Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 7: Rejection/Yes

BAKIT KO ba kasi sinabi 'yon? Pero kasi naiinis ako sa babaeng doctora na ito. Kaya kusang bumuka ang bibig ko at binigkas ang mga katagang iyon.

Saka isa pa, hindi ko gusto ang ugali niya. Saka, ano ba ang ginagawa nito rito sa amin?

"She's not just a girl, she's my wife," he said in a cold tone.

"Really?" ani ng babae at tinaasan pa ako ng kilay.

"Oh, baby girl, you are not allowed to step on our place," maarteng saad ko at napasinghap pa siya.

"I'm not baby girl!" hysterical na sigaw niya at tinawanan ko siya pero ang walang hiyang katabi ko ay tinakpan ang bibig ko.

Salubong ang kilay ko na tiningnan ko siya. Yumuko naman siya kaya bahagya akong napaigtad. For Pete's sake! Naaamoy ko na ang pabango niya!

"Don't laugh, honey. She might see your beautiful dimples," aniya.

Siniko ko nga kaya natanggal niya ang malaking palad niya sa bibig ko.

Hinarap ko ang babae na hindi pa rin nawawala ang pagkairita sa mukha niya.

"You can chupi-chupi na baby girl. Don't came back here, okay?" maldita kong sabi at nagpupuyos sa galit na umalis na nga.

Napatawa ako at umiling.

"Thanks God, you are smiling, now. Ilang araw ka ring nalugmok sa kalungkutan," biglang saad niya at sinamaan ko siya nang tingin.

"You, too! Umalis ka na rito at hinding-hindi ko tatanggapin ang offer mo!" sigaw ko at nagmamadali na akong pumasok sa loob ng bahay namin ng lola ko.

***

Isang linggo na rin ang nakakaraan pagkatapos kong makausap ang doctor na 'yon.

Hindi rin naman niya ako pinilit na tanggapin at parang nanghinayang pa ako. Buwis-t na 'yan, ha!

I feel wasted! Bakit ba kasi? Bakit ba kasi nagpakipot pa ako?

Sa loob ng isang linggo rin ay binabagabag ako ng mga pangungusap ng namayapa kong abuela. Tapos ang lungkot-lungkot ko rin.

Hanggang ngayon ay hinahunting pa rin ako ng masamang panaginip. Ang bangungot na nangyari sa buhay ko.

Na which is totoo naman, ang pagkawala ng lola ko ay isang bangungot. Ganito pala talaga ang pakiramdam, 'no?

Ang mga mahal mo sa buhay na sanay kang palagi mo siyang nakikita. Palagi mo siyang kasama.

Palagi mo siyang ka-kuwento. 'Yong palagi silang nandiyan sa oras na may problema ka at dadamayan ka.

Ang isang pamilya ang hindi ka tatalikuran kahit tinalikuran ka na ng mundo. Sila, ang ating pamilya ang unang sasalo sa 'yo at aalalayan kang bumangon sa oras na nalugmok ka.

At sa isang linggong iyon ay nagkulong lang ako sa loob ng bahay namin. Hindi alintana ang takot ko sa loob ng kagubatan.

Nagtatago lang ako sa madilim, sa tahimik na lugar na kung saan na walang makakakita sa akin.

Kahit nga ang kaibigan ko ay hindi ko na kinakausap at hinaharap sa tuwing dumadalaw siya rito.

Durog na durog na ang puso ko nang mawala sa akin si lola Inding. Hindi ako masasanay kasi nasasaktan ako.

Tunay nga na hindi natin kayang diktahan ang kamatayan. Dahil darating talaga ang panahon na mangyari at mangyayari 'yon.

Darating ang oras na bigla silang mawawala at hindi ka man lang nakapaghanda. Pero kahit na handa ka man ay hindi mo pa rin maiwasang masaktan at malungkot.

Pero paano nga ba tayo makakapag-move on kung hindi natin bitawan ang isang tao?

Paano tayo makakabangon sa lugmok na kalungkutan kung hindi natin tanggapin ang kapalaran ng mahal natin sa buhay?

Paano tayo babangon kung ikukulong lang natin ang sarili natin sa alaaalang napaka-sakit?

Paano tayo uusad kung kahit ang pagkawala ng isang tao ay labis-labis na ang lakas ng impact no'n sa atin?

Tanggapin ang katotohanan?

Siguro panahon na upang mag-move on na ako at tanggapin ang katotohanan. Na minsan sa mundo, tayo'y dadaan. Na minsan sa mundo, lahat ng bagay walang permanente.

Dear papa God, bigyan mo po ako nang senyalis upang magbagong buhay, upang tuluyan kong piliin ang wastong dapat na aking gawin. Hirap na hirap na po ako sa buhay. Pero ang pagpapatiwakal po ang huli kong gagawin.

Hindi po 'yon solusyon sa lahat ng bagay. Hindi po solusyon ang magpakamatay para lamang makaligtas ka sa inyong mga problema. Kasi panibagong problema pa 'yon. Mahal po ang kabaong.

Pero bigayn niyo na po talaga ako ng isang senyalis na magbabago ang yugto ng buhay ko at uusad patungo sa future ko po.

Nagitla ako nang may kumatok sa pintuan ng bahay namin sa labas. Ito na ba ang senyalis? That fast? Tunay nga na hindi ako pinabayaan ng Diyos.

Pinunasan ko ang mga luha kong umalpas sa aking pisngi at bumangon na. Tinungo ko ang maliit na pinto namin at binuksan 'yon.

"Sino ka?" takang tanong ko nang mapagbuksan ko ang isang babaeng hindi ko kilala.

Pero hindi katulad ng doctorang obsessed sa doctor na 'yon ay iba ang aura niya. May something pero hindi naman scary.

"Good morning, ma'am Cashren. Nandito po ako upang sunduin ka. Naghihintay na po ang asawa niyo sa mansion niyo. Umuwi na raw po kayo dahil kailangang-kailangan na kayo ni Dr.Vesalius," magalang na saad ng babae at pati ang boses niya ay napaka-lambing din.

Maganda siya at mestiza. Matangkad at may magaang aura.

And speaking of the devil. How dare him! Nanghingi ako sa Diyos ng isang senyalis upang mapag-desisyunan kong mag-move on na.

Tapos ang gago na doctor na 'yon ay iiwan niya lang ako ng walang choice? Ay ano raw? Iiwan, iniwan?

No choice na ba ang peg ko? Pero tatanggapin ko na nga ba ang offer niya?

Feeling ko, magbabago na talaga ang life ko kung tatanggapin ko nga ang alok niya.

At kailangan kong lagyan ng kadena ang puso ko upang sa gayon ay hindi ito titibok o hindi ako makakaramdam ng kung ano towards him.

Kasi ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo na crush ko na ang magnanakaw ng halik na 'yon.

Opo, crush ko na siya. Pero sana mawawala rin. Sana maglalaho rin ang feelings ko sa kanya. Hindi naman ito malalim dahil nagustuhan ko lang siya sa physical niyang anyo. Hindi sa attitude niya.

Pero iyon ang akala ko.

***

"SAAN KA pupunta, Mareng?" malungkot na tanong sa akin ng dakila kong kaibigan. Si Gabril.

Nagsisimula nang pumula ang mga mata niya at nangingilid na rin ang mga luha niya.

Halata sa kanyang mukha ang lungkot, kung kaya't hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Gabril."

"Dito ka na lang, Mareng. H-Huwag ka namang umalis, please. D-Dito ka n-na lang, Mareng," naiiyak na sambit niya at pumiyok pa ang boses niya.

Para siyang bata na takot na takot na iwan ng kanyang ina. Para siyang bata na pinagkaitan ng kalaro. Para siyang bata na inagawan ng laruan. Higit sa lahat, para siyang kawawang bata na takot masaktan ng kung sino.

Ang mga luha niya ay tuluyan nang umalpas sa kanyang pisngi. Sumikip ang dibdib ko at tila nadudurog ang puso ko.

Si Gabril Santa Maria, siya lang ang dakila at matalik kong kaibigan. Kahit lalaki siya ay hindi no'n napigilan ang sarili kong magtiwala sa kanya.

Kahit ganyan 'yan na, iyakin at may pagka-joker ay alam kong mahal na mahal niya ako. Mahal ko rin naman siya pero sa ibang paraan 'yon. Mahal ko siya bilang kaibigan, mahal ko siya bilang kapatid.

Siya 'yong tipong lalaki na dapat mong i-keep. Alam kong seryoso 'yan at hindi naglalaro sa damdamin ng iba. Mabait siya at mapagmahal. Siya 'yong tipong lalaki na hinding-hindi ka iiwanan.

Mahigpit na niyakap ko siya at sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Naiiyak ako sa gungg-ng na 'to.

"Babalik naman ako, Gabril, eh. Kailangan ko lang talagang umalis. Kaya sana sa muli nating pagkikita ay engineer ka na!" saad ko at pilit kong pinapagaan ang kalooban niya.

Pero mas lalo lang siyang naiiyak. Mas lalong lumakas ang hikbi niya.

"M-Mahal kita, Marshin, Mareng. H-Hindi ba puwedeng...dito ka na lang? Ilang panahon na lang ay magtatapos na ako, Mareng. Pakakasalan kita, dito ka na lang, please..."

Nagsunud-sunod ang mga luha kong tumulo. Iyon ang huwag niyang gawin.

"Gab, hindi ako karapat-dapat sa pag-ibig mo. You deserve someone, and I know. May mas higit pa at balang araw makikilala mo rin ang babaeng para sa 'yo. Makakahanap ka pa ng babaeng magmamahal sa 'yo at masusuklian ang pag-ibig mo," mahabang sambit ko at bumibigat na ang paghinga ko.

Ayaw ko rin namang iwan si Gabril. Ayoko siyang saktan. Ngunit katulad ko, kailangan niya ring mag-move on.

"May makikilala ba akong Marshin? May katulad pa ba si Mareng? Ikaw ang mahal ko, i-ikaw ang pinangarap ko. Ikaw ang gusto kong maging ina ng aking mga anak. Pakiusap, Mareng..."

Kumalas ako sa pagkakayakap namin sa isa't-isa at kinulong ng mga palad ko ang pisngi niya. Saka ko pinunasan ang mga luha niya.

I don't deserve his tears. Watching my bestfriend crying because of me is a heartbreaking.

"Kaya mo. May nakalaan para sa 'yo. Saka magkikita pa naman tayo. Saglit na saglit lang, Gabril."

Sa sinabi ko ay tumango siya. Tumingkayad ako upang abutin ang noo niya para mahalikan ko iyon.

"Mahal din kita..." Namula 'yong pisngi niya at tainga niya dahil sa sinabi ko.

"Mahal kita bilang kapatid," dugtong ko at yumuko siya. Alam kong nasaktan ko siya pero kailangan.

"Mahal na mahal kita, Gabril. Kaya mag-ingat ka rito, ha? Ayokong maging future mo si Hannah kahit na magiging fiancée mo 'yon. Ayokong maging sister-in-law ko ang bobita na 'yon," seryosong sabi ko at sa wakas ay napatawa na siya.

Mariin na hinalikan niya ang labi ko kaya namilog ang mga mata ko. Anak ng...pero lumipat din iyon sa noo ko. Tumagal ng limang segundo.

"Ikaw rin, Mareng. Mag-iingat ka, ha? Mahal na mahal kita. Masakit man ngunit hahayaan kita," sincere niyang sabi at punung-puno ng emosyon.

"Magkikita tayo sa madaling panahon. Pangako," nangangakong sabi ko at sa huling pagkakataon ay niyakap niya akong mahigpit.

Huwag niyo pong pababayan ang aking kaibigan. Mahal na mahal ko siya.

***

Ngayon lulan na ako ng isang mamahaling kotse.

Ako si Marshin Escalante, isang dalagang nakatira lamang sa bukid at magiging proxy wife na ni Cervin Raeson Vesalius at sa Manila ay may bagong buhay ang naghihintay sa akin.

***

#GS2:TOPW