Chapter 5 - CHAPTER 3

Lumitaw si Kaguya sa Great Harnon Forest, isa sa pinaka malaki na kagubatan sa buong mundo at dito din matatagpuan ang great lybrinth. Naka suot si Kaguya ng dark brown leather armor, black pants, boots at cloak. Napansin niya naka sabit ang espada niya sa may belt sa bewang niya at magka iba ang kanyang arm guard at ang kulay nito.

Dark brown ang kulay ng nasa left arm niya at normal na arm guard lang ito kompara sa right arm guard niya, purong itim ang kulay nito at may pulang dyamante sa gitna. Ramdam ni Kaguya ang lamig sa lugar na kinakakatayuan niya at maririnig mo ang mga ingay na nang gagaling sa mga puno at ibon sa paligid. Hindi alam ni Kaguya kung saan siya mag sisimula.

Hindi ako maka paniwala kahit na isang Demi God na katulad ko kaya pa din mamatay pero ano pa ba ang ineexpect ko, I'm part human after all.

Hinawakan ni Kaguya ang right arm guard niya at lumitaw ang hologram screen sa may pulang dyamante, makikita mo dito ang stat at level niya at nag bibigay din ito ng mga impormasyon tunkol sa mga lugar at mga bagay. Kahit na nasa Level one palang si Kaguya mataas na kaagad ang status niya kompara sa mga normal na mang lalakbay sa mga guild.

Mukhang kailangan ko muna mag pataas ng level bago ako sumabak, nag desisyon muna si Kaguya na mananatili muna siya sa kagubatan para mag palakas at mag aaral tungkol sa bagong mundo na titirahan niya.

Tumingin siya sa kalangitan at ngumiti siya ng konti. Kahit din pala Pilipino narereincarnate akala ko mga Hapon lang napadpad sa ibang mundo. She chuckled.

parang gusto ko ng mainit kahit cup noodles lang sapat na. She sighed.

Naglakad lakad si Kaguya sa gubat at hindi niya na alam kung saang lupalop siya makakarating, marami siyang nakikitang halamang gamot sa paligid at iniscan niya ito gamit ang right arm guard niya. sakto magagamit ko ito...pakiramdam ko magiging albolaryo ako wala sa oras.

She imagined herself na may hawak na mga dahon at inaalog-alog ito. inalog ni Kaguya ang ulo niya at sinampal niya ng sabay ang dalawang pisngi niya, bigla siya na hiya dahil sa mga naiisip niya.

Kaguya...ano ba kailangan mo mag focus, I'm sure pinag tatawanan na ako ng tatay ko ng wala sa oras.

ngayon lang napansin ni Kaguya na meron pala siyang leather bag na suot sa likod. Ang shunga ko nanaman bat hindi ko to napansin??? ayoko na... nagiging shunga nanaman siguro ako wala sa lugar. She sighed.

nagulat siya ng may narinig siyang mga kaluskos sa likod niya na nang gagaling sa mga bush malapit sa pwesto niya. Hinawakan kaagad ni Kaguya ang espada niya at laking gulat niya ng may nakita siya isang malaking lobo na tumalon papunta sa kanya at handa siya patayin nito.

yumuko si Kaguya para iwasan ang malaking lobo, hinatak niya ang espada niya sa may scabbard niya at nag handa para sa pag atake ng lobo. Nag aral si Kaguya dati ng Fencing at Muay thai noong nabubuhay pa siya sa dating mundo kung saan siya lumaki.

umatake ulit ang lobo kay Kaguya pero iniwasan ulit ni Kaguya ang lobo, ginamit ni Kaguya ang natutunan niya sa fencing class niya at hiniwa niya sa katawan ang lobo ng malalim at nag kalat ang dugo nito sa palagid, mabilis lang ito napa tumba ni Kaguya at laking gulat niya hindi pala ito nag iisa.

napa atras si Kaguya sa isang pack ng mga malalaking lobo at napa lunok siya sa dami, nag simula mang lamig ang mga kamay ni Kaguya pero inisip niya na kailangan niya lumaban para maka survive.