Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 8:Cervin's proxy wife

NGAYON lulan na ako ng isang mamahaling kotse patungo sa Manila. Kung saan doon mismo magsisimula ang bagong yugto ng buhay ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at sumandal ako sa likod ng kinauupuan ko saka ako pumikit.

Hindi ko talaga maiwasan ang malungkot. Maiiwan ko ang Sta. Maria Province, kung saan ang probinsyang nagbigay sa akin ng alaala.

Ang probinsyang naka-mulatan ko at pinanggalingan ko. Pero pinapangako ko, pagkatapos ng lahat ng pagkukunwaring ito ay babalik ako. Muli akong babalik sa probinsyang ito.

Kaya sa ngayon, paalam muna Sta.Maria Province. Saglit na saglit lang ako aalis.

Dahil siguro sa haba-haba nang biyahe namin at ilang oras din ang nakalipas bago namin natunton ang Manila.

Nakatulog din naman ako dahil sa. pagod at isa pa, hindi ako sanay sa mahabang biyahe.

Binigyan ako ng magandang babae kanina ng dalawang egg sandwich at apple juice. Nanghingi pa ako ng extrang egg sandwich dahil gutom na gutom talaga ako.

Isa pa, these past few days ay hindi talaga ako nakakain nang maayos. Kaya siguro sa biyahe ay ngayon ko lang naramdaman ang labis na kagutuman.

Sige, Marshin, magkulong ka pa at mag-emo. Hayan ang napapala mo, nagugutom at humingi pa ng extrang food. Pangangaral ko sa loob-loob ko.

Huminto ang kotse sa malaking gate at kahit na laking probinsyana ako ay may alam naman ako tungkol dito.

Nakatira sa isang village ang doktor na 'yon at base sa mga securities ay strict sila sa mga taong pumapasok sa loob ng village. At marahil bawal ang outsider.

Hindi nagtagal ay pumasok ang sinasakyan namin sa isang tarangkahan at napasilip pa ako sa labas ng bintana.

Namamangha sa nakita. Ganitong-ganito talaga ang mga mansion na nababasa ko sa mga pocket book.

Sobrang malaki at sa labas pa lang ay ang ganda na. What if kaya kung nasa loob na ako ng mansion na ito?

"Nandito na po tayo, ma'am Cashren," saad no'ng babae pero hindi ko siya pinansin.

Hindi naman kasi ako si Cashren. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan saka ako bumaba mula rito.

Dala-dala ko lang ang hindi kalakihang bagpack ko. Mga importanteng bagay lang ang mayroon ako rito.

Kanina hindi ako nakaramdam ng kaba pero ngayon ramdam ko na. Ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko.

Bumuntong-hininga ako saka ako sumunod sa magandang babae.

Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakapasok at hindi ko pinakita ang tunay kong expression dahil sa pagkamangha sa loob ng mansion.

Walang emosyong tiningnan ko ang kabuoan ng paligid. Okay, mahirap i-describe basta isa lang ang masasabi ko. Napaka-ganda.

Napatingin ako sa hagdan nang may marinig akong umiiyak na baby. 5th floor yata ang mansion at sobrang laki nito.

"Ssh... Don't cry na baby. Pauwi na raw ang hilaw mong mommy," sabi ng boses babae at pilit na inaalo ang bata.

"Mom-my... Where's my mommy?" dinig kong sabi ng bata bagamat umiiyak.

Marahang bumaba ang ginang habang buhat-buhat ang umiiyak na bata.

Hindi ko pa masyadong nakikita nang maayos ang hitsura ng babae.

Batang babae ang karga niya na naka-pajama pa na kulay pink. May pagkakulot ang maikli niyang buhok.

Siguro anak ito ng doctor na 'yon? Nasaan kaya siya?

"Madam," tawag ng magandang babae sa ginang nang makababa na ito.

Nag-vow pa ito sa harapan ng ginang. Parang royalty lang ang peg niya. At ako na kinakabahan ay hindi ako lumapit sa kanila.

"Oh, nandito ka na pala, Ms.Suzanne, nasaan na ang magaling kong daughter-in-law?"

Uh-oh, base sa reaction ng ginang ay mukhang hindi maganda ang pakikitungo nila sa isa't-isa at baka sa akin pa magalit ito.

Muntik na akong mapaatras dahil sa takot ko nang humarap na nga sa akin ang ginang.

Nakataas ang mga kilay niya sa akin at mas lalo lang akong kinabahan.

Maganda siya kahit may edad na, siguro na sa late 50's na siya. Mayaman siya kaya siguro naaalagaan pa ang katawan, I mean, maganda pa rin ang hubog ng katawan niya.

Kamukha niya ang doctor na 'yon. Marahil nanay niya?

Pero patuloy pa rin sa pag-iyak ang batang karga niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Babatiin ko kaya siya ng 'hi, magandang hapon po. Kamusta, mommy?' Ganoon ba? Eh, baka mapahiya lang ako. Pero 'yon nga ang ginawa ko.

"Good afternoon po, mommy," bati ko sa kanya at ngumiti ng ubod na tamis pero naputol din iyon nang mapansin ko ang gulat na gulat nilang reactions.

Sabi ko na sa 'yo, Marshin, eh. Huwag mo nang batiin!

Kahit ang batang babae ay natigil din at lumingon sa akin.

Tila may kung anong bagay ang bumaon sa dibdib ko nang makita ko ang hitsura ng bata.

Punung-puno na ito ng luha at namumula ang mga mata at ilong niya.

Aw, ang cute ng bata at mukhang matagal na sa pag-iiyak.

"Ms.Suzanne, you can leave, now."

"Sige po, madam," magalang pa ring sambit ng magandang babae saka siya lumabas pero bago 'yon nag-vow pa siya sa akin.

"Ah...mommy!" Iyak ng bata at tumalikod na sa akin.

"Who are you?" malamig na tanong sa akin ng ginang.

Nakaka-intimidate naman ang aura niya. Mukha siyang dangerous.

"Uhm..." Nag-aalangan pa akong sumagot dahil wala naman akong maiisip na sasabihin.

Kinakabahan na nga ako, eh. Ikaw ba naman na met mo ang future mother-in-law mo? Ay ano raw? Forget it, guys.

Lumapit ako palapit sa kanila at kahit nahihiya ay pilit kong kinukuha ang loob ng bata pero ayaw naman magpahawak.

Umiirap pa sa akin kahit napaka-bata pa niya. Pero good thing 'yon kasi huminto na siya sa pag-iiyak niya at ako ang iniirapan.

Sure ako na lalaking maldita at spoiled ang batang ito.

***

Tahimik na nakaupo lang ako sa mahabang sofa, ngayon lang ako nakaupo sa malambot na sofa na ito at diretso ang mga mata ko sa batang nakaupo sa tapat ko.

"Hmp!" irap niya sa akin at nagngitngit ang kalooban ko.

Alam ko kung saan nagmana ang batang ito. Malamang sa daddy niya! Naka-crossed arm pa siya at sa mga mata ko rin siyang nakatingin.

Hindi ko na mabilang kung nakailang irap na ba siya sa akin. Buti at hindi ako pumapatol sa bata.

"Okay, umuwi ka kaagad. Mag-uusap tayo." Napatingin ako sa ginang nang umupo siya sa tabi ng apo niyang masungit.

Tinatawagan niya marahil ang kanyang anak. Kung kanina ay nakakatakot ang aura niya, ngayon naman ay maaliwalas ang bukas ng mukha niya.

Napainum ako ng apple juice ko ng wala sa oras.

"Who are you, again?" tanong niya and this time, mahinahon na ang kanyang boses.

"Ma-Cashren?" nag-aalangang sabi ko na patanong naman.

"Alam kong hindi ikaw si Cashren," nakataas na kilay na sabi niya.

Napatikhim ako, nakakahiya naman kasi. "Marshin V. Escalante po ang pangalan ko, ma'am," sabi ko at napakagat labi ako nang bumaba ang mga mata niya sa magkabilang pisngi ko

M-May dumi ba ako sa aking pisngi? Pasimpleng napa-punas ako rito pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

"I like you," sabi niya na pagkatapos sa pagtawa.

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"Sorry po pero...h-hindi po ako p-pumapatol sa babae, ma'am."

Mas lalo lang yata siyang napatawa at kahit ang batang nasa tabi niya ay napapangiti na rin.

Ang weird nilang dalawa. Napailing ako.

A few minutes later ay nahimasmasan na rin ang ginang at pasimpleng pinahiran pa ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

Nakangiting lumingon ito sa akin.

"It's not like that, dear. I like you for my son," aniya.

Napakislot naman ang heart ko dahil sa sinabi niya. First meeting pa lang namin ni mommy--este ng ginang ay like na niya ako kaagad para sa kanyang anak?

That fast? Ni hindi pa ako nakapag-impress sa kanya?

"I like you than my real daughter-in-law. She's pain in the as-, you know," dagdag pang saad niya at kiming ngumiti na lamang ako.

"Hindi nga ako binigo ng aking anak. Humanap siya ng bagong mommy ng apo ko, right baby Cerae?"

"Momma?" inosenteng saad ng bata and she giggled. Kitang-kita tuloy ang cute na ngipin niya pero wala eh, maldita siya.

Muling tinitigan ako ng ginang at may ngiti pa rin sa mga labi.

Ang ganda niya talaga, sobra. Kahit may edad na siya ay hindi naman nabawasan ang ganda niya. Hustisya, guys, nasaan?

"I'm Anna Lysse Domingo-Vesalius, and Raeson's mother. This is my beautiful apo, Renna Cerae Vesalius. One year and five months old pa lang siya," pagpapakilala niya sa maldita niyang apo.

Napasinghap pa ako ng tinaasan pa niya ako ng kilay. Aba! Iba talaga ang batang ito! Kaloka!

Napabungisngis ang ginang at marahil nakita niya ang ginawa ng kanyang apo.

"Sorry about that, dear. Piling tao lang ang nilalapitan ni Cerae. And yes, she's a little bit maldita," tila proud pa niyang sabi.

Little bit? Eh, parang hindi ganoon ang observation ko. To the highest level ang pagka-maldita niya!

"Okay lang po, ma'am. Hindi po ako pumapatol sa bata," saad ko at sumimangot si Cerae saka ako muling inirapan. Tss.

"Mom?"

Oh...speaking of the devil!

"Daddy!" masiglang sigaw naman ng bata at mabilis na kinarga siya ng tatay niya.

Yumakap siya sa leeg nito and she even rested her head on her daddy's shoulder. Napaawang ang labi ko when she have the guts to stick her tongue out on me! God!

And this time 'yong daddy na niya ang nakakita no'n.

"Silly girl. Baby, that's rude," malambing na sabi niya sa bata at umirap lang ito.

Diyos ko. Sawa na po ako sa pag-iirap sa akin ng batang ito.

"Let's talk, Mareng."

"Marshin," mariing sabi ko and he just shrugged his shoulder.

***

"You can read all of these. Nandiyan na lahat ang mga taong kakilala ng asawa ko, including her family. And all you have to do is to act like my real wife. I even wrote her attitudes, hobbies and everything about her. Just remember one thing. Don't smile, hindi 'yon gawain ng asawa ko. Be her proxy and please, no string attached."

No strings attached.

#GS2:TOPW