Nag-uumpisa na ang program pagdating nila sa reception. Hindi niya alam na maraming celebrity at press na dadalo sa kasal ni Leina. Noong nasa simbahan kasi sila'y mangilan-ngilan lang ang kaniyang nakita. Mabuti na lang at naisipan niyang magbihis ng damit.
Dumaan sila sa bahay ni Bruce upang kunin ang sasakyan nito dahil ayaw pumayag ng binata na mag-commute sila kasi mainit ang panahon. Kaya hindi nito dala ang kotse kanina dahil nililinisan 'yon pag-alis ng binata.
Ayon dito, wala itong planong pumanta sa kasal pero nang sabihin ng ina nito na darating siya ay pumunta ito. Walang rin sanang balak si Bruce na pumunata sa reception pero nang makita siya ng binata ay nagbago ang isip nito. Nagbihis ang binata ng damit kaya dumaan sila sa bahay ni Tita Gina upang makapagpalit din siya.
"Taba, pinagtitinginan tayo ng mga tao. Akala siguro nila ay tayo ang kinasal dahil hawak mo ang bouquet at nakakapit ka pa sa braso ko."
"Ha?" Napatingin siya sa kaliwang kamay. Hawak niya nga ang bouquet. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Nawala sa isip niya na iwan 'yon sa kotse ng lalaki.
"Ang cute mo kasing tingnan."
"Ha! Ha! Ha!" She faked a laughed. "Mukha akong timang Bruce," bigla siyang sumeryoso.
"Hayaan mo na. Bagay naman sa 'yo at saka guwapo 'tong kasama mo kaya hindi nila mapapansin na mukha kang timang."
"Ewan ko sa 'yo."
Nilibot niya ang tingin sa paligid. Hinahanap niya kung saan banda nakapuwesto ang kaniyang pamilya subalit iba ang nakita niya. Nahuli niyang naka-focus sa kaniya ang camera na hawak ni Thad. Siguro napansin nito na nakatingin siya dito kaya binaba nito ang camera.
Their gazed met. He was intently looking at her with eyes full of admiration. Napako ang tingin nila sa isa't isa at walang may gustong umiwas ng tingin. Natinag lang sila nang magsalita si Leina. Sabay silang napalingon sa babae.
"Everyone is asking me kung sinong henyo ang gumawa ng wedding gowns ko." Gowns dahil nagpalit ito ng wedding gown pagdating sa reception. "I know her since she was born. She's like a sister to me and I really love this girl." Nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya.
"Ikaw ang nagdesign ng gown niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Bruce pero puno ng amusement ang mga mata.
"Ako mismo ang nag-design at gumawa." Siya mismo ang nagtahi ng gown na kaniyang denisenyo dahil regalo niya 'yon kay Leina.
"Nagbunga pala ang kalokohang ginagawa mo noon." Tuwang-tuwa ito sa nalaman. "I'm so proud of you Elizabeth," sincere nitong pahayag.
"Thanks!"
Walang nakakaalam sa mga kakilala niya sa Pilipinas na isa siyang fashion designer sa isang sikat na clothing line sa buong mundo. Kahit mga kamag-anak niya ay walang alam tungkol doon dahil isinekreto niya 'yon. Nalaman lang ni Tita Gina dahil nagpresinta siyang gagawin ang gown ni Leina nang mabalitaan niyang ikakasal ito.
"Please help me welcome, Elizabeth Marie Lopez." Mahihimigan sa boses nito ang pagiging proud sa kaniya. Sino naman kasing mag-aakala na magtatagumpay siya samantlang nuknukan siya ng tamad noon. "She's famously known as Lizzy Lopez, the world-class fashion designer." Pumalakpak it sabay senyas na umakyat siya sa stage. Nagkislapan ang mga camera.
"World-class fashion designer," namamanghang ulit ni Bruce sa sinabi ni Leina habang naglalakad sila patungo sa stage. Nagsilbi itong escort niya. "Ibig sabihin ikaw ang Lizzy Lopez na bukambibig ng maarte kong kapatid. Narinig kong pupunta sila ng mga kaibigan niya sa fashion show na gaganapin dito sa Pilipinas," saglit itong natigilan. "Nandito ka ba para sa fashion show?"
Ngumiti siya bilang tugon.
"I'm the luckiest bastard in the world because I'm your friend." Ngumiti din ito, 'yong ngiting tagumpay. "Ipapa-frame ko 'yong polo ko na pinirmahan mo noong graduation natin."
"Sira!"
LIZZY LOPEZ. He heard the name several times. Isa si Lizzy Lopez sa paboritong fashion designer ng nobya niyang modelo. Gusto ni Nathalie na makilala ng personal ang fashion designer na iniidolo nito. Wala siyang kaalam-alam na kaibigan niya pala—noon. Wala kasi siyang nabalitaan tungkol sa dalaga simula nang pumunta ito sa France. Ang totoo'y ayaw niyang makarinig ng balita tungkol dito.
"Lizzy," wala sa loob na anas niya. Iyon ang tawag niya sa dalaga sa tuwing silang dalawa lang ang magkasama.
Umakyat ng stage ang dalaga samantalang nagpaiwan sa baba si Bruce. Malapad ang ngiti ng lalaki. Hindi nito maitago ang paghanga sa dalaga. He wanted to do the same but he couldn't.
Pinaupo ni Leina si Elizabeth sa silya. Tinawag nito ang kalalakihang single na pumunta sa harap ng stage dahil ihahagis na ni Dave ang wedding garter na hinubad ng lalaki mula kay Leina. Ang sino man na makakasalo ng wedding garter ay isusuot 'yon sa nakasalo ng bouquet. Mabilis niyang tinahak ang direksyon patungo sa harap ng stage dahil 'di siya papayag na may ibang makasalo ng wedding garter.
"Babe, where are you going?" tanong ni Nathalie nang maraanan niya ito. Hindi narinig ng binata ang sinabi ng kasintahan kaya nilagpasan niya ito. Naiwang nakatulala si Nathalie. Punong-puno ng pagtataka ang maganda nitong mukha.