalaki at naiinis ako, seryoso. I'm so thankful for saving me, ayoko rin sa lahat e nababastos. But acting like a jealous boyfriend?"
"What the hell are you talking about?" Mahina pero mariin nyang tanong.
Tumawa naman ako. "Gusto mo pa rin akong manatili sa tabi mo para gantihan ako dahil lang sa may sinabi akong madalas din sabihin ng ex mo noon?" Naramdaman ko ang paninigas nya. "Sige, kung bitter ka pa, kahit mahirap, pipilitin kong intindihin. Kaso, hindi mo ba napapansin kung paano ka kumilos? H-hindi ganyan kumilos ang isang Boss sakanyang sekretarya." Asumera kung asumera, kaso sa twing lasing ako ay parang napagtagpi-tagpi ko ang mga bagay na para bang napakadaling puzzle lamang non.
"I'm not." Matigas nyang sabi. "Hindi kita ganoon—"
"So, you're not aware? Let me tell you this then." Umatras ako nang konti at umalis sa hawak nya. Kahit mahirap, pilit kong inayos ang tayo ko. "Boss, stop giving false signals. It's not funny anymore. Kung ito ang paraan mo para parusahan ako, please mag-isip ka nang iba kasi mukha kang shunga."
Papasok na sana ako pero nagsalita sya bigla.
"So you misunderstood my actions, huh? Let me clear you everything. The only relationship we have is Boss and secretary." Hindi ako lumingon. Nanatili akong nakikinig. "Mali na ba ngayon ang ipagtanggol ang secretary mula sa kung sinumang lalaki na bumabastos dito? You think you're that special, huh? Well, kung nalagay man sa ganon ang secretary ko, kahit hindi pa ikaw yon, ganon pa rin ang gagawin ko." Lalong hindi ako makatingin. Nagsisisi na nasabi ko lahat yon, ganto tuloy kasakit ang naririnig ko.
"And Ms. Secretary, I don't have any special feelings for you. I'm inlove. It was Vien and will always be Vien. Sa tingin mo bababa ako para lang magustuhan ang katulad mo? Ipagpapalit ko ang nga taon dahil lang sa ilang linggo? It's too funny." Sarcastic syang tumawa nang mahina.
"Enough." tutol ko. Tama na. Alam ko na naman yon.
"No, kailangan mong makinig para naman hindi ka nag-iisip ng iba."
"Alam ko na naman yan. Noong una palang nang tawagin moko sa ibang pangalan." Ayokong magmukhang pathetic dahil sa pag-iyak pero hindi ko mapigil ang luha ko. "It hurts knowing that the one you love can't love you back but you know what hurts the most? It's competing with someone you know you can't win. You'll never win. At iyon ang iniiwasan kong laban."
Tapos ay pumasok na ako. Nagmamadali akong nagpahid ng luha tapos ay tinawagan si Boss. "Ayos ba, Boss?" Tuwang-tuwa kong tanong. "Pang best actress na ba?"
Narinig ko ang buntong-hininga nya. "Okay lang naman."
Okay? Matapos kong umiyak? Duh, kung nasa awarding kami malamang nakuha ko na ang best actress talaga.
Well, let me explain to you what happened.
"Huwag kang pupunta ng mag-isa sa mga liblib na bahagi netong resort. As much as I want you to stay on your cottage, sa tigas ng ulo mo e alam kong hindi ka papayag. So you can get out of the cottage but not this resort. And just cooperate, no more questions."
Takang-taka na ako nang maka-receive ako nang text mula kay Boss at sinabi anong nangyayari. May isang taong nakabangga nya sa isang business transaction na may binabalak sakanyang masama. Hindi ko alam saan nya nalaman pero ako daw ang gagamitin para ron. Iniisip daw ng mga taong yon na may relasyon kami.
Kaya naman nang napansin nya kanina pang hapon nung iabot nya saakin ang sobre na merong sumusunod at nagmamasid saamin, doon nya daw na-confirm na parang ako nga ang target at gagamitin.
So to make the story short, pinalabas namin ngayon ngayon lang na wala syang nararamdaman at walang pakelam saakin. Sana lang talaga gumana at hindi na ako targetin ng kung sinumang mga yon.
Well, dyan ako hindi makakasiguro dahil kung pang best actress man ang act ko, si Boss naman ay waley. Nabadtrip siguro talaga sya kasi wala sa usapan na maglalasing ako tapos meron pa ngang lalaki na nangmamanyak doon. Wala iyon sa 'script.'
"I'm awesome. Right, Boss? Kaya baka naman, dagdag sahod no. Mahal tf ko!"
"E wala nga sa usapan natin ang mga pinagsasabi mo." Napakagat labi ako. Biglang lumabas sa bibig ko e. Hindi naman talaga iyon ang usapan naming sasabihin ko. Pero parang ganoon din naman ang kinalabasan di ba? Kailangan lang namin iparating na wala syang gusto saakin.
But well, you know, para saakin ay tila totoo ang lahat ng pinag-uusapan namin. Lalo yung last part.
"Alam ko na naman yan. Noong una palang nang tawagin moko sa ibang pangalan. It hurts knowing that the one you love can't love you back but you know what hurts the most? It's competing with someone you know you can't win. You'll never win. At iyon ang iniiwasan kong laban."