Chereads / THE UNTOLD PHRASE / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

"Ladies and gentlemen, may I present you, the world's newest sensation!!" The crowd went wild the moment our names were introduced. This is it. It's finally happening!

Halong sigawan ng mga tao at lakas ng tunog ng musika ang iyong naririnig. Sa sobrang lakas ay hindi mo na marining ang sairli mong boses.

May halong kaba at pananabik ang nararamdaman ko habang unti-unting tumataas ang stage. Bumuntong-hininga ako at direstong tumitig sa entablado.

"EVERYBODY, ARE YOU READY?!"

________________________________

"P*TANG*NA, nakikinig ka ba?!" Pahiyaw na sambit ni Loraine matapos akong batukan.

"AWIT KA! BAT KA NANGBABATOK?!"

"Baka kanina pa kita tinatawag, ayaw mo kumibo alam mong kakain na ." Banggit niya matapos umupo sa tabi ko. "Ilang beses mo na yan pinapanuod, di ka nagsasawa?"

"Kala mo di siya nagpupuyat kakabasa..." Patuloy kong pinanood ang concert at hindi na siya pinansin. Mga ilang segundo din ay nakinood na ang hamal sa kin. Ikaw din pala.

"Bagong release?"

"Oo beh. Buti na lng nagbayad ako ng concert kundi maspspoil na naman ako ni Rachel edi mabad mood ako." 

"Araw-araw ka namang bad mood bat ka pa nag-aalala?" Napairap na lang ako kay Loraine at inirapan niya ako pabalik. Aba bastos ka ah.

"LORAINE! ASAN KA NA?!" Narinig kong sigaw ni tita galing sa ibaba.

"Papunta na ma, sandali." Tumayo na sa kama si Loraine at biglang hinila ang braso ko palabas ng kwarto.

"SHUTACCA! Nanonood pa eh!" Hiyaw ko habang inaalis ang hawak niya sa akin.

"Nandidistract ka eh, sabi nang kakain na." Pag eexplain niya saka naunang bumaba sa hagdan.

"Ah, so kasalanan ko pa ngayon?"

"Oo malamang."

**********

"Sabing kakain na, kung saan-saan ka pumupunta." Sabi ni Tita Mari nang nakarating kami sa kainan.

"Eto kasi ma si Kira, tinatawag ko ayaw tumayo." Turo sa akin ni Loraine.

"Nakinood ka naman, damay ka din."

"Ay manahimik na nga kayo at kumain na, lalamig na yung pagkain oh."

Matapos naming kumuha ng pagkain ay umupo kami sa lamesa. Katabi ni Loraine si Alex--pinsan ko--na nag-uusap sa gagawin nilang homework. Iisa lang ang school na pinapasukan naming tatlo, kaso college na ako at grade 12 silang dalawa.

Patuloy ako sa panonood sa concert habang kinakain ang tanghalian ako. 

Opo 2 pm tanghalian namin. Wag kayong judger, di kayo gold.

"Yan na naman pinapanood mo?" Sambit ni Alex habang nakikinood. "Diba kahapon pa yan?"

"Yan nga sabi ko kanina, eh wala, tinuloy lang." Pagpapatuloy ni Loraine.

"Bakit ba? Ang ganda kaya ng mga kanta nila. Saka ang gaganda't gwapo nung members. Shuta bhie ang gwapo nung drummer. Type ko na siya." Ipinakita ko sa kaniya yung litarto at ang apiran kami sa isa't-isa. Wala na di na kami matatpos kumain.

"Ang lalandi niyo." Panira ni Loraine habang tinitingnan kaming dalawa.

"G*ga parang siya hindi." Depensa ni Alex.

"Che!" 

Nanahimik na rin kami matapos magsagutan at nagsibalikan sa sarili-sariling kwarto. Dahil kapitbahay lng naman namin sila Loraine at Alex, minsan tumatambay sila sa bahay kasi trip nila. Sa labas kaming lahat kumakain dahil nakasanayan na rin namin. Masyadong maliit kung sa bahay ni lola kami kakain kasi di kami kasya kaya sa labas kami kumakain.

Pumunta si Alex sa kwarto ng ate ko dahil manonood daw sila ng k-drama. Iba din silang dalawa manood. Lalabas lng pag naiihi o kakain o pag tatawagin. Every week ba naman mga dalawa o tatlong k-drama ang natatapos. Hindi ko alam kung maamaze ba ako oh ano sa kanila.

Si Loraine dito muna sa kwarto tumambay kasi ayaw niya daw sa bahay nila. May mga bisita kasi yung kuya niya. Naiingayan daw siya kasi puro tawanan sila. Parang siya di maingay pag tumatawa.

"Beh, baba tayo."

"Nu gagawin?"

"Bili Tayo."

"G*ga kakakain lng ng tanghalian."

"Shuta nagugutom uli ako bhie, HAHAHA."

"Wala ako pera bhie, pinambili ko na."

Kakatapos lang ng concert at bigla akong nagutom. Isang oras pa lang gutom na ako, ano ba? Sabi ko magdidiet ako eh...wala na tataba na ako malala.

At dahil wala akong magawa, pinanood ko na lang si Loraine. Wala na ako mapanood. Timatamad din ako magtiktok. paulit-ulit ko nang tinitingan yung views ng my day ko kaso di naman nababago, ganun at ganun pa din.

Habang nag s-scroll si Loraine sa fb ay biglang may nadaanan siyang video sa isang pamilyar na logo. "Raine, raine, balikan mo nga yun."

Binalikan ni Loraine yung video at sabay namin itong pinanonood.

[Hello dear watchers, do you want to become an aspiring artist and showcase the world your talent? Well say no more.

ArCrest Entertainment offers you a big opportunity to make all your dreams come true. In hopes to sharpen your ideals and ambitions we have opened up an online audition to find our next big stars.

The link is located on top of this video so if you are interested, what are you waiting for, audition now!]

Nang matapos ang video ay agad naman akong tumingin kay Loraine. Sa tingin pa lang niya ay naiisip ko na ang sasabihin niya. "Hindi, Hindi ka aalis."

"May homework pa ko sa math. Tapusin ko muna."

Agad kong hinila siya pabalik ngunit agad rin syang nakabangon. "AKIRA!"

"MAG-AUDITION TAYONG DALAWA!"

"AYOKO! WALA AKO INTEREST!"

"DALI NA, DI AKO PAPAYAGAN PAG WALA AKONG KASAMA!"

"SABING AYOKO EHH!! BITAWAN MO KO, G*GA KA!!"

Naghilaan kami sa isa't-isa na parang nababaliw na pasyente sa mental. Marunong din kumanta si Loraine, narinig ko na toh kumanta. Palagay pag nag-audition toh, tanggap agad toh.

"AYOKO, NAHIHIYA AKO!!"

"DI YAN, KASAMA MO KO. BILI NA!"

"AYOKO SABI EH!!"

"LORAINE NAMAN OH, PAYAG KA NA!" Mahigpit kong hinawakan ang braso niya at siya naman ay nagpupumigil. "PAG NATANGGAP TAYO MAY SWELDO TAYO, AYAW MO NUN MAY PAMBILI KA NG COMICS MO?!"

Napatigil na rin si Loraine at ilang segundo din akong tinitigan. "....Sure ba yan?"

"Oo naman. Sa tingin mo pano nagkakapera yang mga singer na yan? Diba? Bili na, isang try lang. pag di tayo natanggap edi wala lang. Better luck next time."

Napaisip din siya ng matagal bago pumayag. "Basta siguraduhin mong magkakabayad tayo dito."

"Ako bahala. Trust me."

Inirapan na lang ako ni Loraine at bumuntong-hininga.

"Manga yun."

"Ha?"

Lumingon si Loraine nang maka upo siya sa may study table ko. "Manga yun hindi comics, b*bo."

"Pareho lang din yun. Parehong binabasa."

**************

[...I'm wide awake but I'm still dreaming,

I'm holding on but I'm still sinking,

Even though I'm standing motionless, my mind is running off

I tried to catch my breath but justice comes and go...]

"Akira! Magsaing ka na daw sabi ni ate!" Malakas na tawag sa akin ng ate ko. 

"Ikaw na! Wala ka namang ginagawa!" SIgaw ko pabalik.

"Magluluto pa ako dito noh. Ano gusto mo? Ikaw na lang magluto ako magsasaing!"

At dahil ayoko magluto, padabog akong tumayo sa kama ko. Bumaba na ako sa kusina kung saan nagluluto ang ate ko ng hapunan.

"Bilisan mo na. Darating na sila ate maya maya." Demanding ba? Kitang gagawin na eh. Kaltukin kita dyan.

[...This tug or war is getting out of hand,

This push and pull is more than I can stand,

If I can make it through the night,

That's too much stress and I might make it out alive.]

Nang makatapos na ako magsaing ay bumalik na ako sa kwarto ko at patuloy na nakinig sa music. Medyo maganda rin tong kantang nahanap ko, sayang lang kasi wala akong mahanap na site tungkol sa kanila. Siguro baguhan lang.

Maya maya ay biglang may tumawag sa akin. 

"Bakit?"

[Beh yung presentation natin, pano yun?] Banggit ni Diane habang ako'y busy sa paghahanap ng kantang icocover. Medyo naaya ko na din si Loraine na sumabay sa pag aaudition bukas. Medyo lng, pilit pa yun.

"Sinend ko na yung instructions. Kinausap mo na ba yung iba?" Tanong ko.

[Chinat ko si Keneth kaso di pa nagrereply. Si Edwin sabi sige lang tas si Rowan offline.]

"Ano ba yan? Loko sila, tatlong araw na lang pasahan wala pa atyo nagagawa."

[Chinachat ko si Edwin. Balitaan kita pagnagreply na yung dalawa.]

"Sige Sige. Basta iready mo na yung gagamitin natin, ako na bahala dun sa mga lines."

[Sige, Bye]

Matapos naming mag-usap ay pinagliban ko muna yung kanta para tapusin yung script na gagamitin namin bukas. Ayan tuloy, nagmadali kami. Ganto ang nangyayari pag masyado kang relax. Ang rami pa namang reklamo nung teacher, pag pinasa na namin laging may mali daw. Siguro late na naman kami makakapasa nito. Wala na bagsak na ako this semester.

Hay nakong buhay na to. Gusto ko na mag-asawa ng mayaman HA HA HA HA.

************* 

[Yan napapala mo, next week na lang gawin, sige.]

"Sorry na, sorry na. Nakakatamad kaya gawin last week. Mas exciting pag ngayon."

[Exciting nga, late naman.] Ah baka sapak gusto mo!

"Eh basta, wala na tayong magagawa. Basta bukas ah, pagkatapos natin bumili bukas vivideo na tayo."

[Wag na lang, ayoko na pala. Ikaw na lang kase.]

"Eh ayoko! Gusto ko may kasama. Tandaan mo, para sa sweldo toh. Kala mo di ko naririnig yang comic na gusto mong blihin."

[Manga nga yun hindi comic, g*ga]

"Ang manga prutas hindi binabasa! Hamal ka!" Wag mong sabihing mali, tama ako.

[Mangga yun awit ka!]

"Basta pag di mo ko sinahaman, hindi ka makakabili nun."

[Oo na, papayag na nga.]

Natagalan din ang usapan namin dahil ayun nga nagchismisan pa kami. Mga 2 na kami natapos bago ko inend call siya. Antok na ako kanina pa, simula 11 pa kami nag-uusap. Bibili pa kami ng  gulay bukas. Kagigil bat di na lang kasi si Ate Allison yung bumaba? wala naman yun gagawin.

Ay basta tulog na ako, inaantok na ako.

-AR PHANTOM

(NOTE: Song - Tug of War by Adelaine)