Chapter 4 - Chapter Three

She was the most stupid girl in the world. Napagtanto niyang naka-disguise siya kaya hindi siya namumukhaan ng binata. Mabuti na lang may dumating na babae at nakahanap siya ng pagkakataon upang layasan ito. Narinig niyang 'babe' ang tawag nito sa binata. Parang ayaw na tuloy niyang pumunta sa reception dahil magmumukha lang siyang tanga kapag wala siyang ibang kausap doon.

Wala siyang naintindihan sa wedding ceremony dahil okupado ang isip niya. Si Thad ang bestman at ang nobya nito ang maid of honor. Kung hindi niya tinanggihan si Ate Leina, dapat siya ang nasa puwesto ng babae. Nasa huli talaga ang pagsisisi. 'Di bale na. Siguro kapag hindi meant to be, hindi talaga.

"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari. Iyon lang yata ang tanging sinabi nito na naintindihan niya.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao nang pagsaluhan ng bagong kasal ang isang matamis na halik. Hindi niya maiwasang mainggit. Sa edad niyang twenty-six ay wala pang nakakahalik sa labi niya. Kapag gumunaw ang mundo anytime ay mamamatay siyang virgin at ni halik ay 'di niya natikman.

Lumabas siya ng simbahan bago maubos ang kaniyang oras sa pagse-self-pity. Sa labas na siya maghihintay. For sure, magpi-picture taking ang mga ito at ayaw niyang makisali dahil naroon si Thad kasama ang girlfriend nito.

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ang bagong kasal. Nagpaulan ang mga tao ng petals. Nakita niya si Thad kasama ang nobya nito. Bigla tuloy niyang naisip na ang dalawa ang ikinakasal habang nagpapaulan siya ng thumbtacks. Mas gusto niyang kutsilyo at palaso ang isaboy sa mga ito kaso masyadong brutal kaya thumbtacks na lang.

"Ang bitter ko," bulong niya sa sarili. Kung ano-ano ang kaniyang naiisip. Nasa simbahan pa man din siya.

Maya-maya'y nagsimulang mag-umpukan ang mga kababaihan. Nahulaan na niya kung anong gagawin ng mga ito. Napangisi siya sa kaniyang binabalak. Nagkaroon ng sariling isap ang kaniyang mga paa at tinahak ang kinaroronan ng mga babae. Makiki-join siya sa pagsalo ng bouquet. Hindi dahil gusto niyang siya ang makasalo n'on kundi gusto niyang makigulo. Masayang-masaya kasi siya kapag may nagawa siyang kakaiba lalo na kapag kalokohan 'yon.

Nagbigay ng cue ang bride sabay hagis ng bouquet. Suwerteng pumanta sa direksyon niya ang pumpon ng bulaklak. Dahil likas na matangkad ay madali niyang nasalo ang bouquet. Idagdag pa na nakasuot ng gown at heels ang kaniyang mga katunggali kaya chicken na chicken sa kaniya ang pagsalo ng bouquet.

"Yes!" Mistula siyang batang nakakuha ng prize sa pabitin. "I'm gonna be the next bride!" sigaw niya pero hindi siya naniniwala sa pamahiin na ang babaeng makakasalo ng bouquet ng bride ang sunod na ikakasal.

"Ate, bakit mo ako inagawan?" maktol ni Brenda, panganay na anak ni Tita Gina at Tito Benjie. "Bigla kang sumusulpot."

Dinutdot niya ang noo ng pinsan. "Ang bata-bata mo pa. Ako muna ang unang ikakasal bago ikaw," sermon niya rito. "Don't worry dahil kapag ikinasal ako, ibibigay ko kaagad sa 'yo ang bouquet."

"Promise?"

"Gusto rin." Muli niyang dinutdot ang noo nito. "Mag-aral kang mabuti bago ka mag-MD."

"Master's degree? Eh, aral pa rin 'yon," reklamo nito. "Puro na lang aral ang gagawin ko, tatandang dalaga ako niyan."

"Sinong may sabing master's degree ang tinutukoy ko?"

"Ano pala?" Nakakunot ang noo nito na waring iniisip kung may ibang ibig sabihin ang MD. "Master's degree naman talaga 'yon, ah."

"Mali." Umiling siya. "Marriage Degree."

Bumunghalit ito ng tawa. "Puro ka kalokohan, Ate."

"Elizabeth, kanina ka pa namin hinahanap ng Tito Benjie mo." Sabay silang napalingon ni Brenda sa ginang. "Nandito ka lang pala."

She wanted to say something but the bride and groom appeared. Kasama ang pami-pamilya ng mga ito. Siyempre present si Thad at ang girlfriend nito na nakalingkis sa binata. Waring takot itong maagawan ng boyfriend.

Binati niya ang bagong kasal saka siya nakipagbeso. Ganoon din ang ginawa niya kay Tita Carmie. Hinuli niya si Thad, balak niyang hindi ito batiin kaso baka magmukha siyang bitter loser kaya kahit labag sa loob ay binati niya ito. Mukhang kilala na siya nito pero tinanguan lang siya ng binata. Aaminin niyang medyo na-hurt siya.

"Hoy Franco, ang tagal nating hindi nagkita pero ganyan ang isasalubong mo sa 'kin," sita niya sa binata kahit kasama nito ang nobya. "Pinagbintangan mo pa akong manggugulo sa kasal."

"I'm sorry." Humingi ito ng tawad pero hindi apologetic ang boses nito. "Hindi kita nakilala."

Oo nga pala, kasalanan niya dahil naka-disguise siya. Gusto niyang humingi ng tawad dahil tinarayan niya ito kanina pero nagbago ang isip niya dahil sa cold treatment na ibinigay nito sa kaniya.

"I know that my attire is not appropriate for the event. I'm sorry." Humingi siya ng paumanhin kay Leina, hindi kay Thad. "Baka pagkaguluhan kasi ako kapag nagsuot ako ng gown sa meeting," biro niya sabay tawa.

Leina grinned. "Don't say sorry. You look gorgeous even if you're only wearing a shirt and skirt," puri nito. "Sino kaya ang masuwerteng lalaki ang mapapangasawa mo? Nakipag-agawan ka talaga kanina sa pagsalo ng bouquet."

"Oh!" Naalala niya ang hawak na bouquet. "Wala pa akong balak na mag-asawa. I did it just for fun."

"It seems like you don't respect the tradition," may halong inis sa boses ng nobya ni Thad. "Maraming babae ang nakipag-agawan sa bouquet dahil sa paniniwalang kung sino ang makakasalo ng niyon ang sunod na ikakasal. You ruined it! Because for you, it was just for fun."

Hindi niya maiwasang magtaas ng kilay. Overreacting naman ang jowa ni Thad. For sure, hindi lahat ng gustong sumalo ng bouquet ay gustong ikasal. "Life is boring without fun," balewala niyang sagot sa pagmamaktol nito. Wala siyang pakialam sa ano mang ipinaglalaban nito.

"You hurt Nathalie because of your stupid deed," napipikon na sabi ni Thad. Noon niya lang napansin na may galos ang siko ng babae. Well, 'di niya sinsadya kung siya ang dahilan ng pagkakaroon nito ng galos. "Next time, think before you act."

Ang sakit naman nitong magsalita. Parang ang laki ng kasalanan niya at sa paraan ng pagsasalita nito'y parang sa lahat ng oras ay 'di siya nag-iisip bago kumilos.

"It's not Elizabeth's fault. It was an accident," pagtatanggol ni Tita Carmie sa kaniya. "Isa pa, hindi naman si Elizabeth ang nakabunggo kay Nathalie kaya siya natumba. Nawalan ng balanse ang nasa likod ni Elizabeth at 'yon ang nakabunggo kay Nathali," paliwanag nito.

"It's okay, Tita. May kasalanan din naman ako. Hindi kasi ako nag-iisip bago kumilos." Sinadaya niyang ipagdiinan ang huling pangungusap na sinabi. "I'm sorry Nathalie if I hurt you unintentionally." Walang bahid na sincerity sa kaniyang boses.

"Dapat 'di ka na sumali Nathalie. Alam mo namang 'di puwedeng ma-damage ang balat mo dahil sa uri ng trabaho mo. At saka ikakasal na kayo ni Thad kaya 'di mo na kailangang makipag-agawan ng bouquet," mahinahong turan ni Leina.

Natigilan siya. Wala sa loob na napatingin siya sa kamay ng babae. She saw a beautiful engagement ring. Ang ini-imagine niya kanina ay mangyayari pala sa hinaharap. Naalala niya ang thumbtacks, kutsilyo, at pana. Naramdaman niyang pauli-ulit siyang tinutusok ng mga 'yon kaya sa araw ng kasal ni Thad, bomba ang ihahagis niya.