Chapter 9: First day of school/New friends
NO STRINGS ATTACHED.
Wala pa man ay tila nasasaktan na ako. Mahirap akong ma-fall sa isang tao, lalo na kung sa physical na anyo pa ito. Huwag lang siyang maging mabait kahit na alam kong suplado rin siya.
Pero bakit nasaktan ako sa sinabi niya? Expected na ba niya na mahuhulog ang loob ko sa kanya?
Kung alam mo lang doctor Cervin, may feelings na ako sa 'yo pero hinding-hindi ko 'yon aaminin sa 'yo.
Pero 'yon din ang akala ko. Kasi dumating din pala ang pagkakataon na mamamalimos din ako ng pagmamahal niya.
***
Sa guest room ako ng mansion nila natulog at hindi ako kaagad dinalaw ng antok. Comfortable naman ang higaan ko ngunit hindi ko rin talaga maiwasan ang maging malungkot.
Ngayon, hindi na ako si Marshin V. Escalante. Ako na si Cashren Jhed Vesalius. Segurista rin pala ang doctor na 'yon. I mean, napaka-possessive niya sa wife niya. Akalain niyo? Nag-aaral pa lang ang asawa niya ay dala-dala na nito ang surname ni Cervin?
Kinabukasan ay maaga akong nagising. First day of school ko ngayon, pero ang Cashren na 'yon? Ilang buwan na excused sa school.
Ayon sa mga nabasa kong information about her. Top student siya pero pangatlo lang siya sa loob ng klase nila.
22 years old na siya, ang birthday niya ay September 21. Nag-iisang anak na babae. Business man ang daddy niya at may boutique naman ang mommy niya at wedding stylist pa.
Loner si Cashren dahil wala siyang kaibigan kahit isa. Except sa pinsan niyang close na close silang dalawa.
Si Xarina Carter, isang sikat na actress at model. Maganda siya at morena ang kutis niya. Okay, nakita ko na rin ang face ni Cashren.
Hindi pa ako makapaniwala, eh. Akalain mo? Kamukhang-kamukha ko siya? Pero makikita mo rin sa picture niya na may pagka-maldita ang aura niya. Buti at hindi siya masyadong maputi, 'sakto lang.
Second year college na rin siya at HRM ang course niya. Okay, bet ko ang course niya dahil 'yon naman ang pangarap ko noon.
Nakaka-sad lang dahil mag-aaral ako bilang Cashren Jhed Vesalius, hindi Marshin V. Escalante.
Blue and black, 'yan ang color ng uniform ng university ni Cashren. May necktie pa.
Kabado ako noong bumaba na ako at hindi ko alam kung ano rin ba ang magiging buhay ko sa university na iyon.
Pero dahil best actress naman din ako ay keri ko itong gawin. Basta, don't show your real emotions. 'Yan ang panlaban mo sa mga taong ayaw sa iyo.
Nakalugay lang ang long hair ko at naglagay na rin ako ng kolorete sa face. Required 'yon dahil maarte si Cashren. Isa pa college na rin naman siya. Kaya natural na normal na iyon sa kanila.
Pagkalabas ko mula sa guest room ay kaagad na ako sinalubong ng magandang babaeng sumundo sa akin sa Sta.Maria Province.
May hawak siyang color peach na expensive bag.
Binigay niya ito sa akin at muntik ko na siyang ngitian kung hindi ko lang naalala ang sinabi ni Cervin sa akin.
Walang imik na kinuha ko na ito mula sa kamay niya.
"Your breakfast is ready, ma'am Cashren," aniya and she lead the way towards the dining area.
Akala ko makakasama kong kumain ng breakfast si Cervin, oh kaya ang mommy niya. I found no one in the dining room.
May isang kasambahay lang ang nakatayo malapit sa long table. At mukhang mag-isa akong kakain ng agahan ko.
"Where's Cervin?" I asked Ms. Suzanne when I sat on the chair. Take note, guys. No expression 'yon.
"He's with your daughter, ma'am at tapos na rin po silang kumain. Hinatid lang po nila si madam."
Oh? Mukhang malungkot nga ang life ko ngayon. Dahil sasanayin ko na ang sarili ko na mag-isa.
Nakaka-panibago. Pero bakit ba ako umasa? Alam kong ganito talaga ang mangyayari sa akin.
Napatingin ako sa table kung saan nakahain na lahat ang mga pagkain. Sa dami nito na aakalain mong marami kayong kakain ngunit mag-isa lang talaga ako.
Ito 'yong pinaka-ayaw ko. Kahit maraming nakahain na foods at kahit masarap pa ito ay nakakawalan din ng gana. Hindi mo ma-appreciate ang sarap ng pagkain kung mag-isa ka lang.
Hindi mo kayang i-enjoy ang pagkain nang wala kang kasama. Tapos sanay pa man din ako na palagi akong may kasalong kumain. Maging sa tahanan ng doctor na 'yon ay talagang pinapamukha sa akin na wala akong karamay. Na loner ako at wala akong kaibigan.
"I lost my appetite," malamig na sabi ko at nagulat pa si Ms.Suzanne pero wala siyang nagawa nang tumayo na ako at tuluyang lumabas mula sa dining room.
Nakaka-emotional kung kaya't dapat sanayin ko na ang sarili ko mula sa araw na ito.
Saglit na kakalimutan ko na muna ang buhay ko sa probinsya namin.
Ayon kay Ms. Suzanne na secretary pala ni Cervin ay hatid-sundo ako. Meaning no'n hindi ako puwedeng lumabas nang mag-isa at hindi rin ako puwedeng gumala.
Isa lang ang naisip ko. Strict ang doctor na 'yon.
Pagkarating namin sa university ay hindi ko rin magawang i-enjoy na mag-aaral na ako rito.
Parang pinagbagsakan pa ako ng langit at lupa. Mula pa sa mansion na iyon ay ganito na talaga ang pakiramdam ko.
Hindi ko magawang i-enjoy ang lahat. Dahil hindi na ako si Marshin. Bagong buhay ko na ito bilang proxy wife ni Dr.Cervin.
Malaki ang university at tiyak na mamahalin ang tuition dito.
Ginala ko ang tingin ko sa paligid. May mga students na nakikita kong sabay-sabay na pumapasok sa loob. May mga magkakaibigan, couples at iba pa.
Pero ako? Maging sa university na ito ay loner pa rin naman ako. Mahirap din makipag-socialize na isa pa hindi iyon gawain ni Cashren.
"Ihahatid ko na po kayo sa classroom niyo, ma'am Cashren," presinta ni Ms.Suzanne.
"You don't have to," cold kong sabi at walang lingon na pumasok na nga ako sa loob.
Nilabas ko ang COR ni Cashren mula sa shoulder bag niya. Hindi naman ako mahihirapan nito dahil may map ang school.
Ilang minuto lang ay nahanap ko na nga ang classroom ni Cashren.
Marami nang students ang nasa loob nito. Maraming nag-uusap sa dulo, malapit sa bintana at maging sa pisara.
Napahinto sila nang makita ako. Walang kahit anong sounds ang maririnig mo at dahil doon ay kinabahan ako. Bully rin ba si Cashren?
Pero parang hindi naman kasi bumalik na sa normal na ingay ang lahat. Pinasadahan ko nang tingin ang kabuoan ng classroom. Hindi ko rin alam kung saan ang upuan ni Cashren.
Pero instinct ko ang nagsabing malapit sa pisara at doon nga ako umupo. Napatingin ako sa desk at may Cashren J.V nga ang nakasulat dito.
I felt relief, hindi rin ako nagkamali. Sa ilalim ng desk ay may mga libro ito at iyon ang nilabas ko.
History ang first subject ngayong umaga at binuklat ko ang libro.
Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa habang hinihintay ang prof. Ilang segundo lang ang nakalipas ay may pumasok na ngang prof.
Dahil top student din ako dati ay hindi ako nahirapang humabol sa discussion nila.
After that ay nagpa-short quiz ang prof. at nasagutan ko naman lahat.
Pinasa naming lahat ang test paper namin sa right row. Kami lang din ang magtsi-check ng test paper namin ngunit exchange din naman siya.
Arthea Primero, basa ko sa pangalan ng test paper na tsine-check ko. Napatingin ako sa right row at nasalubong ko ang itim na itim na mga mata ng isang babae.
Maganda siya at nakangiti rin. It seems she's happy-go-lucky. Mahaba rin ang black hair niya.
I looked away, pagkatapos no'n ay kaagad na nalaman ang highest sa quiz.
Dalawa kami ni Arthea, perfect niya ang short quiz namin. Narinig ko ang mga bulungan ng kaklase namin.
Second semester na ito at sa mga narinig ko ay new classmate namin si Arthea.
"Ganoon ba kung madalas kang wala? Nagiging top one ka na sa loob ng klase?"
"Oh, sadyang matalino lang talaga siya?"
Binalewala ko na lang iyon at nag-break time din kaagad.
"Cashren Jhed Vesalius!" tawag ng isang boses babae but I ignore that.
"Cashren! Cashren!"
I'm not Cashren, girl.
"Cashren! I'm Art, can I be your friends?"
New friend? I don't think so.
#GS2:TOPW