UWIAN.
Nagulat ako nang saktong paglabas ko sa building ng kumpanya ay may humintong napakagarang puting kotse sa harap ko. Bumukas ang pinto at lumabas si Bernard. Sobrang aliwalas na ng itsura nya ulit, di gaya kaninang madaling araw.
Akala mo ibang tao na sya at hindi ang nakausap ko kanina about sa problema nya. Kung engot lang ako, baka isipin kong ibang tao talaga sya ngayon.
Binuksan nya ang kabilang pinto ng kotse nya at pinasakay ako. "Come here, hatid na kita." Sino ba naman ako para tumanggi, duh, sasakay ako sa magarang kotse, gora na.
Pagkasakay ko ay bumalik na sya sa driver's seat saka pinaandar ang sasakyan nya. "Kamusta ang araw mo?" Kaswal nyang tanong na energetic na energetic pa ang boses.
"Ayos naman. Nalate lang kaninang umaga pero wala namang ibang aberya." Humikab ako pagtapos. Grabe talaga, ilang oras lang ang tulog ko. Antok na antok na ako. Buti nga nakayanan kong maghapon na gising e. At mabuti rin dahil 5 pm palang e napagpasyahan na ni Boss na umuwi na. Thank you po talaga, Lord!
"Pasensya na nga pala sa kanina ah?" Lumingon sya saakin sandali saka itinutok ulit ang mata sa kalsada. "Tsaka kagabi, nung tumawag ako, nakainom ako non. Kahit pa naman hindi ako sobrang lasing, madalas nagiging makulit ako. So yayayain sana kitang magdinner non. Kaso itinakbo na nila Heider ang cellphone ko." Paliwanag nya.
"Oo, nabanggit nga nyang itinakbo nya raw. Tumawag sya saakin nung pinapasundo kana. Bulagta kana rin daw non kasi bukod sa nakainom ka e naglaro kayo." Mahina syang tumawa. "Hindi talaga laro yung sinasabi nya no?"
"Mm, nag hand-to-hand combat kami. Pero walang nanalo. Dahil napagod na rin ako, napagpasyahan kong ipaubaya na ang phone ko sa kanila." Sinasabi ko na nga ba. Mga siraulo talaga yung Heider at kapatid nya na yon. Paanong hindi, ini-issue ako kila Boss Adam at Bernard. Tama ba yon? "By the way, gusto mo bang mag dinner muna bago kita ihatid?" Tumango lang ako. Bukod kasi sa antok ay nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Dinala nya ako sa isang resto na hindi naman ganoon kamamahalin. Actually, request ko nga sakanya yon. Bukod sa ayaw ko syang gumastos ng sobra, hindi ko rin trip ang pagkain ng mayayaman at higit sa lahat, nalilito ako sa dami ng kutsara. Mahirap na. Baka mamaya, mukha akong tatanga-tanga don dahil nga sa sobrang daming kutsara at baso tapos mali ang paggamit ko.
Pinag-usod nya pa ako ng upuan, napaka gentleman talaga ng isang to. So paano ngang ang isang gwapo, mayaman, mabait, friendly, at gwapo ulit na blue eyes na to e single? Paano? Wala pa ba syang makitang babeng mamahalin o sadyang may mahal pa rin syang iba? Si Vien pa rin ba?
Umorder ako ng kapareho ng inorder nya. Steak, shanghai, chicken fillet, chocolate ice cream para sa dessert at orange juice.
"Pasenya na ulit sa abala at salamat nang marami." Sabi nya ulit pagkarating ng order namin. Susubo na sana ako kaso nabitin. Hays.
"Yung pasensya, gets ko at yung salamat pero... 'salamat nang marami'? Para naman saan yan? Wala naman akong ginawang gaano."
"Wala ka dyan. Pinuntahan moko kahit hatinggabi na. Inilayo mo ako sa dalawang may sapak na magkapatid, ikaw ang naglinis saakin, naaalala ko. Higit sa lahat, ikaw ang nakinig saakin nang mag-break down ako. I don't usually share my problems with anyone kahit gaano pa sila ka-close saakin. Pero sa'yo, parang ang daling sabihin nang lahat kaya gumaan ang pakiramdam ko. So, thank you—"
"Alam mo, nakakaumay makarinig nang maraming thank you." Biro ko. "Bayad kana, don't worry. Mukang masarap to e. So let me eat, okay? Talo talo muna tayo." Sumang-ayon naman sya at kumain na kaming dalawa.
Paminsan-minsan ay nag-uusap kami about nga sa buhay nya ngayon at buhay nila noon. Para lang kaming matagal nang magkaibigan na nagkukwnetuhan ngayon through dinner.
"Loko-loko talaga kaming dalawa ni Adam dati pa. Noon nga, sya pa taga-look out sa labas ng girl's restroom kapag napagtripan naming manilip sa crush naming teacher." Tawa ako nang tawa sa mga kwento nya kahit pa mga balahura ang iba. Akalain mo nga naman. "Sa iisang Elementary at highschool kami nag-aral nila Vien. Naalala ko nung panahon na nasa higschool kami, umaakyat kami noon palagi sa bakod ng school, hindi para mag-over or mag-cut ng classes kungdi para umakyat sa puno na nasa kabilang bahagi ng bakod. Tambayan namin yon e. Magkakasama kaming tatlo don habang nag-aasaran."
Mukhang masaya talaga sila noon. But on the second thought, hindi rin para kay Bernard. Sabihin na nating masaya sya pero hindi buo. Malamang nasasaktan pa rin sya. Kahit pa sabihing kaibigan nya ang dalawa, imposibleng wala syang pagseselos na nararamdaman dahil galing na nga sakanya di ba? Inlove sya kay Vien noon pa man. Nakakalungkot yung ganon no? Yung magpaparaya kana lang kasi bukod sa alam mong wala kang laban kasi iyon ang mahal, alam mo sa sarili mong hindi sayo magiging masaya.
Pag-ibig nga naman.
Nagkwento pa sya nang kung anu-ano hanggang sa matapos kami. Binayaran nya na ang bill kaya naman bumalik na kami sa kotse nya pero natigil ako sa pagtawa nang may mapansin na kapapasok lang sa restaurant. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Ayos kalang? Natahimik ka." Pansin ni Bernard. Ngumiti nalang ako saka idinahilan na antok na talaga ako kasi magse-7 pm na rin naman. Mukha namang naniniwala sya sa sinabi ko kaya pinaandar nya na ang sasakyan. Itinuro ko sakanya ang apartment ko at don na sya huminto.
"Salamat ulit ha? Hindi na kita maaaya kasi sobrang antok na talaga ako." Humikab pa ako na totoo naman talaga. "Grabe, sige na. Goodnight!"
"Sure. Sobra na rin ang abala ko sa'yo. But I want to ask this. Can we be friends?" Naglahad sya nang kamay sa bintana na mabilis ko namang tinanggap.
"Duh, oo naman. No problem saakin."
Nagpasalamat sya saka ulit nagpaalam. Kumaway-kaway pa ako hanggang makaalis na sya. Pumasok kaagad ako at binuksan ang ilaw. Nakangiti pa ako habang inaalala ang lahat ng nangyari. Hays, makatulog na nga—
Pero parang gusto kong magsisi kung bakit hindi ko sya maaya kasi pagpasok ko, may malamig na metal na tumutok sa leeg ko. Halos tumigil ako sa paghinga kasabay nang pagtigil ko sa paghakbang.
Bahagya akong tumingin sa gilid ko at nakita ko ang lalaking naka-all black. Nakatakip din ang buong mukha nya ng itim na bonet. Tanging mata nya lang ang nakikita ko pati na rin ang bibig nya. Humarap sya saakin habang nakatutok pa rin ang halatang napakatalim na kutsilyo sa leeg ko.
Muntik na akong himatayin sa nerbyos pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras para doon, kailangan kong magpakatatag.
Naandito ako sa Maynila para sa kinabukasan ko, ng pamilya ko, at operasyon ng mama ko. Hindi pwedeng basta nalang akong sumuko sa kung sinuman to. Kaya naman tinapangan ko ang sarili ko bago nagtanong. "Sino ka at anong kailangan mo saakin?" Paano ba naman, wala naman akong kaaway, ni wala nga akong kakilala dito, di ba?
"Ibigay mo saakin ang lahat ng pera mo. Kundi, patay ka saakin." Matigas ang tinig na aniya.
Namuo ang luha sa mga mata ko. "K-Kuya, wala po akong pera. Bago palang ako sa trabaho ko. Isa pa, mag-iipon lang ako para sa operasyon ng mama ko kaya naman nandito ako sa Manila. W-Wala akong maibibigay—"
"Wag kang magdahilan! Imposibleng wala! Ano, papatayin kita o ibibigay mo?"
Nanginig ako lalo. Bakit ko ba naranasan to. Shutangina naman ng magnanakaw na to, kita naman na kasing ang liit-liit lang nitong tinutuluyan ko e ako pa ang naisipang nakawan. Kaso, hindi ako pwedeng tumanggi ulit. Kailangang bigyan ko sya kahit magkano dahil mukhang hindi sya nagbibiro na papatayin ako.
Buhay nga naman. Napakaraming mayayaman na nakuha ang kayamanan mula sa paghihirap ng iba pero ako tong mahira na nagsusumikap pa ang napagdesisyunang pagnakawan.
Medyo napaisip rin tuloy ako. Ang saya-saya ko kasi mula kanina dahil nalaman ko na ang history ni Boss at mas naintindihan ko na sya, nalate nga ako pero hindi sya nagalit. Hindi rin sya nagalit sa nabasag na tasa kundi sa nasugatan kong kamay. Sa katunayan, na-touch pa nga ako sa pagbibigay nya ng first aid kit. Lastly, I became friends with Bernard. Tapos sabi nila, kapag sobrang naging masaya ka, may kapalit iyon na kalungkutan o hindi magandang pangyayari.
Eto na ba ang hindi magandang pangyayari na yon?
"Pera!" Sigaw nya ulit.
"O-Okay po—"
"Pero kung gusto mo naman, wag nang pera. Maganda ka... At mabango." Kinilabutan ako nang amuyin nya ang leeg ko. Gusto kong sumigaw pero umiiyak na ako sa takot at pandidiri. "Ikaw nalang ang kukunin ko tutal mukang wala ka nga namang pera. Kawawa ka naman."
"P-Parang awa nyo na po, hindi ako yummy, P-Please po..." Humagulgol na ako. Ayoko. Hindi. Tulong! "Amoy p-pawis ako at maasim, h-hindi rin ako naliligo." Pagdadahilan ko habang umiiyak pa rin.
Kaso, hindi sya nakinig. "Wag kang mag-alala, miss. Mahilig naman ako sa buro." Aba, lokong to!
Hinila nya agad ako at tinulak sa kama kaya napahiyaw ako. Pumikit ako nang mariin habang buong katawan ko naman ay hindi matigil sa panginginig. Iyak ako nang iyak pero walang boses kaya hirap na din akong huminga. Napakamalas. Inaatake pa yata ako ng asthma ngayon. Lalo tuloy akong kinabahan sa isiping wala na talaga akong magagawa. Wala akong laban. Walang magtatanggol saakin—
"P-Please... Please..." Bulong ko na para bang may kung sinumang makakarinig at tutulong saakin. Narinig ko ang pagtatanggal ng belt ng lalaki sa harapan ko. "T-Tulong... Parang a-awa nyo na."
"Continue and I'll shoot you." Agad akong napamulat nang marinig ang tinig na yon. Kita ko rin ang panlalaki ng mata ng magnanakaw sa harapan ko. Nabitawan nya ang kutsilyo at dahan-dahan na itinaas ang dalawang kamay. Saka ko napansin na merong lalaki sa likod nya at nakatutok sakanya ang baril na hawak nito. "Now. Move." Pinapunta nya sa gilid ang magnanakaw na muntik pang maging rapist kaya nakita ko na ang buong mukha nya ngayon. Lalo akong naluha pero bahagya na akong nakangiti.
Sandali nya lang akong tiningnan bago tinuhod ang kriminal sa kanyang harapan at pinagsusuntok ito hanggang sa mawalan ng malay. Gayunpaman, kita kong gigil na gigil pa rin sya. Halatang pinipigilan nya ang kanyang sarili kasi nanginginig ang panga nya maging ang kamao ny ay mahigpit ang hawak sa phone. Nag-dial sya sa cellphone nya. "Yes, police station?" Sinabi nya ang nangyari at binanggit ang place ko. Sa buong sandaling yon ay nakatanga lang ako sakanya.
Mula noong bata pa ako, naniniwala ako na ang buhay ay hindi isang fairytale. Hindi totoo ang prinsesang nasa bingit ng kamatayan o kapahamakan na ililigtas ng isang gwapong prinsipe. Nakaupo ito sa kabayo habang makisig sa suot nitong kasuotan.
Ngayon, napatunayan ko na. Hindi nga totoo ang fairytale. Walang prinsipe. Bagkus, ang nandito sa harap ko ay ang Boss ko na hindi maipinta ang mukha habang nakatitig sa kriminal na wala pa ring malay.
Wala ngang nakangiting mukha ng prinsipe, meron dito pero nakakunot ang noo. Walang kabayo pero may hawak syang baril. Wala rin syang suot na pang maharlikang kausotan kundi naka-pang office pa ang attire. Weird pero mas gusto ko ang prinsipe na to.
Tila naman huminto ang mundo nang unti-unti syang humarap saakin. "Are you okay?" Una nyang tanong. Hindi ako sumagot. Sa halip, agad akong tumayo at lumapit saka sya mahigpt na niyakap habang umiiyak pa rin. "It's okay now. I'm here. I'm here." Niyakap nya ako nang napakahigpit din. "No one can hurt you again." Hinahagod nya ang likod ko upang pakalmahin ako. "He can't hurt you again, stop crying,"
Nanlambot ang tuhod ko at alam kong mawawalan na ako nang malay. Pero kahit ganon, narinig ko pa rin ang mga sumunod nyang sinabi. "I'm here now. He can't hurt you again, Vien. I won't let him hurt you. I'll fight for you, he can't hurt you."
I don't know but... That's what hurts the most.
//
AGAD AKONG NAPAMULAT AT SINALAKAY NG KABA.
Nasaan na ako? Purong puti ang paligid. Anong nangyari?
"Glad you're awake. Damn. You slept for 10 straight hours." Napatingin ako sa gilid. Ang nangangalumatang blue eyes ang sumalubong saakin. Shit, si Boss.
Bumangon ako at doon ko lang natukoy na nasa hospital ako kasi nakita ko ang nakakabit na dextrose sa braso ko. At ano raw? 10 hours akong tulog!? So kung mga 6 pm akong nakauwi, it means nasa 4 am na!
Nakauwi! Parang bigla akong nanlambot nang maalala ang nangyari. May pumasok sa apartment ko at gusto akong pagnakawan pero sa huli, tinangka nya nalang ako pagsamantalahan. Oo, tama. Iyak na ako nang iyak pero dumating si Boss. Binugbog nya yung lalaki at tumawag ng pulis. Tapos...
Tapos niyakap nya ako at pilit pinapatahan.
"He can't hurt you again, stop crying. I'm here now. He can't hurt you again, Vien. I won't let him hurt you. I'll fight for you, he can't hurt you."
Vien...
"B-Binantayan moko... m-magdamag, Boss?" Nahihiya kong tanong. Tumayo sya bigla.
"Ofcourse not!" Mabilis nyang sagot at sumilip sa bintana. "Pumunta lang ako rito ulit ngayon. Umalis agad ako pagkadala sayo riyo. Dinaanan kita dahil titingnan ko kung makakasama ka sa out of the town business for today."
Napaismid ako. Akala ko pa naman binantayan ako. Hmp! Pero kahit na ganoon e hindi maaalis saakin ang labis na pasasalamat. Kung hindi sya dumating... baka kung ano nang nangyari saakin.
"Thank you so much, Boss. Kayo ang pinakahuling taong ini-expect kong darating don dahil wala naman kayong rason para pumunta sa apartment ko. You saved my life. Kung hindi dahil sainyo, baka... b-baka..." Ni hindi ko maituloy ang sasabihin.
"Pumunta lang ako ron dahil meron akong dinaanan malapit. Napulot ko rin kasi yung I.D at cellphone mo sa restaurant kahapon." What the— naiwan ko ang cellphone at I.D ko kahapon nsng magdinner kami ni Bernard!? Tapos sya ang nakapulot.
Sabagay, hindi malabo kasi nung pauwi na kami non, si Boss ang nakita kong papasok sa restaurant na may kasamang isang babaeng matanda na.
Pero ang bilis naman yata nya? I mean, nagdrive si Bernard nang mabilis papuntang apartment ko, sandali lang kaming nag-usap, tapos nga e nangyari yung sa lalaking magnanakaw. Wala pa namang 30 minutes yata yung pangyayaring yon sa kabuuan nang dumating sya. Ang bilis nilang kumain ng kasama nya ah? Tapos nagdrive pa sya?
Kaso hindi naman ako sobrang sigurado. Baka sa sobrang kaba ko na e hindi ko nalang napansin ang nakakalipas na oras. Imposible naman kasi yata na nang makita nya ang cellphone at ID ko e nagdrive agad sya para ibalik saakin yon.
"G-Ganon ba..."
"Para sa isang taong nagtitipid para makaipon ng pampaopera ng magulang, hindi ba masyado kang nagiging magasta, Ms. Bautista?" Humarap na sya saakin at salubong ang kilay. As usual. Ano na naman bang trip neto? "Doon ka pa talaga kumain sa resto na yon ah?"
"Wala na ba talaga akong karapatang kumain sa ganoong uri ng kainan?" Pinili kong magtaray para pagtakpan ang lahat pero sa kabaligtarang paraan ko sya gustong kausapin sa totoo lang. "Isa pa... nilibre lang naman ako."
"Just as I thought." Bulong nya sa sarili nya pero narinig ko. "Pinapayagan kitang makipagdate sa kung sinuman pero ayaw na ayaw kong maaapektuhan ang trabaho mo." Ano raw? Date? Iniisip nya banag nakipag date ako? "Pinalampas ko na yung pagkalate mo kahapon pero hindi na sa susunod."
"Opo, salamat, boss." Sarcastic kong sabi. Inisip nya talagang nakipagdate ako. Malisyoso rin pala ang isang to. Isa pa, sabi nya pinapayagan nya akong makipagdate. Kung sakali man, kelangan ko ba talaga ng pagpayag nya? Ano ko ba sya, tatay?
"Aalis tayo mamayang 6 am. Mag-ayos kana. Sa susunod, wag kanang tatanga-tanga. Lumipat ka ng apartment. Merong apartment na pinaparentahan din para sa mga empleyado ng kumpanya. Mas secure yon." Umalis na sya nang hindi nagpaalam. Well, para saan ba?
Nagpalit na nga akong damit. Nakahospital gown kasi ako. Inalis na rin ng nurse na nagpunta sa kwarto ko ang nakakabit saaking dextrose.
"Ma'am, nasaan na po yung asawa nyo?" Nagtaka ako sa tanong ng nurse. Wala nga akong jowa, kelan pa akong nagkaroon ng asawa? "Yun pong nagdala dito sainyo sa hospital. Asawa daw po nya kayo." Tila nagtataka na sya saakin.
Si Boss pala tinutukoy nya? Hm, baka sa sobrang panic ni Boss e sinabi nya nalang na asawa nya ako.
"Umalis na sandali kasi marami pang inaasikaso yung asawa ko." Pagsakay ko sa pagkakaalam nya.
"Sana po makapagpahinga na sya kasi mula nung dalhin po nya kayo e hindi na sya nagpahinga. Sobra nga po syang nagpa-panic kagabi pa. Ang sweet at ang swerte nyo po sa asawa nyo, ma'am." Daldal nya habang may kung anu-ano pang binibigay saakin."Pirma po kayo dito." Pumirma na ako. Buti nalang at sinabi nyang binayaran na ng asawa ko ang bill ko. "Maya't maya po nagpapabalik-balik sya sa nurse's station. Tinatanong kung bakit hindi pa raw kayo nagigising. Kung tama ang bilang ko, mga sampung ulit po syang bumalik tapos uli-uli ding hinahanap si Doc."
Nagdadaldal pa sya pero hindi ko gaanong pinansin. Alam ko naman na baka nagbalik lang ang trauma nya. Tinawag nya pa nga akong Vien. Tss.
Bago mag-5 ay nakalabas na rin ako. Umuwi ako sa apartment at inayos ang mga dadalhin ko. Meron kaming 2 days out of the town business trip na pupuntahan ni Boss at excited na ako kasi sa Bataan yon. My Hometown. Gayunpaman, diko alam saan eksakto, yung driver nalang daw na nakatalaga ang magdadala saamin saanman yon.
Pinag-isipan ko na rin ang sinabi ni Boss saakin. Tama, ang pinakamaganda at matalinong paraan ay ang lumipat ng tutuluyan. Kinausap ko kaagad si tita ko na may-ari netong apartment na lilipat na ako sa lalong madaling panahon. Pumayag naman sya kasi sinabi kong mas secured sa lilipatan ko at isa pa, pag-aari yon ng pinagtatrabahuhan ko. Nakakulong na yung nanghimasok kagabi at nalaman kong hindi lang pala ako ang pinasok. Nung dumating ang pulis kagabi, doon lang nila napansin na nanakawan na rin pala ang iba.
By exactly 5:40, paalis palang ako para bumyahe papuntang company ay pumarada na ang itim na kotse. Hindi tinted kaya nakita ko agad si Boss na nasa likod ng sasakyan. Talagang sinundo ako ng driver dito ah?
Binuksan ng driver ang pinto sa tabi ng driver's seat. Napansin ko kaagad ang itsura ng driver. Maaliwalas ang bukas ng mukha at nakangiti agad saakin. Bata pa sya, mga kasing edad ni Boss so mga 2 years older saakin. Brown na brown ang mga singkit nyang mata, matangos ang ilong at maputi ang kutis.
Papasok na sana ako nang bumukas ang bintana sa tapat ni Boss. Masama ang tingin saakin. "Dito ka uupo. We'll discuss about this whole business trip. Bakit sakanya ka tatabi? Unless, sya na rin ang maging boss mo." Awkward na ngumiti ako sa poging driver. Kapag talaga gwapo ang lakas ng radar ko e. Pero yung driver e ngiting-ngiti pa rin, halatang hindi iniinda ang mga narinig.
Binuksan nya ang pintuan sa tabi ni Boss. He looked at me flatly at sabay pa naming in-snob ang isa't-isa bago ako umupo sa tabi nya. Ang dami nyang sinabi, pwede namang sabihin nya nalang na dito ako sa likod maupo.
Umandar na ang sasakyan at hinihintay ko anumang discussion ang sinasabi ni Boss pero nakapikit lang sya sa tabi ko. Nakakabagot naman. Edi sana kung hinayaan nya akong umupo sa harap, mas hindi nakakahiyang makipagkwentuhan kay kuyang driver. Ayoko pa namang mapanisan nang laway. Malamang mga limang oras ang byahe papuntang Bataan.
"Ah, kuya, saan po tayo sa Bataan?" Sandali akong tiningnan ni Kuya sa salamin bago sumagot.
"Sa isa pong resort sa Hermosa Bataan."
Nakaramdam ako ng excitement! Omg! Hermosa daw! It means sa District namin. Pero saan naman kayang resort? Malapit lang kaya saamin? Madadanan ba yung lugar namin? Makakauwi kaya ako sa bahay kahit saglit lang kung makakasalisi man ako kay Boss?
"Totoo ba yan? Nako, excited na akong umuwi. Saang resort ba yan? Didi's? Funtabelle? Balon? Sa Sunshore—"
"Quiet." Nagulat ako nang magsalita ang katabi ko. Muntik na akong atakihin samantalang sya e chill lang na nakapikit pa rin. "Ms. Bautista, ang mabuti pa e pag-aralan mo to." Itinaas nya ang folder na nakapagitan saamin.
Nagusot ang mukha ko pero agad nawala nang mabuksan ko ang folder. Sa Funtabelle! Sa loob lang to ng barangay namin. Malapit lapit sa bahay! Diko maiwasang mapangiti nang napakalawak. Buti nalang talaga dito kami pupunta, nawala na ang inis kong nararamdaman at pagkabagot. Nagpasya na akong basahin nga at pag-aralan ang resort.
Ang kaso, mukhang nananaginip pa si Boss. May kung ano syang ibinubulong habang malalim ang paghinga nya. Naisip kong lumapit ng konti para di maingay ang paggigising ko. "Boss? Boss!" Tinapik ko nang konti ang pisngi nya kaso ayaw talagang magising. "Boss Adam? Mr. CEO? Mr. Cold hearted CEO? Mr. Adam Lucky Lacuezo? Mr. Lacuezo? Mr. Lucky? Bossabos? Sungit? Mr. Devil? Mr. Green eyes? Yuhuuu!" Lahat na e itinawag ko pero ayaw talaga. Ayoko naman na gisingin sya nang malakas dahil baka mabigla raw sya. Sabi nila, masama raw yon. "Boss Adam..." Tinapik ko ulit nang mahina ang pisngi nya.
Muntik na akong mapasigaw nang hawakan nya ang kamay ko. Nagmulat sya nang mata at tinitigan ako sandali. Muntik nang tumigil ang tibok nang puso ko sa titig nya. "Hey." Namamaos na aniya. "I like you..." Napalunok ako.
"Vien." Dagdag nya pa.
I'm not Vien but I like you too...