Chapter 3:Medical Mission~
MARSHIN ESCALANTE's POV
"MARENG!"
Walang hiyang Gabril na 'yan. Bakit na naman ito nandito sa bahay namin ni lola Inding?
"Papasukin mo, apo," sabi ni lola Inding sa akin.
Nakabusangot ang mukha ko nang lumbas ako sa munting bahay namin.
"Mareng!"
"Ano ba, Gabril! Hindi ako bingi!" kunot-noong sabi ko at ngumiti lang siya.
Nakasuot siya ngayon ng puting damit at itim na pans. Wala bang klase 'tong Gabril na 'to? Third year college na ang unggoy kong kaibigan at soon to be Engineer. Kung nakapag-aral lang ako ay baka same year din kami at marahil, mag-aaral ako ng Culinary Arts. Nga lang, hindi pinalad. Ilang beses na rin akong nag-apply for the scholarship pero sadyang napaka-unlucky ko. Wala naman akong balat sa p-wit pero sadyang hindi para sa akin ang scholarship na 'yon. Saka isa pa nasa probinsya lang kami.
"Wala ka bang pasok ngayon, Gabril?" tanong ko sa kanya.
Feel at home ang kaibigan ko kaya kahit hindi ko na siya imbitahan pang umupo ay 'yon na ang ginawa niya.
"Bukas, punta ka sa side-farm nina daddy, Mareng," pagku-kuwento niya.
"Ano'ng gagawin ko roon?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.
"Darating bukas ang mga taga-Manila na doctor at may medical mission sila rito sa probinsya natin. Lahat ng taga-Sta.Maria ay maaaring pumunta. Isa pa, tayo ang priority sa medical mission nila. Pumunta ka, Mareng. May libreng check-up doon at puwede ka nilang bigyan ng gamot para kay lola Inding. At magpa-check-up ka na rin. 'Di ba, madalas sumasakit ang tiyan mo?"
"Madalas, 'yon ay kung stress at pagod lang ako," sabi ko at tumango siya.
Maganda nga 'yon at baka bigyan kami ng gamot para sa lola ko.
"Saka isa pa, required naman talaga tayong pumunta," dagdag pa niya.
Napaisip naman ako. Puwedeng si lola na lang kasi sayang yata ang benta namin sa palengke bukas. Ang Sta.Maria Province kasi ang mayroon lang nag-iisang palengke. 'Yong taga-kabilang bayan ay pumupunta pa sila rito.
Opportunity na 'to kay lola Inding. Ako na lang ang magbabantay sa paninda namin bukas.
"Lola, ikaw na lang po ang pumunta," sabi ko nang pumasok sa maliit naming sala si lola.
Nilapag nito ang dala niyang nilagang saging at mabilis na nilantakan ito ng unggoy kong kaibigan.
"Ikaw na lang, apo. Para masuri 'yang tiyan mong nananakit," ani lola pero inilingan ko siya.
"Kayo na po, lola. Ako na sa palengke," mariing saad ko.
"Magsasara tayo bukas, apo. Saka isa pa, dapat lahat daw tayo ay makakapunta. Minsan lang ang ganitong pagkakataon, Marshin."
"Oo nga, Mareng! Kayong dalawa ni lola Inding. Huwag kang mag-aalala, isusulat ko ang pangalan niyo sa unang listahan," nakangiting saad ni Gabril.
"Iyon ang huwag mong gagawin, Gabril! Pupunta na kami ni lola," pagsuko ko at mas lumawak pa ang ngiti niya. Saka siya nagpatuloy sa pagkain niya.
***
CERVIN RAESON VESALIUS'POV
WELCOME TO STA.MARIA PROVINCE. Five words and twenty-five letters kaagad ang bumungad sa amin when we finally arrived Sta.Maria Province.
Seven hours din ang biyahe from Manila to this old province. Ramdam ko kaagad ang pagod ko kahit nakaupo lang ako sa loob ng sasakyan ni Kierson.
"Finally, makapag-rest na rin ako," ani Taki at siya na ang unang bumaba mula sa kotse.
Tatlo lang kami ang nasa iisang sasakyan ni Kierson. Ako at si Taki. Si Kier lang din ang nagmaneho papunta rito. Ayaw rin niyang makipagpalit sa amin.
Bumaba na ako at sinunod nang tingin ang mga kasamahan namin. We are ten doctors here, with five nurses. Dalawang van ang sinasakyan nila.
I roamed my eyes around, well, green na green ang paligid. Tahimik pero maganda ang surrounding.
Masarap din ang simoy ng hangin at iilan lamang ang mga nakatira rito. Hapon na rin kasi kami nakarating kaya siguro hindi na medyo masakit sa balat ang sikat ng araw.
"Good afternoon po," bati kaagad sa amin ng isang maskuladong lalaki at may mga kasamahan pa siyang bodyguard.
"Ako po ang barangay captain, Manuel Santa Maria." That explain, why.
Si Taki ang nakipag-usap lalo pa na siya ang team leader dito sa medical mission namin.
There's a tent where we can rest at ready na nga para bukas. Afford naman na ng hospital ni Lerv ang bigyan kami ng budget para sa one week ng team na 'to.
Pero dahil nagpapakitang gilas ang mayor at barangay captain nila rito ay sila na ang umako sa lahat-lahat.
Ganoon naman ang mga nasa politika, right?
"I'm dead, tired," Kierson said and he groaned, too.
Nasa iisang tent lang kami at puwede kaming lima rito sa loob. Pero dahil ayaw ni Kier ng kay kasamang iba ay tattlo lang kami ang nasa iisang tent.
"Where is Dr.Cervin, by the way?" tanong ng kung sino sa labas ng tent namin.
Nakahiga na ako sa bed-fold at sinulyapan ko si Kier na nakapikit na ang mga mata niya. Walang pakialam sa taong nasa labas.
"Who was that, Kier?" kunot-noong tanong ko.
"Fans mo," tinatamad niyang sagot habang nakapikit pa rin.
"Dr.Cervin? Yuhoo! Sweetheart! I have your drinks, here. Can I pasok diyan?" What the h-ll? It's Dra.Georgina!
F*ck! I forgot that she's one of the doctor in this field.
"Come on, Cerv. Papasukin mo ang fans mo," nakangising sabi ni Kier at inilingan ko siya.
"F*ck you!" mura ko sa kanya at kinuha ang isang kumot sa gilid saka ako nagtalukbong.
"It's okay kung may gawin kami rito ni Dra.Georgina?" Kier asked me with his signature smirked.
Georgina is one of his fling and I know, they are f*cking each other. Pero ang babae niya ay hindi man lang ako mabitaw-bitawan.
"You are so disgusting, Kier. Get out!" naiinis kong sabi sa kanya at narinig ko ang tunog ng hinihigaan niya saka siya humahalakhak.
"Babe, tulog si Dr.Cerv. Sa akin na lang ang dala mo," ani Kier sa babae.
"Oh? Okay?" Sa tono ng boses nito ay tila nabigo siya. Tsk.
"Are you free tonight, babe?" Kier is actually flirting with her.
Walang hiyang Kier na 'yan. Hanggang dito ba naman ay dinadala ang init ng katawan niya? What the h-ll. Matawagan nga si Lervin.
Bumangon ako at nilabas ko ang phone ko pero napamura lang ako nang makita kong walang signal.
I promised to my daughter that we're going to video call once na nasa Sta.Maria Province na ako. But how? Kung walang signal dito?
Dahil sa frustrated ko ay pabagsak na humiga na lang ako at natulog.
Kinaumagahan ay naghanda na kami kaagad para sa medical mission namin. Mag-start kami by 8 am in the morning. At wala pa ngang 8 ay marami na ang nakapilang taga-rito at nakakamangha 'yon. Ganito talaga kung nasa probinsya, maaga.
"Dr.Cerv!" I silently cursed when Georgina hugged me.
Mabilis ang mga kamay kong tinanggal ang braso niya sa baiwang ko.
Dinig na dinig ko pa ang halakhak ni Kier.
"Dra.Georgina, may I remind you that we are in the middle of our medical mission? Please, be professional," mariin kong sabi at kitang-kita ko pa ang sakit sa mga mata niya.
"I am married, you know that."
"But, she's missing right? Kaya hindi ko na siya nakikita," nakangising sabi niya.
"No," nagtatagis na bagang sabi ko.
"Well, let's see," aniya at umalis na nga sa harapan ko.
"That b-tch," bulong naman ni Taki.
"Don't worry, pagsasabihan ko ang isang 'yan," aniya.
Umupo na ako sa puwesto ko at may tumabi sa akin na dapat si Taki 'yon.
Hindi field ni Kier ang medical mission na 'to. Therefore, he's free to go, wherever he wants.
"What is it?" walang emosyong tanong ko sa lalaki.
He's wearing his white v-neck shirt and black pans. He looks decent at may hitsura naman ito.
"Puwede po bang sila muna ang unang ililista?" inosenteng tanong niya at kumunot lang ang noo ko.
"This is first come first serve, priority namin ang naunang nakapila," saad ko at umiling sila.
"Senior na po ang isa riyan, saka may sakit po sa puso. Ang pangalawa, well, bata pa nga po pero may sakit din," he explain.
Okay, mas priority namin ang senior lalo na kung may sakit ito.
"Okay," I said as I cleared my throat.
"Salamat po, heto ang mga pangalan nila," aniya sabay bigay sa akin ng isang kapirasong papel.
"Indina V. Escalante, 70 years old. Widow. Marshin V. Escalante, 20 years old."
Marshin? I feel weird about reading her name.
After that conversation with stranger ay nagpaalam na siya kaagad. I waited for them pero umabot lang ng 12 pm ng hapon ay hindi sila dumating. We called their name several times.
"Indina V. Escalante," tawag ng nurse assistant namin ni Taki at may matandang babae ang nagtaas ng kanang kamay niya.
Mabilis na inalalayan ito ng nurses at pinaupo sa tapat ng inuupuan ko. She's 70 years old, but it seems, malakas pa siya.
"Indina V. Escalante?" sambit ko sa pangalan niya.
"Ako na nga 'yon, hijo," nakangiting wika niya.
I check her blood pressure and it's normal. Tinapat ko na sa puso niya ang stethoscope ko at dinig na dinig ko ang mahinang tibok nang puso niya.
"May sakit daw po kayo sa puso, lola?" tanong ko sa kanya at tumango pa siya.
"Pero hindi ko na kailangang magpagamot. Kasi ilang araw na lang ang itatagal ko sa mundo, hijo," makahulugang sabi niya at nagsalubong ang kilay ko.
Madalas akong maka-encounter nang ganitong eksena. Pero hindi pa rin ako nasasanay. How can be someone predict their own deaths?
"Mas kailangan 'yon ng apo ko, balang araw."
"May iniinum po ba kayong maintenance?"
"Wala, pero may gamot ako na hindi naman maintenance 'yon." aniya at sinabayan pa nang pag-iling.
"Ano po ba ang sakit ng apo niyo, lola?"
"Nananakit ang tiyan niya, hijo." "Ah..." 'yon na lamang ang nasabi ko.
"Bibigyan na lang po--," hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang biglang nakagulo.
Napatayo ako sa gulat at nang makita ko kung ano ba ang gulong nilikha ng mga taga-Sta.Maria.
"Cat fight lang po, Dr.Cervin. Anak po ng mayor daw at si Mareng?" saad ng kasama naming nurse.
#GS2:TOPW