Chapter 2:Cervin's life
CERVIN RAESON VESALIUS' POV
"Cyan, may lead ka na ba?" I asked Cyan Lay Del Rosa, one of my friends and my private investigator.
After my work ay pumunta ako kaagad sa opisina niya at naabutan ko siyang nakatutok sa computer niya.
"Oh, Cervin, ikaw pala. As of now, wala pa. Ang hirap hanapin ang whereabouts ng asawa mo," he said.
I took a deep breath as I sat on his visitor's chair. I am frustrated, isang buwan na since my wife is missing.
Hinatid ko lang siya noon sa university nila at maayos pa ang pag-uusap namin. And now, she's missing. It's hard to trace her whereabouts and even her phone cannot be reach. Nakapatay 'ata at kahit tiningnan na namin ang mga CCTV footage sa university nila ay wala kaming nakuha.
I am worried about my wife, and especially may anak pa kami. Madalas siya nitong hinahanap. Umiiyak pa nga kung hindi siya nakikita.
Fuck! Where are you, Cashren? Where the hell did you go?
"Are you sure na walang third party, Cervin?" tanong sa akin ni Cyan sa seryosong boses at kumunot ang noo ko.
"You know that we're marriage because we love each other, Cyan," mariing sambit ko.
"It seems, she was protected by someone else. Cervin, kahit naka-off ang cellphone ng asawa mo ay makakaya pa rin nating ma-trace but it didn't happens. I'm sure na may makapangyarihang tao ang nagtatago sa kanya," aniya.
I shook my head to disagree, "and what do you mean about third party?" I asked him, seriously.
"Maybe, she left you for another boy?" he answered but in a question way.
"Fuck, no! She can't do that, Cyan. My wife is in love with me. Wala siyang lalaki," saad ko sa matigas na boses.
I know, Cashren is only 20 years old when we got married. We love each other at ang kasal ang naisip naming dalawa. She was so young when she delivered our first born baby. But, now? I need her, I need my wife. Mahal na mahal ko siya.
"Okay, just give me a weeks but I am afraid na umabot ito ng buwan and the worst is, year."
"I'm fine with that, Cyan. The more important to me is to find my wife. Kahit matagal pa 'yan ay ayos lang basta mahanap siya. At sa akin pa rin siya
uuwi."
Third party? Fuck that words. Ako lang ang lalaki sa buhay niya.
And I never saw her with another man. Ako mismo ang naghahatid sa kanya sa University nila at ako rin ang sumusundo sa kanya pauwi. Mahal ako ng asawa ko at hindi niya magagawa ang palitan ako sa buhay niya.
***
After our conversation with Cyan, I went to my friend's hospital.
Lervin de Cervantes, one of my friends. He's neurologist doctor at sa Vesalius Pharmaceutical ang kasosyo ng hospital niya when it comes to supply the medicine.
"Cerv," tawag niya sa akin nang makita niya ako.
"Hey, bud," I said.
"May medical mission tayo, tomorrow at 8. One week," he announced.
I want to decline but I know I can't. Medical mission ito at kahit mga gamot lang naman ang ginagawa ko at tinatrabaho ko ay dapat nandoon din ako.
"Okay," I answererd, shortly.
"You can brought your own car, kung ayaw mong sumakay sa van kasama ang mga co-doctor natin. And besides, Cervin. I can't come with you guys. Kasama naman si Kierson," aniya.
Mataman kong tinitigan ang kaibigan ko. We have the same attitude. Katulad ko ay madalas walang emosyon ang mukha niya.
And he's not totally complete, may kulang sa pagkatao niya at alam ko kung ano 'yon.
"Why?" I asked him. Inayos na niya ang mga gamit niya at mukhang handa ng umalis.
"I need to meet my wife-soon-to-be, and after that, we need to get married but a civil wedding. Then, here comes the honeymoon pero sa ibang bansa ako pupunta and I'm going to meet Jillian," he said.
Tinanguan ko na lamang siya. He still into that woman who are already married. I pity to my friend but as a friend of him, I will support him whatever he'll do.
Alam kong labag sa kalooban niya ang maikasal sa ibang babae na hindi naman niya mahal. Kung si Jillian 'yon ay baka mapapasigaw pa siya sa hangin sa labis na kasiyahan.
But, no. It's not like that. Mukhang pa siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
"I can't invite you, guys," mahinang sabi niya pero walang nababakasang emosyon.
"That's fine, bud. I-invite mo ako kung ikakasal ka sa babaeng mahal na mahal mo. 'Yon ay kung ikakasal ka pa sa pangalawang pagkakataon," I said and I grinned with that thought.
Is that even possible? Na ikakasal siya for the second time around? And that time, ay sa babaeng mahal niya? I don't think so.
"She's a bad luck, but who is she?" tanong ko at sumeryoso na naman ang mukha niya.
"She's the granddaughter of Primero family," sagot niya at tila wala siyang pakialam kung saan nagmula ang pamilyang iyon.
"Bud, she's just a college student kung anak siya ng pamilyang Primero. Nag-iisang pamilya ang Primero, and one of the richest here in the Philippines."
"I don't f*cking care about that family, Cerv. If it she's not my Jillian, she's nothing." I shrugged my shoulder because of his words.
Patay na patay talaga siya sa babaeng 'yon. Eh, wala namang ibang ginawa sa kanya kundi ang saktan siya. Tapos sa best friend pa niya? That's the most heartbreak.
"Good luck, then. But best wishes, bud," I said.
"How's your wife? Nahanap na?" tanong niya.
Napailing ako at bumuntong-hininga. He tapped my shoulder.
"She's safe but soon, mahahanap mo rin siya."
"I hope, so."
***
Pagkauwi ko sa bahay namin ay nadatnan ko si mommy na pinapakain ang anak kong si Renna Cerae. One year and five months old na siya. My only daughter.
I stepped closer towards them at napansin ako ni mommy.
"Hey, son," she greeted me and I kiss her cheek.
"Thank you for taking care of my daughter, mommy."
"Nah, don't mention it, son. Apo ko naman 'to," she said at ngumiti sa akin.
Umupo ako sa tabi ni mommy. I leaned my face to kiss my daughter's forehead.
She looked at me with her innocent face at nang makilala ako ay ngumiti siya sa akin.
She spread her little arms, that means, she want me to carry her.
"How's my baby?" I asked her. Pumalakpak pa siya dahil sa tuwa.
"As usual, umiiyak at hinahanap ang hilaw niyang mommy," ismid na sagot ni mommy.
She hates my wife pero dahil mahal na mahal ako ng ina ko ay hinayaan niya akong gawin ang nais ko. Iyon ang pakasalan si Cashren.
"Mom." Umikot ang mga mata ni mommy at umiling.
Cerae placed her head on my chest at yumakap sa akin ang maliliit niyang braso sa leeg ko.
"Dad-dy..." Napangiti ako nang tawagin niya ako.
I kissed her cheek several times and she giggled because of that.
"Mommy, daddy? Mommy?" inosenteng tanong niya.
Hinahanap na naman niya ang mommy niya. Well, sanay naman ang anak namin na si Cashren ang kasama niya sa tuwing wala itong pasok sa school nila.
"Uuwi rin si mommy, baby," I said at narinig ko ang bulong ni mommy.
"Uuwi? Sino ba ang matinong ina na inuna ang pansariling kasiyahan kaysa sa anak at asawa niya?"
"Mom, she's just missing," sabi ko sa ina ko at umirap pa siya.
"Malay mo, son. Nakipag-tanan pala 'yon sa ibang lalaki?" nakataas na kilay na wika niya at umiling ako dahil hindi ako sang-ayon.
"She loves me, mom."
"She's still young, son. Ang mga katulad niya ay magbabago rin ang nararamdaman niya sa isang tao."
Hindi naman lingid sa kaalaman ng ina ko ang tungkol sa pagkawala kay Cashren. Si mommy na lang kasi ang pamilya ko. Si daddy? He's dead, five years ago. Mag sakit sa puso si daddy kaya 'yon ang dahilan nang pagkamatay niya.
"Okay, whatever."
"Mom, can you stay here for the week? O dalhin mo na lang po sa mansion si Cerae. May medical mission po kami sa loob ng isang linggo."
"Nah, I'm glad to take care of my, apo, anak. Sure, mag-enjoy ka sa medical mission niyo at sana magdala ka ng bagong mommy ni Cerae," masayang sabi niya.
"Mom!"
"Saan ba ang medical mission na 'yan?"
"Sa Sta.Maria province po."
#GS2:TOPW