"WHERE ARE YOU?" Si Boss!
Sa sobrang taranta ko pagkagising ay dali-dali akong naligo at nagbihis. Nakasakay na ako sa taxi at papunta na sa building nang maalala kong tanggal na nga pala ako sa trabaho. Well, hindi naman talaga ako tinaggal pero ganon na rin.
Ginising ako kanina ng tunog ng cellphone ko. May 10 missed calls ako at may isang text galing kay Mr. CEO, tinatanong kung nasaan na ako samantalang 5 am palang. Ang masakit, ang missed call nya ay since 4 am pa. Paninindigan nya talagang papasukin ako ng alas cuatro!? Aba— gago talaga sya!
Isang gwagago. Gwapong gago.
Bakit ba hindi ko naisip na napaka-unusal na itext nya ako para lang itanong kung asan na ko? Tsaka di nya ba alam na sya ang dahilan bat ako napuyat? Dito ko sya sa apartment dinala kaninang madaling araw at inihiga ko sya sa sahig, nilatagam ko lang ng maliit na kutson, buti nga meron ako non e, kundi bahala na talaga sya sa sahig.
Hmp di pa rin ako makamove on sa sinasabi nya kanina, akala ko saakin talaga sya nagsosorry at pinapabalik ako.
Pero infairness, ang aga nya naman palang magising, to think na lasing na lasing pa sya. Tapos 4 nasa office na ba s'ya? Inilock nya rin siguro mula sa loob ang pintuan ng apartment ko.
Pero sino namang Company CEO na matino ang papasok ng 4 am para lang mas maagang makasira ng mood ng empleyado? Siraulo yata talaga yung lalaki na yon. Kung hindi lang sya ganon kagwapo at ka-hot, iisipin kong takas sya sa mental.
Gayunpaman ay tumuloy pa rin ako. Balak ko na ring ibalik ang lahat ng galing sa kumpanya nya para naman wala na akong utang na loob. Pinabalik ko ang taxi sandali para kunin ang mga isasauli kong gamot.
Kailangan ko rin palang kunin ang 2weeks kong sahod. Narealize ko lang na sinayang ko ang dalawnag linggo ko at nagpakahirap, so dapat lang maging worth it yon no!
Ni hindi nga sya marunong magpasalamat, pwe!
Pagpasok ko palang sa building ay para itong abandonado, kung hindi lang dahil sa mga guard na nakabantay sa labas. Aga-aga pa. Sa totoo lang, 8 am naman talaga ang pasok ng karamihan sa mga empleyado dito. Ewan ko lang sa adik-adik nilang CEO kung anong trip sa buhay.
"Good morning ma'am Jazlyn!" Bati saakin nang nakangiting si Mang Ben, yung guard noon na tinanggal ni Bo— Mr. CEO tapos binalik ko rin? Naaalala ko, inilagay ko sya sa nightshift para di magkasalubong ang landas nila ni Mr. CEO pero mamaya pang 6 am matatapos ang shift nya. 5 minutes nalang e 6 am na at malamang sa malamang... nagtagpo ang landas nila.
Nag-alala tuloy ako dahil baka tinanggal na naman sya. Mukang nabasa nya naman ang iniisip ko kaya agad syang ngumiti. "Don't worry po, sinabi ni CEO Adam na pwede na akong magtrabaho ulit dito at bumalik sa dati kong shift dahil matanda na raw ako, bawal ang sobrang nagpupuyat." Hindi makapaniwalang napatingin ako. Weh? "May himala ata, ma'am. Kaya nagpapasalamat po ako nang malaki sa inyo."
Ngumiti nalang ako at nagpaalam na. Anong nakain non? May hang over pa ba sya? Hindi ako makapaniwala. Shocking yung ngumiti sya at kahit pa napagkamalan nya akong ibang tao e hindi ko inexpect na pwedeng maging ganon ka-sweet ang boses nya. Tapos ngayon, pinayagan nya ulit si Mang Ben!
Nagpunta ako sa office nya. Dalawang katok lang ay binuksan ko agad ang pinto. Si Mr. CEO ay nakasandal sa swivel chair nya habang magkakrus ang mga braso at nakapikit. Hindi nag-abalamg tingnan ako, or di kaya e tulog pa.
Nakakainis naman tong lalaking to. Mukang may hangover pa, halatang puyat at ang cold ng itsura pero yung kagwapuhan, talaga namang effortless.
Ang gwapo habang tulog at nakapikit, kahit may maliit na pasa malapit sa kanang mata. Ngumiwi ako, ako yata may gawa non. Pero kahit na! Gwapo talaga sta, lalo na siguro kapag nakamulat na to at kita na ang green eyes nya—
"You're fuckin' late." Walang emosyon ang boses nya pero nakapikit pa rin. Dahil sa gulat ng biglang pagsasalita ay napatalon ako.
Hindi ako sumagot at bigla syang tumingin saakin. "I said 4 am, right?"
Ngumisi ako nang sarkastiko. "Wow, salamat ah? Salamat nalang sa lahat." Inilapag ko ang malaking plastic bag sa gilid ng mesa nya. Andon ang uniform at heels na 'binigay' nya noong maging secretary nya na ako. "At isa pa, ano ka, chix? Hello, bat kita susundin, hindi naman kita boss. Hindi na. Para sabihin ko sayo, may iba na akong trabaho." Nagmamalaki kong sabi kahit na ang totoo ay ni hindi pa ako nakakapag-apply kahit saan.
Tiningnan nya ako ng masama, pinili kong hindi magpaapekto. "Sinong nagsabi sayo na pwede kang mag-apply ng trabaho sa iba habang empleyado ka dito sa kumpanya ko?" Tinaasan nya pa ako ng kilay.
Tumaas din ang kilay ko. "Baka nagkakalimutan na tayo, sa lahat ng sinabi ko sa'yo kahapon, isa lang ang ibig sabihin non, I'm resigning!"
"At sa hindi ko pagsagot sa lahat ng sinabi mo saakin, it means only one thing too. I'm not accepting it. First, may pinirmahan kang kontrata na hanggat hindi kita tinatanggal dito sa kumpanya ay hindi ka pwedeng umalis."
"At kailan naman ako pumirma dyan? Mema kana naman eh!"
Inilapag nya sa harap ko ang isang folder. Agad ko iyong tinaggap at binuklat.
I, Jazlyn Bautista, agreed that I won't leave Lavioux in any reason. I can't resign or just quit being the secretary of CEO Adam Lucky Lacuezo. I also won't be able to apply any job in any company while I am an employee of this company and there's no way I can leave in the company unless Mr. CEO fired me.
Date signed: July 12, 2019
Nanlaki ang mga mata ko nang makita may pirma pa ito.
"No way! This is fake! Hindi ako—" nanlalaki ang mga mata ko na napatitig sakanya.
Noong tinanggap nya ako, excited na excited akong pumirma sa kontrata ko para makapagtrabaho agad kaya diko na binasa pa noon at pinirmahan nalang ang binigay nya saakin.
"So?" Hindi ako makapaniwala. He tricked me! What the hell!
"Idedemanda kita! Akala mo ha—"
"Go back to work." Walang gana nyang sabi at ako naman ay hindi pa rin umalis. May pinindot sya sa computer nya at hindi na ako tiningnan pa.
"Matapos kitang tulungan kagabi?!" Hindi ko gustong isumbat ang itinulong ko pero wala na akong pagpipilian pa. "Bilang kabayaran, hayaan mo na naman akong umalis dito at humanap ng trabaho oh? Tsaka... ibigay mo na rin ang sahod ko, Mr. CEO." Naiinis ako, ayokong magpakumbaba at 'magmakaawa' kaso matigas sya.
Sabi sa kasabihan: WALANG MATIGAS NA TINAPAY SA MAINIT NA KAPE. Sya ang matigas na tinapay kaya naman ang kailangan kong gawin ay maging mainit na kape.
"You can't apply to other—"
"Boss naman." Nagpasad face na medyo pagpungay ng mata pa ako. "Sige naaaaa."
"I won't fire you." Iniwan nya ulit ang ginagawa para lang humalukipkip sa harapan ko. "But, you can have anything that you want. Kahit ano, pero isa lang. Hindi ka aalis sa kumpanya ko. Hindi ka mawawala sa pagiging sekretarya ko at hinding-hindi ako papayag na lumipat ka sa iba. Dito kalang. Sabihin mo kung anong gusto mo para manatili ka."
Napaisip ako. Gusto lang naman akong panatilihin ng lalaki na to para patuloy na pahirapan. Lalo na at nadagdagan na naman ang kasalanan ko.
Pero tinulungan ko nga s'ya, dapat quits kami!
Kaya kung hindi rin naman ako makakaligtas at makakatakas sakanya, dapat isahan ko nalang s'ya.
Tumingin akong kisame para mag-isip nang mabuti saka napangiti nang malawak nang may pumasok na ideya sa utak ko. Tumikhim ako at nagseryoso nang tingnan ulit s'ya. Ganon pa rin ang ayos nya, nakahalukipkip at nakatingin saakin. Nailang tuloy ako pero hindi ko na inisip pa.
"Sige, tutal naman e ganyan kasira ang ulo mo at gustong-gusto mo akong manatili para mapaghigantihan sa pagiging bitter mo sa Earth habang pinapanindigan ang kantang 'Stone cold'," ngumisi ako. "Sabi mo pwede akong humiling ng kahit ano di ba? Pero isa lang. Isang hiling kapalit ng pananatili ko."
"Yes, so how much?" Nagdidilim na lalo ngayon ang aura nya. Halatang naiirita sya. "How much do I need to pay for you to stay?"
"Wow, rhyme." Puna ko sabay kibit-balikat. "And by the way, hindi pera ang hihingin ko."
"Oh, come on!" Sarkastiko nyang sabi. "Wag ka nang mahiya. Sabihin mo na kung magkano at nang makapagtrabaho tayo. Walang taong hindi pera ang hihingin sa ganitong sitwasyon. Isama mo na ang pagtulong mo saakin kaninang madaling-araw sa sisingilin mo. Ayoko nang tumatanaw nang utang na loob."
Umirap ako. "Duh, merong taong hindi pera ang hinihingi no. At isa ako ron." May pagmamalaki kong sambit. "At para sabihin ko sayo, isa lang ang gusto ko sa ngayon."
"And that is?"
"I'll be the new CEO of this company."
"Come again?" Malakas na tanong nya. Halatang hindi makapaniwala.
"I'll be the new CEO." Matapang kong ulit. "Ako ang CEO sa araw na to. At ikaw ang sekretarya ko. Deal or no deal?"
Ewan ko lamg ngayon kung hindi mo pa ako tanggalin.
///
"I DON'T LIKE THIS." Inihagis ko ang kape matapos kong malasahan na sobrang pait non. Tumalsik ang bubog sa sahig at kumalat iyon. Si Mr. CEO— I mean, ang secretary kong si Adam ay walang emosyong nakatingin lang saakin. "Itimpla mo ako ng iba at linisin mo yan."
Tumango sya nang bahagya saka umalis.
Final na talaga. Isa syang gwagago. Wala na sya sa katinuan at kelangan nya nang dalhin sa mental hospital.
Paano ba naman, pumayag sya sa sinabi ko! Talaga namang um-oo agad sya nang sabihin kong ako ang magiging CEO sa araw na to at sya ang secretary ko. The heck!?
Sinigurado ko naman na hindi nya na ako maiisahan. Pinapirma ko sya sa kontrata at bilang witness sa kasunduan namin ay pinapunta ko sa office kanina si Genire, isa sa mga empleyado na tinanggal nya pero ibinalik ko non.
Ang ending? Nagkapalit nga kami. 9 am na at ang una kong utos sakanya ay itimpla ako ng kape habang nakaupo ako sa swivel chair nya. Pakapalan na ng mukha, tutal e lagot na naman ako bukas kapag nagbalik na kami sa kanya-kanyang katayuan namin, susulitin ko na.
So, eto nga, pan-limang kape na ang itinimpla nya ay hindi pa rin pumapasa iyon sa panlasa ko. Yung timpla nya e parang sya, bitter. Ginawa ko sakanya ang ginagawa nya saakin non para naman marealize nya ang kasamaan ng ugali nya.
Medyo mahirap syang pahirapan kasi parang ang poise nya pa rin habang winawalis ang mga bubog ng itinapon kong tasa sa tuwina. Naka-formal attire sya habang nagtitimpla ng kape, napakagwapo habang inaayos ang pagkakalapag ng kape sa mesa ko at kahit na pawisan ay muka pa ding napakabango. Hanep to, ang lakas na ng aircon, talagang pinagpapawisan pa rin? Ganon ba sya kahirap magtimpla ng kape?
"Here." Inilapag nya ang pang-anim na kapeng tinimpla nya. Itinaas ko ang kilay ko, ako ang boss ngayon kaya bahala sya kahit muka syang hot sa pawisan nyang mukha
"Kapag eto talaga hindi ko ulit nagustuhan..." Pinili kong bitinin ang sinasabi ko bago iyon higupin. Nilasap kong mabuti. Hm, okay na to ah. Infairness, masarap to. Pero hindi ako nagpahalata. Bagkus ay tinarayan ko lalo ang mukha ko. "Kape ba to talaga o ampalaya? Napakapait!"
"But I already decreased the—"
"Oh, shut up! Sino ka para sagut-sagutin ako?" Nakita ko ang pagtatangis ng bagang nya. Halatang nagpipigil. Natatakot na talaga ako pero at the same time ay nag-eenjoy.
Enjoy. Hindi lang dahil sa paghihirap nya kundi dahil na rin sa iba't-ibang Adam Lucky Lacuezo na nakikita ko.
"Leave. I need to read these." Turo ko sa mga papeles na nakakalat sa mesa. "At puntahan mo ako rito kung meron mang maghanap saakin, puntahan mo muna ako dito sa opisina ko. Wag mo agad papapasukin, okay?" Tumango sya saka nakakuyom ang palad na umalis.
Pero syempre, joke lang to no. Ano ako, bale para basahin ang kung anumang mga kinginang papeles na to sa mesa?
Itinaas ko ang paa ko at ipinatong sa mesa. Nakangiti pa akong nagpatugtog sa phone ko ng paborito kong kanta ng Owl City.
Napapaheadbang pa ako sa beat ng kantang Alligator Sky nang bumukas ang pinto.
Hinigit ko agad ang isang folder para kunwari ay nagbabasa at dagli kong inalis sa pagkakataas ang paa ko kaya naman umusod ang swivel chair at nalaglag ako. Umuntog ang ulo ko sa cabinet pero agad akong tumayo at galit na hinarap ang nagbukas ng pintuan.
"Mr. Secretary! Don't you know how to knock!?" Naiinis kong sigaw habang hawak pa rin ang folder at tumutugtog pa rin ang phone ko pero iba na ang kanta.
Hindi sya umimik, nakatingin lang saakin. Para kaming timang na nagkatitigan. "You're so ugly." Seryosong aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Anong sabi mo!?"
"May naghahanap sayo... Boss." Diniinan nya pa ang salitang 'Boss.'
"At sino naman yan, aber?"
"Humihingi ng extra deadline sina Mr. Guzman, gusto rin mag set ng meeting nila Ms. Caballero at Mrs. Erinta." Napasentido ako. Yun yung mga taong lagi kong sakit ng ulo sa lumipas na araw na naging secretary ako. Ang dami kasi nilang gusto. "Kanina pa sila nagpapadala ng emails at tumatawag na rin. Sinabi ko nalang na ikukunsulta ko sana sayo." Woah. Shookt ako ron nang mej ah, acting CEO lang ako for today pero iniisip nya pa ring ikunsulta saakin ang mga ganong bagay.
"Damn them. If they wanna pull out their investments, let them." Sabi ko, ginaya ko yung sinabi nya saakin noon about sa makukulit na investors. "And tama lang na iniisip mo munang ikonsulta saakin ang mga ganoong bagay dahil—"
"Tss, ofcourse that's a lie. Tinanggihan ko na sila bago ko pa sabihin ngayon sayo. Naisip ko nang wala kang pake sa mga gantong bagay at ang gusto mo lang ay magsoundtrip habang nakataas ang paa mo sa mesa. You're really thinking that it's that easy to be a CEO of this company huh?" Aba, loko to ah, bakit sinasagot nya ako nang ganito? Tsaka pala, paano nya nalaman ang ginagawa ko rito sa loob? "Sabagay, I expected this already. Kaya tama lang na kahit ikaw ang CEO for today ay ako pa rin ang magpasya sa mga bagay-bagay dito. Tatanga-tanga ka pa naman."
Talagang napikon na ako. Kahit pa nakakatuwang ang dami nyang sinasabi ngayon ay hindi pa rin naman maganda ang lumalabas sa bibig nya.
Tumayo ako at pinaningkitan sya ng mga mata. "Who are you to talk back—"
"I'm Adam Lucky Lacuezo." Akala nya yata masisindak nya ako sa pangalan nya. Pake ko, secretary ko pa rin sya for today no!
"And you're my secretary." Ngumisi ako nang nagmamalaki.
"You were my secretary at sinasagot-sagot mo rin ako. Remember the employees I fired? Hindi ba't bukod sa sinasagot mo na ako at gumagawa ka ng sariling rule sa kumpanya ko ay binabaliktad mo rin ang karamihan sa mga desisyon ko?"
"Oh, damn. This is it. I'm really done with you." Nanghihina akong napaupo sa swivel chair. Hinilot hilot ko pa kunwari ang noo ko. "Let's stop this."
"So, sumusuko kana sa pagiging acting CEO huh?" Bakas ang pagkapanalo sa tono ng pananalita nya.
Ganon rin pala ang plano nya. Kung ako ay gusto kong gawin ang mga ginagawa nya saakin para marealize nya ang kasamaan ng ugali nya, balak nya naman ay gayahin ang mga ginagawa ko bilang secretary nya non. At hinding-hindi ako susuko. Hindi sya mananalo.
"What now, magreresign kana? May kasunduan tayo—"
"I'm so done with you." Ulit ko.
"But still, you can't resign—"
"Who says I'm resigning?"
"What?"
"I'm done with you... So you're fired."
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata nya nang bahagya. Naexcite akong makita ang iba pang emosyon na kaya nyang ipakita pero hanggang don nalang yon.
Nagkasalubong ang kilay nya at bahagyang umigting ang panga. "You can't do this to me."
Ngumiti ako. "Ofcourse, I can. You didn't meet my requirements as a secretary. I can do this, remember, I'm CEO Jazlyn Bautista." Gusto kong humalakhak na parang kontrabida pero pinigil ko ang sarili ko. Baka maging tawa ni Nanno ang kalabasan. Ugh. "So... again, you're fired, Secretary Adam Lucky Lacuezo."