Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 8 - CHAPTER 6: Truth Behind

Chapter 8 - CHAPTER 6: Truth Behind

"SAMAHAN MOKO." Sabi ko sakanya nang makita ko syang prenteng nakaupo sa mesa ng office ko talaga bilang secretary. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero gumagamit sya ng computer na nakapatong sa mesa.

Kasabay ng pagpapalit namin ng posisyon ngayong araw e nagpalit din syempre kami ng office.

Well, nga pala, talagang hindi ko napaalis tong gwapong green eyes na to sa kumpanya kanina. Kahit sinabi ko nang fired na sya ay nanatili pa rin talaga sya dito. Makulit. Pero okay na rin to dahil may makakasama ako sa pupuntahan ko ngayon.

Mukhang tamad na tamad syang nag-angat saakin ng tingin. Para bang sinasabi na... "Kanina tinanggal-tanggal moko sa trabaho, di ka rin makatiis ngayon."

"May importante akong pupuntahan kaya kung ayaw mong totohanan na kitang tanggalin e bilisan mo." Umirap pa ako sakanya. Tumayo naman sya kaagad at sinundan nga ako nang maglakad na ako.

Wala kaming imikan hanggang makarating kami sa labas. Wala ring naglakas-loob na magkumento kung bakit etong si Mr. Adam Lucky Lacuezo na cold at napakasungit e nakasunod saakin ngayon na para bang tauhan ko sya.

"Where to?" Aniya maya-maya nang nsa labas na kami.

"Nasaan ang kotse mo?" Mukhang pinipigilan nya lang talaga ang sumabog ang galit nya. Masyado nyang gustong manalo saakin. At kapag napikon sya at sumuko, it means talo na sya.

Nagpatiuna sya sa kotse nya. Sumakay ako at inutusan syang sumakay na din. Syempre, sya ang driver. "Where are we going?" Mahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela, parang gusto na akong sakalin. Sige lang, mapikon ka lang.

"Mag drive ka lang papunta sa pinakamalapit na Jollibee."

Ang akala ko e sisigaw na sya dahil sa sama nang tingin nya saakin pero pinanatili nyang kalmado ang sarili nya. In all fairness, sinunod nya ang sinabi ko.

Bumaba ako sa sasakyan, nanatili naman syang nakasunod saakin. "Lunch time na. Dito tayo kakain." Sabi ko nang makitang mukhang magtatanong na naman sya. Daming tanong e, bata lang ang peg? "Humanap ka ng table, good for two. Order lang ako."

Umorder ako ng napakaraming pagkain. Rice, chicken, coke float, spag, burger, fries at kung anu-ano pa. Actually, kulang pa saakin to pero pwede pa naman ulit umorder kapag nagutom ulit ako hehe. Syempre pa, sya magbabayad neto. Sakalin ko sya.

Tinulungan ako ng isang staff sa Jollibee dahil sa rami ng order ko. Nadatnan ko si Adam na nakaupo roon at mas visible na ang iritasyon sa muka nya. Paano ba namang hindi, halos lahat ng tao dito sa loob e nakatingin sakanya, mapa-babae man o lalaki. Yung iba pa nga e may hawak na camera at pasimple syang pinipicture-an o bini-video-han.

Bigla akong nakaramdam ng inis. Sino sila para tingnan at picture-an ang secretary ko? Inirapan ko ang ilan sa kanila kaya naibaba ng iba ang mga camerang gamit nila.

Inis na inis talaga ako. Sa sobrang inis ko nga e spag lang ang ibinigay ko sakanya.

"What the hell! Can you eat that?" Nakataas ang kilay na tanong nya.

"Oo, kulang pa nga saakin to e. Gusto mo, sumama kana. Pati ikaw, kakainin ko—" napahinto ako nang marealize ang sinasabi ko. "Kumain kana nga lang. Dami mong satsat!"

Nagsimula na akong kumain, talo-talo na talaga basta usapang pagkain.

"Paano mo..." Hindi nya maituloy ang sinasabi habang nilalantakan ko ang manok. Napansin nya siguro na ubos na ang spaghetti pati ang iba kong inorder samantalang sakanya ay wala pang bawas.

Nilunok ko lahat ng nasa bibig ko at tiningnan sya nang masama. "Manahimik kana!"

"Ikaw ang manahi—"

"Pwede ba! Wag kang magsalita lalo na kung tagalog ang lenggwaheng gagamitin mo!" Nanggagalaiti kong sigaw.

Napanganga sya sandali. "Ano bang problema mo?" Putakte, sinabi nang wag magtagalog e.

"Manahimik ka!!!" Binitawan ko na ang kinakain ko. Pansin kong napapatingin na rin ang ilang mesa na malalapit saamin.

"Bakit ba—"

"Nangigigil ako! Ang sexy mong magtagalog punyemas ka!"

Katahimikan.

Napansin kong saamin na nga nakatingin ang lahat. May isa pang staff na nabitawan ang dala-dala habang nakatulala rin saamin.

"Ang pangit mong magtagalog! Masakit sa tenga!" Sabi ko na kunwari ay mali lang ang narinig nilang lahat. Ipapatahi ko na tong bibig na to eh! Kaasar! "Anong tinitingin-tingin nyo?" Kunwari ay masungit kong singhal sa ibang costumers na nakatunganga pa rin. Nagsipag-iwas sila nang tingin at kahit na awkward ay kumain na ako.

///

5 pm, nagtatrabaho pa rin ako sa office. I mean, nakatunganga nga ako tapos si Secretary Adam naman ay nandito rin sa CEO's office. Nasa mesa sya sa gilid habang may kung anong tinitipa sa laptop. Sa pinaka office kasi na to ay merong mesa ng CEO tapos isang swivel chair kung saan nga ako nakaupo. Tapos sa bandang sulok ay may isa pang mesa na may apat naman na upuan. Nandon sya.

Ayoko pang pauwiin, duh, bukas malamang babalik na naman kami sa normal.

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sakanya.

"Stop staring at me woman." Kahit hindi nakatingin saakin ay alam nya pa rin? Angas.

"I'm not staring at you." Maarte kong sabi. Nag-iisip kasi ako kung paanong ang gwapong mukha na yan ay may magaspang na pag-uugali.

Nag-iisip rin ako ano pang pwede kong iutos sakanya. Mukha naman kasing hindi nya iniinda ang pinapagawa ko. Bukod sa pagsusungit e hindi sya nagrereklamo. Sumusunod pa nga sya e.

Pinagtimpla ko ulit sya ng kape, pinag-ayos ng folders dito kanina sa mesa, pinag-vacuum ko pa nga. Ako lang ang naaasar sa mga pang-iinis ko. Unfair talaga. As secretary kaya, nababadtrip sya saakin? Iniisip nya lang rin kaya na inisin ako pero ang nangyayari ay sya lang ang naaasar sa huli?

Muntik pa akong mangudngod sa mesa nang biglang tumunog ang phone ko. Paano, ang tahimik tapos biglang tumugtog ang call ringtone kong Dynamite, kanta ng BTS. Eto pinili kong ringtone kasi ang saya ng beat tapos syempre pa, andito ang bebe, este asawa ko.

Tiningnan ko ang tumawag at unknown ang nakalagay. Inisip ko kung sinong pwedeng tumawag na hindi nakaphone book sa contacts ko. Pero sinagot ko na. Baka importante.

"Yes, hello?" Nakatingin pa rin ako sa secretary ko (BWAHAHAHAHA) at napansin kong saglit syang sumulyap saakin bago tinuloy ang anumang ginagawa n'ya.

"Hi, Jaz?" Napakunot noo ako. Familiar ang boses pero hindi ko maalala. "Hey? Si Bernard to!"

"Oh-em-gee, di nga?" Napatayo ako sa gulat pero ngumiti na rin. "Saan mo nakuha ang number ko?"

"I have my ways." Mukhang nagbibiro ang tono nya. "By the way, napatawag ako kasi—" nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil may narinig akong malakas na ugong tapos namatay na ang tawag.

"Anong nangyari don?" Bulong ko sa sarili ko. Pero hindi ko na gaanong pinansin pa. Umupo ulit ako. Huling-huli ko si Adam na nakatingin saakin. Umirap ako. "Quit staring at me." Panggagaya ko. "Go back to work!" Pumalakpak pa ako pero ako naman ay tumunganga ulit.

Naisipan ko nalang i-video call ang mama ko. Ilang beses lang nag-ring at sinagot na rin nila. Ang unang bumungad sakin ay ang ilong ng bunso kong kapatid, 5 years old lang pero magaling na sa cellphone. Nasobrahan nga siguro to sa gadgets e kasi ang daming alam likutin. "Ate!" Kumaway kaway pa sya at mukhang tumatakbo sya dahil sobrang likot ng camera.

"Wag kang tumakbo!" Bilin ko pero hindi sumunod. Hanggang sa napansin kong pumasok sya sa kwarto. "Ma!" Bati ko dito nang iabot ng kapatid ko ang cellphone.

"Oh, anak, kamusta kana? Yang trabaho mo, okay ba?"

"Oo naman po. Okay na okay ako dito."

Nakikita ko na rin sa camera ang iba kong mga kapatid. "Ate!" Nagsigawan sila kaya lumawak ang ngiti ko. "I miss you ate! Pasalubong ko. Bili moko bike." Sabi ulit ng bunso kong kapatid.

"Aba, oo naman! Bibili ko kayong lahat ng bike kapag okay na yung sa operasyon ni mama. Iipon muna si ate."

"Wag ka naman masyadong magpapagod dyan ah? Baka naman ini-stress mo masyado sarili mo sa pag-iipon?" Ngumiti lang ako habang umiiling. "O kaya e baka nagpapasaway ka sa boss mo? Nasa opisina mo ba ikaw?"

"Hindi po, sa opisina po ng boss ko."

"Anong ginagawa mo dyan anak? Di ba sabi mo ayaw ng boss mong may ibang tao dyan dahil kamo e masama ang ugali?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama. Tumingin agad ako sa kasama ko at parang di nya naman pinansin ang narinig nya. Imposible rin naman kasing hindi nya marinig dahil malakas ang volume ng phone ko.

"A-Ano kasi ma... May ano.. May sakit yung boss ko kaya sakin nya muna ipinagkatiwala tong mga gagawin nya, hehe."

Halatang may pagdududa pa rin si mama kaya nagpaalam na rin ako.

Nangako rin akong iipunin ko ang sahod ko para sakanya. Para sa kanila.

Nang tumayo si Adam ay tumayo na rin ako. Awit, oo, Adam naman tawag ko. For today lang naman.

"Saan ka pupunta—"

"I'm going home. I'm done with everything. Sinunod ko na rin ang mga inutos mo." Dire-deretso na syang umalis. Badtrip yun ah. Kapag ako—!

Napansin kong mags-7 pm na pala. Ang bilis naman ng oras at mabilis din ang araw na to. Parang wala naman akong gaanong napala sa pagiging CEO ngayon liban sa ilang bagay na nagantihan ko sya, hehe.

Okay na yon.

Napagpasyahan kong umuwi na rin. Bumaba na ako at sumakay na ng taxi. Wala na rin gaanong tao dito sa building liban sa ibang mag-o-overnight.

Kabababa ko lang sa taxi nang tumunog ulit ang phone ko. Si Bernard na naman. Sinave ko na kasi number nya.

"Hello?" Ani ko habang binubuksan ang apartment ko.

"Jaz?" Nagtaka na naman ako. Ibang boses na naman to. Pero pamilyar din.

"Ah, sino to?" Inikot-ikot ko ang ulo ko. Nagka-stiff neck na yata ako dahil sa pagtunganga maghapon. Para akong nangalay kasi wala nga akong ginagawa kanina.

Totoo pala talaga yung "galaw-galaw, baka pumanaw" na sinasabi nila.

"Si Heider to." Pinilit kong alalahanin sino ang Heider na kilala ko. Ah oo nga pala— "Yung sa bar kaninang madaling araw. Aray, ikaw ang unang babaeng mabilis nakalimutan ang gwapo kong mukha." Madamdaming nyang sabi.

"Syempre, diko naman napansin ang kagwapuhang sinasabi mo." Biro ko at humalakhak naman sya. "Nga pala, bakit nasayo ang cellphone ni Bernard?"

"Ah, wala. Kasi nakita ko sya kanina na nakangiti habang may kausap sa phone. So, nagpustahan kami ng mga tropa ko na hulaan sinong kausap nya, kung girlfriend nya o kalandian lang. Ikaw ang nasa recent call nya kaya... ikaw siguro yon no?"

"Ah, oo. Kanina pa yon kaso biglang namatay ang tawag nya."

"Mm, inagaw ko kasi ang phone nya kanina. Pero ngayon-ngayon ko lang napakelaman kasi kailangan ko pa tong itakbo tapos naglaro kami rito e. Buti nalang bulagta na sya ngayon."

"Naglaro kayo tapos bumulagta na?" Napaisip ako. Naglaro sila tapos napagod nang ganon? Ano namang nilaro nila?

"Oo, laro lang talaga. So... ano ka ni Bernard? Girlfriend o kalandian lang?" Napakachismoso talaga neto kahit kailan.

"Wala sa nabanggit."

"Oh, come on, Jaz! Hindi ko naman sasabihin kay Adam." Tumawa pa sya pagkatapos. Napangiwi ako na parang kaharap ko sya.

"Sasabihin ang ano? Tsaka anong kinalaman nya?"

"Hindi ko sasabihin na tina-timer mo sya." Mapanukso ang tono nya kaya naman pikon na naman ako.

"Manahimik ka nga dyan. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka. Bukod sa chismoso kana, ma-issue ka pa! Ni hindi nga kami friends nyang si Bernard—"

"Uy, daming bebe, sanaol. Ireto mo ako. Di pwedeng ikaw lang ang meron—"

Sa inis ay pinatay ko na ang tawag. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking yon. Lalaki ba talaga sya? Dinaig pa ang chismosa naming kapitbahay e.

Kumain ako ng cup noodles na nakalagay sa taas ng cabinet dito sa kusina tapos ay nagdesisyon na akong matulog.

Pero dahil hindi naman talaga ako napagod ay hindi ako mapakali habang nakahiga.

Heto na naman. Ano na naman bukas? Napaka-unpredictable lalo ng mga mangyayari sa susunod dahil sa unpredictable din na ugali ni Boss. Yun ulit tawag ko hehe, kasi tapos na ang pagiging CEO ko sa kumpanya.

Sayang, dapat siguro bumili ako ng house and lot kanina dahil CEO na ako ng Le Veioumux. But it doesn't sound right. Dahil hindi naman talaga iyon ang tama. Hindi naman kasi saakin yung pera, duh. Marunong naman akong maka-appreciate sa pinaghirapan ng iba. Hindi tulad ng isang taong kakilala ko.

Nakatulog na ako pero naalimpungatan sa tunog ng cellphone. Antok na antok na sinagot ko ito, hindi ko na tiningnan pa kung sino. Bwisit. Dalawang magkasunod na gabi nang nasisira ang tulog ko.

"Shino bha toh?" Inaantok kong tanong.

"Hala, lasing ka?" Doon ko palang tinignan sinong tumawag. Bernard. Pero boses ni Heider ang naririnig ko. Nananaginip ba ako?

"Hindi, nagising lang kaya ganto."

"Nako, sorry. Sige pala, hihingi pa naman sana ako ng pabor. Kaso, nagising pa kita. Sorry. Sige, ibababa ko na ah? Pasensya—"

"Kingina, sabihin mo na." Mejo napalakas ang boses ko. Hindi naman kasi halata sa boses nyang nagsisisi sya na nagising ako. More on para syang nagpapaguilt na hindi ko sya matutulungan. "Anong pabor? Legal ba?"

Tuluyan na akong napaupo sa kama. Nagkakamot pa ako ng ulo habang humihikab.

"Ikaw nasa recent call nya. Puro unknown number pa yung ibang nakakausap nya, base nga dito kaya ikaw naisip kong tawagan. Pakisundo nga to, hehe, lasing dito sa bar namin." Lasing na naman sya? Anong trip talaga nya? At bakit pala number ni Bernard ang gamit na naman netong lalaki na to?

"Si Boss? Naglasing na naman sya? Aba, ginagaling na sya ah—"

"Hindi, relax, hindi si Adam. Si Bernard."

"What? Bakit ba ako ang hilig mong pagsunduin dyan. Nakaraan, yung boss kong green eyes. Ngayon naman, yang kaibigan nyang blue eyes? Anong akala mo saakin, taga-sundo ng lasing? No way! Ihatid nyo yan! O kung hindi naman, pabayaan nyo na yan dyan! Tse!" Mahaba kong litanya sabay patay ng tawag.

///

"Sabi na nga ba, hindi ka makakatiis." Ang lawak ng ngiti ng hayop na si Heider. Sarap bungalin.

Nandon na naman sila sa kung saang mesa ko naabutan si Boss.

Nakaupo sila sa magkaharap na mesa. Nakatingin saakin si Heider habang nakangiti nga pero si Bernard e nakadukdok na sa mesa.

De jä vù.

Umirap ako at umupo sa upuan sa gilid.

"Ano bang problema nyo? Sabi nang ni hindi ko nga kaibigan yan. Bakit hindi si Boss tawagan mo?" Walang gana kong tanong habang inililibot ang tingin sa paligid. Buhay na buhay tong Strives Bar ngayong 1 am. Oo, madaling-araw na naman.

"Di ba nga, hindi na sila magkaibigan. Nagalit na kasi si Adam kay Bernard mula nung mamatay girlfriend nyang si Vien!" Sigaw nya saakin dahil ang lakas ng music. "Ay shit." Sabi nya sabay takip sa bibig na parang may sinabing hindi dapat.

Lumapit yung kapatid nyang Germs habang nakatingin nang masama. "Napakadaldal mo. Tatahiin ko yang bibig na yan." Saka hinila ni Gerame si Heider palayo saakin.

Pero teka, ano raw? Tama ba ang pagkakintindi ko? Nagalit si Boss Adam kay Bernard mula nung mamatay ang girlfriend ni Boss? Ano namang kinalaman ni Bernard don?

"He's my ex bestfriend." Naalala kong sabi ni Boss noon nang itanong ko kung anong relasyon nya kay Bernard. Ex-bestfriend...

"Pagpasensyahan mo na sana si Adam, alam kong masungit yon pero hindi naman sya ganon dati. Isa pa, mabait yon." Yung sinabi naman ni Bernard noon ang naalala ko.

It means, totoo talaga na mabait noon si Boss? Hindi talaga sya non nagbibiro?

Vien... Bakit pamilyar?

"Thank you... And sorry for everything. Please bumalik kana."

"I'm sorry for everything. Kung hindi dahil saakin...Please, please bumalik kana—"

"I miss you... I miss you, bumalik kana, Vien. Baby, please..."

Nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Daig ko pa ang nahanap ang Yamashita Treasure!

Si Vien ang ex ni Boss Adam, yung hinihingian nya nung sorry nung lasing sya. Iba talaga ang ugali nya dati at bestfriend nya nga si Bernard. Nung mamatay nga yung Vien, nagbago sya at naging cold nga. Tapos... nagalit din sya kay Bernard. Bakit? Si Bernard ba pumatay?

Aru, juskopo!

Parang sasabog na ang ulo ko. Pinagpawisan ako nang malapot. Lalo na nang tumama ang tingin ko sa kulay asul na mga mata. Nakatitig ito saakin na para bang nalulungkot.

"You really reminds me of her." Aniya.

"H-Ha?"

"She's our sun. Vienna's my bestfriend too. She always reminds me and everyone of us to smile. Because smiling attracts good vibes."

"Sinabi kong... maganda kahit sa lalaki ang ngumingiti. Nakakaattract yan ng good vibes? Y-Yun po ba?"

"From now on, you'll be my secretary and you'll regret saying the exact words she used to say before."

Hala!

Kinuha ni Bernard ang bote sa harap nya at nilagok ang laman non. Dapat pigilan ko sya pero gusto ko pang makarinig ng chismis e, bakit ba? Joke, nacurious na naman ako e. Kung bakit ganon nalang na nasira ang friendship nila. Bakit galit sakanya?

"Tutol ang pamilya nila sa relasyon nila kasi magkakalaban sa politika. Pero wala silang pakelam. Ako lang ang cool sa relasyong meron sila. Wala saaming tatlo ang may pakelam sa politika as long as masaya bestfriend kong si Vien at Adam. Then one day, naisipan nilang magtanan nalang para naman wala nang magawa ang pami-pamilya sa kanila. That was 10 years ago." Lumagok ulit sya sa bote. Pati naman ako ay napakuha na rin ng bote ng beer na nasa mesa at uminom din doon kahit napangiwi pa ako. Ayoko na. Pwe!

"T-Tapos?"

"Ginamit ni Adam ang kotse ko kasi kapag ang sakanya, maaaring ma-trace iyon o anuman. Tsaka nagplano kaming tatlo na pupunta silang ibang bansa. Pero bago yon, tutuloy muna sila sa Resort na iniregalo saakin ng parents ko noon habang inaayos ko pa ang mga papel nila."

"Taray, regalo, resort." Bulong ko na hindi nya naman narinig. "Then?"

"That night... They were tortured... Raped Vien infront of Adam ang killed her." Napatakip ako nang bibig sa narinig ko. Namuo na rin ang luha sa mata ko.  "Inilibing nang buhay si Adam na muntik nya na ring ikinamatay. He was comatose for almost a year dahil sa halos nawalan na ng oxygen non ang utak nya nang ibaon sya." Tumingin sya sa taas at kumurap-kurap, halatang nagpipigil pumatak ang luha. "Pagkagising nya... nalaman nya ang lahat. Gumuho ang mundo nya. Namatay ang lolo nyang siyang lumalaban noon sa pagka-Governor dahil inatake sa puso nang malaman ang nangyari sakanya. Nang libing naman ni Vien, inatake rin sa puso ang lolo nya na kalaban ng lolo ni Adam. The rivalry ends there. Natapos ang gyera sa pagitan ng dalawang pamilya."

"Damn." Wala akong nagawa kundi maging speechless. Lahat yon, napagdaanan ni Boss? The heck, kung ako yon, nilibing ng buhay e baka tigok na ako noon ring oras na yon.

"Funny right? Natapos ang lahat nang may namatay na. They're like the modern Romeo ang Juliet. Pero nabuhay nga lang si Romeo."

"I admire him for being too brave." Amin ko. Nagsisi tuloy ako sa lahat ng naisip at nasabi ko non. Totoo ngang may dahilan ang lahat ng bagay. At may katwiran naman pala bakit ganon ang ugali nya.

"Pero nagbago sya." Sarkastiko syang ngumiti. "Saakin napunta ang galit ng dalawang pamilya." Uminom ulit sya. Gusto ko pang magtanong kung bakit at ano pang kasunod sa kwento nya pero hindi ko na yata kaya. Kotang-kota na ang utak at puso ko. Masyadong masakit.

"Nagbago sya at nagalit saakin kasi..." Pinunasan nya ang mata nya bago pa malaglag ang luha mula doon.

Tumayo ako at niyaya na syang umalis. Sabi nang ayoko na. Nagbayad sya sa waiter. Mukhang medyo okay naman sya bukod sa siguradong hindi sya magkukwento ng ganto kung hindi sya lasing ngayon.

Inalalayan ko sya nang konti. Nung makalabas kami ng bar ay meron syang number na tinawagan. Family driver daw. Buti naman dahil wala akong balak patulugin sya sa apartment ko.

Hinintay lang naman yon sandali. Naupo kami sa maliit na upuan sa gilid, bandang harap lang ng bar.

Wala to dito nung nakaraang sinundo ko si Boss ah?

Narinig kong tumatawa nang mahina ang katabi ko. Nababaliw na yata.

"Nagalit si Adam saakin. Pati ang buong pamilya nya at buong pamilya ni Vien—"

"Manahimik kana nga, nako. Kota na ko, parekoy." Bahagya kong biro pero nagpatuloy pa rin sya!

"Nagalit ang dalawang pamilya saakin... sa pamilya namin dahil nalaman ni Adam na inlove ako kay Vien nong panahon na yon at mga tauhan ng pamilya namin ang pumatay kay Vien at naglibing nang buhay kay Adam."

Holy shit!