Nasa Samson Funeral Homes si Hanna at naka upo siya sa upuan habang nakatingin siya sa kabaon ni Kaguya. "Buset ka talaga sabi ko pupunta pa tayo ng concert ih...nang iwan kananaman" pinunasan niya ang luha niya gamit ang braso niya.
Lumapit ang Ama ni Kaguya kay Hanna na may dalang mainit na tsokolate at binigay ito kay Hanna at umupo siya sa tabi ni Hanna.
"Salamat po"
"Hindi ko inaasahan na mawawala kaagad si Kaguya"
"Ang daya nga po eh...pero nag papasalamat po ako sa kanya na, na kilala ko po siya at kung hindi po dahil kay Kaguya wala na dapat ako ngayon"
Tumingin ang Tatay ni Kaguya kay Hanna at binigyan niya si Hanna na maliit na ngiti "Minsan hindi mo talaga alam kung kailan tayo kukunin pero nag papasalamat ako dahil naging kaibigan ka ng anak ko"
ngumiti si Hanna sa kanya "I'm sure kung nasaan man si Kaguya ngayon masaya na siya sa mga oras na to"
***
Patuloy pa din sa pag laban si Kaguya sa mga halimaw sa Great Harnon Forest, madami na naging sugat at galos si Kaguya at tumutulo ang dugo niya sa mga damo pero patuloy pa din siya sa pag laban para tumaas ang level, skills and strength niya. Natuto na din siya gumamit ng mahika at kung papaano gamitin ang kapangyarihan niya.
Ilang araw na ang lumipas simula ng dumating siya sa Great Harnon Forest, nag tago muna si Kaguya sa isang lugar kung saan walang gaanong mga halimaw para mag pahinga at mag pagaling sa mga natamo niya.
Madami nakuhang Magic Crystal si Kaguya sa loob ng katawan ng mga halimaw na napapatay niya at nilagay niya ito sa loob ng leather bag niya. Pagkatapos niya mag pahinga at mag pagaling, nag tayo siya sa ng bahay niya malapit sa dagat gamit ang mga punong kahoy at mga ibang materyal na nakuha niya sa kagubatan.
natuwa si Kaguya na natapos niya ang pag gawa sa bahay niya, nag pahinga muna siya ng konti bago siya mag hanap ng mga halamang gamot, pinag aaralan niya ito ng mabuti para makagawa siya ng healing potion dahil nakita niya sa guide niya na pwede siya makagawa ng mga potion gamit ang mga halamang gamot. Kaya ni Kaguya ienhance ang quality ng mga potion gamit ang mahika niya.
alam niya na hindi sapat ang mga gamit niya kaya desisyon siya na pumunta sa Ishdar isa sa mga bansa sa west continent. Tabi lang ishdar ang great harnon forest at sa baba ng Harnon doon mo matatagpuan ang mga ibang karatig bansa.
sinadya ni Kaguya na pumunta ng kapital ng Ishdar kung saan matatagpuan ang malaking kastilyo ng mga dugong bughaw ng bansang Ishdar kahit malayo layo ito sa Harnon Forest, nag desisyon si Kaguya na sumali sa isang guild sa kapital.
Pag pasok niya sa guild nag tinginan lahat ng mga tao sa guild sa kanya, pumunta si Kaguya sa may counter ng guild kung na saan ang receptionist at medyo nakakatakot ang aura ni Kaguya "Mag paparehistro ako at bago lang ako sa lugar niyo"
"Kung ganun wala ka pa gaanong alam, irerehistro kita bilang isang mang lalakbay at ako na mismo ang hahawak sayo, ako nga pala si Ilya Lamboarge"
"Kaguya, Kaguya Bandit"
Sinabi lahat ni Ilya ang lahat ng kailangan malaman ni Kaguya patungol sa guild at sa magiging trabaho niya, pinapatong ni Ilya ang kamay ni Kaguya sa isang bagay na mukhang libro para maging ganap na ng myembro ng guild si Kaguya at nakikita din dito ang level at status ng isang tao.
nagulat si Ilya ng makita niya na nasa level 30 at matataas ang status ni Kaguya at makokonsider si Kaguya na bilang isang A class adventurer, hindi na ito pinansin ni Kaguya. kinuha ni Kaguya ang mga magic crystal niya sa loob ng bag niya at nilagay ito sa counter "Ibebenta ko nga pala ito"
maraming tao pa din sa guild na tumutingin kay Kaguya at nagulat sila sa mga magic crystal na meron si Kaguya dahil matataas sa qualidad ito kompara sa mga halimaw na matatagpuan sa Ishdar. hindi makapaniwala si Ilya kay Kaguya, hindi niya alam kung tao pa ba yung nasa harapan niya o hindi.
gayunpaman natutuwa si Ilya dahil meron isang tao na katulad ni Kaguya na sumali sa guild nila. malaki laki ang nakuhang pera ni Kaguya at mga nasa 200,00 gold coins ang halaga ng mga magic crystal ni Kaguya, alam ni Ilya sa Great Harnon Forest lang makakahanap ng ganitong quality ng crystal.
matapos ang transakyon ni Kaguya sinabihan siya ni Ilya lumapit lang siya sa kanya kung may mga kailangan siya. kinonsdera ni Ilya si Kaguya na ilagay bilang isang A class adventurer kahit na nag sisimula pa lamang ito.