Chapter 8 - CHAPTER 4.1

Pagka labas at pag alis ni Kaguya sa simbahan, nag buntong hininga ang Pastor sabay umupo sa sofa at tila parang siya nabunutan ng tinik "Mukhang sinagot na ng Diyos ang mga panalanganin natin"

Tumingin ang babaeng nag serserve sa simbahan kay Pastor at nakikita niya na naka hinga na ng maluwag ang kanilang Pastor.

"Jaye, hindi siya isang ordinaryong tao...nararamdaman ko ang malakas na presensya ng Diyos sa kanya"

"Ano ang ngalan niya Pastor?"

"Kaguya ang kanyang ngalan niya at Jaye wag mo sasabihin sa iba mga patungkol rito. Wala dapat muna ang maka alam patungkol sa kanya at alam ko hindi pa ito ang huling pag kikita namin ng tao na yun"

Tumayo ang Pastor sa kina uupuan niya at lumapit siya sa desk niya at kinuha ang isang scripture sa drawer ng desk niya at binuksan ito, makikita mo sa scripture na ito ang tatlong litrato ng tao.

* * *

Nag lalakad si Kaguya sa may sidewalk habang nag oobserba sa paligid, napabuntong hininga siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya, nakita ni Kaguya mga bata sa kabilang sidewalk at masaya na nag lalaro.

Sana all masaya. bigla ko tuloy na miss yung mga pangungulit ni Hanna, Hanna miss na kita kahit hindi mo ako miss...langya ayoko na talaga.

***

Kakatapos lang ng libing ni Kaguya at nakatayo si Hanna sa libingan ng kaibigan niya. "Buset ka talaga Kaguya...Mamimiss talaga kita, napaka daya mo nang iwan ka kaagad kung alam ko lang na mang yayari ang aksidente na iyun sana na iligtas natin ang isa't isa. Wala na tuloy sasama sa akin pag may mga lakad ako" napangiti si Hanna na may lungkot at pinipigilan niya umiyak "Hanngang sa muli Kaguya...alam ko masaya ka na kung na saan ka man"

hindi na napigilan ni Hanna ang luha niya at pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang braso niya "Ano ba yan...sabi ko hindi na ako iiyak ulit ih, mamimiss talaga kita Kaguya, alam ko na masakit pero kailangan ko talaga tanggapin"