Chapter 7 - CHAPTER 4

Pagkatapos sumali ng guild si Kaguya nag desisyon siya na mag lakad lakad muna sa kapital ng Ishdar at habang nag lalakad siya may nakita siya na simbahan na tinatawag na Believer of God sa tabi ng bilihan ng mga damit.

Na curious si Kaguya at napag desisyonan niya na pumasok sa loob ng simbahan, walang gaanong tao sa loob at medyo maliit lamang ang worship hall nito kompara sa iba, napansin ni Kaguya na walang mga rebolto sa loob kung hindi isang crus na malaki na ka sabit pader ng yugto.

nag lakad si Kaguya sa aisle ng simbahan at lumapit siya sa yugto at tumungin sa crus, napangiti si Kaguya ng maliit. Napansin siya ng isang Pastor at hindi nag dalawang isip ang Pastor na lapitan siya.

"Magandang araw"

"Magandang araw din po"

"Meron ba akong maitutulong???"

"Wala naman ho, Napadaan lang po ako"

"Mauuna na po ako" nung aalis na si Kaguya, dinakma ng Pastor ang wrist ni Kaguya at sinabihang manatili muna siya ng kahit ka unti.

dinala ng Pastor si Kaguya sa isang kwarto ng simbahan kung nasaan ang Pastor's office, Pina upo ng Pastor si Kaguya sa sofa malapit sa lamesa ng Pastor at umupo ang Pastor sa tabi ni Kaguya.

Pinag gawa sila ng tsaa at binigyan ng platito ng mga biscuit ng isang nag seserve sa simbahan.

"Paumanhin bigla kita dinala dito sa loob"

"Ayos lang po"

"Ngayon lang kita nakita dito sa kapital"

"Bago lang po ako dito sa Ishdar"

"Nakikita ko. Kung meron ka mang mga kailangan o tanong, libre ka lumapit sa akin"

"Maraming salamat. Hindi ko po inaasahan na meron simbahan sa lugar na ito"

"Isang taon palang kami sa simabahan na to. Pero Kailangan momag ingat sa mga panahon na ito, Merong sakit na kumakalat sa iba't ibang lugar ng West Continent at tinatawag itong Black Plague"

"Black Plague???"

"Hindi namin matukoy kung saan ito nang gagaling pero nag bibigay ito ng malalang sakit sa mga tao at karamihan sa mga halimaw ng Great Harnon Forest ay meron nito at ito din ang dahilan kung bakit karamihan sa kanila nawawala sa sarili... Pero karamihan sa mga nag kakaroon nito ay nagigingitim ang mga mata at unting unti kinakain ng buhay ang mga katawan nila pag sa mga halimaw pero pag sa tao, kamatayan ang abot. Tangi ang mga Saint at Priest lamang ang kaya mag pagaling sa mga nag karoon ng Black Plague kaya kasalukuyan na ito nag tutulungan ang Worshipper of God at Believer of God para ma puksa ang sakit"

uminom ng tsaa si Kaguya at binaba niya ang baso ng tsaa sa maliit na lamesa sa tapat nila at napaka kalmado niya. "Nakikita ko. Wala pa naman ako nakakaharap na mga halimaw na merong Black Plague pero sisiguraduhin ko na hahanapin ko ang pinag mulan ng kumakakalat na sakit" Tumayo si Kaguya sa kina uupuan niya at nag bigay galang sa Pastor "Mauuna na po ako"

napatayo ang Pastor sa kanya "Teka bago ka umalis, maari ko bang malaman ang ngalan mo?"

"Kaguya, Kaguya Bandit"