Chapter 12 - CHAPTER 6

mag uumga na sa mga oras na ito, unting unti nimumulat ni Kaguya ang mga mata niya, bumangon si Kaguya sa lupa at napansin niya magaling lahat ng mga natamo niya sa laban. Ilang araw na ng nawalan ng malay si Kaguya, napansin ni Kaguya merong hayop na naka tabi sa kanya at natutulog.

Tumingin siya sa isang gilid niya na hindi gaanong kalayuan sa kanya at nakita niya nan doon pa din ang bangkay ng Death Bird, binuksan ni Kaguya ang hologram screen niya at nakita niya tumaas ang level at stat niya, nakita niya din na nagkaroon siya ng pain resistance.

Napansin ni Kaguya na meron mga points sa hologram screen niya na na ipon sa mga naging laban niya, ginamit niya ito para maka kuha ng ibang skill at mahika na kakailanganin niya.

[Gluttony Skill Acquired]

[Healing Magic Acquired]

"Hindi na ako masyado mahihirapan nito" tumayo si Kaguya sa pwesto niya at nagising ang hayop na tutulog sa tabi niya at sabay umalis, nilapitan ni Kaguya ang nangangamoy na bangkay ng Death Bird at ginamit niya ang gluttony skill niya para kainin ang bangkay pati na din ang ibang nangangamoy na bangkay ng mga halimaw.

parang black hole lang gluttony skill na kayang kumain sa mga bagay o mga buhay na bagay.

***

Pinag patuloy ni Kaguya ang ginagawa niya at tamang gamit lang siya ng gluttony skill niya sa mga bangkay na halimaw nadadaan niya sa gubat, hindi niya alam kung saan siya makakarating, nag yawned siya at nag stretch siya ng katawan niya habang nag lalakad.

iniisip ni Kaguya na sana hindi siya maka encounter ng malaking insecto, nanginig siya bigla dahil sa diri habang iniisip niya ito, bigla sinampal ni Kaguya ang dalawang pisngi niya "Tama na Kaguya...wag mo na lang isipin" Pero kahit hindi ko pa din isipin possible pa din maka encounter ako...patayin niyo na lang ako...."Uggghhhhh!!!! ayoko na talaga!"

***

"Hoy!!! Sigurado ka ba dito???" Sabi ni Maria na may kaba. Isang villager si Maria na naging Saint ng Believer of God. Payat si Maria, brunette ang kulay ng buhok niya at meron siyang itim ang kulay ng mata niya, puting robe ang suot niyang damit. Madami na mamangha kay Maria dahil sa ganda at kakayahan niya bilang isang Saint.

"Oo...sigurado ako dito tska hindi naman nila malalaman, mag kukunwari na lang tayo na pumunta tayo sa isang Job Request sa guild" Sabi ni Nick habang nag papatakbo ng karwahe nila patungo sa West Harnon Forest. Isang crusader ng Worshipper of God si Nick.

"Nang damay ka nanaman at ano naman ang gagawin natin doon???" Tanong ni Rafta. Isang Demi Human si Rafta na nang galing sa Eastern Continent, isa siyang half wolf at half human. Hindi na pinansin ni Nick ang tanong ni Rafta.

"Bahala ka talaga sa buhay mo Nick" nag buntong hininga si Rafta at nakita niya na sa isang sulok nanaman si Ga-ta. Si Ga-ta at Nick ay nang galing sa Noble Family, matagal na sila mag kakilalang dalawa, isang assasin si Ga-ta.

Anak ng Earl si Ga-ta habang si Nick ay anak ng isang duke sa Agnar parehas sila naka tira sa bansang Agnar at parehas silang lumayas para mag karoon sila ng kalayaan sa pamilya nila. Payat na matangkad si Ga-ta at asul ang kulay ng buhok niya, chocolate naman ang kulay ng mga mata niya, Medyo pang Japanese style ang damit niya.

makisig ang itsura ni Nick at malaki ang katawan niya kompara kay Ga-ta, berde ang kulay ng mga mata niya at kayumanggi ang kulay ng buhok niya. Kahit na isang crusader ng Worshipper of God si Nick at nag cocontradic ang paniniwala nila ni Maria pero mas pinili nila na igalang at irespeto ang paniniwala ng bawat isa.

Patungo sila ng West Harnon Forest para mag palakas kahit na hindi sang ayon si Maria at Rafta kay Nick, pare parehas silang rejected sa Hero's Party kaya nag sama sama sila at nag form ng Party nila.

"Hindi ko pa din alam kung bakit mas pinili ng bayani ang mga kupal na iyon" Sabi ni Nick na may inis habang nag papatakbo ng karwahe nila.

"Ewan ko ba sa kanila, pare parehas naman silang mga kupal at shunga, shunga na nga yung mga kasama, shunga din yung bayani" Sabi ni Rafta.

Mga ilang linggo pa bago sila makarating sa west part ng Great Harnon Forest at medyo kinakabahan si Maria dahil sa mga kasamahan niya dahil alam niya kung gaano ka deliko sa Great Harnon Forest pero wala siyang magawa kung hindi ang sumuporta.