Pumunta si Kaguya sa isang maliit na shop ng kapital ng Ishdar kung saan meron nag bebenta ng mga gamot at mga lalagyanan nito, nakita ni Kaguya ang iba't ibang mga halamang gamot sa loob ng shop at karamihan dito ay katulad ng mga nahahanap niya sa Harnon.
Lumapit si Kaguya sa babae sa may counter "Anong maiitutulong ko?" tanong ng babae sa counter ng shop.
"Meron ba kayo mga bote pang lagay sa Potion???"
"Meron po"
"Pabili ako ng isang dosena" Pinatong ni Kaguya ang braso niya sa counter at hinanda at inaayos na ng babae sa counter ang mga bote ng potion na bibilihin ni Kaguya.
"Balita ko may kumakalat na sakit. alam mo ba kung saan ito nag simula???"
Napatigil ng konti ang babae sa ginagawa niya "Biglaan ang pag kalat ng sakit. nung isang taon lang ito nag simula, walang may alam kung saan ito nag simula..."
"Nakikita ko"
"karamihan sa mga tao ngayon sa Ishdar, hindi muna pinapapunta sa Harnon dahil sa kumakalat na sakit at ito din ang dahilan kung bakit nag kukulang narin kami sa mga gamot at kagamitan"
Nilagay ng babae ang mga bote na binili ni Kaguya sa isang box ng maayos at tinalian niya ito ng mabuti bago ito ibigay kay Kaguya "limang silver coin po ang lahat"
nag bigay si Kaguya ng isang gold coin at sinabihan niya na wag na siya suklian, nagulat ang babae sa kanya "Mauuna na ako" kinuha ni Kaguya ang isang box ng bottle ng potion na binili niya bago siya umalis sa shop at nag pasalamat ng marami ang babae sa kanya.