Chapter 12 - Chapter Eleven

Naloka siya kay Bruce. As usual, babae ang problema nito, but obviously, mukhang tinamaan talaga ang loko sa pagkakataong 'yon. Naglaro lang naman sila kanina ng pinakapaborito nitong laro, ang maglaro ng feelings ng iba. Kinasangkapan lang naman siya ni Bruce para magpanggap na fling nito. Pumayag siya dahil gusto nitong pagselosin ang babaeng matagal na nitong gusto kaso ayaw isugal ang puso sa binata.

"Salamat sa pagtulong mo," wika ni Bruce paghimpil ng kotse nito sa tapat ng bahay ni Tita Gina.

"Magpasalamat ka kapag nagkatuluyan kayo, pero huwag mo akong sisisihin kapag lalo siyang lumayo sa 'yo dahil sa ginawa natin."

"Alam ko ang consequence no'n."

"Mabuti naman kung ganoon." Tinaggal niya ang seatbelt saka binuksan ang pinto ng kotse subalit pinigilan siya ng binata. "Bakit?"

"Pagbubuksan kita ng pinto."

"Kaya ko na 'to."

"I'm doing you a favour. Magtiwala ka sa 'kin." Bago pa siya muling makapagtanong ay mabilis itong bumaba mula sa sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto at inalalayan palabas ng kotse.

"Anong mayroon?" takang tanong niya rito. "At ano 'yong sinasabi mong favour?"

"Minsan kong pinangarap na maging akin ka pero alam ko namang siya lang ang nakikita mo. Kaya isinantabi ko ang feelings ko sa 'yo dahil alam kong walang makakapalit sa kaniya riyan sa puso mo."

Great! Malayong-malayo ang sagot nito sa kaniyang tanong. "Ano bang sinasabi mo?"

"You can deny it but you can't hide it. You're still in love with him. Tama ba?" Malungkot na ngiti ang isinagot niya kay Bruce. Niyakap siya ng binata at gumanti rin siya ng yakap dito. "You're my first love. Hindi ko ipinilit ang sarili ko noon sa 'yo dahil alam kong may gusto kang iba. Dapat kayo ang magkatuluyan ni Thad. Tutulungan kita."

"Bruce." Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "What do you mean?"

"Basta."

"Bruce, umayos ka. Kilala kita kaya huwag kang gumawa ng kalokohan." Hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi. Hinalikan siya nito sa pisngi saka umikot patungo sa driver's seat. "Bruce!" Hindi pa ito nakakasakay sa kotse nang tawagin niya.

"Bakit na-miss mo kaagad ako?" Pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito. Alam niyang may binabalak ito pero hindi siya sigurado kung maganda ba 'yon o hindi. "O gusto mo pa ng kiss?" Medyo nilakasan nito ang boses na hindi niya ma-gets dahil hindi naman ganoon kalayo ang agwat nila. "Don't worry, magkikita tayo mamaya sa panaginip mo. I love you, Babe." Kumindat ito at nag-flying-kiss bago tuluyang pumasok sa kotse at umalis.

Iniinis lang siya ni Bruce. Ginamit pa talaga nito ang salitang 'babe'. Naalala niya tuloy ang endearment ni Thad at Nathalie. Malilintikan sa kaniya si Bruce kapag muli silang nagkita.

Pagpihit niya paharap sa gate ay nasorpresa siya nang makita si Thad. Kung kanina sa restaurant ay 'di maipinta ang mukha nito, ngayon ay mas lalong lumala.

"Uy, Franco, anong ginagawa mo sa labas?"

"Dis-oras na ng gabi. Bakit ngayon ka lang dumating? Ilang beses akong nag-text at tumawag pero ni minsa'y 'di ka sumagot."

"Ganoon ba?" 'Di niya pinansin ang galit sa boses nito. "Naka-silent mode kasi ang phone ko. Pasensiya na." Sinadya niya 'yon dahil alam niyang tatawagan siya ni Thad at baka pagselosan pa siya ng nobya nito.

"Ganyan ka naman palagi. Kapag si Bruce ang kasama mo nakakalimutan mong mayroong isang Thad sa buhay mo." Mahihimigan ang hinanakit sa tinig nito. "Palagi akong nawawalan ng halaga sa 'yo kapag nandiyan siya."

Napaawang ang kaniyang bibig sa pagkabigla sa sinabi nito pero agad din siyang nakabawi. Nilapitan niya ang binata. "Thad, nakainom ka ba o may sakit ka?" Inamoy niya ang binata pero mabango naman ito. Sinalat niya ang noo at leeg nito pero wala itong lagnat. "Ah! Alam ko na." Pumitik siya sa hangin. "Balak mo bang mag-audition para maging artista? Nagpa-practice ka, 'no?"

"Huwag mong ilihis ang usapan," seryoso nitong turan dahilan upang kabahan siya. "Ikaw ang nagsabi sa 'kin na kapag may problema ako sa isang tao'y sabihin ko. Heto na, sinasabi ko sa 'yo."

So, kasalanan pa niya ngayon kung bakit ito naging prangka? Tiyak na hindi siya makakatulog sa sinabi nito. "Thad, hindi ko alam kung saan at kung anong pinanggagalingan ng sinabi mo. Mahalaga ka sa 'kin at ganoon din si Bruce dahil—"

"Boyfriend mo na ba si Bruce?" Hindi siya kumibo. Nawiwindang siya sa lumalabas sa bibig ng binata. Ang lalong ikinawindang niya'y ang selos na nababanaag niya sa mata ni Thad. "Halata naman pero tinanong ko pa. Niyakap ka niya. Hinalikan ka niya. Sinabihan ng I love you. Tinawag na babe. Siyempre kayo na."

Gets na niya kung bakit ganoon ang ikinilos ni Bruce kanina. Marahil nakita nito si Thad kaya naging sweet ito sa kaniya. Siguro pinagseselos nito si Thad. Itong si Thad naman, galit agad. Ano naman kung totoong sila na ni Bruce? Hindi niya nga kwinestyon na magpapakasal ito kay Nathalie dahil wala siyang karapatan.

"Magkaibigan lang kami ni Bruce," pagtatama niya sa maling akala nito. "Para namang 'di mo kilala 'yon. Talagang ganoon lang si Bruce."

"Talaga? Hindi kayo pero pumayag kang halikan niya."

"Sandali lang, ano bang problema mo?" Hindi niya mapigilang magtaas ng boses. Hindi naman sila naglaplapan sa harap ng maraming tao 'di tulad ng ginawa nito at ni Nathalie. "It was a simple kiss. Puwede niyang gawin sa ibang babae at puwede kong gawin sa ibang lalaki. Thaddeus, nasa twenty-first century tayo! Sa ibang bansa normal ang mag-french kiss sa publiko."

"Ganoon ba?"

"Oo."

"So, okay pala kung gawin ko 'yon?"

Bago pa siya makapagtanong kung anong gagawin nito'y pinatahimik na siya ni Thad sa pamamagitan ng halik. Marahas nitong inangkin ang kaniyang labi. She didn't expect that her first kiss would be like this. Yes, she fancied to do it with Thad, but not like this. She didn't respond to his kiss. She felt numb then cried.

Tumigil ang binata sa paghalik sa dalaga nang maramdaman nito ang pagpatak ng luha ng babae. "Lizzy…"

"This is too much," wika niya sa pagitan ng paghikbi. "Why are you doing this to me? Hindi kita maintindihan."

"I'm sorry."

"I'm sorry? Para saan?"

"I'm sorry for everything." She could see the pain in his eyes but she couldn't understand why. "I'm sorry, Lizzy." Akmang yayakapin ng binata ang dalaga subalit umiwas ang huli.

"Stop saying that you're sorry. Dahil hindi ko alam kung anong hinihingi mo ng tawad." Pinahid niya ang luhang naglandas sa kaniyang mukha. "I think it's a wrong idea that we reconciled. We better not to be friends again."

"Lizzy, please don't do this to me." Hinawakan nito ang kaniyang kamay subalit iwinaksi niya 'yon. "Let's talk," pagmamakawa nito. Nanunubig ang sulok ng mga mata nito.

"We'll talk, but not right now. Magulo ang isip ko at palagay ko'y ganoon ka rin." Hinaplos niya ang mukha nito. Hinawakan naman nito ang kaniyang kamay na nakalapat sa mukha nito. "It's getting late. Magpahinga na tayo." Binawi niya ang kamay na hawak ng binata. Tinalikuran niya ito at 'di nagtangkang lumingon pa.