Naka upo si Kaguya sa kanyang usual seat sa paaralan habang naka sandal siya sa pader na katabi niya, nasa gitnang row sa dulo ang kanyang pwesto. Nag buntong hininga si Kaguya. Ano ba yan saang lupalop nanaman kaya napadpad ang tao na yun.
Lunch break nila at walang gaanong tao sa classroom nila. Walang gaanong bintana ang classroom nila since naka aircon naman sila. Dumating na si Hanna na may dalang grape juice na pinasabay ni Kaguya sa kanya.
Inabot ni Hanna ang pinasabay ni Kaguya sa kanya.
"Pasensya na at natagalan" Umupo si Hanna sa tabi ni Kaguya sabay bukas ng lata coke niya bago niya ito ininom.
"Ayos lang..."
"Grabeh!!!!...Kahit naka aircon na tayo pero ang init pa din"
"Ano pa ba ang inaasahan mo...Nasa Pilipinas tayo, wala tayo sa Korea" Binuksan ni Kaguya ang kanyang Grape Juice sabay inom at napansin niya naka titig sa kanya si Hanna at tinignan niya pabalik si Hanna.
Tinilt ni Kaguya ng konti ang kanyang ulo "Bakit???"
Ngumiti si Hanna sa kanya sabay biglang tawa ng konti "Wala, Wala...natatawa lang kasi ako sa reaction ng mukha mo. Hindi mo malaman kung ano ih"
"Buset" sabi ni Kaguya na may ngiti "Oo nga pala...tuloy pa ba tayo sa lakad natin???" Tanong ni Kaguya.
"Aba!!! Oo naman!!! Syempre hindi ko papalagpasin iyon. Makikita ko na din ang mga asawa ko" Sabi ni Hanna may kilig at excitement, makikita mo talaga sa kanya kung gaano siya ka excited sa darating na concert ng NXT Korean Boy Group.
Nanalo kasi si Hanna ng concert ticket ng NXT nung nakaraan na pumunta sila sa sa Fan Event sa MOA even though na ayaw sumama ni Kaguya pero walang magawa ang kaibigan niya sa kanya. Lagi kasi na hahatak ni Hanna si Kaguya tska alam niya na wala din naman ibang gagawin si Kaguya kung hindi ang matulog.
"Basta make sure na bibilisan mo ang kilos mo kung hindi bahala ka sa buhay mo"
"Grabeh naman...syempre sasamahan mo pa din ako kasi lab mo ko...ayiihiiiieeeee.
"Langya...bigla ako na cringe"
Pumasok na ang kanilang mga klaklase sa classroom nila dahil dumating na ang guro nila sa Economics at umupo na sila sa kani-kanilang upuan nila. "Diyan ka na nga" Sabi ni Hanna bago siya bumalik sa upuan niya sa first row.
Pumunta sa harapan ang kanilang guro at ipinatong ang dala niyang libro sa teacher's desk "mag labas kayo ng one whole of yellow pad paper niyo at mag kakaroon tayo ng quiz ngayon"
nagulat ang mga estudyante sa kanya dahil walang pasabi si Ma'am na mag kakaroon pala sila ng quiz ngayon at makikita mo sa reaksyon nila kung gaano sila ka badtrip pero hindi nila pinapahalata, napatingin si Kaguya kay Hanna sa malayo at nakikita niya na parang humihingi ito ng tulong.
napangiti ng maliit si Kaguya kay Hanna. Bahala ka diyan.
kumuha si Kaguya ng one whole sa bag niya sabay dinagsa siya ng mga klaklase niya dahil karamihan sa kanila mga walang papel. Langya...talaga. Kulang na lang ako na mag pa aral sa mga tao na to...kakabili ko lang ng papel ko ubos ka na kaagad.