Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 4:First meeting

MARSHIN ESCALANTE's POV

12 PM na ng umaga at by 8 sana kami pupunta sa side-farm nina Gabril para makapila as early as possible.

Pero hindi kami kaagad nakalabas ng bahay. Kasi inatake na naman si lola ng paninikip ng dibdib niya.

Kaya pinagpahinga ko muna siya. Apat na oras din 'yon saka kami bumaba sa side-farm.

'Yong bahay namin ni lola Inding ay sa bukid. Hindi naman kataasan ang bundok basta bababa ka lang .

"Ayos ka na po ba, lola? Hindi na po ba nananakit ang puso mo?" nag-aalalang tanong ko kay lola at hinaplos ko pa ang dibdib niya.

Naka-angkala ang mga braso naming dalawa, para hindi matumba ang lola ko.

"Ayos na ako, Marshin. Tayo na nga," may pagkairitang saad ni lola.

Paano kasi, eh, kanina pa ako tanong nang tanong sa kanya kung kaya't hindi rin namin namalayan na nakarating na pala kami.

Nandito na ang halos kababayan namin. May iba nakapila na, pero nakaupo naman sila. Ang iba naman ay sinusuri na ng mga doctor.

May mga tent din. Hindi na maaarawan ang mga tao dahil safe sila sa tent.

"Doon tayo, lola," ani ko na ginamit ko pa ang labi ko upang maturo ang tinutukoy ko.

Nakita ko kasi na babae ang doctor doon. Gusto ko babae. 

"Gusto ko rito, apo," parang batang saad ni lola tapos kinunutan ko siya ng noo.

Tiningnan ko ang doctor na nakapila sa linyang gusto ni lola. Lalaki!

"Lola, doon tayo," giit ko pero nahinto rin ako nang may tumawag sa pangalan ni lola.

"Indina V. Escalante."

"Aba, lola tinawag ka na nga," mahinang saad ko kay lola at ngumiti lang siya.

Nagtaas siya ng kamay at may mga nurse ang umalalay sa lola ko kaya umatras na rin naman ako.

Balak ko sanang pumila sa iba nang mahagip ko nang tingin si Hannah.

As usual, ang outfit niya ay ganoon pa rin.

Naka-short siya, 'yong uso 'ata ngayon. 'Yong parang pinunit? Red Off-shoulder crop top naman ang pantaas niya. Dahil malaki ang dibdib niya ay visible ang cleavages niya. Labas na nga ang pusod niya, eh.

Nakalugay ang red hair niya, oh, red? Kinulayan 'ata. Tapos ang makapal na makapal na make-up niya.

Nang makalapit sa akin ay tinatarayan na naman ako. Naka-cross arm pa tapos tiningnan na naman ako mula ulo hanggang paa.

Insecure na naman sa outfit ko ang Hannah na punung-puno ng insecurity sa buhay.

Nasa likuran niya ang bodyguards niya.

I glanced at myself. Okay, simpleng kasuotan lang naman, ah? Nakasuot ako ng puting pans at hindi ito kupas. Kabibili ko lang no'ng nakaraang buwan tapos naka-red shirt din ako.

Naka-pony tail ang mahaba kong buhok. Okay, na-gets ko na. Same color ang suot-suot naming outfit ngayon.

"Nanggagaya ka ba, Mareng?" maldita niyang tanong sa akin.

Maka-Mareng 'to, close kami? 

"Hindi ah," sabi ko at umiling.

"Bakit naka-red and white ka?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin at humakbang papalapit sa akin.

Ayoko ng gulo, lalo pa na may mga doctor pa rito. Saka isa pa, hindi ko naman pinapatulan ang impokritang Hannah.

Ni hindi nga ako nagpapakita na takot ako sa kanya o nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. At kung makikita pa nga ang malamig kong aura at walang emosyon ay mas nagagalit pa siya.

"Liar! Baka may espiya ka sa mansion namin! Papansin ka!" sigaw niya kaya nakuha niya lahat ang atensyon ng mga kababayan namin.

Napapailing ang mga nakakakilala sa amin.

"And look around, you even catch their attention!"

Napapunas ako sa mukha ko nang matalsikan ako ng laway niya. Maaari naman siyang magsalita nang hindi nakasigaw. Pero ganoon talaga ang boses niya.

"What's going on?" dinig kong sabi ng isang boses lalaki pero dahil ayaw paawat ang isa riyan ay tinulak niya ako.

Nawalan ako ng balanse dahil sa gulat. Tumama 'yong p-wit ko sa lupa. Lupa lang 'yon pero masakit. 

Kung ibang babae lang ako ay baka napatili na ako sa gulat at maiiyak na sa nangyari sa akin. Pero nanatili akong kalmado at walang emosyon ang mukha ko.

"Umuwi ka na nga, Mareng! Papansin ka lang dito!" dagdag pa niya.

Nanatili lang ako nakaupo sa lupa at dahil wala akong pakialam sa kanya ay siya ang tumulong sa akin sa pagtayo.

Nga lang, may kalmot na ako sa braso. Kaya madalas ang tawag sa away namin ni Hannah. Ay cat fighting. Kasi bakit cat fighting? Para siyang pusang mahilig kumalmot. Eh, kung siya kaya ang kalmutin ko? Tiyak na iiyak pa siya ng dugo.

Pasalamat siya hindi ko pinapatulan ang mga kagaya niyang immature.

"Alis! Layas!" sigaw niya at hinila ang buhok ko saka ako tinulak.

Napapikit pa ako sa sobrang sakit nang pagkaka-sabunot niya sa akin. Akala ko nga mawawalan na naman ako ng balanse pero tumama lang ako sa matigas na bagay.

Pero naamoy ko ang masculine perfume ng matigas na bagay na 'yon. Ay teka, masculine perfume?

Naitulak ko ito mula sa akin at dahil gulat na gulat nga ako ay napaatras ako at tuluyan na akong napaupo sa lupa. Bumagsak na naman ang kawawa kong p-wit.

"Here," ani ng baritonong boses at naglahad ng kamay upang matulungan ako sa pagtayo.

Hindi pa ako naka-get over sa nangyari sa akin ay naramdaman kong lumuhod siya sa tapat ko. Dahilan napaangat ako nang tingin sa kanya.

Gayon na lamang ang gulat ko nang makita ang mukha niya. At hindi lang ako ang nabigla. Maski siya, gulat na gulat at napaawang pa ang mga labi niya.

Pero 'yong gulat na expression ko ay hindi ko pinakita sa kanya.

"C-Cashren? Babe?" 

Napatili ako sa isip ko nang bigla niya akong yakapin. Napaigtad ako sa gulat sa ginawa niya at tila may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan niya papunta sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa higpit nang pagkakayakap niya sa akin.

Magsasalita na sana ako nang kinulong ng malalaki niyang palad ang pisngi ko at walang inhisbisyong siniil ako nang mariin na halik sa mga labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at feeling ko mahihimatay ako. Ramdam ko ang mainit na labi niya at 'yong dila niya ay pilit na pumapasok sa loob ng bibig ko.

Bago pa mangahas ang lalaking ito ay buong lakas ko siyang tinulak sa dibdib at mabilis ding lumipad ang palad ko sa kaliwang pisngi niya.

"Bastos!"

"Ang bastos mo!" muling sigaw ko sa kanya.

Napaatras siya dahil sa gulat at napaupo na rin sa lupa. Dinig na dinig ko naman ang pagsinghap ng karamihan.

First time kong mailabas ang totoong expression ko sa kanya. Nakaka-galit kasi. Sino ba naman siya para nakawan lang ako ng halik?

Masyado siyang mapangahas. First kiss ko pa naman din 'yon at v-rgin pa ang lips ko! Where is justice?

Gulat ang expression niya at napahawak pa siya sa pisngi niya lung saan dumapo roon ang palad ko. Dahil nga maputi siya ay visible ang bakas ng palad ko roon.

"D-Did you just..." nauutal niyang wika, bagamat hindi naman natapos.

"Oh, my God! Dr.Cervin!" sabi ng babae at inalalayan siya nitong makatayo.

"What did you do, Mareng?!" pagalit na sigaw naman ni Hannah.

Nakaawang pa rin ang mga labi ng lalake at hindi man niya pinutol ang pagkakatitig sa akin kahit nakatayo na siya.

Nakakapit sa braso niya ang kasamahan niyang doctor at masama ang tingin sa akin.

Mula sa likuran ko ay may humawak sa baiwang ko at inalalayan naman akong makatayo.

Balak ko sanang itulak ang lalake ngunit nakilala ko rin naman. Si Gabril, salubong ang kanyang kilay.

"Hannah, bakit ba ang init mg ulo mo kay Mareng?" iritadong saad ni Gabril.

Ngunit dahil sa kahihiyang nangyari ay naisip kong tumakas. I mean, umalis na roon.

Ni hindi ko na nga inalala si lola basta kumaripas na ako nang takbo.

Nakakahiya ang pangyayaring iyon. Lalo pa ang paghalik sa akin ng estrangherong lalake na 'yon. Tapos saksi pa ang kababayan namin.

Mabilis na nag-init ang pisngi ko at ang lakas nang kabog sa dibdib ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at ang isa kong kamay ay naka-haplos sa labi ko.

Hindi naman 'yon tumagal ng ilang segundo ngunit, bakit ramdam ko pa rin ang malambot at mainit niyang mga labi sa akin?

Patay na, nagkagulo na ang sistema ko! Bakit ba naman kasing nanghahalik ang isang 'yon?

"Mareng!"

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko upang hindi ako maabutan ni Gabril.

"Mareng, naman!"

Dahil nga wala na ako sa sariling tumatakbo ay hindi ko na nakita ang batong naapakan ko. Kaya nadapa ako.

Mahinang napadaeng ako nang sementado na pala ang pinagbagsakan ko.

"T*ngina naman," malutong kong mura. Hindi ako palamurang babae, pero napapa-mura talaga ako sa tuwing nasasaktan ako.

"T-nginang batong 'yan," ngitngit ko at ramdam ko ang paghapdi sa kanang tuhod ko.

Naka-pans ako ngunit napunit ito at nagkasugat na rin ako.

"Cashren!"

L-ntik! Boses 'yon ng baritonong lalake!

Kahit masakit 'yong tuhod ko ay pinilit kong tumayo at dahan-dahang naglakad.

Pero hindi pa ako nakakalayo nang umangat ako sa ere. I mean, may kumarga sa akin na parang sakong bigas.

Napatakip ako sa bibig ko. Masusuka ako kung ganito niya akong kargahin. Madali akong mahilo.

"I-Ibaba mo nga ako!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

Sa waiting area kami huminto at marahan na binaba niya ako sa table na gawa sa kawayan.

Napahawak siya sa baiwang niya at matalim ang tingin sa akin.

Aba! Bakit galit ito sa akin? 

"Cashren..." mahinang bulong niya at kumunot ang noo ko.

"Babe, Cashren..."

"Hindi ako si Cashren!" sigaw ko sa kanya pero umiling lang siya.

Namilog na naman ang mga mata ko nang muling kinulong ng malaking palad niya ang pisngi ko.

"My babe...bumalik ka na, please..." nagmama-kaawa ang boses niya.

"H-hindi ako si.. Cashren," mariing sabi ko at kinagat ko ang lower lips ko.

Kitang-kita ang gulat na expression niya nang tiningnan ang labi ko pataas sa pisngi ko.

Umiling siya. "You're not my wife. She don't have a dimples."

#GS2:TOPW