Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 9 - CHAPTER 7: Sorry

Chapter 9 - CHAPTER 7: Sorry

HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA. PAANO MAG MOVE ON!?

Hindi ko na namalayan. Nawala ata ako sandali sa sarili ko dahil bigla nalang nang matauhan ako ay nandito na ako sa napakagarbong mansyon na to na tinutuluyan ni Bernard.

Nag-aano ba ako dito? Bakit ako nandito?

Pinakiusapan nya ako na samahan sya. Nilinaw nyang wala syang ibang kasama kundi ang mga katulong.

Dapat di ba matakot ako dahil lang sa ipinagtapat nya saakin na pamilya nya ang may pakana ng nangyari kina boss at girlfriend nya noon? Pero wala e, ni hindi ko sya magawang pagdudahan. Hindi naman sa pagiging uto-uto pero itataya ko ang lahat ng halaman at tupperware ni mama. Hindi masama si Bernard.

Maaaring naging masama ang parents nya pero iba sya sa kanila. Hindi sya makakapanakit ng tao, yan ang paniniwala ko.

Pagkauwi ay parang doon tumalab ang epekto sakanya ng alak. Para syang bulate na pagewang-gewang naglalakad. Buti at tinulungan ako nung family driver nila na ihatid sya sa kwarto nya sa 2nd floor.

Uuwi na sana ako kaso pagtapat sa kwarto nya ay sinukahan nya naman ako.

"S-Shorry..." Halatang wala na to sa katinuan. Tsktsk. "Merong kwarto dyan, mamili ka nalang, madaling-araw na, wag kana umuwi."

"Dapat lang no. Matapos kitang tulungan tapos sukahan moko. Dapat lang talagang pagbayaran mo lahat to." Biro ko at tumawa lang sya. Adik amp.

Inihiga ko sya sa kama nya at kumuha naman ang isang nakaalalay ding matandang katulong ng malugamgam na tubig.

Habang nasa baba ang katulong ay bumulong sya saakin. "I-Ikaw magpunash shakin ah? M-May shikreto kashi ako na hindi ko pwedeng... ipakita kila manang Shabel." Wala akong makapang inis o ka-awkward-an sa sinabi nya. "More on... ayokong ipakita. Sha nag-halaga shakin mula pagkabata, shiguradong mag-hahalala sha." Tumango nalang ako. Buti nalang nasanay na ako sa mga lasing naming kapitbahay noon na makukulit pa ring nangungutang nang alak kaya naman naiintindihan ko nang malinaw ang mga sinasabi nya.

Naglinis muna ako sa napili kong kwarto tapos nagbihis na rin ng naroong T-shirt at short. Guest room ata to kasi mga nakaseal pa ang mga gamit. Nagtoothbrush na rin ako, syempre. Pero mabilisan lang lahat kasi nga may gagawin pa ako.

Maglilinis pa ako ng lasing, remember? Tsaka sikreto daw oh? Chismis to!

"Ako na po bahala sakanya." Nakangiti kong sabi sa matanda na nagpakilala ngang Manang Sabel. Ngumiti sya pabalik at iniwan na nga ako.

Inalalayan ko syang tumayo at sya mismo naghubad sa suot nyang polo kahit hirap pa. Nakatalikod sya saakin kaya naman napasinghap ako nang bumungad sa likod ko ang napakaraming peklat sa likuran nya.

Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko at t-n-race ang isang napakalaking peklat. Bigla pa syang napapitlag.

Humiga na sya sa kama at pumikit habang nakangiti nang konti. "Hindi ko pwedeng... shabihin to. Ayokong may... makahalam. Kaya shecret lang huh?"

Sinimulan ko nang punasan ang mukha nya. Napakaamo. Sinong maniniwala na kahang gumawa nito nang masama?

Gustong-gusto kong magtanong pero may kung anong pumipigil saakin dahil una sa lahat, wala naman kong kinalaman sa kanila.

Matapos ko syang punasan nang ni hindi nakaramdam ng awkwardness ay binihisan ko sya ng simpleng white T-shirt at short, syempre pa ay hindi ko naman inalis ang suot nyang boxer.

Maganda ang katawan ni Bernard. May abs pa nga e. Kaso, namangha lang talaga ako nung nakita ko. Hindi naman yata totoo ang mga nababasa ko sa mga story na yung babae e nakakaramdam ng hiya o anumang eklabu kapag nakakakita ng hubad na katawan lalo kapag virgin.

O sadyang wala lang talaga akong kahihiyan? Hmm, pwede.

Akala ko ay natutulog na sya pero nagulat ako kasi bigla syang nagmulat nang mata ulit pagkaupo ko palang dahil sa pagod sa paglilinis sakanya. "Thank you. Wala na akong ibang nakashama dito bukod sha mga kashambahay."

Napakadaldal ni Bernard. Nung una ko syang makita, medyo halata naman na friendly sya at madaldal pero ngayong lasing sya e times ten ang kadaldalan nya. Walang preno ang bibig. I wonder, ganto rin kaya si Boss Adam noon?

Nabanggit nya saakin na hindi ito ang mansyon ng pamilya nya. Sakanya to pero madalang lang rin syang umuwi dito, madalas daw ay nandon sya sa condo unit nya. Wala pa syang asawa at single nga raw sya hanggang ngayon e.

"2 yearsh palang hako rito sa Pilipinash. Humalish ako mataposh nung nangyari kila Adam." Naintriga na naman ako. Bakit sya umalis?

Nakapikit na sya at lahat pero tuloy pa rin sa kwento.

"Iniship ni Hadam na hako ang nagshumbong sha kanila ni Vien dahil hako lang daw nakakahalam na magtatanan shila. Pero hang totoo..." Tumawa sya nang sarcastic. "Nang gabing yon, nalaman ko hang plano nila dad. Balak nya rin pala kashing tumakbo sa pagka-Governor at naiship nila na patayin shila Hadam at Vien para lalong mashira ang dalawang pamilya. Kashi mag-hishang hanak shila Vien at Hadam tapos kapag namatay nga naman shila... mawawalan na ng ganang mabuhay ang parentsh nila. Baka marealize na din na ayusin na ang away ng dalawa at pareho nang humatrash sa pagtakbo sa eleksyon na paparating."

Ang shama— este, ang sama naman non!

"Sha hiship ni Hadam shiguro... Shinabi ko yong tungkol sa tanan nila para ilibing sha ng buhay at masholo ko shi Vien. Kasho namatay shi Vien e. Kaya ang naiship nya... shinumbong ko shila para sa plano ng parentsh ko. Di nya alam, ako nagshuplong kila dad sa ginawa nya kaya hanggang ngayon nakakulong shila. Nagshishi shi dad pero nahatulan sya ng life imprisonment. Tanggap nya naman." Huminto sya. Akala ko ulit tulog na. "Pero ako hindi pa rin. Nashira ang buong buhay ko dahil don."

"Okay na. Alam kong mahirap para sa'yong magkwento." Sumisinghot-singhot pa ako kasi kanina pa ako lumuluha dito.

"Thish feels great. Sharing this to someone. Mashaya ako na hikaw to. Gushtong-gushto kong shabihin to kay Adam pero wala hakong lakash ng loob."

Nang marinig yon ay hinayaan ko na sya.

"Minahal ko noon shi Vien. Pero tanggap ko na shi Adam ang mahal nya. Hinding-hindi ko gugushtuhing shaktan shila para sha politika o anuman. Hindi ako selfish para gushtuhing maangkin at masholo shi Vien." Pumapatak ang luha nya sa gilid ng mata nya dahil nga nakahiga sya at nakapikit din. "Nang malaman ko ang plano nila dad, pinuntahan ko sila Vien at Adam pero huli na ako. Nakita ko mula sa di kalayuan ang bangkay nang si Vien at hindi ko naman halam non na nilibing nila shi Adam sha kung shaan mang bahagi nung private resort na yon." Kita ko ang pagkuyom nang kanyang mga kamao. "Hindi nila alam na anak ako nang nag-hutosh shakanila kaya kinuha din nila ako. They also tortured me. Ginawa nila hakong laruan dahil daw bored shila kashi taposh na ang inutosh shakanila.

"Hindi naman ako nakapagpaliwanag non dahil agad nilang tinakpan ang bibig ko. Hikinadena nila hako sha ishang underground at pinaglalatigo. Araw-araw, mala-impyerno ang shinapit ko. Akala ko nga mamamatay na ako.

"Pinaso nila ang iba't-ibang bahagi ng katawan ko at hinampas ako ng kung anu-anong bagay. Mga kahoy, bat, raketa... kinuryente nila ako at akala ko katapusan ko na."

Umaayos na ang pagsasalita nya. Parang hindi na salitang lasing. Nanginginig na rin ang kamay nya sa labis na pagkakakuyom at... galit? Takot? Gigil? Pagsisisi? Ewan.

Niyakap ko sya mula dito sa gilid. "Tama na... Bernard, tama na. Sige na ha? Tama na..." Paulit-ulit kong bulong sakanya. Kahit ako ay dalang-dala na.

"They lashed me, pinapainom lang nila ako ng tubig isang beses isang araw. Halos naghihingalo na ako nang makalipas ang dalawang linggo, don nila nalaman mula sa balita na ako nga ang anak ng boss nila. Imagine their fear. Ilang beses silang humingi nang tawad saakin pero wala ang sakit na dinanas ko sa kamay nila sa sakit na naramdaman ko nang pumasok sa isip ko ang lahat.

"Sinumbong ko si dad kaya nakulong s'ya. Nagsisi sya dahil sa sinapit ko. Namatay si Vien at nang makaalis ako mula sa underground na yon ay nailibing na sya. Ni wala akong lakas nang loob na pumunta sa sementeryo para dalawin s'ya.  Comatose non si Adam at makalipas ng dalawang araw ko sa hospital, hindi ko na kinaya at bumigay na rin ako. Na-comatose rin ako at dinala ako ng grandparents ko sa ibang bansa hanggang sa inabot yon ng dalawang taon naman. Nang magising ako, kinailangan ko namang unattend ng iba't-ibang counseling at nagsawa nako sa pakikipag-usap sa mga psychiatrists.

"Ilang... Ilang beses kong pilit kinocontact si Adam sa iba't-ibang paraan para makausap sya pero nang malaman kong galit sya saakin at ako ang sinisisi nya, umurong akong bigla. Akalain ko yon? Pagkagising ko mula sa matagal na 'pagkakatulog' e malalaman kong isinusumpa na ako ng bestfriend ko noon. Ayoko nang bumalik. Wala na sa plano ko. But 2 years ago, napanaginipan ko si Vien. Nakangito sya saakin sa panaginip ko, hindi sya nagsasalita pero alam kong eto ang gusto nya. Gusto nyang bumalik ako dito sa Pilipinas, so I did.

"Dalawang taon na ako dito pero naduwag na naman. Ayoko na sana, aatras na ako. Pero nagbago ang lahat nang isang araw, nag-aabang ako sa harap ng company building nya, nakita kita. Kasabay mo syang naglalakad noon papasok sa building at may kung ano kang sinasabi. Harap-harapan mo pa nga syang inirapan non kaya natawa ako. Nalaman ko na secretary ka n'ya. Inaalam ko ang buhay nya sa mga nakalipas na taon kaya alam kong never syang nagkaroon ng secretary na babae.

"Ang lakas din ng loob mo samantalang iba na ang ugali nya ngayon, nagagawa mong irap-irapan," tumatawa sya habang umiiyak pa rin. "Baka kako okay na sya kahit konti. Tsaka narealize ko na... bakit ikaw nagagawa mo yon sa kanya, ako ni hindi makalapit samantalang dati kaming best of friends? You made me realize many things, you know? That's why one day, I gathered my strength and face him. Nung nag-tresspass ako sa office nya. Ang kaso... wala pa rin talaga. Hindi ako nakapagsalita. Sinabi nyang... hindi pa sy handa."

Yun pala ang nangyari non. Pero naaalala ko non, yung mukha ni Boss... hindi sya mukhang galit na nagkita sila ni Bernard. I mean hindi lang galit.

Kaya rin pala kakaiba sya nung araw na yon. Pinauwi pa nga ako nang maaga. Tapos... naglasing...

"Alam mo, kinagabihan, naglasing sya non. Hindi kaya—" I was interrupted. Paano ba naman, biglang humilik sya nang malakas. Okay, mukhang eto na ang katapusan ng chismis. "Wokey! Sana maging better kana, hindi man ngayon... sa mga susunod naman na panahon."

Kinumutan ko sya dahil malakas mejo ang aircon. Pumunta na ako sa guestroom para matulog na rin. What the, 3 am na!

Patay kang Jazlyn ka!

///

"YOU'RE LATE MS. BAUTISTA!" Iyon ang inaasahan kong bungad saakin ni Boss nang 9 am akong makarating. Nakasalubong ko sya sa groundfloor dahil kagagaling nya lang ata sa meeting at ako naman ay kararating lang.

Bukod kasi sa higit 3 am na akong nakatulog kanina ay hindi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko. Nagdadalawang isip pa nga ako kung papasok ako or kung papasok pa ba ako. 7 am akong nagising at hindi na ako nakapagpaalam pa kay Bernard dahil tulog pa sya kaninang umalis ako.

Pero bago pa ako makapagsalita para humingi ng tawad ay inutusan nya agad akong ayusin ang files sa mesa nya at ayusin na rin ang iba nya pang schedule. Kaya naman magkasabay na kaming umakyat sa opisina nya. Sabay din kaming pumasok ang I swear, sobrang awkward.

Bakit ba hindi sya nagagalit saakin? Dapat sa ngayon, magkasalubong na ang kilay nya tapos sinisigawan ako. Dapat kanina palang sa harap ng ibang empleyado e pinapahiya nya na ako gaya ng ginagawa nya sa iba at saakin nung mga nakaraan.

Sa halip, prente syang nakaupo sa swivel chair nya at nagpipipindot sa laptop. Ako naman? Heto, todo tingin sa mga laman ng folder sa mesa nya para i-sort ang mga ito.

Napakatahimik kaya lalo akong kinakabahan. Yung pananahimik nya ay parang kalmadong sandali bago ang delubyo at mukhang magsisimula na ang delubyong sinasabi ko nang dahil sa panginginig ko ay nalaglag ang ibang hawak kong folders. Pati na rin ang tasa na nasa gilid ng mesa nya.

Pinulot ko agad ang mga folder at naisip na walisin nalang ang mga bubog ng nabasag pero naramdaman kong tumigil sya sa ginagawa. Nang tingnan ko, tama ang hinala ko. Nagtatangis na ang bagang nya habang nakatingin saakin.

"You..." Napapikit pa sya at halatang gigil. Kung kanina pa pala sya galit sakin, sana kanina nya pa nilabas. Hindi yung iniipon nya pa tapos ngayong umaasa akong ayos na e saka sya magagalit.

Gayunpaman, wala akong magawa. Hindi ako yumuko. Bagkus, pinagmasdan ko sya nang mabuti. Kahit na nagmulat na sya nang mga mata at nakikita ko ang galit sa mga yon ay hindi ako nag-iwas nang tingin.

Hindi sya ganito dati...

I wonder, ano at paano sya noon? Sweet sa girlfriend nya? Mapagmahal? Masayahin? Kasingtamis din kaya ng ngiti nya noon ang ngiti nya saakin nang nakaraang malasing sya? Pikon din ba sya non? Madaling magalit? Palakaibigan? Parang may kung anong kumirot sa puso ko. Hindi lang dahil sa kung ano na sya ngayon kundi dahil parang nakaramdam ako nang inggit sa mga nakakita ng dating sya.

Ipinilig ko ang ulo ko. Ang dami kong naiisip tsktsk. Antok pa ata ako. Kulang sa tulog kaya kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Masama na to. Baka kapag nagpatuloy pa ako sa ganito e mabaliw nako nyan.

"Sorry sir." Yumuko ako nang marealize na  matagal na akong nakikipagtitigan sakanya. Doon palang ako nakaramdam ng ilang. Grabeng paglipad ng utak ko. Diko namalayang halos mag-staring contest na kaming dalawa. "I'm really sorry. Ako naman ang may kasalanan so ibawas nyo nalang po sa sahod ko ang nabasag na tasa at pati ang pagka-late ko ngayon. Meron lang kasi akong—"

Napatigil ako nang hawakan nya ang kamay ko. Nakatitig sya ron at napatingin din ako. Saka ko napansin na merong konting dugong nanggagaling mula ron. Diko napansin. Nabubog pala ako.

Kita ko ang paggalaw ng panga nya at sandaling pagpikit saka binitiwan ang kamay ko. Tumayo sya at may kinuha sa cabinet. "Let's clean your wou—" tumigil sya sandali saka nag-iwas nang tingin. "Clean it yourself and use this." Inabit nya saakin ang hawak nya. First aid kit pala yon. "Talagang ibabawas ko yan sa sahod mo." Umismid pa sya kaya napairap nalang din ako. Bumalik na naman sya sa pagiging weird at abnormal. Pero kahit ganoon, diko pa rin maiwasang ma-guilty sa lahat-lahat as in!

Tumango nalang ako saka na binuksan ang pinto. Pero sandali ko muna syang hinarap. Ewan. Ang emosyonal ko nung part na inabot nya saakin yung first aid kit. Ramdam kong may namumuong luha na sa paligid ng mata ko kaya kumurap-kurap ako saka ngumiti sakanya. "Boss, salamat dito. Tsaka sorry."

"You don't need to. Ibabawas ko naman yan—"

"No. Not that." Tanggi ko. Tumaas ang kilay nya. Waring naguguluhan. "Basta sorry."

Sorry dahil naiinis ako nang hindi inaalam saan nagmumula ang ugali mo. Sorry kung hinushahan kita base sa mga nakikita ko. Sorry dahil wala akong alam. Sorry sa lahat ng mga sinabi ko. Sorry dahil ginusto kong gumanti. Sorry kung pinapasakit ko man ang ulo mo.

Higit sa lahat... Sorry kung ako pa ang unang nakaalam ng mga totoong pinagdaanan ni Bernard noon kesa sa'yo at sorry din kung hindi ko rin pwedeng ishare sa'yo yon. Naniniwala kasi ako na mas lalo kang masasaktan.