Chapter 5:Death
MARIIN NA pinisil niya 'yong matangos niyang ilong, kung kaya't namula 'yon.
Ilang purgada lang ang layo namin sa isa't-isa, kaya naman ay mas nasuri ko ang hitsura niya.
Malinis ang itim na itim niyang buhok at medyo may kahabaan pa. Makapal ang kanyang kilay. Mahaba at malalantik ang pilik mata. Ang mga matang may kulay lupa at kung matitigan ka niya ay tila hinihigop ka nito.
Pababa sa mahaba at matangos na ilong. Ang mapupulang labi na kanina lang ay natikman ko. What? N-Natikman?
Tapos pababa sa panga niya. Nakasuot siya ng doctor's robe nila at white shirt din ang panloob noon na mas nahulma ang makisig niyang pangangatawan.
Matangkad din siya at mestiso. Kaya mas nadepina ang kagandahan niyang lalaki.
Mahahaba 'yong mga daliri niya at...okay, kanina pa ako, ha?
Mariin na magkalapat ang mga labi niya at napakislot ang puso ko.
May malalim din siyang dalawang biloy sa magkabilang pisngi niya!
Napaigtad pa ako nang marahas na tiningnan niya ako. Nawala na 'yong expression ng guwapo niyang face.
"Who the h-ll are you? Is that your name, Mareng?" malamig na tanong niya at napangiwi ako sa sinambit niyang pangalan ko.
Nakakahiya!
"We're not even close para tawagin mo akong, Mareng," mariin kong sambit at tumaas pa ang kilay niya.
"Then who are you?"
"Bakit mo ba ako tinatanong? Hindi rin naman kita kilala," masungit kong sabi at bumaba ako mula sa mesang kinauupuan ko.
Napapangiwi pa ako dahil mahapdi na 'yong tuhod kong nasaktan kanina. Pero desperada akong makaalis dito. Ayokong kasama ang doctor na nagnanakaw ng halik.
"You are so stubborn, woman," malamig na wika niya ngunit kalmado naman.
Hinawakan niya ang braso ko na mabilis ko namang hinampas ang kamay niya.
"Don't touch me," walang emosyong saad ko.
"Oh." Tumaas ang sulok ng labi niya.
To be honest, nakaka-intimidate ang lalaking ito. Parang hihigupin ka kasi tapos mysteryoso ang aura niya. Natatakot ba ako sa kanya?
"Mareng! Ang lola Inding mo!"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at kinabahan ako para kay lola Inding.
Hindi ko na alintana ang mahapdi kong tuhod dahil mabilis na tumakbo na ako.
Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at nanginginig na ako sa takot.
"Nasa ambulance na siya ng mga doctor, Mareng," ani Gabril at humahabol na sa akin.
Nakita ko naman ang ambulance ngunit nakahinto na lamang ito. Patakbo kong nilapitan 'yon at bumukas naman kaagad.
"L-Lola..." tawag ko sa lola ko na ngayon ay nakahiga na sa stretcher at may iilang nurse at doctor na.
"A-Apo k-ko..." hinang-hinang sabi ni lola at sumakay ako sa ambulance.
Mahigpit na hinawakan ko ang mga kamay niya. Malamig na malamig ang kamay ng lola ko.
"L-Lola Inding... O-Okay lang po ba kayo?" naiiyak kong tanong sa kanya.
Mabigat na 'yong talukap ng mga mata niya at pinipilit na lamang ang sarili na huwag pumikit.
Ang bilis nang tibok ng puso ko at tila napupunit ito.
"L-Lola..."
"T-Tanda mo pa ba ang sinabi k-ko s-sa 'yo, apo? S-Sa isang kisap mata ay magbabago ang t-takbo ng buhay mo, Marshin..."
Ayoko sa paraan ng salita ni lola. Tila nagpapaalam ito sa akin at iyon ang ayaw na ayaw ko.
Ramdam ko rin na bibitaw kaagad ang lola Inding ko. Hinang-hina na siya at bumibigat na rin ang kamay niya.
Please... ayoko pa... H-Huwag niyo namang kunin sa akin ang lola ko agad. P-Please, Lord.
Maawa naman po k-kayo sa akin. Ayoko pang mawalay kay lola. S-Siya na lang ang mayroon ako.
"L-Lola naman..."
"Apo, tatagan m-mo ang loob mo. Ngayon, nagsisimula na ang tadhana. H-Hindi ba't sinabi ko n-na kailangan mong pumili?" Umiling ako sa sinabi ni lola sa akin.
Sa una pa lang ay ayoko na nang matalinghaga niyang salita. Nalilito ako at kinaiinisan ko 'yon. Dahil tila alam na alam niya ang magiging tadhana ko.
"Apo...alam m-mong hindi ko na kaya..." mahinang sabi niya.
My tears fell from my eyes at sumisikip na ang dibdib ko.
"A-Ang daya mo naman, l-lola. H-Huwag ka namang g-ganyan. H-Huwag mo a-akong iwan, please, lola... M-Mahal na mahal po kita at ikaw l-lang ang mayroon ako, lola. Huwag naman pong ganyan," utal-utal kong wika at sinabayan ko nang hikbi.
Hindi ako handa, hindi ako handa na bitawan ang lola ko.
"Kailangan mong pumili, apo. Ako ba o siya..." aniya at tumingin sa labas ng ambulance.
Napatingin naman ako roon nang makita ko ang isang lalaki kanina. Mabilis na tumingin ako kay lola at nakita kong nakapikit na siya. Mas lalo akong naiyak.
"Lola naman, eh!" naiiyak na sigaw ko at niyugyog ko pa ang balikat niya at nagmulat siya kaagad.
"Lola..."
"M-Mahal na mahal kita, apo. Ikaw l-lang ang pinaka-paborito kong a-apo..."
"S-Siyempre ako lang po ang apo niyo, lola!"
"Marshin, marami pang pagsubok ang darating sa buhay mo at huwag kang sumuko..."
Sunud-sunod ang pag-iling ko sa kanya at nagsisimula nang maging blurd ang paningin ko dahil sa mga luha kong walang tigil sa pagbuhos nito.
"Lola, i-isama mo na lang po ako. A-Ayoko nang ganito, lola. Please...huwag mo naman akong iwan, lola. H-Hindi ko kaya..." humina 'yong boses ko nang makita ko ang pagngiti ni lola at kasabay nito ang pagsara ng talukap ng mga mata niya.
Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay, na tila ayoko ring pakawalan.
"Lola!" naiiyak kong tawag kay lola nang naramdaman ko ang pag-unti-unting pagbitaw ng mga kamay niya.
"H-Huwag naman pong ganyan, lola! L-Lola naman. T-Tayo na po... U-Umuwi n-na po tayo. Magmulat ka n-na, please! Lola ko!"
'Yong buhay ng mga tao? Napakahalaga no'n. Ngunit madali rin naman itong bawiin sa atin. Hindi natin kayang diktahan ang kamatayan natin.
Dahil 'yon ang nakatadhana sa atin. 'Yon ang nakaukit sa ating mga palad. Ang buhay natin ay hiram lamang.
***
MAHIGPIT ang pagkakayakap ko sa damit ng lola ko.
Ang huling damit niya bago siya nawala. Napakasakit pala talaga.
Napaka-sakit ang makita mo ang nag-iisa mong pamilya na unti-unting nawawala sa 'yo.
Tila pinupunit ang puso mo ang maging saksi sa kamatayan ng mahal mo sa buhay.
H-Hindi ako handa sa panahong iiwan ako ng lola ko. Sobrang sakit at nakakawalan ng gana. Nang ganang mabuhay.
Wala akong ginawang iba kundi ang umiyak lang nang umiyak.
Ngayon ang huling lamay ng lola ko pero ayaw kong lumabas sa munting bahay namin ng lola ko.
G-Gusto ko ring sumunod kay lola, gusto ko ring sumama sa kanya.
"Mareng," tawag sa akin ni Gabril.
Hindi umalis sa tabi ko si Gabril at palagi siyang nandiyan para alalayan ako.
Nakaupo lang ako sa sulok ng bahay namin at umiyak nang umiyak.
Alam kong sanay ang kaibigan ko na makita akong matapang at madalas walang emosyon ang mukha.
Ngunit, dumarating din ang pagkakataon na magiging mahina tayo at ang pag-iyak ang magpapa-kalma sa nadudurog nating puso.
Kung hindi mo ilabas ang mga luha ay mas bibigat din ang dibdib ko. Until you can't take it anymore.
"Tahan na, Mareng..."
Niyakap ako nang mahigpit ni Gabril at sumubsob ako sa dibdib niya. Hinaplos naman niya ang buhok ko.
"Tahan na... Magiging maayos din ang lahat, Mareng."
Nang mahimasmasan ako ay dumalo kami sa libing ng lola ko.
Pero hindi na ako naiiyak, hindi dahil ayokong makita ako ng kababayan ko na mahina ako.
Tila naubos na rin ang mga luha ko pero mugto pa rin naman ang mga mata ko.
Mahirap lang ang buhay namin ni lola, kung kaya't ang mayor namin sa lugar namin ang gumastos sa lahat.
Nasa-gilid ko lang nakatayo si Gabril at nakaalalay sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita kong unti-unting bumababa ang kabaong ng lola ko.
Sa loob-loob ko ay naiiyak na ako. Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko. Ang sakit.
"L-Lola..."
Ang layo mo na sa akin lola. At h-hindi na kita kayang abutin. Hinding-hindi na kita makikita pa, lola.
Lola, miss na miss na po kita. Bakit ang aga mo akong iwan? H-Hindi pa ako handa, eh.
***
Pagkatapos nang libing ni lola ay tulala lang ako at lutang ang isip.
Umuwi na kanina si Gabril ngunit nagpaiwan ang malapit na kaibigan ng lola ko. Si aling Susan.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at nasamyo ko kaagad ang pamilyar na pabango niya.
Tulalang napatingin ako sa kanya. Gumalaw ang mga labi ko na tila magsasalita ngunit tumiklop din ang bibig ko.
"You can come with me. Sumama ka sa akin sa Manila," aniya at kumunot ang noo ko.
#GS:TOPW