Lumitaw si Kaguya sa isang lugar na hindi niya ma describe pero parang siyang nasa kalawakan, tumingin siya sa kamay niya at na alala niya niligtas niya si Hanna at nabangga siya ng truck habang nag lalakad sila. Nakita niya na meron isang tao at puting puti ito na lumitaw sa kanyang harapan.
"Papa???"
"Patawad na kanailangan kita dalihin dito"
"Patay na ba ako?" tanong ni Kaguya.
"Oo"
"Hindi ko inaasahan na mamatay ako sa Aksidente. Ligtas ba si Hanna?"
"Oo, ligtas siya pero meron akong importanteng ipapagawa sa iyo kung bakit dinala kita dito...Ipapadala kita sa ibang mundo para baguhin ang nakatadhana rito"
"Teka...ano???"
"Kinakailangan mo pumunta doon para mapigilan ang pagka wasak nito. Hindi ako pwede mangialam kaya ikaw ang ipapadala ko"
"Ano pa nga ba ang magagawa ko...pero anong sanhi nito na kung bakit mawawasak ang mundo na kung saan ipapadala mo ako?"
"Dahil sa kapatid mo"
"Kapatid???"
"Hindi na ako mag bibigay ng ibang detalye at ikaw na bahala mag resolba. bibigyan kita ng masusuot at kagamitan mo na magagamit sa mundo na iyon"
napangiti na lang si Kaguya sa kanyang Ama "Pag katapos ba nito, babalik ba ako dito?"
Nasa sayo iyun anak" ngumiti ang Diyos sa kanya.
"Papa...pa kamusta na lang ako kay Mama"
Tumango ang Diyos sa anak niya at ipinadala niya ang kanyang anak sa ibang mundo kung saan nag eexist ang espada at mahika.