Chapter 1:Shin's life
MARSHIN ESCALANTE's POV
TIRIK na tirik na ang araw nang makalabas ako mula sa loob ng aming munting tahanan.
Pasadong alas dos na ng hapon. Hindi ako kaagad nakapaunta sa palengke upang tulungan si lolo Inding sa pagbebenta ng mga sariwang gulay at prutas.
Isang hanap-buhay namin ang pagbebenta ng mga prutas at gulay sa palengke, na kami rin naman ang nagtatanim no'n.
Si lola Indina na lang ang nag-aalaga sa akin sa loob ng dalawampu't taon.
Ang tumayong nanay at tatay ko.
20 years old na nga ako pero hindi ako nakapag-aral ng college. Pagka-graduate ko sa high school ay kaagad din akong huminto.
Lalo pa na sa bukid lang ang tirahan namin at ayaw ko namang iwan ang nag-iisa kong lola.
Kaya kahit gustong-gusto kong mag-aral ay hindi ko na nagawa. Mas gugustuhin ko pang makasama na lamang si lola Inding. May katandaan na kasi siya pero ginagawa pa rin naman ang lahat upang may makain kami ni lolo Inding.
Nakasuot lang ako ng kulay krema na t-shirt at maong na pantalon. May kalumaan na pero malinis naman ito. Mahirap nga lang ang buhay namin pero kontento naman na ako.
Naglakad na ako upang puntahan na sa palengke si lola Inding. Mahal na mahal ko ang aking lola dahil siya na lamang ang natitira kong kamag-anak dito sa mundo.
Ang mga magulang ko? Walang kinuwento sa akin si lola Inding, kundi ang kamatayan lang naman nila.
Nalungkot ako dahil hindi ko man lang sila nakilala pero alam ko naman na mahal na mahal pa rin nila ako.
Napatingala ako sa kalangitan. Ganito ang takbo ng buhay ng isang tao. May mga masuwerte na nakakasama pa nang mas matagal ang mga magulang nila at may karamihan naman ay hindi na. Kasama na ako.
Pero alam niyo ang mas nakakatawa? Ang ibang kabataan o kahit matured nang mag-isip ay hindi naman nila inaalagaan nang maayos ang sarili nilang mga magulang.
Magulang natin 'yon, eh. Dapat mahalin at alagaan natin sila. Ang suwerte nga nila na nandiyan pa ang nanay at tatay nila. May gumagabay sa kanila pero ako? Wala.
"Aba, Maring. Tirik na tirik ang araw pero naglalakad ka lang diyan sa gilid ng kalsada?"
Kung hindi lang ako sanay sa biglaang pagsingit ng isang unggoy na ito ay marahil kanina pa ako inatake sa puso.
Pero sanay na ako. Sanay na sanay na ako sa presensiya ng isang unggoy na humarang sa dinadaanan ko.
At hindi ko naman namalayan na nakalabas na pala ako mula sa kagubatan. At nasa sementadong daanan na ako.
Masyadong malalim ang pagkakaisip ko sa bagay-bagay. Ano nga ba ang terms na 'yon? Monologue.
"Sa palengke ba ang punta mo, Maring?" malawak na ngiting tanong niya.
Sino siya? Siya ang dakilang kaibigan ko na matagal na ring nanliligaw sa akin bagamat paulit-ulit na basted.
Si Gabril Santa Maria, kababata ko at Mareng talaga ang tawag niya sa akin. Hindi naman sa binasted ko siya ay dahil sa looks niya.
Guwapo naman talaga si Gabril. Matangkad at malaki ang katawan, moreno ang kutis niya pero sadyang hindi ko lang talaga siya type.
***
SAKA ISA pa ay hindi naman ako handang pumasok sa isang relasyon na wala pa akong kasiguraduhan sa buhay pag-ibig.
Wala akong karanasan sa isang pag-ibig pero bukas ang isip ko at alam ko ang kahulugan no'n.
Mahilig din akong magbasa ng isang romantic nobela na hinihiram ko pa sa kapatid ni Gabril.
Mabait naman ang batang 'yon. Dalawang taon lang ang agwat namin sa isa't-isa.
"Sakay ka na, Maring."
Nagdadalawang isip pa ako kung sasabay ba ako sa kaibigan ko o hindi.
Takot naman kasi ako sa mga kumakalat na tsismis na nilalandi ko raw ang anak ng barangay captain namin sa Sta.Maria.
Kaibigan ko lang naman si Gabril pero hindi talaga maiwasan ang ganoong usap-usapan.
Ganoon ang takbo ng buhay ng mga tsismosa. Kawawa sila kung walang makalap na tsismis sa isa't-isa.
Kaya hayaan niyo na ang mga tsismosang kapitbahay niyo, mare. Sikat talaga tayo.
Huminto ang itim na furtuner na pagmamay-ari ni kapitan Santa Maria. Ang papa ni Gabril.
"Gabril! Ano'ng ginagawa mo sa gilid ng kalsada? May pasok ka pa!" sigaw nito sa kanyang anak at napakamot pa sa ulo si Gabril.
"Papa, ihahatid ko pa si Maring," parang batang saad nito.
Nasa gilid din ng kalsada ang kotse ni Gabril na hindi ko namalayang pinark niya pala 'yon.
"May sarili siyang mga paa, Gabril."
Masama talaga ang ugali ng kapitan namin sa Sta.Maria. Nakakapagtaka nga na naging barangay captain siya. Mababang uri pa ng politika 'yon.
At maraming nagsasabi na tatakbo bilang mayor ang papa ni Gabril. Hindi siya ang iboboto ko kahit kaibigan ko pa ang kanyang anak.
Ang mga taong ganyan? Ay dapat huwag nang bigyan ng pansin. Pero huwag kayo, magiging santa 'yan pagkarating na eleksyon.
Magbibigay ng pera at magiging mabait, pero abusuhin po ninyo sila.
Wala pang eleksyon ay marami na ang perang iwawaldas nila kahit milyon pa 'yan. Makuha lang ang boto ng mamamayan.
'Yon ang oras natin upang maging mas mataas kaysa sa isang politika. At pagkatapos no'n? Nanalo nga pero nasaan ang pangako sa bayan? Wala!
Takot si Gabril sa papa niya at wala siyang choice kundi iwan ako. Napipilitan man ay nagpaalam na lang siya sa akin.
"Lubayan mo ang anak ko," mariin at punung-puno ng awtoridad ang boses niya.
Pero ano ang laban nating mga mahihirap sa mga taong mayaman? Wala.
Napairap na lang ako at mabilis na akong naglakad.
Pagkarating ko sa palengke ay kaagad na nilukob ng pagkapoot ang puso ko nang makita ko si Hannah.
Nasa paanan niya si lola Inding at akala mo isang donya na nakaupo sa upuan ni lola Inding.
Pero hindi 'yon ang napansin ko. Nagkalat ang mga paninda ng lola ko. Halatang siya ang may kagagawan.
Marahil ay pinipilit na naman niya si lola Inding na magbayad ng tax kuno niya sa palengke.
Anak siya ng mayor dito sa lugar namin at ang babaeng ang daming insecure sa buhay. Insecure sa akin dahil mas gusto ako ng crush niyang si Gabril.
"Oh, here come the good apo mo, lola Inding," may pangungutyang sabi ng ipokritang Hannah.
Nakulangan sa tela ang insecure, halos makita na ang kaluluwa niya sa suot niyang spaghetti strap sando at mini skirt na parehong kulay pula. Kitang-kita ang cleavages niya at ang makinis niyang legs.
Saka ang makapal na makeup niya. Hay, naku. Maganda naman siya pero pangit ang ugali.
"Huwag mong matawag-tawag na lola ang aking lola Inding. At ano ba ang ginagawa mo rito?" walang emosyong tanong ko sa kanya at tumayo pa siya.
Nakasuot siya ng heels na may four inch ang taas pero hindi man lang lumampas ang mukha niya sa akin.
'Yan ang isa sa pinaka-iingitan niya sa akin. Ang pagiging pandak niya.
"Look at yourself, isang basahan na lamang namin 'yan. But oh, hindi kupas ang basahan namin," aniya.
"Hindi ko naman tinatanong," seryosong sabi ko at binalingan ko si lola Inding na nakasalampak na sa sahig at hawak-hawak niya ang dibdib niya.
Madalas sumisikip ang dibdib niya. Kaya isa sa rason ko na ayokong iwan ang lola ko.
"Ayos ka lang po lola?" nag-aalalang tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
***
TINULUNGAN kong makatayo si lola Inding pero sabay kaming napasalampak sa sahig nang tinulak kami ni Hannah.
Pero sa halip na ipakita sa kanya na galit ako o nasaktan ay hindi ko 'yon ipinakita sa kanya.
It's better not to show your real emotions. Hide it.
Dinig na dinig ko ang pagsinghap ng kasamahan namin sa palengke pero wala silang magagawa upang tulungan kami.
Madadamay sila lalo. Kaya kahit gusto nilang lumapit sa amin ay hindi nila nagawa.
Tahimik na manonood na lamang sila sa amin.
"Kulang pa ang bayad niyong mag-lola, aba!" maarteng sigaw nito at kumuyom ang kamao ko.
Kung puwede ko lang siyang saktan ay baka kanina ko pa nagawa pero hindi.
May dalawang bodyguard ang ipokritang Hannah.
"Kulang pa nga ngunit mamaya ay maibibigay ko naman po sa 'yo ng buo," magalang na sabi ni lola.
Kahit mas bata sa kanya ang kausap ay magalang pa rin si lola. Ganyan ang may makapangyarihang tao.
"Mga walang utang na loob kayo! Libre na nga ang pang-uukupa niyo sa palengke ng daddy ko!" sigaw nito.
Libre? Nasaan ang libre roon? Eh, 200 pesos ang babayaran namin sa kanila ng hilaw niyang daddy.
Araw-araw po 'yon.
Wala pa ngang kita ang karamihan pero nangongolekta na kaagad? Minsan pa ay hindi nakakapagbigay at hayon, ang paninda mo ang sisirain nila.
Ganyan sila, walang galang sa mahihirap. Ngunit hindi naman lahat, may mga mayayaman naman na sadyang busilak ang puso at marunong gumalang sa mas mababang antas sa buhay.
Umalis nang padabog si Hannah pero bago 'yon, sinuri pa niya ang pisngi ko at kinurot. Kahit nasaktan ako sa ginawa niya ay hindi ko ipinakita ang emosyon ko.
Pero sa isip ko? Patay na siya.
"Your skin is so soft, ano ba ang gamit mong sabon?" tanong niya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay.
"Sabon speed," mabilis na sagot ko.
"Ginagamit mo ang sabon para sa mga damit na lalabhan?" gulat na tanong niya at ngiting aso lang ang sinagot ko.
"Akala mo kung sinong maganda."
"Okay lang ba kayo? Sumusobra na talaga ang senyoritang 'yon," ani aling Merda.
"Ayos lang po, sanay na ako sa ugali niya."
Inabutan ko nang tubig sa baso si lola at binigay ito sa kanya. Hinagod ko ang naninikip niyang dibdib.
"Ayos ka lang po ba talaga, lola?"
Hinawakan ni lola ang kamay ko at mataman akong tinititigan.
"Sa isang kisap mata ay magbabago ang 'yong buhay, apo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Makahulugan, hindi ako sanay sa makahulugang kataga ni lola Inding.
"Dadaan ka man sa hirap at sakit, lungkot at masaganang luha. Makakamtam mo pa rin ang 'yong minimithi, apo. Ika'y mamahalin din katulad ng klaseng pagmamahal mo na binigay mo sa kanya. Bagamat, mas higit pa roon."
"Ewan ko sa 'yo, lola," nakasimangot na wika ko at napatawa si aling Merda.
"Isang buhay na punung-puno ng lungkot at saya. Apo, 'yong kinabukasan mo ay nakikita ko."
Ewan ko talaga kay lola. Madalas niyang sabihin 'yan. Hindi ko alam kung manghuhula ba siya o ano.
"Kailangan mong pumili, apo," aniya at mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Piliin mo siya kaysa sa akin."
#GS2:TOPW