Chapter 3 - CHAPTER 1.1

Pagkatapos ng klase nila. Hinintay ni Kaguya si Hanna sa bench malapit sa classroom nila bago sila umuwi since naka assign sa cleaners si Hanna, Pag tapos ni Hanna mag linis, kinuha niya na yung bag niya sa upuan kung saan niya pinatong sabay suot. Lumabas siya ng classroom at pinuntahan niya si Kaguya na nag hihintay sa kanya.

"Tara na" Sabi ni Hanna na may ngiti at ningitian siya pabalik ng maliit ni Kaguya.

Naglakad sila palabas ng school. "Ano nga pala kukunin mo na course after natin grumaduate???"tanong ni Hanna.

"Actually...Undecided pa ako pero baka ipursue ko na mag doctorate or psych"

"Ahhh...basta ako sure na ako sa Psych, pero bakit nga ba ulit Kaguya pinangalan sayo???"

"Ewan ko sa nanay ko. sa pag kaka alala ko kasi may pag ka otaku kasi siya before noong nabubuhay pa siya"

"Kaya pala"

"Weird diba?" sabi ni Kaguya na may ngiti.

"Hindi naman... to be honest nga hindi ka nga mukhang Filipino ih" natuwa si Hanna nung nakita niya gaano kaganda ngumit si Kaguya, hiniling niya sa sarili niya na sana lagi niya nakikita ang ngiti ni Kaguya.

nakalabas na sila ng school at nag lalakad na sila patungong highway kung saan meron masasakyan, habang nag uusap sila sa gilid ng kalsada. Napansin ni Kaguya ang truck sa kabilang kalsada na nawawalan ng control. Walang kamalay malay si Hanna dahil busy siya makipag usap kay Kaguya nagulat na lang si Hanna na bigla siyang hinatak at tinulak bigla ni Kaguya ng malakas.

Natumba at napadapa si Hanna dahil sa malakas na tulak ni Kaguya sa kanya at nakita niya kung papaano nasagasaan si Kaguya at puma ilalim sa truck. Nabangga sa poste yung truck at nasira ang harapan nito dahil sa malakas na impact.

Nakita ni Hanna nasa ilalim na ng truck si Kaguya at duguan. karamihan sa mga gamit ni Kaguya ay nag kalat sa kalsada. Nang laki ang mata ni Hanna at naginginig dahil sa mga pang yayari. Hindi magawa makatayo ni Hanna dahil sa gulat at hindi niya matanggap ang nang yari sa kaibigan niya, sinigaw ni Hanna ang pangalan ni Kaguya sabay umiyak, hindi mo ma ipinta ang mukha ni Hanna dahil sa nangyari.

Bumaba ang driver ng truck at hindi makapaniwala, makikita mo na fraustrated siya sa mga pangyayari dahil hindi niya inaasahan na makakapatay siya. Alam ni Hanna na hindi desrve ni Kaguya na mamatay. "Kaguya~~" She gritted her teeth habang patuloy sa pag iyak

Maraming tao na nag pulong sa incedente at nag uusap kung ano ng yari. Nakatitig lang si Hanna sa katawan ni Kaguya habang naginginig. Nakita si Hanna ng iba niyang klaklase naka dapa siya sa lupa at dali dali siyang tinulungan na tumayo na kanyang mga klaklase.

"Hanna...Ayos ka lang ba?" sabi ni Milan na may pag alala dahil nakikita niya na patuloy pa din sa pag iyak si Hanna.

"Milan...si Kaguya. Wala na siya"

Napatingin sila kung saan nag pupulong pulong ang mga tao at laking gulat nila na makita nila si Kaguya sa ilalim ng truck na duguan at wala nang buhay. Napansin ni Milan na meron konting galos si Hanna dahil sa incidente, niyakap ni Milan si Hanna at kinomfort niya siya pati ang iba nilang klaklase. Nalulungkot sila sa pag biglaang pag kamatay ni Kaguya at hindi sila makapaniwala sa isang idlap biglang mawawala si Kaguya.