Chapter 7 - Chapter Six

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Pinapunta siya ni Leina sa stage dahil siya ang nakasalo ng bouquet. Bigla-biglang sumulpot si Thad mula sa kung saan at nakipagbalyahan ito para makuha ang wedding garter. She was wondering why he did that. He acted weird and stupid.

"What are you doing?" mahinang tanong ni Leina sa kapatid nang umakyat ito sa stage. "Are you insane?"

Hindi nito sinagot ang kapatid. Dere-deretso itong naglakad patungo sa kaniya. Hindi niya magawang sa ibang direksyon tumingin habang papalapit ito sa kaniya. Guwapo ito sa paningin niya noon kahit payat ito at palaging nakasimangot lalo na ngayon, dahil ibang-iba na ang itsura nito. Mukha itong model sa magazine.

Pagtapat nito sa kaniya ay naghubad ng coat ang binata bago lumuhod sa harapan niya. Pinagmasdan niya itong mabuti. Hindi maalis ang tingin niya sa maskuladong katawan nito. Ano kayang pakiramdam ang makulong sa mga bisig nito?

"Stop starring at me." Naputol ang pag-i-imagine niya nang magsalita ito. "Bilisan natin 'to." Pinatong nito sa kaniyang hita ang hinubad na coat.

"Kasalanan mo kung bakit kita tinititigan. Sinong matinong lalaki ang maghuhubad sa harapan ng isang babae sa harap ng maraming tao?" depensa niya sa sarili para 'di mapahiya. Exaggerated din siya dahil may suot naman itong long sleeves. May masabi lang. "Kasalanan mo rin kung bakit nasa ganitong sitwasyon tayo dahil nakipag-agawan ka sa wedding garter. Wala namang nag-utos sa 'yo," sisi niya dito. "Bakit mo ipinatong sa hita ko 'yong coat?"

"Wala tayo sa ganitong sitwasyon kung 'di mo sinalo ang bouquet," balik paninisi nito sa kaniya. "Ayokong makita ng mga tao ang legs mo habang sinusuot ko sa 'yo 'tong wedding garter," sagot nito sa kaniyang tanong. Nahihimigan niya sa boses nito ang concern sa kaniya. "Itakip mo 'yang hawak mong bouquet sa mukha ko," utos nito na sinunod niya naman kahit 'di niya alam ang purpose no'n. "Ayokong pagkaguluhan tayo ng press."

"Alam mo naman pala ang consequence ng ginawa mo. Bakit mo pa ginawa?" naiirita niyang tanong. Kahit naiinis siya sa binata ay alam niyang may point ang sinabi nito. Bahagya siyang yumuko upang matakpan ng kaniyang buhok ang mukha niya. "Ikaw lang yata ang matalinong hindi nag-iisip bago kumilos."

He didn't respond. Bahagya nitong itinaas ang kaniyang kanang paa upang isuot ang wedding garter sa kaniya. Nang lumapat ang mainit nitong palad sa kaniyang balat ay bahagya siyang napakislot. Naramdaman siguro 'yon ng binata kaya sandali itong tumigil.

"Relax, Lizzy," Anas nito bago ipinagpauloy ang ginagawa.

Her heart skipped a bit when he called her Lizzy. Paano siyang magre-relax? Napalunok siya nang magpatuloy ang binata sa ginagawa. Pakiwari niya'y bumagal ang takbo ng orasan habang naglalakbay ang kamay ni Thad patungo sa kaniyang hita.

"Done."

Nakihinga siya nang maluwag. Tumayo ang binata at kinuha nito ang coat mula sa kaniyang kandungan. Tumayo na rin siya at humarap sa audience. Nagkataon naman na una niyang nakita si Nathalie na matalim ang tingin sa kanila. She can't blame her. Kung siya ang nasa puwesto nito'y malamang na magpupuyos din siya sa galit. Sunod si Bruce, seryoso ang binata pero agad itong ngumiti nang magtama ang kanilang tingin.

PINAG-AWAYAN nila ni Nathalie ang ginawa niyang eksena kanina. Kahit sinong babae'y magagalit sa ginawa niya lalo't engaged na sila. Pagdating kay Elizabeth, hindi siya nag-iisip kung tama ba o mali ang kaniyang ginagawa.

"Nag-away kayo ni Nathalie?" tanong ng kaniyang ina.

Tumango siya. "Nagalit po sa ginawa ko kanina." Nakauwi na sila mula sa party. Si Leina at Dave ay nagpalipas ng gabi sa isang five star hotel bago bumiyahe kinabukasan patungong Thailand para sa honeymoon.

"Kung ako ang nobya mo, aba'y magagalit talaga ako," sermon nito sa kaniya. "Bakit mo ba ginawa 'yon?"

"Bakit 'di niyo po sinabi na umuwi si Elizabeth?" Imbes na sagutin niya ang tanong ng ina ay nagtanong din siya. "Wala akong kamalay-malay na nandito siya samantlang nandiyan lang siya sa kabilang bahay."

"Anak, baka nakakalimutan mong ikaw ang may ayaw na makarinig ng balita tungkol sa kaniya," paalala nito. Hindi siya kumibo. "Sampung taon na ang lumipas kaya kung ano man ang nangyari sa inyo noo'y kalimutan mo na."

"Sige po, magpapahinga na ako." Nagbingi-bingihan siya sa sinabi ng ina. "Good night, 'My." Hinalikan niya ito sa pisngi bago umakyat patungo sa kaniyang kuwarto.

Napailing ang ginanag habang pinagmamasdan ang anak. Walang nakakaalam kung bakit humantong sa ganoon ang pagkakaibigan ni Thad at Elizabeth. Tanging ang dalawa lamang ang nakakaalam. Sa nakikita ng ginang, sa palagay nito'y si Thad ang may problema.

ILANG ORAS na siyang nakahiga at nakatitig sa kisame pero 'di siya dinalaw ng antok. Sinubukan niyang magbilang ng tupa pero 'di mabisa. Bumangon siya saka umupo. Binuksan niya ang lampshade bago kinuha ang camera na nakapatong sa bedside table. Tumayo siya bitbit ang camera at naglakad patungo sa bintana at binuksan 'yon. Katapat ng kuwarto niya ang kuwarto ng dalaga. Mahimbing na siguro ang tulog nito dahil nakapatay ang ilaw sa kuwarto nito.

"Ang daya mo, Lizzy," bulong niya sa hangin. "Hindi ako makatulog dahil sa 'yo samantalang ikaw baka humuhilik ka pa sa sobrang himbing ng tulog mo."

Sa tuwing ipinipikit niya ang mga mata'y mukha nito ang kaniyang nakikita at kahit dumilat siya'y mukha nito ang kaniyang nakikita. Napabuntong-hininga siya habang tinitingnan ang larawan nito.

"I'm so proud of you," kausap niya sa larawan nito. "And I'm so happy to see you again."

SHE CAN'T SLEEP. Pabaling-baling siya sa higaan at halos mahubad na ang bedsheet no'n sa kakaikot niya. Pakiramdam niya'y hanggang ngayo'y damang-dama pa niya ang mainit na palad ng binata na dumantay sa kaniyang balat. "Drat!" Napabalikwas siya ng bangon. "Elizabeth Marie, burahin mo sa isip mo ang nangyari kanina," kausap niya sa sarili.

Tinungo niya ang bintana at binuksan 'yon upang makalanghap siya ng sariwang hangin. Nagbabakasakali siyang tangayin ng hangin ang kakaiba niyang nararamdaman. Subalit mukhang maling hakbang ang kaniyang ginawa dahil ito mismo ang nabungaran niya pagbukas ng bintana.

He was holding a camera while leaning near the window. Ang liwanag na nagmumula sa hawak nitong camera ang nagsilbing ilaw upang makita niya ang guwapo nitong mukha. He was smiling while looking on the picture or video. She wasn't not sure because she can't see it directly.

She was about to close the window when he looked at her. Hindi niya itinuloy ang balak dahil baka isipin nito na umiiwas siya. She smiled at him but his smile faded when he saw her.

"Kanina ka pa riyan?" walang kaamor-amor na tanong nito. "Gabing-gabi na, dapat tulog ka na."

"It seems that you're not happy to see me," kaswal niyang sabi upang ikubli ang totoong nararamdaman.

"I'm happy to see you," kulang sa emosyong wika nito.

"Don't deny it. Wala sa itsura mo na masaya kang makita ako."

"What do you want me to do? Gusto mo bang tumalon ako at sumigaw para lang malaman mo na masaya akong makita ka?" Walang bahid ng sarcasm ang tinig nito pero 'di siya sigurado.

"Bakit hindi? Who cares? Kapag masaya ka dapat ipakita mo."

"We're not the same." Malayo ang tingin nito.

"Yeah! We're not the same. Frankly speaking, ang hirap mong pakisamahan dahil sa ugali mo na 'yan. Madamot ka pagdating sa bagay na kailangan mong magpakita ng emosyon lalo na ngayon dahil hindi na tayo close. Hindi ko tuloy alam kung paano ka pakikisamahan."

"Hindi mo ako kailangang pakisamahan."

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Thaddeus Franco, you're so unbelievable." Binuntutan niya ng pekeng tawa ang kaniyang sinabi. "Ako 'yong binasted mo pero ikaw ang bitter sa 'ting dalawa. Oh, come on!" balewalang turan niya pero ang totoo'y may kirot siyang nararamdaman sa kaniyang puso. "Sa lagay na 'yan parang ikaw ang binasted ko."

Wala itong kibo at malayo ang tingin. Naiirita pa naman siya kapag may kausap siya tapos 'di siya pinapansin. Kung sabagay, si Thad lang ang may lakas ng loob na ganituhin siya.

"Fine! I get it." Siya na ang susuko dahil mukhang wala naman itong balak na patulan ang sinabi niya. "Okay lang sa 'kin na hindi tayo magpansinan pero sana naman huwag natin 'tong gawin sa harap ng pamilya natin. Ayokong magtanong sila kung bakit tayo humantong sa ganito dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanila."

"Magtatagal ka ba rito?"

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang binata. Sa haba-haba ng kaniyang winika ay 'yon lang ang sinabi nito. "Kararating ko lang gusto mo na kaagad akong paalisin?" Hindi niya maikubli ang galit sa tinig. "Huwag kang mag-alala dahil hindi ako magtatagal dito. Magtiis ka hanggang dalawang buwan, pinakamahaba na ang tatlo kung papayagan ako."

"Bakit ka bumalik?"

"Kailangan ko bang ipaliwanag sa 'yo?" singhal niya rito. Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo. "Mabuti pa ngang huwag na tayong magpansinan. Naiirita ako sa 'yo."

Padabog na isinara niya ang bintana. Padapa siyang humiga sa kama. Sinubsob niya ang mukha sa unan. Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa sama ng loob.