Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 6:Cervin's offer

"You can come with me. Sumama ka sa akin sa Manila."

Ang pagkakunot nang noo ko ay napalitan nang pagtaas ng kilay.

"Sino ka ba? At bakit naman ako sasama sa 'yo? For your information, hindi kita kilala at hindi ako sumasama sa mga estranghero na katulad mo kahit doctor ka pa," malamig na saad ko at wala ring emosyon.

Una noong sinabi niya sa akin 'yon ay bumilis ang tibok ng puso ko for no apparent reason. And h-ck! Bakit niya ako isasama sa kanya?

Saka as if sasama ako sa kanya? Okay, hindi naman ako nakakaramdam ng kung ano sa kanya, masama? Wala. Basta kinakabahan lang ako sa presensiya niya.

"I have an offer, Mareng."

P-tarages na 'yan!

"Marshin, Marshin ang pangalan ko. At huwag na huwag mo akong tawaging Mareng," suplada kong sambit at tumaas lang ang sulok ng labi niya.

"Alright, Marshin. Una, magpapakilala ako sa 'yo. I am Doctor Cervin Raeson Vesalius, not really a surgeon but I am dealing with a medicine," aniya. Okay I got it.

"And so?" masungit ko pa ring saad.

"Accept my offer at maganda naman ang benefit mo rito. And as you know, pinaubaya ka na sa akin ng late grandmother mo. Ako na raw ang bahala sa 'yo."

Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Ano?! T-ngina mo, huwag ka ngang magbiro ng ganoon! Hindi ka nakakatuwa!" pagmumura ko sa kanya at napatulala siya sa akin.

"D-Did you just...cursing me, woman? A-Ang lutong mo namang magmura, t-tagalog pa," utal-utal niyang sambit.

"Mind you Dr.whatever you are, hindi ako naniniwala sa 'yo. Hindi ka kilala ng lola ko at mas lalong hindi kita paniniwalaan!"

Tumayo naman siya sa tapat ko at may ngisi sa labi.

"I even recorded," he said at inilabas niya ang cellphone niyang mamahalin.

Ilang segundo lang ay narinig ko na ang mahinang boses ng lola ko, na nagpabilis nang tibok ng puso ko lalo.

"D-Doc..."

"Ano po 'yon, lola?"

"Ikaw na ang b-bahala sa aking apo... A-Alam kong aalagaan mo siya nang mabuti. Isa pa..."

Hindi na natapos ang pangungusap ni lola nang biglang nagkagulo sa background at sigurado ako na 'yon ang eksena namin kanina ni Hannah!

Nakapag-usap sila nang ganoon kaikli? What?!

Napatitig ako sa kanya at nakataas na ang kilay niya.

"K-Kung tatanggapin ko. A-Ano'ng klaseng offer 'yan?"

"Be my wife... but a proxy of my wife."

***

"Ano? P-Proxy? Substitute?" sunud-sunod kong tanong sa kanya at hindi makapaniwalang tinitigan siya.

Nababaliw na ba siya? Bakit niya naisipang alukin akong maging proxy wife niya? At ano raw? M-May asawa na pala siya?

Napahawak ako sa dibdib ko nang tila may pumiga no'n ng kung ano'ng bagay sa dibdib ko.

A-Akala ko...single pa siya p-pero may asawa na pala siya? Bakit pa ako nagtaka? Eh, sa looks pa lang niya ay malalaman mong may nagmamay-ari na pala sa kanya.

At bakit nagkakaganito ako?! Bakit nagagalit ako?

"Be my proxy wife, please."

Umiling ako dahil hindi ako sang-ayon sa kanya. Hindi ako pumapayag sa nais niya.

Ako si Marshin V. Escalante at never akong naging fake, proxy o naging substitute ng kung sinu-sino lang.

May sarili akong buhay, may sarili akong pag-iisip.

Dahil alam kong hindi lang basta-bastang proxy ang gusto niya.

Ako ang magiging substitute ng asawa niya at alam kong lahat ng gawain nito at ang attitude ay dapat kong i-career.

Saka isa pa, hindi ako pumapayag. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako pinagkatiwala ni lola.

Puwede naman ang mga kababayan namin, ah? O kaya si Gabril na dakila kong kaibigan. Kahit huwag na kay Hannah na alam kong lalasunin lamang ako no'n.

Pero sa isang 'to? Sa lalaking estranghero na ito? Oo, inaamin kong guwapo siya at nararamdaman kong safe naman ako physically, hindi ko alam kung emotionally ay safe rin ba ako sa kanya.

Kasi baka in the end ay mahulog lang ang loob ko sa kanya. Hindi malabong mangyari 'yon, isa pa hindi talaga ako nakakaramdam ng panganib sa kanya.

"K-Kung tatanggapin ko ang offer mo, ano'ng makukuha kong benefit sa 'yo?" tanong ko at nakita ko naman ang pagdaan ng pag-asa sa mukha niya.

"Hindi dahil tatanggapin ko ito agad, pag-iisipan ko pa naman," saad ko at tumango pa siya.

"I can offer you a money, house and lot," seryosong saad niya.

"Or I can offer whatever you want, just name it. At ang kapalit no'n ay maging proxy wife ko. Maging Cashren Jhed Vesalius. I know, this is funny but I'm a desperate. My wife is missing and I need you to act like my wife, a proxy."

"B-Bakit ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit ako ang napili niyang maging proxy? Bakit sa dinami-rami ng...napahinto ako sa naisip. Don't tell me...

"Because you looks like her, exactly. Except your set of dimples."

Sabi ko na nga ba! Hindi niya ako aalukin no'n kung hindi ko kamukha ang asawa niya! At bakit naman naging kamukha ko pa ang babaeng 'yon?

Kaya pala bigla niya akong tinawag sa pangalan na 'yon. Kaya naman pala na bigla-bigla niya akong niyakap and worst, hinalikan pa!

Iyon pala ay kamukha ko lang ang babaeng masuwerte na 'yon?

Pero...

"Paano nangyari 'yon? P-Paano naging kamukha ko ang a-asawa mo?" 

"I don't have any idea, too. Basta ang alam ko, walang kakambal ang asawa ko. May mga pinsan siya pero hindi naman kamukha niya. Isa pa, only child lang siya. Siguro..." hindi niya tinapos ang sasabihin niya sana nang mataman niya akong tinitigan.

Namilog ang mga mata ko sa posibleng naisip niya. Napaatras ako.

"Hindi ako nagpa-plastic surgery, hoy!" defensive na sigaw ko at naningkit naman ang mga mata niya.

"I know, I can see it. Isa pa, you can't afford that thing," balewalang saad niya.

"Bakit nasaan ba ang a-asawa mo?" Ayoko talagang bigkasin ang asawa na 'yan. 

Sumisikip kasi ang dibdib ko sa hindi ko malaman na kadahilanan.

"She's missing and you don't have a right to know that. Just be my proxy wife."

"T-ngina ka, sino ba ang nangangailangan ng tulong ngayon? Antipatik* ka," naiinis kong saad.

"Masyado ka kasing maraming tanong. Bakit hindi mo na lang tanggapin ang inaalok ko sa 'yo? Dalawa tayo ang makikinabang," walang emosyong saad niya.

"Ganito ka ba makipag-negotiate. Masyadong demanding? Tandaan mo, walang tatanggap sa offer mo kung ganyan ka makipag-usap. Mayaman ka naman, 'di ba? Just choose the other girl, saka mo siya ipa-plastic surgery!" sigaw ko at nagpupuyos ang kalooban na tinalikuran ko siya.

Napaka-demanding niya, ha? Siya na nga ang nangaingailangan siya pa 'tong impakto!

"Cashren? W-What are you doing here?" biglang tanong sa akin ng kung sinong babae.

Maganda siya, matangkad, at mukhang sophisticated. Nahiya ang morenang kutis ko sa mestisa niyang balat.

Pero mas matangkad naman ako sa kanya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at suminghap pa.

"What are you wearing? Oh, my God."

Nawala ang expression sa mukha ko dahil sa pang-iinsulto na 'yon.

"Don't block my way, b-tch," malamig na saad ko at umatras pa siya.

"I thought, n-nawawala ka?" T-ngina na 'yan! Napagkamalan pa ako!

"Iyon ang akala mo," suplada kong sabi at napaigtad ako nang maramdaman ko ang brasong dumausdos sa baiwang ko.

"What are you doing here, Dra.Georgina?" tanong ng lalaki kanina na kausap ko.

"Nahanap mo na pala ang babaeng 'yan?" tanong nito at may bahid na kalungkutan na 'yon. Ay ano? Kalungkutan?

Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang babae at napasinghap siya nang makita niyang ginawa ko 'yon.

"And until now doctora. You are still obsessed with him? Oh, poor you baby," ani ko at dumagundong naman ang kaba ko sa dibdib nang humigpit ang pakakahawak niya sa baiwang ko.

What's wrong with you, self?!

End of chapter 5.

***

#GS2:TOPW