[...I need to return to the child I was
If it takes a hundred years I swear I'll find the time
I can't take back what these lies has mean
Oh my god, well you make my hands bleed
Yeah, I need to return to the child I was]
"Okay, that's a wrap." Banggit ng producer matapos ng pagrerecord. Nagbigay muna ang producer ng kalahating oras na break bago bumalik.
"Ang sakit na ng kamay ko ah, pwede bang isang oras yung break?" Pagrereklamo ni Emily habang minamasahe ang kaniyang mga daliri.
"Sobra sobra naman yun, Em." Sagot ni Beatrice, ang kanilang manager, habang binabasa ang hawak na papeles. "Parang di ka na nasanay araw-araw niyan."
"Hindi naman kasi ako lumalagpas ng limang oras, noh." Hiyaw nito. "May masteral pa ako tas di ko pa natatapos yung papeles ko."
Dumating sa tabi nila si Jasmin na inabutan si Emily ng tubig. Umupo muna sila sa upuan at nagpahinga habang nakikipag-usap sa isa't-isa. Umalis sumandali si Beatrice upang kausapin ang producer patungkol sa kanilang schedule.
"Nakausap mo na ba?" Tanong ni Emily kay Jasmin.
"Ayaw nga ako sagutin." Sagot ni Jasmin pabalik. "Simula nung lumipat yun hindi na ako tinatawagan. Si mama na lang kinakausap nun."
"Di naman kayo nag-away diba?"
"Bat naman kami mag-aaway? Wala namang pag-aawayan." Ani nito sabay balik sa kaniyang selpon. Hindi na nito kinulit pa at nagpatuloy na lang sa pagpapahinga.
"Okay, Thirty-minute break is over. Inside everybody."
*************
"Kinakabahan ako."
"Kung kinakabahan ka, wag na lang. Nagsasayang ka lang ng oras."
"Eto na nga, sandali lang kase." Pagsabi ko habang nakaalalay sa lamesa bilang suporta. Ngayon lang naman kase ako mag-auaudition panong di ka kakabahan. Kala mo naman kase kanina hindi ako tinanong ng tinanong kung isesend na ba o hindi. Mukha pa ngang mas excited to sakin.
Nagtagal ng isang minuto ang kamay ko sa keyboard bagong tuluyang masend na ang application ko sa email. Hay buhay, pero ang mahalaga nakapag send.
"Oh nakasend na ako ah, uwi na ko." Tumayo si Loraine at akamng aalis ng pinigilan ko siya.
"Wait lang, wag ka muna umalis."
"Ano na naman?" Halong irita na tanong nito. "Matutulog pa ako, inaantok na ko."
"G*ga, 11:30 na saka kakain na, tas matutulog ka pa?"
"Parang di nasanay toh. Miryenda na lang ako bawi." Hindi ko siya pinakalawan at hinila pabalik sa sahig. Walang tulog tulog, sama sama tayong puyat dito.
"T*ng*na ka talaga araw-araw!"
"Magkadugo tayo, may dugo kading t*ng*na."
"Eh basta!"
Habang kami ay nagsasagutan ay biglang mag kumatok sa kwarto ko. Sinagot ko naman ito at bumungad sa pinto ang kuya ni Loraine. "Hoy, labas dito."
"Ano na naman?" Napakamot na lang sa batok si Loraine at tumayo na. Mukhang aalis sila dahil nakabihis ang kuya niya.
"Magbihis ka na, iiwanan ka namin." Ani niya.
"Oo na, dali lang. Parang di kapamilya eh." Nagbabye na sa akin si Loraine at isinara ang pinto pagkaalis. At dahil mag-isa na alng ako dito, wala na akong magawa. Makikisali na lang siguro ako kayla ate at Alex manood...
...Kaso tinatamad ako manood ng kdrama. Magtiktok na lang siguro...
...Kaso paulit-ulit na lang ako, nakakatamad. Wala nang bagong trend. Tawagan ko na lang si Dianne...
...Shuta nakipagdate pala yun at sinabing wag ko daw gambalain. Edi waw, wala akong magawa! Ayoko namang maghugas! Kakahugas ko lang kagabi.
*Ring... Ring... Ring...*
[BEH!]
"Wala ako magawa sa bahay, Hahahaha!"
[Punta ka dito, libre kita lomi.]
"Maniwala, di ka nang lilibre."
Tinawanan lang ako ni Rachel sabay balik sa kaniyang ginagawa. Nagsasaing pala siya nang bigla akong tumawag. Ayun, subaybayan ko na lang daw siya magsaing.
[Beh, may chika pala ako!]
"Hay naku eto na naman tayo."
[Totoo nga bhie, diba nga kahapon...]
"IRA!" Sigaw sa akin ni Ate Aby.
"BAKIT?" Sigaw ko sa kaniya pabalik.
"Pumunta ka nga dito at kakain na. Mag ayos ka na ng lamesa dito.Sinasabi ko sayo puro ka na lang pegcecellphone dyan."
"Bababa na!" Pwede namang di magalit diba? Bababa naman ih. Parang timang lang.
**************
Isang linggo ang lumipas matapos naming magsend ng audition form.
"Bat wala pang email? Ang tagal namang magrespond." Reklamo ko habang nirerefresh ang email ko. Shuta bat wala, puro Quora update lang, di ko naman kailangan yan!
"Syempre marami ding nag apply. Di lang ikaw noh kaya mag intay ka lang. DI mo pa nga sure kung pasok ka o hindi." Sabi ni Loraine habang kumakain ng tinapay.
"Pano kung pasado? Edi worth it yung pags-scroll ko dito. Wag mo ko ipagoverthink, mamaya di talaga ako makapasok eh."
"Bahala ka. Basta sabi mo makakabili ako pag natanggap tayo."
"Oo nga kasi. Hindi ka ba naniniwala sakin?"
"Hindi." Mabilis na sagot ni Loraine habang inuubos ang tinapay. Nasa canteen kami ngayon at lunch na. Dahil tinatamad kumain etong isa na to ng kain, bumili na lang siya ng tinapay. Ewan ko lang kung di mapagalitan toh ng kuya nito.
"Manahimik ka na nga lang dyan, nababad mood ako sayo."
"Alam mo kasi, imbis na magganyan ka ng magganyan, ayusin mo muna yang presentation niyo. Mali mali ka pa nga ng lines nung pagpractice ka kahapon. Ngayon na yun diba?"
"Wag ka magpaalala. Kinakalimutan ko nga eh." Tinakpan ko na lang ang tenga ko at hindi na siya pinakinggan.
Ilang saglit ay dumating na din ang iba at sabay sabay na kaming kumain. Umalis muna si Loraine dahil bibili pa daw siya ng tinapay. Ewan ko ba dun, ayaw kumain ng maayos.
Sa ilang minuto pa lang naming magkakasama ay napuno lang ng tawanan at asaran, Di na magalaw yung pagkain kakatawa namin. Malapit na ako mawalan ng hininga kakatawa, please stop na!
"G*go kayo, rinig kayo dun sa bilihan." Nakabalik na din si Loraine na may hawak na tatlong ensaymada. "Shuta kayo nasa likod ko si Ma'am Dizon. Rinig ko nagrereklamo, ang ingay niyo daw."
"Sorry siya, ang saya namin eh." Banggit ni Dana at tumawa na naman. Ako na loko loko, makatitig lang tawa na. Ayan, pinagtitinginan kami ngayon.Nakakahiya ah.
Nang matapos ang lunch ay nagsibalikan na kami sa mga klase namin. At dahil ako lang ang nag-iisang college sa amin, kailangan ko pa maglakad papunta sa building namin. Bat ba kase ang layo ng college? Pwede namang lapitan.
Hindi din ako makapokus sa lesson kase ang rami niyang sinasabi. Dumagdag pa yung gagawin namin presentation after nito. Edi lalo akong nastress diba?
Pero gumaan din kaagad ang pakiramdam ko nang biglang nagbell. Yes, walang presentation, bukas pa! WAHAHA!
Tapos na din ang klase at sa wakas, pwede na kami gumala. Di pwede si Rachel kasi magd-date daw siya, edi kami na lang apat ang bumaba. Bumili muna kami ng milktea at nakipahchikahan. At dahil paulit-ulit lang ang routine naim, eto na naman kami sa kakatawa. Bat ba kasi masyadong nakaktawa mga mukha nito? Nadadamay tuloy ako.
Puro crush lang naman ang pinag-usapan namin. Kung paano nagchat si ganto, si ganyan, tapos nag-usap daw kanina dila ganto, ganyan, eh basta. Wala naman akong maentry kase wala pa ako. Huhu, kahit jowa lang po, ireto niyo na po ako.
Sinundo na kami ng kuya ni Loraine matapos niya itong tawagan. Gumabagi na din saka may homework pa akong gagawin. Naglakad sila Dana at Nica dahil malapit lang ang bahay nila sa pinagtambayan namin.
**************
"The sales are getting lower. This is not what you said about making progress." Hagupit na salita ng director nang ibato niya ang papeles sa lamesa.
"I'm very sorry Director. I promise, I'll do something abo—"
"You've been saying that for the past two weeks Beatrice, pero ano?! Wala!" Hiyaw ng director. "Pinakiusapan ko kayo sa president kasi alam kong may potential kayo, pero bakit ganto ang nagyayari?! If this keeps up, I'll have no choice but to disband your group."
"I'm sorry sir." Mahinang sambit ni Beatrice bago lumabas ng office. Paglabas niya ay nakita niya si Emily na nakaupo, mistulang iniintay siya. Tumayo ito at lumapit sa kaniya.
"Nagalit noh?"
"Ano pa ba?" Buntong hininga nito sabay lumakad palayo sa opisina.
"Sabi ko naman sayo, dapat di mo na inaway nung meeting, ayan tuloy, pawersa ka." Panimula ni Emily sa usapan.
"Mali rin naman siya. Alam kong director siya, pero hindi niya dapat minamaliit yung nasa ibaba niya. SIguro masasabi mong impluwensiya lang ng galit yun pero at least napagbigyan tayo. Tandaan mo kung di ko siya inaway edi wala na kayo dito."
Napangiti na lamang si Emily at sumang-ayon. Ilang segundo ang lumipas at nagbago ang kanilang usapan. "Sa tingin ko nag-away na naman sila."
"Lagi naman. Di na yun magkasundong dalawa."
"Ano na naman kaya pinag-awayan nun? Dati, nag-away sila nung nagkasakit si Tita. Buti na lang tinawagan ako kundi lalong nastress si tita."
"Ayoko naman makisali sa kanila pero kung makakausap man ni Jasmin yan, ay mabuti." Pumasok ang dalawa sa dressing room kung saan nag-iintay ang ibang miyembro.
"Ano, nagalit?" Tanong ni Leo na pinaglalaruan ang selpon ni Emily. Tumango naman si Beatrice na nagpatawa sa lalaki. Hinablot ni Emily ang selpon sa kasintahan at tumabi kay Jasmin.
"Okay, makinig ang lahat." Pag-aanunsiyo ni Beatrice sa grupo. "Napakiusapan ko si director. We have 2 weeks. Pag daw umexceed sa 10, 000 streams ang album, ieextend niya ang contract natin. Alam kong nags-struggle tayo ngayon pero I believe in you guys, I'm sure maachieve natin ito within the exact time."
"Pano pag hindi natin maabot?" Tanong ni Sam. "Hindi na makaabot ng 1000 streams yung last song tas ngayon full album saka 10 000 streams?"
"Wag ka munang mag-isip ng negatibo." Pagdedepensa ni Beatrice. "Nakaya natin nga ng liman taon na ganto pano pa kaya ang two weeks. Tiwala lang, aangat din tayo." Pagbibigay lakas niya sa grupo. "Kailangan lang natin ng plano kung paano masosolusyunan itong problema na ito."
-AR PHANTOM