Chapter 16 - Chapter Fifteen

Darn! Umiikot ang kaniyang paningin. Muntik na siyang matumba pagbaba ng taxi. Mabuti't mabilis niyang nai-balance ang katawan dahil kung hindi ay baka nasubsob siya sa kalsada. Malakas ang tama ng huling alak na kaniyang nainom. Shushunga-shunga kasi siya. Basta-basta na lang siyang nang-aagaw ng inumin kaya 'yan ang napala niya.

"You're so stubborn. Talagang umuwi kang mag-isa." Nilapitan siya ng binata at saka inalalayan. Siguro magkasunod lang silang dumating doon. "Ikaw lang ang nag-iisang babae na nagpapasakit ng ulo ko. What should I do to you?"

"Huwag mo na akong pagalitan." Wala siya sa mood makipag-away rito. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at saka niyakap ang binata. "Masakit ang ulo ko at nahihilo ako. Gusto ko nang matulog."

"Give me the keys." Kumalas ang dalaga sa pagkakayakap dito. Kinapa niya ang susi mula sa bag saka inabot sa binata. "Hawakan mo ang braso ko. Aalalayan kitang maglakad dahil baka matumba ka."

"Buhatin mo na lang ako," inaantok niyang wika. Wala na siyang lakas upang maglakad.

Napipikong tingin ang ipinukol nito sa kaniya. "Aalalayan o kakaladkarin kita?" Nauubusan na yata ito ng pasensya sa kaniya kaya sinunod niya ang gusto nito.

HINDI LANG pagkapit ang ginawa ng dalaga sa kaniyang braso kundi humilig din ito sabay pikit ng mata. "Elizabeth, 'wag kang matulog sa braso ko. Paano tayo maglalakad nito?"

Ilang beses niya itong kinausap subalit walang sumagot sa kaniya kaya napilitan siyang buhatin ito. Mukha siyang kargador ng bigas habang pasan ang dalaga sa kaliwang balikat habang ang dalawa niyang kamay ay nakapulupot sa hita nito upang 'di niya ito mabitawan. Nakayukyok naman ang ulo ng dalaga sa kaniyang likod.

"Ang bigat mo."

"Put me down. Wala namang pumilit sa 'yo na kargahin ako," nanghihinang wika ni Elizabeth. Marahan nitong sinusuntok ang kaniyang likod. Ito pa ang galit samantalang ito naman ang nagsabi na buhatin niya ito. "Ang sama mo, Franco, ang sama-sama mo! Sinira mo ang dalawang bagay na mahalaga sa 'kin."

Hindi niya pinansin ang sinabi sa kaniya ng dalaga kahit gusto niyang malaman kung ano 'yon. Hinayaan niya rin itong suntukin siya sa likod. Mabilis niyang binuksan at isinara ang gate. Ganoon din ang ginawa niya sa pinto nang makarating sila sa loob.

Pagpasok nila sa bahay ay dahan-dahan niyang ibinaba ang nagwawalang dalaga. Naalarma siya nang makitang umiiyak si Elizabeth. Pinunasan niya ang luha nito saka marahang niyakap. Pumalag ito subalit mas malakas siya rito kaya nakulong ito sa kaniyang bisig.

"Ano ba 'yong dalawang bagay na sinira ko?" malambing niyang tanong habang hinahalikan ang tuktok ng ulo nito. "Baka puwede nating gawan ng paraan."

"Paano magagawan ng paraan, eh, ninakaw mo na ang first kiss ko? Hindi mo na 'yon maibabalik. Okay lang sana kung hindi ka naging harsh."

He chuckled. Likas na madaldal si Elizabeth pero 'di niya inaasahan ang ginawa nitong pag-amin. Marahil nakatulong ang alak na ininom nito. But he was glad. He couldn't believe that he was her first kiss.

Tinulak siya ng dalaga. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Nothing." He cupped her face. Hindi niya hiniwalay ang tingin sa dalaga. "I think I can do something about it. Please consider this as your first real kiss."

Unti-unti niyang nilapit ang mukha sa dalaga. Masuyo niyang inangkin ang labi nito. Noong una'y wala itong naging reaksyon. Pinagpatuloy niya ang ginagawa hanggang sa tugunin nito ang kaniyang halik. Hinapit niya sa baywang ang dalaga at ikinawit naman nito ang mga kamay sa kaniyang leeg.

He urged her to open her mouth using his tongue. The kiss became deeper. He tasted her. His tongue twined around hers. They're both running out of breath when their lips parted but their nose and forehead meet without breaking eye contact.

"I hope that I did better this time." She nodded and smile shyly while her cheeks blushed. "Ano pa 'yong isang reklamo mo?"

She frowned. "Binuhat mo ako na parang isang baboy ramo na walang malay na malapit nang katayin. Bakit sa ganoong paraan mo ako binuhat? Puwede namang gaya nang sa bagong kasal o kaya piggy back." Naniningkit ang mga mata nito at nanunulis ang nguso habang nagsasalita. Hinawakan niya ang kurba ng baywang nito saka maingat na inangat. "What are you doing?"

"Put your legs around my waist," utos niya sa dalaga imbes na sagutin ang tanong nito. Tumalima si Elizabeth subalit nagtatanong ang mga mata nito. "So, I can have a better access on your lips while I'll carry you upstairs," sagot niya sa piping tanong nito.

Then, he claimed her lips. She responded to his kiss with the same intensity. Sapo niya ang pang-upo ng dalaga gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa niyang kamay ay nakasuporta sa likod nito samantalang ang kamay nito'y nakapulupot sa kaniyang leeg. Dahan-dahan siyang humakbang sa bawat baitang ng hagdanan na hindi naghihiwalay ang kanilang labi hanggang sa makarating sila sa tapat ng kuwarto ng dalaga.

Maingat niyang ibinaba si Eizabeth saka isinandal sa pinto. Habol nila ang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Masuyo niyang ginawaran ng halik ang buong mukha ng dalaga. Naglakbay ang halik niya papunta sa puno ng tainga nito, papunta sa leeg, at pabalik sa labi.

"Thad…" anas nito na tila musika sa kaniyang pandinig niya. "This is stupid. We're not supposed to do this."

"This is not stupid because I love you. The only stupid thing I did was letting you go without letting you know how much I felt for you."