Chapter 10: Cervin's madness
PUMASOK ako kaagad sa cafeteria at nag-order ng makakain ko.
Mukhang favorite ko na egg sandwich at apple juice ngayon, ah.
Mahaba-habang pila rin pero umabot din naman ako at naghanap na ako ng vacant seat.
Hindi pa naman ako kumakain nang may umupo na sa tapat ko. 'Yong babae kanina.
"Ang aloof mo naman po. I'm Arthea Primero, Cashren right?" tanong niya at hindi ko siya sinagot.
Hindi naman mukhang masungit ang isang ito at iba ang aura niya. Can I be her friend? Hindi ko alam kung magandang ideya ba ito. Pero ako naman ang klaseng tao na hindi kaagad nagtitiwala.
Okay, except kay Dr. Cervin na kahit na-reject ko na once ay tinanggap ko pa rin ang offer niya.
But base on her looks, mukhang mabait naman siya. But maybe, mag-oobserba lang ako sa kanya.
Ganoon naman tayo 'di ba? oobserbahan pa natin ang isang tao.
"Sandwich lang ba ang lunch mo?" mahinahong tanong niya at napatingin ako sa binili niyang foods.
Okay may rice siya, spaghetti, carbonara at orange juice. Habang ako na hindi nag-breakfast kanina ay sandwich at apple juice lang ang kakainin ko?
***
"Sige na naman, Cashren. Friends na tayo," pangungulit niya.
Hinayaan ko na nga siyang kumain doon kasama ko pero tahimik langa ako. Pero sadyang makulit talaga siya at desperadang makipag-kaibigan sa akin.
"I'm, Art. 18 years old and I'm married," aniya at doon na niya nakuha ang buong atensyon ko.
Married? Napaka-bata pa niya upang maikasal, ah?
"Really?" takang tanong ko at napa-yes pa siya nang magsalita ako.
"Friends na tayo niyan?" nakangiting tanong niya at napakamot ako sa kilay ko. Biglang kumati ang kilay ko, eh.
"Yes, two weeks ago. But civil wedding lang naman. Isa pa arrange marriage lang," aniya at may bahid na kalungkutan iyon.
"You love your husband, don't you?" diretsong sabi ko pero umiling siya.
"I don't even know him," sabi niya at nawala ang ngiti sa labi niya.
She's just fast to trust someone else para lamang sabihin niya ang status niya sa buhay?
"It's seven or eight years ang gap naming dalawa. He's a doctor and he loves someone else. Alam mo ba sa honeymoon namin ay sa ibang bansa siya pumunta? Ka-honeymoon niya ang babaeng mahal niya sa halip na ako na asawa niya," nagngingit niyang wika.
Napaka-gago naman talaga ang asawa niya. Makita ko lang iyon ay babangasan ko talalaga.
***
"BAKIT ang dali mong magtiwala sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Dahil alam kong magiging best friend kita," nakangiting sagot niya.
"I tell you my secret, too. I'm a proxy wife, and Cashren is not my real name," malamig kong sambit at napasinghap siya.
Lumapit siya sa akin at namimilog pa ang mga mata niya. I found her cute.
"Then what's your name?" nakangiting tanong niya.
"Im Marshin V. Escalante, 20 years old. I'm from...malayung-malayong probinsya." (A/N: That's why hindi alam ni Art kung saang probinsya ba iyon.)
"Then, I call you, Shin. Friends." Nilahad niya ang palad niya at automatic na tinanggap ko ito.
"Friends."
That's the start of our friendship.
It's not a bad idea having a new friend. We are the same situation. Legal wife nga lang siya at may rights siyang awayin ang kabit ng asawa niya.
While me? It's a proxy, a fake wife na walang rights kay Cervin.
After our class ay nakauwi rin kami.
Hatid-sundo rin si Art. Katulad ko ay ulilang lubos din. Ang lolo lang niya ang nag-alaga sa kanya.
Destiny talaga na makilala ko siya. Kaya relate na relate kami sa buhay namin.
Pagkauwi ko sa mansion ay hindi ko nadatnan ang malditang bata at nagulat pa ako nang sinalubong ako ni Ms.Suzanne at pinapasok ako sa isang kuwarto na may king sized-bed.
Masyadong malaki at sa paanan ng kama na nasa wall ay nandoon ang wedding picture nila.
Kahit ang ibang tao ay pagkakamalan ako na si Cashren. Pero alam kong malaki ang pinagkaiba naming dalawa.
"You can rest, now, ma'am," magalang na sabi niya at nag-bow pa sa akin.
Napaupo ako sa kama at pinasadahan ko ang buong silid. Napaka-ganda.
Nilapag ko sa kama ko ang shoulder bag ko at tinungo ang isang pintuan sa may left side.
Nag-aalangang pinihit ko ito pabukas at nakita kong walk-in closet pala.
Namangha ako sa nakita. M-Mukhang pag-aari ito ng dalawang mag-asawa.
May mga coat pa ang naka-hunger nang maayos. Sa may rack ay ang dami ring black shoes at hati no'n ang magagandang sapatos ni Cashren.
Mamahalin halos lahat ang mga gamit nila at may collection pa na bag.
Wow, ganito ba kayaman ang doctor na iyon? Halos kasing laki na nito ang master bed room nila.
Kinuha ko ang isang kulay pulang sapatos na may 5 inch din ang taas.
Sa tanang buhay ko ay never pa akong nagsuot ng ganitong kataas na heels. Puwede kayang i-try?
Pero hindi ko pa man ito naisusuot ay binalik ko naman kaagad.
Napatingin ako sa perfume collections. Madalas ko itong nakikita na mayroong ganito si Hannah.
Inabot ko ito at nag-spray pero biglang may nagsalita.
"What the f*ck are you doing here?" May kasamang pang mura!
Napaatras ako sa gulat at nabitawan ko ang perfume na hawak ko.
Nabasag ito at dinig na dinig sa buong silid ang tunog ng pagkabasag nito.
"Fuck! That's my wife's limited edition perfume! What the h-ll did you do?!" sigaw niya sa akin at sobrang bilis nang tibok ng puso ko.
Sanay na sanay na ako sa mga masasamang salita na natatanggap ko from Hannah.
But not with him. Tila may kung ano ang kumurot sa puso ko dahil sa nakikitang nagalit siya.
Nagalit siya sa akin dahil pinakialaman ko ang things ng wife niya.
"You are not allowed to enter our master bedroom," malamig niyang sambit.
"S-Sorry..."
Tiim bagang na tiningnan niya ako at walang emosyon ang mukha niya.
"Alam kong alam mo na hindi magandang ugali ang nangingialam sa mga bagay na hindi para sa 'yo," dagdag pang sabi niya.
"Pinaka-ayaw ng asawa ko ang pinapakialaman ang pagmamay-ari niya. And please, don't f*cking do this," galit na galit na wika niya at marahas na hinila ang braso ko.
Hindi naman niya ako kailangang kaladkarin, ah? Kusa naman akong lalabas.
"You'll stay in your own room," sabi pa niya at saka niya ako tinalikuran.
Napapikit pa ako nang pabasak na sinara pa niya ang pintuan ng kuwarto niya. Take note, malapit ito sa mukha ko.
Nagmamadaling tinungo ko ang guest room at napa-salampak ako nang upo sa sahig habang nakasandal ako sa nakasarang pintuan.
K-Kusang tumulo ang mga luha ko. Napayuko ako at napayakap ako sa tuhod ko.
Sobrang sakit niyang magsalita at tila nadudurog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Sunud-sunod ang pagbuhos ng mga luha ko at wala itong tunog.
Parang bumuhos lang bigla at hindi ako napapahikbi. Napahawak ako sa dibdib ko kung saan nakatapat nito ang puso ko na sobrang kumikirot.
Bakit ganito? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit nasasaktan ako?
Bigla akong nakarinig nang mahihinang katok na naka-level lang sa ulunan ko.
Hindi ko ito kinibo noong una.
"Are you theye (there) Can I come in?" Boses 'yon ni Cerae.
Bakit nandito ang batang ito?
And Cervin? Unti-unti na niyang pinapakita sa akin ang tunay niyang ugali.
Nakakatakot na nakaka-sakit.
#GS2:TOPW