Chapter 10 - CHAPTER 5

Pumunta si Kaguya sa may puting buhangin sa tabing dagat malapit sa tinitirihan niya at matatagpuan ito sa west part ng Great Harnon Forest. Umupo si Kaguya sa punting buhangin at tinignan niya ang stat at skills niya sa hologram screen ng kanyang right arm guard, tamang swipe lang si Kaguya at laking gulat niya ng makita niya ang mga kakayahan niya.

[Light Magic]

[Fire Magic]

[Speed]

[Teleportation skill]

[Telekinesis]

[Alchemist Skill]

[Slow Healing Factor]

[Strength]

hindi inaasahan ni Kaguya na mag kakaroon siya ng teleportation skill. Akala ko bilis at lakas lang meron ako and as expected mahina pa din ang healing factor ko pwede pa din ako mamatay pag na puruhan ako ng maigi, hindi pa din sapat ang mga kakayahan ko...kailangan ko mag palakas ng maigi.

ginamit na din Kaguya ang hologram screen niya para iscan ang buong lugar ng Great Harnon Forest laking gulat niya na may mga lybrint na matatagpuan sa Harnon at nakita niya mas delikado ang lybirnth ng west part ng Harnon kompara sa North.

Napag disisyonan ni Kaguya na mag papalakas muna siya bago siya pumunta sa lybrinth ng North part ng Harnon. tumayo si Kaguya sa puting buhangin, pinatay niya ang hologram screen niya bago niya pinapag ng buhangin sa damit niya. "Pero bago muna ang lahat kailangan ko mahanap kung saan nag gagaling ang sakit na kumakalat sa mga bansa"

bumalik muna si Kaguya sa bahay niya para gumawa ng healing potion niya bago siya mag lakad lakad sa paligid ng kagubatan dahil na iisip niya na meron posibilidad na nag mula ang kumakalat na sakit sa Harnon Forest.

***

inayos ni Kaguya ang mga healing potion na gagamitin niya at nilagay niya ito sa loob ng bag niya bago siya umalis sa bahay niya.

Naglalakad si Kaguya sa kagubatan at tinitignan niya kung meron siya mahahanap na inficted na mga halimaw pero wala pa din siya na tatagpuan. mukhang aabutin ako ng habang buhay dito. binuksan ni Kaguya ang hologram screen niya at tinignan niya kung nasaan na siya at nakikita niya napupunta na siya sa kailaliman ng west part ng great Harnon Forest.

sa west part ng Great Harnon ay dito mo matatagpuan ang mga malalakas na halimaw at ibang mga dragon, habang tumatagal ang pag lalakad ni Kaguya may na aamoy siyang mabaho at laking gulat niya ng makita niya maraming patay na halimaw nakakalat sa paligid at labas ang mga laman loob nito.

Pinatay ni Kaguya ang hologram screen niya at tinakpan niya ang ilong niya gamit ang cloak niya dahil sa sobrang baho sa paligid, nagulat si Kaguya bigla siyang inatake isa sa mga infected, isa ito malaking halimaw na ibon na mukokompara mo ang laki nito sa truck at meron itong matatalas na kuko at balahibo sa pakpak.

Mukhang ito pinag halong agila at vulture at tinatawag itong Death Bird ng west continent. ginamit ni Kaguya ang bilis niya at gumulong siya sa lupa para iwasan ang pag atake ng halimaw, tumayo ng mabilis si Kaguya sabay hugot ng espada niya.

bumuga ng napakalakas na beam ang Death Bird sa bunganga nito kay Kaguya, naiwasan ito ni Kaguya gamit ang bilis niya at muntik na siya tamaan nito. Nagulat si Kaguya nang makita niya kung gaano nasira ang paligid dahil sa lakas ng atake ng halimaw. napalunok na lang si Kaguya...Pag natamaan ako nun pwede ko ikamatay iyun.

Lumipad sa ere ang Death Bird at hinagisan si Kaguya ng mga matutulis na balahibo galing sa pakpak, tumakbo si Kaguya ng pa ikot sa paligid para iwasan ang mga atake ng halimaw, sobrang tulis ng mga balahibo na hinahagis ng death birth at nakita ni Kaguya kung gaano kabilis tumubo ang balahibo ng halimaw.

Alam ni Kaguya hindi niya pwede ibaba ang mga gwardia niya ng basta basta dahil isang pag kakamali lang buhay niya ang magiging kapalit. Nag teleport si Kaguya sa ibabaw ng ibon at tinamaan niya ito ng kanyang espada sa likod na naging dahilan kung bakit bumaksak ang Death Bird sa lupa.